You are on page 1of 1

Issue pang-kasarian

1.Diskriminasyon laban sa LGBT community - kahit unti-unting


nagkakaroon ng kamalayan ang mga lipunan sa sexual orientation, gender
identity at gender expression ng mga tao ngayon, kailangan pa ring palawakin
ang ka isipang at mga karapatang sibil ng lahat ng tao upang maiwasan ang mga
diskriminasyon laban sa kahit na anong kasarian.
- Dapat maisulong at maipatupad na ang Anti- Discrimination Bill na hindi
lamang pang LGBT ang mga layunin at programa kundi para sa lahat ng
kasarian.

2. Limitadong Representasyon – Kahit ang LGBT community ay isang


realidad, hindi pa rin ito kasing ganap at ka totoo sa mga pang- masang media.

3. Maling Mentalidad ng Patriyarkal na Sistema – noon pa man, hindi pa


nasasakop ng patriyarkal na sistema ang buong mundo, ang mga sinaunang tao
ay payapa’t walang isyu sa kasarian. Ang mga ninuno natin ay may mga
babaylan at mga babaeng pinuno, ang mga Native American o mga Indian na
siyang totoong mga tribo ng America ay may Karapatan na pumili kung anong
espirito (lalaki, babae, o parehong lalaki, at babaeng espirito) ang nananalaytay
sa kanila.

Dagdag kaalaman;
- Mahalaga ang kaalaman sa Sexual Orientation, Gender Identity, at Gender
Expression upang maiwasan ang deskriminasyon at nang magkaroon ng
pantay na Karapatan sa pag ganap ng mga papel sa Lipunan.

You might also like