You are on page 1of 46

1

MGA BATAS NA MAY


KAUGNAYAN SA KASARIAN

Ronalyn Montilla
Gurong Nagsasanay
2

MGA ALITUNTUNIN!

House rule # 1 House rule # 2

•Mute yourself except •Use the raise hand


when you have the floor. button for permission to
speak.

House rule # 3 House rule # 4

•Avoid distracting •Be courteous at all


backgrounds or actions. times/ observe proper
netiquette.
3

BALIK- ARAL

• Batay sa nagging talakayan, magbigay ng halimbawa


na nagpapakita na hindi pantay ang karapatan ng
babae at lalake mula sa mga nakaraang sibilisasyon.

• Ano naman ang nabanggit na kasalukuyang batas para


sa mga kababaihan at kabataan?
4

Gawain 1: KILALANIN MO AKO!

Panuto: Suriin ang mga larawan at i-type sa


chatbox ang PAGKILALA kung ang sitwasyon
sa larawan ay nagpapakita ng pagsunod sa mga
karapatan ng mga kababaihan at PAGLABAG
naman kung hindi.
5

KILALANIN MO AKO !

1. Pantay na oportunidad sa pag-aaral 2. Gawaing bahay para sa mga babae,


edukasyon para sa mga lalake
PAGKILALA PAGLABAG
6

KILALANIN MO AKO !

3. Mga babaeng opisyal 4. Posisyon sa gobyerno


PAGKILALA PAGLABAG
7

KILALANIN MO AKO !

5. Pagkamit ng hustisya 6. Marriage contract


PAGLABAG PAGKILALA
8

KILALANIN MO AKO !

7. Access sa mga contraceptives devices 8. Mga kababaihan sa iba’t ibang


larangan
PAGKILALA PAGKILALA
9

Gawain 2: LET’S PICK A NUMBER!

Panuto: Pumili ng numero na walang kapareho


mula 1-12. Ang mapipili ng number picker ang
siyang magbibigay ng kanyang sagot sa tanong.
Time to spin!
11

1. Ipinasa ang batas na ito upang maiwasan ang


diskriminasyon sa trabaho, at mabigyan ng sapat na
atensiyon ang mga espesyal na pangangailangan ng mga
kababaihan lalo na sa panahon ng kalamidad at kung sila
ay biktima ng pang-aabuso at karahasan.

a. RA 10354 o Reproductive Health Law

b. Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women (CEDAW)

c. RA 9710 o Magna Carta of Women


c. RA 9710 o Magna Carta of Women
Time to spin!
14

2. Ang batas na ito ay naglalayong bigyan ang mga


kababaihan ng karapatang magdesisyon tungkol sa mga
isyung may kinalaman sa kanilang kalusugan at
pagpapamilya.

a. RA 10354 o Reproductive Health Law

b. Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women (CEDAW)

c. RA 9710 o Magna Carta of Women


a. RA 10354 o Reproductive Health
Law
Time to spin!
17

3. Ipinasa ng General Assembly ng United Nations bilang


pamantayan ng pagbibigay ng pantay na Karapatan sa
mga kalalakihan at kababaihan.

a. RA 10354 o Reproductive Health Law

b. Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women (CEDAW)

c. RA 9710 o Magna Carta of Women


b. Convention on the Elimination of
All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW)
• Magna Carta of Women

• Reproductive Health Law

• Convention On the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women
Republic Act 9710 o
Ang Magna Carta of Women
Republic Act 9710 o Ang Magna Carta of Women

⮚ pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa mga


oportunidad, programa ng pamahalaan, at pagkamit sa
bunga ng pag- unlad ng bansa

⮚ maiwasan ang diskriminasyon sa edukasyon, trabaho


at mabigyan ng sapat na atensiyon
Saklaw ng Magna Carta of Women

⮚ lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-


aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri
ng pinagmulan (ethnicity)

⮚ Marginalized Women

⮚ Women in Especially Diffucult Circumstances


⮚ Hindi tinatanggap sa paaralan ang mga
kababaihan kung sila ay nagdadalang-tao
samantalang ang ama ng kanilang dinadala ay
maaaring makapagpatuloy sa pag-aaral.

