You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Pamantasang Normal ng Leyte


Lungsod ng Tacloban
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Gurong Nagsasanay: Arceno, Arian Joy M. Gurong Tagapangasiwa: Gng. Roxanne O. Embog
Arica, Bianca Joy A.
Atay, Mark Jesse P.
Bagulaya, Kyle Sairen G.
Bertis, Mark Niel R.
Catenza, Hillary Shane M.
Dagami, Jonathan P.
Gamba, Regien M.
Gebe, Ralph Lauren G.
Gerilla, Nicole L.
Makabenta, Ralph Jansen P.
Montilla, Ronalyn
Nogar, Klodine C.

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
1. Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at pangangailangan
at kagustuhan (AP9MKE-If-12)
2. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan
ang pangangailangan (AP9MKE-If-13)
3. Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t-ibang sistemang pang-
ekonomiya bilang sagot sa kakapusan (AP9MKE-Ig-14)
4. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo (AP9MKE-Ig-15)
5. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo (AP9MKE-Ih-16)
6. Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng
pamantayan sa pamimili (AP9MKE-Ih-17)
II. NILALAMAN
A. Aralin
1. Aralin 4: Alokasyon
2. Aralin 5: Pagkonsumo
B. Mga Kagamitan
1. Laptop at Telebisyon
2. Flash cards
3. Pisara
4. Mga larawan
C. Sanggunian
1. Libro - Alokasyon at Pagkonsumo: Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aaral Pahina 50-57, 60-69

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Magandang umaga/hapon, sa inyong lahat! Magandang umaga/hapon po,
mga guro!

Kumusta kayo? Mabuti naman po.

Mabuti naman kung ganon.

Ako nga pala si Binibining/Ginoong ___ at


kasama ko ang kapwa ko gurong nagsasanay sa
kursong BSED major in Social Studies.

(Ang bawat gurong nagsasanay ay isa-isang


nagpapakilala)

Bago tayo magsimula, tayo ay manalangin muna.


(Prayer) Amen.

Maaari nang magsi-upo ang lahat. Maraming salamat po, Binibini.

May mga liban ba sa klase ngayong araw? Wala po.

Mabuti!

Balik-Aral
(Kakapusan at Pangangailangan)
Noong nakaraang Linggo, tinalakay natin ang
konsepto ng kakapusan at pangangailangan.

Batay sa naging talakayan, ano ang kakapusan?

Ano-ano naman ang ating pangangailangan? Ang kakapusan ay kakulangan


sa pinagkukunan ng likas
yaman.

Kabilang po sa ating
pangangailangan ang damit,
pagkain, pera, at tirahan.
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Pagsusuri
Bago ang pormal na talakayan, mayroon akong
sitwasyon na ibibigay. Basahin ito nang
tahimik. Bibigyan ko lamang kayo ng isang
minuto.

Sitwasyon:
Si Mang Ramil ay isang mangingisda. Sa
isang buwan, umaabot lamang ng sampung libo
ang kanyang kinikita. Bilang padre de pamilya,
pinag-aaral niya ang dalawang anak sa kolehiyo.
Bukod dito, kailangan din niyang matugunan ang
iba pang pangangailangan ng pamilya gaya na
lamang ng pagkain, tubig at bayarin sa kuryente.
Batay sa inyong nabasa, ano ang inyong
napansin sa sitwasyon ni Mang Ramil? (tatawag Base sa aking napansin, hindi
ng estudyante) po sapat ang kanyang kinikita.

Magaling!

Batay sa nabasang sitwasyon, ano ang dapat


gawin ni Mang Ramil upang mapagkasya niya ang Matalinong pag-aalokasyon
kaniyang pera? Matalinong pagkonsumo

Ano-ano ang mga katangian ng matalinong pag-


aalokasyon? 1. Nililista ang mga bagay na
dapat bilhin tas tinitingnan kung
alin ang mas importante at
dapat unahin

2. Pagbabadyet
Ano-ano naman ang mga katangian ng matalinong
pagkonsumo? 1. Pumipili ng mura at may
dekalidad na produkto at
serbisyo.

