You are on page 1of 17

ST. JAMES ACADEMY OF IGUIG, INC.

Nattanzan, Iguig, Cagayan

Unang Buwanang Pagsusulit


MAKABAYAN 6

Pangalan: _______________________________________________ Petsa: _________________


I. Basahin ng mabuti ang mga tanong o pahayag sa bawat numero. Piliin
ang tamang sagot at isulat sa patlang ng bawat numero ang inyong
sagot.
1. Paano nabubuo ang sistemang grid?
a. sa pamamagitan ng mga parallel
b. sa pamamagitan ng mga meridian
c. sa pamamagitan ng interseksiyon ng mga parallel at meridian
d. sa pamamagitan linyang latitud
2. Ano ang absolute location ng Pilipinas gamit ang mapa o globo?
a. Ang Pilipinas ay matatapagpuan sa pagitan ng 7º 19' at 25º 30 Hilaga at sa
pagitan ng longhitud 112 º 00' at 120 º 00' Silangan
b. Ang Pilipinas ay matatapagpuan sa pagitan ng 4º 23' at 21º 25 Hilaga at sa
pagitan ng longhitud 116 º 00' at 127 º 00' Silangan
c. Ang Pilipinas ay matatapagpuan sa pagitan ng 7º 19' at 25º 30 Silangan at sa
pagitan ng longhitud 112 º 00' at 120 º 00' Hilaga
d. Ang Pilipinas ay matatapagpuan sa pagitan ng 4º 23' at 21º 25 Silangan at sa
pagitan ng longhitud 116 º 00' at 127 º 00' Hilaga
3. Ito ay maaring itakda sa pamamgitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o
mga katubigang nakapaligid dito.

a. vicinal c. relative na lokasyong kontinental


b. heograpikal d. relative na lokasyong maritime

4. Ito ay tinatawag na kapuluan sapagkat ito ay binubuo ng malalaki at maliliit na


mga pulo.

a. lambak c. talampas
b. tangway d. arkipelago

5. Sa aling rehiyon ng Asya nabibilang ang Pilipinas?

a. Timog-Silangang Asya c. Hilagang Asya


b. Silangang Asya d. Timog Asya

6. Alin sa sumusunod na mga pulo ang nadagdagan sa teritoryo ng Pilipinas dahil sa


nabuong kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya noong Enero
2, 1930?

a. Mangsee at Turtle Islands c. Spratly Islands


b. Isla ng Sabah d. Batanes Group of Islands

7. Sinong gobernador ang nakatulong nang malaki sa pag-unlad ng nasyonalismo sa


puso ng mga Pilipino?

a. Ferdinand de Lesseps c. Teodoro Agoncillo


b. Carlos Maria de la Torre d. Felix Hidalgo

8. Alin ang hindi kabilang sa panggitnang uri ng tao sa lipunan noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol?
a. mga ilustado c. kapitan at ang kanilang mga
b. peninsulares at insulares kamag-anak
d. mestizong Espanyol

9. Ito ay pagbabago ng katangian mula sa espiritwal o panrelihiyon tungo sa mga


bagay na nauukol sa mundong ito.

a. propagandista c. sekelarisasyon
b. kilusan d. sekular

10. Ito ay isang opisyal na pahayagan ng mga repormista.

a. Noli Me Tangere c. La Solidaridad


b. El Filibusterismo d. Diariong Tagalog

11. Sino ang nagsagawa ng unang paglalahad at pagpapaliwanag ng batas


hinggil sa Doktrinang Pangkapuluan?

a. Teodoro Agoncillo c. Carlos de la Torre


b. Ferdinand de Leseps d. Arturo M. Tolentino

12. Saang artikulo sa Konstitusyon ng Pilipinas matatagpuan ang tungkulin ng


bawat Pilipinong pangalagaan at ipagtanggol ang bansa?

a. Artikulo IV c. Artikulo II
b. Artikulo III d. Artikulo I

Para sa numero 13 hanggang 15, piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod na
nasa ibaba.

