You are on page 1of 2

VISSION

Lumikha ng isang komunidad na ang bawat isang indibidwal nang lesbian, gay,
bisexual, transgender o LGBT ay may kakayahang makamit ang kanilang buong
potensyal na kung saan ang katauhan at kontribusyon nang LGBT ay tanggap at
ipinagdiriwang; kung saan ang pagtitiis sa kahirapan ng deskriminasyon ng LGBT ay
nagapi; kung saan ang katarungan ay nananaig; at kung saan ang katarungang pantao
ng bawat isang indibidwal ay pinapahalagahan at nirerespeto. Gayun din ang
puksain ang homophobia at heterosexism sa Unang Distrito ng Laguna upang ang
LGBT ng Laguna ay pantay-pantay at nirerespeto sa paningin nang nakararami.

MISSION
Itaguyod ang pagkakapantay-pantay at kalidad ng buhay nang lesbian, gay, bisexual,
transgender o LGBT. Makapagbigay ng komprehensibong edukasyon, impormasyon, at
serbisyong tagapagtaguyod sa karapatang pantao ng LGBT. Kami ay
magsusumikaping lumikha at mapanatili ang mapagtanggap, ligtas, at napapabilang na
kapaligiran para sa LGBT nang Unang Distrito ng Laguna. Siguraduhin ang
panlipunang kamalayan, pagbibigay-kahalagahan, at pagkakaisa ng bawat isang kasapi
ng LGBT ng Unang Distrito ng Laguna.

Ang Samahan ng IKATatlong lahi nang unang distrito ng Laguna o SIKAT ay binuo
upang pagbuklodin ang karamihan Lesbian, Gay, Bi-sexual, at Transgender ng Unang
Distrito ng Laguna na siyang binubuo ng San Pedro at Santa Rosa, Laguna.

Ang SIKAT ay nagnanais na maitaguyod ang karapatang pantao pati narin ang maitaas
ang antas ng kamalayan nang bawat miyembrong kasapi nito, gayun din ang
magsilbing daan para sa patas na hustisya sa mga isyu at kabuluhan ng bawat isang
LGBT.

Ang samahan ay may pagnanais na mag pasimula nang socio-cultural na pryoekto sa


Unang Distrito nang Laguna, gayun din ang SIKAT ay may kaakibat na patnubay
na nagsisilbing gabay sa mga gawain sa pamamagitan ng mga sumusunod na
kaugalian:

Panlipunang Kamalayan o Social Awareness


Kami ay tapat na nangangakong susubukang maiangat ang antas nang
kaalaman ng bawat isang LGBT sa kanilang katarungang pantao upang
ipaintindi na ang kamalayan ay isang karapatan lalo na’t kung ito ay may
kinalaman sa katarungang panlipunan na kinabibilangan ng LGBT na may
kaugnayan sa panlipunang kamalayan.

Pagkakaisa o Unity
Pagkakaisa tungo sa iisang adhikain. Pagkakaisa at walang anumang
pinapanigan na katuyan sa buhay. Kami ay tapat na nangangakong susubukang
pagbuklodin ang bawat isang LGBT na may pagnanais na pagbabago sa
pananaw at buhay.
Pagbibiga-kapangyarihan o Empowerment
Kami ay tapat na nangangakong magbahagi nang kaalaman upang mapabilis
ang usad ng pagbabago. Pagbibigay impormasyon sa mga nangangailangan,
upang magtawid nang pagbabago at maipakita ang importansya nang
pagkakaiba ng LGBT sa kanilang komunidad.

Kaibahan, Pagkakaiba o Diversity


Kami ay tapat na nangangako na rerespetuhin, ipagdiriwang, at susuportahan
ang kaibahan ng LGBT; kasama narito ang pagkakaiba ng mga lahi, edad,
kasarian, pagkakakilanlan ng kasarian, sekswal na oryentasyon, abilidad, at
pang-ekonomiyang background at kalagayan.

Pagkakilala o Recognition
Ang bawat isa ay may karapatang makilala. Kung kaya’t kami ay tapat na
nangangakong ipagdiriwang ang tagumpay at kilalalin ang mga nagtagumpay sa
kanilang mga adhikain lalo na sa mga humarap sa kahirapan sa pagpapalawig
ng pagkakaiba ng LGBT at pati narin sa mga nagpapakita ng kahalagahan at
importansya ng pagkakaiba ng LGBT sa kaniyang komunidad.

Malikhaing Pamumuno o Creative leadership


Kami ay tapat na nangangakong makapagbigay at sumuporta sa bawat
indibidwal nang LGBT gamit ang mga makabagong paraan at kasagutan sa
kanilang mga pangangailang komunidad. Gayun din ang pagbibigay nang
kakaiba at malikhaing kasagutan sa mga isyu ng komunidad.

You might also like