You are on page 1of 9

Republika ng Filipinas

Pangasinan State University

San Carlos, Kampus

Roxas Blvd. San Carlos City, Pangasinan


________________________________________________________________________
______

MASUSING BANGHAY
ARALIN SA ARALING
PANLIPUNAN

" Ang Kahulugan at Kahalagahan


ng Ekonomiks "

Ipinasa ni:

MICHELLE B. FUENTECILLA

BSE-SS 4A ( Group 3 )

Ipinasa para kay:

GINOONG ANTHONY DE LUNA

Instruktor

Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks


I. LAYUNIN

Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga uri ng morpema, ang mga sumusunod ay


inaasahan sa mga mag-aaral:

A. Naipapaliwanag ang Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks

B.Nakagawa ng isang maikling tula patungkol kahalagahan ng Ekonomiks

C.Nabibigyang-pansin ang anim anim na nagpalaganap ng kaisipang Ekonomiks

II. PAKSANG ARALIN

1. Paksa - Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks


2. Sanggunian: Internet
3. Kagamitan: Projector, laptop,
4. Pagpapahalaga: Wastong kaalaman patungkol sa pagpapahalaga sa ekonomiks.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang gawain

Panalangin

Magsitayo ang lahat, at tayo ay manalangin.

Tinatawagan ko ng pansin si Mark Anthony


Cariño, Upang pumunta dito sa harap at Panginoon maraming salamat po sa
pangunahan tayo sa pananalangin. panibagong araw na ibinigay niyo sa
amin. Maraming salamat po sa iyong
habag at pagpapala na patuloy niyong
ibinibigay sa amin. Nawa Panginoon
bigyan mo kami ng sapat na kaalaman
at karunungan upang maunawan
namin ng mabuti ang aming
tatalakayin ngayong araw. Ikaw din po
Panginoon ang manguna sa aming guro
at gabayan mo po siya. Maraming
salamat po Panginoon, sayo lamang po
ang kataas-taasang papuri at
pasasalamat. Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat!


Magandang umaga Bb. Fuentecilla

3. Pagsasa-ayos ng Silid-aralan

Bago umupo ang lahat, pakipulot muna ang


lahat ng kalat sa ilalim ng inyong mga upuan at
panatilihin din ang kaayusan ng inyong mga
upuan.
Opo, Ma'am
Tapos na ba ang lahat?
Kung sa gayon maari na kayong magsi-upo. Maraming salamat po Ma'am

4. Pagtatala ng lumiban

Daryn maari mo bang banggitin kung sino ang


mga lumiban sa ating klase ngayong araw.

Wala pong lumiban sa klase ngayong


Maraming salamat Daryn, ngayon bago tayo araw ma'am.
magsimula sa ating bagong tatalakayin
ngayong araw, tayo muna ay magbalik-aral.

5. Pagbabalik-aral:

Ang kasaysayan ng Ekonomiks

Sino sa inyo ang nakaka-alala ng ating


tinalakay noong nakaraan?

Laila, nagtataas ka ng iyong kamay, ano ang


tinalakay natin noong nakaraan?
Laila: Ma'am ito po ay patungkol sa
kasaysayan ng Ekonomiks.
Mahusay bigyan nating siya ng Limang
palakpak.
(Nagpalakpakan ang lahat)

Ano naman ang tungkol sa Kasaysayan ng ng


Ekonomiks?Miya maari mo nang ihayag ito.

Miya: Ang kasaysayan ng ekonomiks ay


nagsimula sa pagaaral ng mga bansa sa
mga bansa , halimbawa ang
pagunlad ,pagbagsak ,
pagkasira ,produksyon ng isang bansa.
Dahil ang ekonomiks ay isang agham-
panlipunan na tumatalakaysa
limitadong yaman , pangangailangan,
lubusang paggamit ng yaman sa
mundo. Ang ekonomics ay isang
pangkat ngmga disiplinang akademya
Magaling , Nagagalak ako dahil tunay ngang
na pinagaaralan ang mga aspeto ng
kayo ay nakinig at may natutunan patungkol
mundo/bansa . Sa ekonomiks
sa ating tinalakay noong nakaraan.
malalaman ang kahirapang umiiral sa
isang bansa .

B. Panlinang na Gawain

1.Paggaganyak

Bago natin pormal na umpisahan ang ating


talakayan, mayroon akong inihandang
maikling paggaganyak. Hahatiin ko kayo sa
tatlong grupo, at mag-iisip kayo ng isang bagay
na sa tingin niyo ay pinakamahalaga sa tao, at
ipapaliwanag niyo kung bakit iyan ang inyong
napili. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto
upang mag-isip at dalawang minuto upang
ipaliwanag ito sa harap.