⮚ Hindi tinatanggap sa trabaho ang mga


kababaihan dahil sa kaninalng mga
responsibilidad sa buhay na magiging dahilan
ng kanilang madalas na pagliban.
Ilan sa mga Probisyon ng RA 9710 o Magna Carta of Women
⮚ Pagtanggap at pagsasanay sa mga kababaihan upang
maging miyembro ng pulisya, forensics, medico-legal,
abogasya at serbisyong panlipunan o social work

⮚ Proteksiyon laban sa pang-aabuso, karahasan at kung


sila ay maipit sa mga delikadong sitwasyon katulad ng
labanan

⮚ Pagkakaroon ng Violence Against Women Desk

⮚ Hinihikayat ang mga partidong political na sila ay


magkaroon ng mga babaeng miyembro
Ilan sa mga Probisyon ng RA 9710 o Magna Carta of Women
⮚ Pagsiguro sa aksesibilidad ng mga kababaihan tungkol
sa :
a. pagbubuntis at kalusugan ng maliit na bata
b. pagpapasuso, pagpaplano ng pamilya
c. edukasyon para sa kasarian at seksuwalidad
d. pag-iwas sa mga sakit (gawaing sekswal)
e. pag-iwas sa aborsiyon
f. pagbibigay ng mga serbisyong medical
g. matatandang babae, may sakit sa pag-iisip
Reproductive Health Law
Reproductive Health Law

⮚ Tinatawag itong Republic Act No. 10354 o Responsible


Parenthood and Reproductive Health Act of 2012

⮚ Layunin nitong bigyan ang mga kababaihan ng


karapatang magdesisyon tungkol sa mga isyung may
kinalaman sa kanilang kalusugan at sa pagpapamilya
Ilan sa mga Probisyon ng RA 10354 o
Reproductive Health Law

⮚ Lahat ng mga lugar sa bansa lalo na yaong malaki ang


populasyon at mahihirap na lugar ay mayroong akses
sa lahat ng serbisyong medical

⮚ Ang mga hormonal contraceptives o mga produkto na


ginagamit sa pagpaplano ng pamilya ay maaari nang
mabili sa mga ospital sa buong pilipinas.

⮚ Ang mga may sakit na HIV, AIDS, kanser sa suso,


matris, komplikasyon sa panganganak, at kondisyon na
may kinalaman sa pagme-menopause ay bibigyan ng
pinakamalaking benepisyo mula sa Philhealth
Ilan sa mga Probisyon ng RA 10354 o
Reproductive Health Law

⮚ Magkakaroon ng konsultasyon sa mga magulang,


opisyal ng mga paaralan, at iba pang grupo na
maaaring may kinalaman sa paksa upang maging
bahagi ng kurikulum ang Reproductive Health
Education

⮚ Bago pagkalooban ng lisensiya ang mga nais


magpakasal o marriage license ay kailangan nilang
dumalo sa isang seminar
Prohibited Acts

❑ Hindi maaaring tumanggi ang mga ospital o


doctor na magsagawa ng legal at tamang
panggamot kahit hindi pumayag ang:

a. asawang lalaki o babae


b. magulang o guardian

❑ Hindi maaaring pagkaitan ng serbisyo at


materyales na may kinalaman sa reproductive
health ano man ang katayuan sa buhay
Convention On the
Elimination of All Forms
of Discrimination Against
Women (CEDAW)
Convention On the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women (CEDAW)

⮚ Noong 1979 ay ipinasa ng General Assembly ng


United Nations ang CEDAW bilang isang pamantayan
ng pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga
kalalakihan at kababaihan.

⮚ Magkaroon ang mga kababaihan ng kalayaan na


mamuhay ayon sa kanilang kalooban at dapat silang
bigyan ng kalayaang makisali sa mga gawaing
panlipunan katulad ng politika, ekonomiya, kultura,
sibil, at iba pa.
Convention On the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women (CEDAW)

⮚ Subalit hindi lahat ng mga bansang kasapi ng United


Nations ay may pare-parehong interpretasyon at
implementasyon ng naturang batas.
34

Pamprosesong tanong:

1. Bakit mahalaga na matutunan ang mga batas na


tinalakay?

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maibabahagi at


mailalapat ang iyong kaalaman sa mga batas na may
kaugnayan sa kasarian?
35

Gawain 3: FACT or BLUFF

Panuto: Paunahan sa pagsagot ng FACT kung


ang pahayag ay tama at kung mali naman ay
BLUFF at itama ang nakasalangguhit na mga
salita o parirala. Ang mauunang sumagot ay
magkakaroon ng karagdagang puntos.
36

1. Isa sa mga probisyon ng RA 9710 o Magna Carta of Women ay ang pagbibigay sa mga
kababaihan ng lahat ng uri ng proteksiyon laban sa pang-aabuso, karahasan, at kung sila
ay maipit sa mga delikadong sitwasyon katulad ng labanan.

