You are on page 1of 8

ILANG BAGAY TUNGKOL SA DAPITAN

ni Teresita Merencillo-Acas
Ang Dapitan ay isa sa mga lungsod ng Zamboanga del
Norte. Ito ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng isla
ng Mindanao. Dito itinapon si Dr. Jose Rizal ng pamahalaang
Espanyol upang pigilin ang lumalakas na paghihimagsik ng
mga Pilipino laban sa mga awtoridad. Ika 15 ng Hulyo 1892 ng
dumating si Rizal sa Dapitan.
Dapitan
Ang Lungsod ng Dapitan
Si Rizal ay tumira sa mapayapang pook na pinangalanan
niyang Talisay dahil sa ito'y napagkakitaan ng maraming puno
ng talisay na hanggang ngayon ay naroon pa. Ang talisay ay
bahagyang nahihiwalay sa bayan dahil sa isang maliit ngunit
malalim na ilog kung kaya'y nangangailangan pa ang mga
mamamayan ng bangka bago marating ang lugar na tinitirhan
ng bayani. Ngunit sa kasalukuyan'y pinagdudugtong ang
dalawang ito ng isang kongkretong tulay at sa ngayo'y bantog
na sa pangalang Rizal Park and Shrine.
Rizal Park and Shrine
Si Rizal ay nagpakita ng magandang halimbawa patungkol sa kanyang
pamumuhay sa Dapitan. Ginugol niya ang kanyang oras sa pagsasanay
sa medisina; sa kanyang pangkarunungan, pangsining, pampanitikan at
pangsiyentipikong hangarin.
Mamamayan

Pawang mga Kristiyano ang mga nakatira rito, na karamiha'y


mga Romano Katoliko at sumasampalataya sa Panginoon.
Wikang Cebuano ang ginagamit nila bagamat ang intonasyon
nila ay may kaibahan kung ihahambing sa mga ibang
gumagamit ng wikang ito.
Ilang mga Katangi-tanging Kaugalian at
Pamahiin

You might also like