Handa na ba ang lahat? Opo Ma'am.


Okey, Kayo na ay magumpisa. Salamat po Ma'am.

(Pagkalipas ng tatlong minuto)

Okey tapos na ang oras, unang grupo


ipaliwanag niyo na sa harap ang bagay na sa
tingin niyo ay pinaka importante at ganon din Unang grupo (Pera)
sa ikalawa at ikatlong grupo. BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG
PERA???

Mahalaga ang pera sa tao dahil wala


na libre sa mundo. Lahat ay binibili na
ng pera, tulad ng pagkain, tubig, bahay,
damit, gamot etc.Pag wala kang pera
wala ka din kakainin at wala kang
matitirhan, mamamatay ka sa gutom
at sakit kung wala kang pera. Minsan
pa nga, Pati ang dignidad, kalayaan at
katungkulan ay nabibili narin ng pera
dahil sa ngayon talagang pera ay
mahalaga

Ikalawang grupo (Pagkain)

Napakaimportante ng pagkain sa
buhay ng tao. Malaking bagay ang
wastong pagkain sa ating kalusugan.
Hindi importanteng kumain tayo ng
mamahaling pagkain lalo na iyong mga
imported. Ang mahalaga ay ang mga
pagkaing nagtataglay ng tamang
sustansiya gaya ng sariwang prutas at
gulay at pag inum ng gatas at
madaming tubig. Ang pagkain ng wasto
ay ang ating pundasyon para sa
malusog na pangangatawan.

Ikatlong grupo (Pag-aaral)

Ang edukasyon ay mahalaga para sa


bawat mamamayan kasi kapag ang
isang mamamayan ay nakatapos ng
pag-aaral mas malawak ang kanyang
kaisipan at makakatulong ito sa
pagpapaunlad ng isang bansa. Ang
edukasyon ay isang daan tungo sa
pagiging matagumpay ng isang
partikular na tao o bansa kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng
isang lipunan ay hindi magkakaroon ng
isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon maaring
maging mahirap para sa kanilang
abutin ang pag unlad.
Napakahusay ninyong lahat, Bigyan ninyo ang
inyong mga sarili ng limang palakpak.
(Pumalakpak ang buong klase)
Ang mga iyan ay may kaugnayan sa ating
tatalakayin sa araw na ito.

C. Paglalahad ng Aralin

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay


patungkol sa kahulugan at kahalagahan ng
ekonomiks.

May ideya ba kayo patungkol dito?


Wala po Ma'am.

Kung sa ganon atin ng simulan ang talakayan


upang malaman na ninyo ang kahulugan at
ang kahalagahan ng ekonomiks.

1. Pagtatalakay

Himay himayin natin ang ating talakayan ,


unahin natin ang kahulugan ng ekonomiks,
ano nga ba ito, Sabay sabay ninyong basahin
ang nasa slide.
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng
Agham Panlipunan na nag- aaral kung
paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang yaman. Ito
ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia, ang oikos ay
nangangahulugang bahay, at nomos ay
pamamahala. Ang ekonomiya at
sambahayan ay maraming
pagkakatulad .
Mapakagaling ninyo,

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nalilinang ang


mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan, at
pangmoralidad ng mga tao. Ang ekonomiks ay
isang sangay ng agham panlipunan kung saan
ang tuon ay pag- aralan ang mga kilos, gawi, at
lahat ng pagpupunyagi ng tao na
maghanapbuhay at ang pagsisikap ng
pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na
nakakaapekto sa pamumuhay ng tao.
Isinasagawa ang Siyentipikong Pamamaraan
upang suriin ang mga suliranin at kaganapan
na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya.

Ano ulit ang kaisipang nililinang ng ekonomiks (Sabay sabay sumagot)


sa mga tao?
Kaisipang pampolitika,
pangkabuhayan, at pangmoralidad ng
mga tao.

