You are on page 1of 2

1.

Ang mga sumusunod ang bumubuo sa sector ng industriya maliban sa…

A. pagmamanupaktur
B. konstruksyon
C. pagsasaka
D. pagmimina

2. Alin sa mga gawain ng mga kompanyang multi-nasyonal ang nararapat na


limitahan o bawasan?

A. pagpapakilala ng mga bagong produkto na mabibili sa pamilihan


B. pagbibigay ng trabaho sa higit na maraming tao
C. pagpapakilala ng bagong teknolohiya ayon sa pandaigdigang pamantayan
D. pag-aangkat ng mga hilaw na materyales sa mga karatig na bansa

3. Sa anong paraan natin maipakikita ang kasanayan sa paggamit ng makabagong


teknolohiya?

A. pagpapatakbo ng bagong makinarya


B. kasanayan sa paggamit ng kompyuter
C. mataas na antas ng produksyon
D. mataas na sweldo ng ating mga manggagawa

4. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang nakasentro sa mga gawaing pang-


industriya?

A. Department of Trade and Industry


B. Department of Finance
C. Department of Budget and Management
D. National Economic and Development Authority

5. Nagiging makatwiran ang pagsasapribado ng mga korporasyon ng pamahalaan


kung…

A. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa


pamahalaan.
B. ang pagsasapribado ay nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga
mamamayan.
C. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa
pamahalaan at mamamayan.
D. ang pagsasapribado ay makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa
pribadong sector.

6. Ang isang mahusay na negosyante, ano ang dapat mong bigyang tuon para
lumago ang iyong negosyo?
A. laki ng puhunan
B. dami ng manggagawa
C. mahusay na pamamahala
D. suporta ng pamahalaan

7. Mahalaga ambag ng sector ng agrikultura sa industriya ang….

A. Hilaw na materyales (raw materials) na sangkap sa industriya


B. Pagbili ng produktong yari ng industriya
C. pagbibigay ng manggagawa sa industriya
D. ang kasanayang agrikultural ang angkop sa industriya

8. Ang internet, e-mail at texting ay mga paraan sa mabilis na pagtatamo ng


impormasyon. Sa anong aspeto ito makatutulong sa ekonomiya?

A. ang mabilis na impormasyon ay basehan ng mabilis na desisyon


B. mababa ang halaga ng komunikasyon sa negosyo
C. high-tech na ang paraan parasa mabilis na komunikasyon
D. marami ng paraan sa mabilis na komunikasyon

9. Ang pagdami ng mga call center ay nagbigay ng karagdagang bilyong dolyar


na kita sa bansa sa bawat taon. Ipinakikita nito na…

A. malakas pagkakitaan ang hanapbuhay na ito


B. malaki ang potensyal ng Pilipinas sa gawaing ito
C. mahusay ang mga Pilipino sa larangang ito
D. dapat mamuhunan sa larangang ito

10. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa sector ng paglilingkod?

A. care giver B. fast food chain


C. abogado D. negosyante

You might also like