a. Kalawakang Panghimpapawid c. Dagat Teritoryal


b. Kailaliman ng Lupa d. Kalapagang Insular

13. Ito ay bahagi ng dagat na sumasaklaw ng tatlong milya palabas papuntang


dagat.
14. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng kalawakang sumasakop sa teritoryong lupain
at karagatan ng Pilipinas.
15. Ito ay sumasakop sa mga talampas na nasa ilalim ng tubig na bahagi ng
kalatagan ng dagat na nakadugtong sa baybayin ng isang pilo o kintinente.
Para sa numero 16 hanggang 20, suriin ang mga pahayag. Isulat sa linya ang;
A kung ang nakatalang pahayag ay tumutukoy sa epekto ng pagbubukas
ng
mga daungan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan,
B kung ito ay epekto ng pag-usbong ng uring mestizo, at
C kung ito ay epekto ng papapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863.
16. Naging higit na masigasig ang mga Pilipino sa pagtuklas ng karunungan at
magpakadalubhasa sa iba't ibang larangan.
17. Nagkaroon ng karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol ang mga
Pilipino.
18. Bumilis ang transportasyon at komunikasyon, at bumuti ang paraan ng
pagsasaka at pangangalakal sa bansa.
19. Nabuksan ang kaisipan ng mga Pilipino hinggil sa kahalagahan ng edukasyon
sa kaunlaran at tagumpay sa buhay ng tao.
20. Ang mga anak ng mga kabilang sa clase media ay nakapag-aral sa ibang
bansa.
II. A. Ihanay ang mga probisyon na nasa hanay A sa tamang kasunduan o
batas na nasa hanay B. Isulat ang sagot sa patlang bago ang mga
numero.

A. B.
1. Itinuturing na sakop ng teritoryong Pilipinas a. Kasunduan sa Paris
ang pangkat ng mga pulo ng Kalayaan o
b. Atas ng Pangulo Blg. 1596
Spratly Islands
2. Naidagdag ang Cagayan, Sulu, at Sibutu sa c. Saligang Batas ng 1935
teritoryo ng bansa
d. Kasunduan sa pagitan ng
3. Ang pulong Batanes ay bahagi na ng
Pilipinas Estados Unidos at Gran
4. Ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos
Britanya
ang Pilipinas sa halagang dalawampung
milyong dolyar e. Kasunduan sa Washiton
5. Ipinahayag na ang pulo ng Mangsee at
Turtle ay sakop ng kapuluan ng Pilipinas

B. Hanapin sa hanay B ang sagisag panulat ng mga manunulat sa hanay A.


Titik lamang ang isulat sa linya.

A B.
6. Jose Rizal a. Naning
7. Marcelo H. del Pilar b. JOMAPA
8. Jose Ma. Panganiban c. Taga-ilog
d. Pingkian
9. Mariano Ponce
e. Plaridel
10. Antonio Luna f. Laong-Laan
III. Kilalanin kung tama o mali ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang
sagot sa linya.

1. Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo.