2. Inuunang bilhin ang mga


pangunahing pangangailangan
Base sa mga nabanggit na mga katangian ng
isang matalinong pag-aalokasyon, ano ang ibig Ang alokasyon ay ang
sabihin ng alokasyon? pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman sa iba’t
ibang gamit upang matugunan
ang pangunahing suliranin ng
Tama! kakapusan.

Base sa mga nabanggit na mga katangian ng


isang matalinong pagkonsumo, ano ang ibig Ang pagkonsumo ay ang
sabigin ng pagkonsumo? pagtugon sa pangangailangan
at kagustuhan ng tao. Ito ang
pagbili at paggamit ng produkto
Tama! o serbisyo.
Ang salitang alokasyon at pagkonsumo ay ilan
lamang sa mahahalagang paksa na pag-uusapan
natin sa araw na ito.
B. Pagtalakay sa Aralin

Magkakaroon tayo ngayon ng isang laro na


tatawagin nating

Gawain 2: FOUR PICS, ONE WORD


Panuto: Pag-aralan nang mabuti ang mga
larawan. Tukuyin ang tamang salitang
ipinapakita nito. Piliin sa kahon ang angkop na
kataga. Bibigyan lamang kayo ng limang (5)
segundo bawat larawan.

Tradisyonal Pagmamando
Pamilihan Magkahalo

1.

Pagmamando

Sagot:

Tradisyonal Pagmamando
Pamilihan Magkahalo

2.

Tradisyunal
Sagot:

Tradisyonal Pagmamando
Pamilihan Magkahalo

3.

Pamilihan

Sagot:

Tradisyonal Pagmamando
Pamilihan Magkahalo

4.

Magkahalo

Sagot:

Batay sa mga larawang sinuri, ano sa palagay niyo Ito ay mga sistemang pang-
ang inilalarawan ng mga ito? ekonomiya.

Magaling! Ano ang gamit ng isang sistema sa Ang gamit ng sistema sa ating
ating ekonomiya? ekonomiya ay upang
makatugon sa suliraning
pangkabuhayan sa isang
lipunan.
Tama!

Isa-isahin ang mga uri ng sistemang pang-


ekonomiya. Simulan natin sa unang grupo ng mga
larawan.

Sa iyong palagay, ano ang sistemang Ang pamahalaan ang


pagmamando? nagdedesisyon kung ano ang
mga pangangailangan ng
lipunan. Ito ay may ganap na
kapangyarihan na gamitin nang
husto ang mga sangkap ng
produksiyon tulad ng lupa,
kapital, at paggawa upang
makamit ang mga layuning
pang-ekonomiya.
Tama!

Base sa sistemang ekonomiya na pagmamando,


paano nila ipinapakita ang pag-aalokasyon?

Batay sa larawan, ano ang ipinapakita ng isang Kadalasan, ang namumuno sa


ekonomiya na may sistemang tradisyonal? sistemang ito ay ang
pinakamatandang miyembro ng
lipunan o grupo. Umiikot ang
produksiyon sa mga
pangunahing pangangailangan
ng tao, tulad ng pagkain, damit,
at tirahan. Ang proseso na
ginagamit sa paggawa ay batay
sa mga kinaugaliang
pamamaraan na hango sa mga
ninuno.
Tumpak!

Paano isinasagawa ang proseso ng alokasyon sa


sistemang ito?

Sa tingin mo, ano ang ibig sabihin ng pamilihan? Bukod dito, ang kalakal ay
kumikilos alinsunod sa interes
ng konsyumer at prodyuser na
nagaganap sa malayang
pamilihan.
Magaling!

Sa iyong palagay, paano nagaganap ang


pamamahagi ng likas na yaman sa isang
sistemang malayang pamilihan?