Mahusay, Dumako naman tayo ngayon sa


kahalagahan ng Ekonomiks. Mahalaga ang
ekonomiks dahil ito ang nagbibigay kasagutan
sa mga katanungang ating iniisip. Sa pag aayos
at pagpaplano ng gawain sa ating tahanan ay
gumaganap ng malaking parte ang ekonomiks
tulad na lamang sa aspeto ng pagtipid o pag-
budget ng pera para matustusan ang mga
pangangailangan ng pamilya at makapagtabi
nang sapat para sa mga hindi inaasahang
pangyayari.Dahil sa ekonomiks ay ating
nalalaman kung paano susolusyunan ang kung
ano mang trahedya hindi mabuting dinadanas
ng ating ekonomiya. Ang estado ng ating
ekonomiya ay siya ring nagsasalamin ng
sasapitin ng mga mamamayan sa kani-kanilang
pamumuhay.Ang ekonomiks ang nagsisilbing
gabay sa atin sa pang araw-araw upang ating
malaman kung anong susunod na yapak ang
ating gagawin.

Ang Paglaganap ng Kaisipang Ekonomics

• Xenophon – Mabuting pamamahala at


pamumuno -> Oiconomicus

• Plato – Espesyalisasyon at division of labor ->


The Republic

• Aristotle – Pribadong pagmamay-ari ->


Topics and Rhretoric

• Mercantilist – Paglikom na yaman sa


paggamit ng likas na yaman tulad ng lupa,
ginto, at pilak

• Francois Quesnay at Physiocrats –


pagbibigay halaga sa kalikasan at paggamit ng
wasto sa mga yamang likas

• Tableu Economique – nagpapakita ng paikot


na daloy ng produkto at serbisyo sa
ekonomiya

Sino sino ulit ang anim na nagpalaganap ng


kaisipang Ekonomiks? Esmeralda nagtataas ka Esmeralda: Ito po ay sina Xenophon,
ng iyong kamay. Plato, Aristotle, Mercantilist, Francois
Quesnay at physiocrats at Tableu
Economique

Tompak, magaling Esmeralda.

Naintindihan na ba ninyo ang kahulugan at Opo Ma'am.


kahalagahan ng ekonomiks?

2. Paglalahat

Ano ang Ekonomiks? (Nagtaas ng kamay at nagsagot)

Saan nagmula ang salitang oikonomia? Alucart: Ang Ekonomiks ay isang


sangay ng Agham Panlipunan.
Tungkol saan ang tinalakay natin ngayon?
Esmerlda: Sa salitang griyego

Zilong: Patungkol sa kahulugan at


kahalagahan ng Ekonomiks

3. Paglalapat

Ngayon na alam na ninyo ang kahulugan at


kahalagahan ng ekonomiks, magkakaroon tayo
ng pangkatang gawin. Kayo ay mahahati sa
dalawang grupo, kayo ay gagawa ng maikling
tula patungkol sa kahalagahan ng ekonomiks.
Bibigyan ko kayo ng Pitong minuto upang
gawin ito at pagkatapos ay bibigkasin ng isang
kinatawan sa harap ng klase.

Rubriks

Napakagalin Katamtaman Nangangailna


g gan ng
(3) pagsasanay
(5)
(1)

Napakagalin Bahagyang Mababaw at


g at may lalim literal ang
makabuluha ang kabuoan kabuoan ng
n ang tula ng tula tula
( Ang bawat grupo ay gumawa ng
Gumamit ng Gumamit ng Wala ni isang tahimik)
mga simbolo 1-2 simbolo pagtatangkan
na na nakalito g ginawa
nagpapahiw sa mga upang
atig na mambabasa makagamit ng
nakapagpais simbolo.
ip sa mga
mambabasa.

Gumamit ng May Walang sukat


pinakamahu mangilangila at tugma sa
say at n sukat at mga sinulat.
angkop na tugma
sukat at
tugma

Nakagaling ninyong lahat, ako ay pinabilib niyo


sa inyong mga ginawang maikling tula, nawa
ay naunawaan ninyo ng mabuti ang ating
tinalakay sa araw na ito. Palakpakan niyo ang
inyong mga sarili.

(Nagpalakpakan ang lahat)

4.Pagtataya

Isulat ang (√) tsek kung tama at (x)ekis kung mali. 2 puntos kada tanong.

________ 1.Ang ekonomiks ay aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao

________ 2. Ang ekonomiya at sambahayan ay walang pagkakatulad .

________ 3. Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan.

________ 4.Mahalaga ang ekonomiks dahil ito ang nagbibigay kasagutan sa mga
katanungang ating iniisip.

________ 5. Sampung tao ang nagpalaganap ng kaisipang ekonomiks.

Mga Susing sagot

1. ✓

2. X

3.✓

4.✓

5. X

V. TAKDANG ARALIN:

Saliksikin ang mga sumusunod:

(limang puntos daka isa)


1. Ano ang pagkonsumo at produktion?

2. Ano ang ibig sabihin pangangailangan at kagustuhan ng tao?

You might also like