FACT
2. Ang RA 10354 o Reproductive Health Law ay ipinasa upang maiwasan ang
diskriminasyon sa trabaho, at mabigyan ng sapat na atensiyon ang mga espesyal na
pangangailangan ng mga kababaihan lalo na sa panahon ng kalamidad at kung sila ay
biktima ng pang-aabuso at karahasan.

BLUFF, RA 9710 o MAGNA CARTA OF WOMEN


37

3. Ang RA 9710 o Magna Carta of Women ay batas na naglalayong bigyan ang mga
kababaihan ng karapatang magdesisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kanilang
kalusugan at pagpapamilya.

BLUFF, RA 10354 o REPRODUCTIVE HEALTH LAW

4. Ayon sa batas ng Convention on the Elimination of All Forms of Discriminations Against


Women (CEDAW), dapat bigyan ang mga kababaihan ng kalayaang makisali sa mga
gawaing panlipunan katulad ng politika, ekonomiya, kultura, sibil at iba pa.

FACT

5. Ang population control ay isang halimbawa ng pagsunod sa batas ng RH Law.

BLUFF, PAGLABAG
38

Pagtataya

Test I:

Panuto: Basahin at unawaing mabutin ang


bawat tanong at piliin lamang ang titik ng
tamong sagot.
39

1. Layunin ng batas na ito na maalagaan ang kalusugan ng ina at ng


kaniyang supling.

a. RA 9710
b. RA 10354
c. CEDAW

2. Inilalarawan ito bilang International Bill for Women.

a. RA 9710
b. RA 10354
c. CEDAW
40

3. Tungkulin ng batas na ito ang mabigyan nang solusyon ang


lumalaganap na diskriminasyon at hindi pagkapantay-pantay laban sa
kababaihan.

a. RA 9710
b. RA 10354
c. CEDAW

4. Ang hindi pagtanggap ng paaralan sa mga kababaihang nagdadalang tao


ay isang paglabag sa____?

a. RA 9710
b. RA 10354
c. CEDAW
41

5. Ang mga probisyon sa ilalim ng ng batas na ito ay kinabibilangan ng


mga programang nagbibigay edukasyon at medikal na atensyon sa
pagbubuntis at pagplano sa pamilya.

a. RA 9710
b. RA 10354
c. CEDAW
42

Test II:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang


bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa
inyong sagutang papel kung ang isinasaad ay
tama at isulat naman ang MALI kung ang
isinasaad ay mali.
43

1. Pangunahing layunin ng RA 9710 o Magna Carta of Women ay ang


pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan ng mga babae at lalaki sa
mga oportunidad, programa ng pamahalaan at pag kamit sa bunga ng
pag-unlad ng bansa.

2. Nakaploob sa mga probisyon ng RA 9710 o Magna Carta of Women na


hindi dapat tanggapin sa trabaho ang mga kababaihang nagdadalantao
sapagkat kakailanganin ng kompanya na kumuha ng karagdagang
empleyado na pupuna sa kakulangan ng kompanya.

3. Ang Reproductive Health Law ay magbibigay daan sa same sex marriage


sapagkat ang deskripsiyon sa mga mag asawa sa batas na ito ay dalawang
taong hindi sinabi kung ano ang kasarian.
44

4. Alinsunod sa probisyon ng Reproductive Health Law, kinakialangan


munang dumalo ang mag-asawa sa isang seminar patungkol sa pagiging
responsabling magulang, pagpaplano ng pamilya, pagpapasuso ng sanggol
at nutrisyon ng sanggol bago sila pagkalooban ng lisensya o marriage
license.

5. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pumirma sa Convention on the


Elimination of All Forms of Violence Against women na naglalayung
magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang mga kalalakihan at kababaihan sa
buong mundo.
45

TAKDANG ARALIN:
Basahin at unawain ng mabuti ang susunod na
paksang ating tatalakayin. Aralin 13: Same Sex
Marriage at Divorce.

1. Ano ang Same Sex Marriage?

2. Ano ang Divorce? Bakit kinakailangan


ipatupad o ibasura ang Divorce Law?
46

You might also like