At sa panghuling larawan naman, ano ang Ang sistemang magkahalo ay


ipinapakita ng isang sistemang magkahalo? ang pinagsamang sistemang
pamiligan at pagmamando. Sa
sistemang ito, hinahayaan ang
malayang pagkilos ng
konsyumer at prodyuser sa
pamilihan. Subalit, maaaring
manghimasok ang pamahalaan
sa presyo o dami ng
produksiyon kung ito ay
tinatayang mas makabubuti sa
lipunan.
Tama ang iyong sagot!

Sa paanong paraan ipinapakita ang pamamahagi Sa sistemang magkahalo,


base sa sistemang ito? hinahayaan o pinapahintulutan
din na magkaroon ng pribadong
pagpapasya ang Isang
indibidwal o kompanya ngunit
karamihan parin ng mga
ginagawang desisyon dito ay
ginagabayan ng pamahalaan.
Kung kaya't ang pamamahagi
ng mga likas na yaman ay may
sapat parin na patnubay ng
pamahalaan na dapat sundin ng
isang pribadong sektor.

Kahanga-hanga! Tama lahat ang inyong mga Ang apat na sistemang pang-
sagot. Ano nga ulit ang apat na sistemang pang- ekonomita ay tradisyonal,
ekonomiya? pagmamando, pamilihan, at
magkahalo

Magaling! Sa ekonomiks, may mga pangunahing “Anong produkto ang dapat


katanungan na dapat tugunan ng ating likhain?; Paano ito lilikhain? ;
pamahalaan. Ano-ano ulit ang mga katanungang Para kanino ito lilikhain?”
ito?

Ang mga katanungang ito ay masasgot sa Ang sistemang pang-


pamamagitan ng sistemang pang-ekonomiya. Sa ekonomiya ay paraan nang
paanong paraan makatutulong ang sistemang pagsasaayos ng iba’t ibang
pangekonomiya sa ating lipunan? yunit upang makatugon sa
suliraning pangkabuhayan ng
isang lipunan.
Ano ang kaugnayan ng alokasyon, kakapusan, at Ang pangangailangan ng tao ay
pangangailangan? walang hangganan. Subalit, ang
pinagkukunang-yaman ay
limitado lamang. Dahil dito,
nagkakaroon tayo ng suliranin
sa kakapusan. Upang
masolusyonan ang problemang
ito ay kinakailangan na
magkaroon tayo ng matalinong
pamamaraan at pagdedesisyon
sa paggamit ng ating likas na
yaman at ang hakbang na ito ay
tinatawag na alokasyon

Bilang isang mag-aaral na maraming Sa pamamagitan ng tamang


pangangailangan, sa paanong paraan mo pagdedesiyon tulad ng pagpili
ipinagkakasya ang iyong allowance? at pagbili ng mga pangunahing
pangangailangan.

Ating binigyang-diin sa gawaing ito ang konsepto


ng alokasyon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya upang matiyak na mabisa at
maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-
yaman.

Malinaw na ba ang lahat?

Magpapakita ang guro ng flashcard na may


salitang PAGKONSUMO.

Ano ang iyong ideya tungkol sa pagkonsumo? Ang pagkonsumo ay ang


pagtugon sa pangangailangan
at kagustuhan ng tao. Ito ang
pagbili at paggamit ng produkto
o serbisyo.
Magaling!

Ikaw ba ay isang konsyumer? Bakit nakaakibat Sinasabing ang lahat ng tao ay


na sa atin ang “pagkonsumo”? konsyumer. Ang pagkonsumo
ay bahagi ng buhay ng tao
simula sa kanyang pagsilang sa
mundo. Habang patuloy na
nabubuhay ang tao ay patuloy
pa rin siya sa pagkonsumo. Ang
napakaraming
pangangailangan at
kagustuhan ng tao ang dahilan
kung bakit may pagkonsumo.
Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang
gawain tungkol sa pagkonsumo.

Gawain 2.1
Panuto: Mayroon akong mga flashcard na may
nakasulat na mga salita. Bibigyan ko ang
bawat isa ng flashcard. Ang bawat pangkat ay
pupunta sa harapan upang ipadikit sa pisara
ang mga salitang naaangkop sa bawat hanay.