2. Ang pulo ng Spratly Islands ay hindi maituturing na kabilang sa sakop na teritoryo
ng Pilipinas ayon kay Pangulong Ferdinanf Marcos.
3. Sa pagbubukas ng Suez canal, ang tatlong buwang paglalakbay ay maaari nang
maisagawa sa loob lamang ng isang buwan.
4. Nagtagumpay ang mga repormista makamit ang kanilang layuning maging
probinsiya ng Espanya ang Pilipinas.
5. Ang mga pamilyang ilustrado, yaong maykaya o nakaririwasa ay nakapagpaaral ng
mga anak sa Espanya at sa iba pang bansa sa Europa.
6. Ang La Liga Filipina ay isang mapayapang samahang itinatag ni Jose Rizal noong
1892.
7. Ang mga paring sekular ay mga paring kabilang sa alinmang order panrelihiyon.
8. Nabigo ang mga repormistang makamit ang kanilang layuning maging probinsiya
ng Espanya ang Pilipinas.
9. Ang Kilusang Propaganda ay gumamit ng tabak upang maipaabot ang kanilang
karaingan sa mga kinauukulan sa mapayapang paraan.
10. Si Marcelo H. del Pilar ang tinaguriang isa sa pinakadakilang manunulat ng
Kilusang Propaganda at isang mahusay na manananggol.
IV. Ibigay ang mga tinutukoy sa bawat pahayag o tanong. Isulat ang sagot sa
linya.
1. Ang tawag sa sinumang nagpapakasakit para sa iba.
2. Sila ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya.
3. Ito ay paraan ng pagbitay sa pamamagitan ng pagsakal o pagdurog ng
leeg.
4. Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?
5. Ito ang mga taong kabilang sa panggitnang-uri; nakaaangat sa buhay
na nasa pagitan ng mayaman at mahirap.
6. Ano ang tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas?
7. Ano ang tawag sa tiyak na samahan o tungkulin para sa isang pari.
8. Ang pagbubukas ng daungan na ito ang naging dahilan ng pagbilis ng
transportasyon at komunikasyon.
9. Ano ang ginamit ng mga propagandista upang ipahayag ang kanilang
hinanakit sa kinauukulan?
10. Ito ay nagsasaad na ang isang kapuluang estado ay may
hurisdiksiyon hanggang sa 200 nautical miles mula sa batayang guhit
kung saan sinusukat ang territorial sea batay sa Doktrinang
Pangkapuluan.
"When you say "It's hard", it actually means "I'm not strong enough to do it."
Stop saying it's hard. THINK POSITIVE!"

GOOD LUCK & GOD BLESS!!!

Inihanda ni:

RAQUEL S. RODRIGUEZ
AP Teacher

ST. JAMES ACADEMY OF IGUIG, INC.


Nattanzan, Iguig, Cagayan

Unang Buwanang Pagsusulit


ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: _______________________________________________ Petsa:
_________________
I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Isulat ang
tamang sagot sa linya.
1. Ang mga sumusunod ay ilan sa batayan sa paghahating-heograpiko ng Asya,
maliban sa _____________________.

a. kapaligiran c. kasaysayan
b. kultura d. kapangyarihan

2. Ang mga sumusunod ay kabilang sa rehiyong Timog Asya (East Asia),


maliban sa __________.

a. Japan c. Taiwan
b. Singapore d. China

3. Alin sa mga sumusunod ang sinasabing katumbas ng mga pinagsama-


samang kontinente ay laki ng Asya?
a. North at South America at Australia
b. Europe, Canada, at Africa
c. Australia, Europe, at North America
d. Canada, Europe, at Australia
4. Ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig ay ang bansang ______________.

a. Pilipinas c. Indonesia
b. Malaysia d. Japan

5. Matatagpuan sa rehiyong ito ang pinakamalamig na sona ng klima.

a. Hilaga c. Timog
b. Kanluran d. Silangan

6. Ang bundok Everest ay matatagpuan sa ____________.


a. India c. Japan
b. Nepal d. Mongolia

7. May kinalaman sa mga uri ng klima sa Asia ang __________ nito.

a. hugis c. kinaroroonan
b. hangganan d. sukat

8. Matatagpuan sa palibot ng Asya ang mga karagatan ng daigdig, maliban sa


_____________.

a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pacific

9. Pinakamalaking kontinente ang Asya at ito'y nangangahulugang pinakamalaki


sa buong mundo ang sakop nitong ______________.

a. lupain c. mga tao


b. mga pulo d. mga hangganan

10. May mga bahagi sa kontinente ng Asya na mas malapad o makitid at


mahaba o maikli kaysa sa ilang bahagi nito. Nangangahulugan ito na ang
hugis ng Asya ay _____________.

a. hindi regular c. maiksi kaysa sa ibang kontinente


b. mahirap ilarawan o iguhit d. kakaiba

11. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasaad ng wastong pahayag?


