You are on page 1of 1

Sa panahon ngayon marami na ang nagbago, sa ating kalikasan man o sa

ating mga tao. Ngunit may iba paring mga bagay ang nananatiling pareho noon
paman at ngayon. Tulad na lamang ng hindi pagkakapantay-pantay ng bawat
kasarian. Maaarig ang iba ay hindi pa tanggap o hindi pa alam na hindi lamang
“straight” mayroon ang mundo. Mayroon ding tinatawag na LGBTQIA+ na
kinabibilangan ng mga lesbian, gay, bi-sexual, transgender, queer, intersex,
asexual at iba pa.
Sa pagdami ng iba’t-ibang kasarian sa ating mundo, nararapat lamang na
tayo ay magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Bilang isang babae at mamamayan
ng ating bansa hangad ko ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal ano
paman ang kanilang kasarian. Kaya pangako na irerespeto ang bawat kasarian at
susuportahn ang mga batas o programang naglalayong itaguyod ang
pagkakapantay-pantay sa bawat tao ano ma ang kanilang kasarian. At sa susunod
na mga taon, kung ako man ay may kaya ay magtatayo ako nga mga programang
magsusulong an mga aktibidad na magtuturo sa bawat indibidwal ang paggalang
sa bawat kasarian at ang mga kahalagahan nito.
Ang pagkakapantay-pantay ay hindi nababasi sa kasarian. Dahil tayo ay
pantay-pantay, mayaman kaman o mahirap, heterosexual kaman o homosexual o
bi-sexual. Karapatan mong makamit ang pagkakapantay-pantay at paggalang.
Dahil tayo ay pare-parehong likha ng Diyos.

You might also like