Ngunit bago ninyo idikit ay bibigyan ko lamang


kayo ng labing limang segundo na makabuo
ng maikling deskripsiyon hinggil sa salitang
iyong natanggap.

Maliwanag ba?

TABLE WITH ANSWERSSS

Sa tingin ninyo, bakit ang kita ay nabibilang sa


mga salik na pagkonsumo?

Tama! Ang pagkonsumo ng tao ay naaayon sa Dahil kapag ang tao ay may
kanyang kakayahang bumili. Halimbawa, kung malaking kita, siya ay may
tayo ay may sapat na kita, mas matutugunan kakayahang bumili ng
natin ang ating pangunahing pangangailangan. maraming produkto at serbisyo
kumpara sa taong may maliit na
Sa tingin ninyo, paano nakaaapekto ang okasyon kita.
sa pagkonsumo?
Magaling! Sapagkat nakagawian na nating mga Kung may okasyon, tayo ay
Pilipino na maghanda sa bawat okasyon kung naeengganyong bumili upang
kaya’t naaapektuhan nito ang ating pagkonsumo. maghanda ng marami.

Para sa iyo, paano naiimpluwensiyahan nang Sa pamamagitan nang pag-


pag-aanunsiyo ang pagkonsumo? aanunsiyo, mas nahihikayat
tayo na bumili at tangkilikin ang
isang produkto.
Tumpak! Halimabwa na lamang ng shampoo
adverstisment, kumukuha sila ng mga sikat na
personalidad upang mas mahikayat ang mga
mamimili na bumili nito.

Sa inyong karanasan, paano nakaapekto ang


presyo sa pagkonsumo ng tao?

Bakit mas marami ang mabibili ng konsyumer Mas marami ang mabibili ng tao
kung ang presyo ay mababa? kung mababa ang presyo.

Paano naman kung mahal ang mga bilihin? Tumataas ang kakayahang
bumili kung mababa ang presyo
at bumababa naman ang
kakayahang bumili kung
mataas ang presyo.

Sa tingin niyo, paano nakakaapekto sa Para sa akin, ang pagkonsumo


pagkonsumo ang pagpapahalaga ng tao sa isang ng isang tao ay nakabatay sa
produkto o serbisyo? kanyang napapanahon na
Halimbawa: pangangailangan. Halimbawa,
Pinahahalagahan ng mga matatanda ang tulad ko na isang estudyante,
bitamina para sa kanilang kalusugan. mas mahalaga ang mga gamit
para sa pag-aaral ngayong
pasukan kaya malaki ang aking
pagkonsumo sa mga bagay na
ito.
Magaling! Mas pinapahalagahan ng tao ang
isang produkto o serbisyo kung kailangan niya
ito. Kaya lumalaki ang kanyang pagkonsumo.
Mahalaga na malaman namin
Para sa inyong opinyon, bakit kailangang ang aming mga karapatan
malaman mo ang iyong mga karapatan bilang bilang mamimili upang
isang mamimili? magabayan kami at mabigyang-
linaw sa mga bagay na
maaaring makatulong sa aming
matalinong pagdedesisyon at
Tama! Bilang isang mamimili, mahalagang pamimili.
malaman natin ito upang mabatid natin ang ating
mga karapatan at maging ligtas tayo sa ating
pamimili at sa mga produkto na ating pinamimili.
Sapagkat bilang isang
Sa inyong palagay, bakit mahalagang magawa mamimili, mahalaga na
natin ang ating mga tungkulin bilang isang magampanan natin ang ating
mamimili? mga tungkulin upang tayo ay
maging responsible at
makatulong sa ating lipunan at
kapaligiran.

Sa pamamagitan ng mga
Magaling! Sa tingin ninyo, bakit kailangang pamantayang ito, mas
sundin ang mga pamantayan ng matalinong napapadali ang pamimili ng
pamimili? isang tao at nakukuha niya ang
produktong may tamang
kalidad na naaayon sa kanyang
pangangailangan. At upang
makabili ng sakto at tamang
kalidad ng produkto at serbisyo.