a. Pinakamalaki ang Asya sa pitong kontinente ng daigdig.
b. Kalahati ng buong lupain ng buong daigdig ang sakop ng Asya.
c. Nasa silangang-hating globo ng daigdig ang Asya.
d. Ang kabundukang Ural ang naghihiwalay sa Europe at Asya.
12. Ang pana-panahong hangin na may dalang ulan sa ilang rehiyon ng Asya ay
tinatawag na _____________.

a. amihan c. habagat
b. cyclone d. monsoon

13. Ito ang kontinenteng itinuturing na pinakamataong pook sa daigdig.

a. Africa c. Canada
b. Asia d. Europe

14. Ang mababang antas ng literacy sa maraming bansa sa Asya ay


nagpapahiwatig ng antas at uri ng _________________.
a. mga paglilingkod
b. sistema ng edukasyon
c. pag-iisip ng mga tao
d. pamamalakad ng pamahalaan
15. May mga bansa sa Asya na labis ang populasyon. May maliit ang populasyon
at may sapat lamang ang laki. Nangangahulugan ito na _____________.
a. iba-iba ang komposisyon ng populasyon ng Asya
b. di-pantay ang pagkakabahagi ng populasyon ng Asya
c. magulo ang kalagayan ng Asya
d. nakadepende ang populasyon sa laki o liit ng teritoryo
16. Ang pinakamalaking kontinente ng daigdig ay ___________.

a. Africa c. Europa
b. Asya d. Hilagang Amerika
17. Ang pinakamataas na bundok sa mundo ay __________.

a. Bundok Everest c. Bulkang Taal


b. Bulkang Mayon d. Mt. Fuji

18. Ano ang pinakamalaking dagat sa Asya?

a. Dagat Timog Tsina c. Dagat Okhotsk


b. Dagat Bering d. Dagat Pula

19. Ano ang pikamalaking talampas sa daigdig?

a. Deccan c. Huang Ho
b. Indus-Ganges d. Tibet

20. Ano ang pinakamalalim na lawa sa buong mundo?

a. Lawa ng Van c. Lawa ng Baikal


b. Lawa ng Laguna d. Caspian Sea

II. Tukuyin kung saang rehiyon matatagpuan ang mga sumusunod na bansa:

1. China - ____________________ 6. Malaysia - ____________________


2. Thailang - 7. Taiwan - ____________________
____________________ 8. North Korea- ____________________
3. Georgia - ____________________ 9. Israel - ____________________
4. Turkey - ____________________ 10. Indonesia -
5. India - ____________________ ____________________

III. A. Isulat kung anong anyong-lupa ang mga sumusunod.


1. Gobi - ____________________
2. Rub al-Khali- ____________________
3. Indonesia - ____________________
4. Himalayas - ____________________
5. Taiwan - ____________________
B. Ibigay ang mga kabisera ng mga sumusunod na bansang nasa rehiyong
Timog at Hilagang Asya.

1. China - _________________ 7. Georgia - _________________


2. Kyrgyzstan - _________________ 8. North Korea -
3. Mongolia - _________________ _________________
4. Japan - _________________ 9. Uzbekistan - _________________
5. Taiwan - _________________ 10. Armenia -
6. Kazakhstan - _________________ _________________

IV. Isulat sa patlang ang salita na tinutukoy sa bawat aytem sa ibaba.Piliin


ang sagot mula sa kahon.

Izanagi Mashya Mashyane


Ormazd Ahriman Nu Gua
Hayto Izanami Ninigi

1. Ayon sa mito ng Persia, sino ang diyos ng karunungan?


2. Ano ang tawag sa mga fossil o nahukay na labi, tulad ng buto ng
sinaunang tao at naiwang bakat ng mga hayop.
3. Ayon sa mito ng China, sinimulan niyang likhain ang lahat ng
bagay na may buhay, kabilang na rito ang paglalang niya sa mga
sinaunang tao gamit ang paglililok sa mga ito.
4. Ano ang ipinangalan sa babaeng nabuo sa nalagas na katawang
ni Gayomart?
5. Sinong apo ni Amaterasu ang sinasabing nagpasimula ng
pamilyang imperial ng Japan matapos bumaba sa Kyushu dala
ang tatlong sagisag ng Japan.

