You are on page 1of 3

Labis na Pagtingin

Isinulat ni:
Jessa L. Amida

Sa mundo na puno ng mga paghihirap,


May isang ikaw na aking pinapangarap.
Tila ay para akong ulap,
Kapag ika’y nakakaharap.

Sa tuwing ang iyong ngiti ay nasusulyapan,


Puso ko’y mabilis na tumitibok sa kasiyahan.
Sa aking paulit-ulit na pagtingin,
Ako’y napahiling na sana ika’y mahulog din.

Sa realidad hindi man kita makausap,


Sa aking imahenasyon ika’y nakakatabi’t nayayakap.

Ang makita kitang mag-isa ay ayos lang,


Pero ang makita kitang may kasamang iba ay masakit man,
Pero tatanggapin,
Dahil alam kong hindi ka mapapasakin.
Sinubukan kitang kalimutan,
Ngunit ika’y nakaguhit na,
Sa aking puso’t isipan.

Araw gabi ikaw ang naiisip,


Kahit sa aking panaginip,
Ikaw ang nakaukit.

Ngayong ako’y naguguluhan,


Kung totoo ngaba ang aking nararamdaman,
O guni-guni lamang.

Dahil sa totoo lang,


Wala nang iba pang laman ang puso ko,
Kundi ikaw lamang.

At sa tuwing ako’y nananalangin,


Palagi kong hinihiling,
Oh Diyos ko na sanay kanyang mapansin,
Ang aking labis na pagtingin.
Pero alam kong ikaw ay langit,
At ako ang lupa,
Kahit anong aking gawin,
Batid kong hindi kita kayang abutin.

You might also like