Tumpak!
C. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na
Buhay

Paano ka pumipili ng iyong bibilhin sa isang Masasabi ko na isa akong


pamilihan? matalinong mamimili dahil
nakagawian kong gumawa ng
listahan sa mga bibilhin ayon sa
aming pangangailangan.
Tinitingnan ko rin ang label o
sangkap kung angkop ba ito.
Higit sa lahat sinusuri ko ang
kalidad at presyo ng
produktong bibilhin.
D. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Sa loob ng limang minuto, sagutan


ang mga sumusunod sa inyong mga
kuwaderno. Isulat ang titik T kung ang
pangungusap ay katotohanan at kung mali
iwasto ang sagot batay sa salitang may
salungguhit.

1. Ang alokasyon ay tumutukoy sa pag-aksaya sa


paggamit ng kalikasan. Mga Sagot:
2. Ang pamahalaan ang namumuno sa isang
tradisyunal na sistemang pang-ekonomiya. 1. M – Paghahati-hati
2. M - Sentralisado
3. Ang magkahalong ekonomiya o mixed economy 3. T
ay ang may pinagsama-samang mga katangian 4. T
mula sa ibang sistemang pang-ekonomiya. 5. M- Alokasyon
4. Sa sistemang pamilihan ang mamamayan ay 6. T
malayang nangangalakal. 7. T
8. M – May boses
5. Isang pagtugon sa kakapusan ay sa 9. T
pamamaraan ng pagkonsumo. 10. T
6. May karapatan na magsauli ng depektibong
produkto ang mamimili.
7 Nararapat na mag-imbak ng pangunahing
pangangailangan sa panahon ng kalamidad.
8. Walang boses ang mga mamimili sa paggawa
ng alituntunin tungkol sa pagkonsumo.
9. Pinapaalam ng prodyuser ang sangkap ng
kanyang produkto sa mamimili.
10. May malaking impluwensya sa mamimili ang
mga anunsyo.
E. Takdang-Aralin

Panuto: Gamit ang long bond paper, gumawa


ng isang poster na naghihikayat na maging
isang matalinong mamimili. Ang rubrik sa
ibaba ang magsisilbing batayan para sa
pagmamarka ng inyong gawain.

RUBRIK

PAMANTAYAN AT PUNTOS NATAMONG


INDIKADOR PUNTOS

PAGKAMALIKAHAIN 5

Maayos at masining
ang ipanakitang
ideya

NILALAMAN 10

Mahusay na
nailalahad ang
kaisipan o pananaw
gamit ang pagguhit

KAAYUSAN 5

Malinis at organisado
ang ginuhit na ideya
batay sa kabuuan

KATIYAKAN 10

Ang mga
impormasyon na
nakapaloob sa
graphic organizer ay
angkop sa hinihingi
ng gawain

Kabuang Puntos 30
IV. MGA PUNA
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

V. PAGNINILAY

1. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


2. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain.

- Kita - Karapatan sa - Maging - Maglista ng mga


pangunahing bilihin
- Okasyon pangangailangan pamanuri (critical
- Magbasa ng label ng
- Pag-aanunsiyo - Karapatan na maging awareness)
produkto
ligtas
- Presyo - Maging aktibo - Magsaliksik ukol sa
- Karapatan sa tamang
impormasyon (action) produkto
- Pag-
- Karapatang pumili - Mapag- - Alamin ang
papahalaga - Karapatan sa pangangailangan
representasyon
malasakit sa
ng tao Lipunan (social
- Alamin ang mga
- Karapatang madinig at batas at tuntunin sa
mabigyan ng bayad- concern) pamimili
pinsala
- Karapatang magkaroon - Magmalasakit sa - Isauli ang nabiling
ng edukasyon bilang kapaligiran depektibong produkto
konsyumer - Magbasa ng mga
(environmental
- Karapatan sa isang artikulp tungkol sa
maayos at malinis na awareness) consumer welfare
kapaligiran - Magkaisa - Maging aktibo sa
(solidarity) pangangalaga ng
kapaligiran

You might also like