"When you say "It's hard", it actually means "I'm not strong enough to do it."
Stop saying it's hard. THINK POSITIVE!"

GOOD LUCK & GOD BLESS!!!

Inihanda ni:

RAQUEL S. RODRIGUEZ
AP Teacher

ST. JAMES ACADEMY OF IGUIG, INC.


Nattanzan, Iguig, Cagayan

Unang Buwanang Pagsusulit


ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: _______________________________________________ Petsa:


_________________
I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Isulat ang
tamang sagot sa linya.
_____ 1. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at
serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng;
a. konsyumer c. pamilihan
b. prodyuser d. pamahalaan
_____ 2. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman
tulad
ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan sa mga ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunangyaman ng bansa
_____ 3. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
b. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
_____ 4. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing
gawain ng bawat sektor ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa

bahaging ginagampanan ng sambahayan?


a. Nagmamay-ari ng salik ng produksiyon
b. Gumagamit ng mga salik ng produksiyon
c. Nagbabayad ng upa o renta sa lupa
d. Nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal
_____ 5. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng
pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa______________________.
a. paggamit ng mga produkto at serbisyo
b. paglikha ng mga produkto at serbisyo
c. paglinang ng likas na yaman
d. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.
_____ 6.Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kanyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
_____ 7. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin
sa
sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito?
a. Maaari itong magdulot ng kaguluhansa mga taong nakararanas nito.
b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang
kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang
panahon ng El Niño at La Niña.
d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
_____ 8. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang
trade-
off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit ang ibang
bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o ng best alternative na

handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na


trade-off at opportunity cost?
a. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
b. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
c. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
d. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
_____ 9. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay
maaaring maganap maliban sa _______.
a. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
b. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
c. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
d. magiging maayos ang pagbabadyet
_____ 10. Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan.
Batay
dito, isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas
ayon sa antas nito.
1. Responsibilidad sa lipunan
2. Pangangailangan sa seguridad
3. Pisyolohikal at biyolohikal
4. Pangangailangan sa sariling kaganapan
5. Pangangailangan sa karangalan
a. 2, 3, 4, 5, 1 c. 3, 2, 1, 5, 4
b. 1, 2, 3, 4, 5 d. 4, 5, 1, 2, 3
_____ 11. Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at
serbisyo. Ang bawat salik kapag ginamit ay may kabayaran tulad ng ________.
a. Upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at
interes para sa entreprenyur
b. Upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at
tubo sa entreprenyur
c. Sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo
sa entreprenyur
d. Tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at
interes sa entreprenyur
_____ 12. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto.
Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang
pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang
produkto o serbisyo?
a. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
b. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
c. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.
d. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito.
_____ 13. Papaano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around”na
nagmula kay John Watson Howe?
a. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa
pangangailangan ng tao.
b. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga
pinagkukunang-yaman.
c. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay
hahantong sa kakapusan.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong
daigdig.

_____ 14. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, alin sa sumusunod
ang
hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
a. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng
pamahalaan.
c. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang-yaman.
d. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan
sa ilang gawain.
_____ 15. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang
pagkakaroon ng sale.
b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sapamimili na
pasok sa badyet.
c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng
produktong binibili.
d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan
sa pamilihan.
_____ 16. Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang
impormasyon?
a. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon
ng produkto.
b. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang
biniling produkto.
c. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong
bibilhin.
d. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.
_____ 17. Ano ang ipinahihiwatig ng ilustrasyon sa ibaba ukol sa produksiyon?
a. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng
produkto at serbisyo ubang mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa,
kapital, at kakayahan ng entreprenyur.
b. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga input tulad
ng lupa, lakas-paggawa, kapital, at entreprenyur upang makabuo ng
produkto at serbisyo.
c. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga salik na
gagamitin dito.
d. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas
paggawa kaysa sa mga makinarya.

_____ 18. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa

pang-araw-araw na pamumuhay?
a. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang
ikonsumo sa pang-araw- araw
b. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
c. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at
serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa
sa pagkonsumo.
d. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.

_____ 19. Hango ang salitang ekonomiks sa salitang __________kahulugan ay " oikonomia.
a. Latino c. Griyego
b. Filipino d. Mandarin
_____ 20. Ito ay batayang katotohanan na ang mga pinagkukunang yaman ay limitado.
a. kakulangan c. kakapusan
b. likas na yaman d. walang hanggan
_____ 21. Nais nating makamit ang mga bagay na ating naisin, kaya tayong lahat ay
itinuturing na _______________.
a. mamamayan c. manggagawa
b. konsyumer d. ekonomista
_____ 22. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan.
a. distribusyon c. pagkonsumo
b. produksiyon d. pamimili
_____ 23. Ito ay sitematikong pag-aaral ng pinagmulan, ebolusyon at kultura ng tao.
a. Sikolohiya c. Antropolohiya
b. Agham Pulitika d. Heograpiya
_____ 24. Ito ay ang pag-aaral ng kultura, paniniwala, pagpapahalaga, at mga gawi o
kilos
sa sining, literatura, at relihiyon ng isang pamayanan.
a. Sosyolohiya c. Antropolohiya
b. Sikilohiya d. Ekonomiks
_____ 25. Isang agham na nag-aaral sa mga aktibidad at pamumuhay ng tao upang
matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
a. Ekonomiks c. Heograpiya
b. Sikolohiya d. Antropolohiya
II. Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay tama at titik M naman kung
mali.
______ 1. Ang kakapusan ay ang pagiging limitado ng mga pinagkukunang yaman.
______ 2. Panandalian lamang ang suliranin ng kakulangan.
______ 3. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay sanhi ng kakapusan.
______ 4. Magtipid upang malutas ang suliranin ng kakapusan.
______ 5. Sinalanta ng bagyo ang mga pananim na gulay at palay kaya magkakaroon
ng kakapusan ng mga produktong ito.
______ 6. Ang pag-aangkat ng langis ng bansa ay indikasyon na may kakapusan sa
langis.
______ 7. Marami ang di-nakapasok sa paaralan at mga opisina dahil nagkaroon ng
kakapusan sa sasakyan bunga ng welga ng mga drayber.
______ 8. Malnutrisyon ang isa sa epekto ng kakulangan.
______ 9. Ang pagtatago ng mga produkto ay nagdudulot ng kakulangan.
______ 10. Alokasyon ang kalutasan sa suliranin ng kakulangan.
III. Punan ang mga blako sa skedyul ng kombinasyon ng water at juice sa
ibaba.
(6 puntos) at iguhit ang indifference curve nito (4 puntos).

A Halaga B Halaga C Halaga D Halaga E Halaga F Halaga A Halaga


Damit 1 125 2 250 3 375 4 500 5 625 6 750 875
Sapata
s
7 875 6 5 625 4 500 375 2 1 125
Total 1000 8 1000 8 8 1000 8 1000 8 1000 8 1000

Damit

Sapatos
IV. Isaayos ang mga letrang nasa kahon upang makita ang palatandaan ng
kakapusan. Gamiting gabay ang paglalarawan sa bawat bilang.
1. Ang madalas na dahilan ng pag-aaklas ng mga manggagawa sa panahong
may kakapusan
____________________________ ASTAGAP GN WELSOD
2. Ang resulta ng kawalan ng suplay ng pagkain kapag may kakapusan.

____________________________ NOYTSIRUNLAM
3. Ang pag-uunahan ng mamimili na makabili ng kalakal sa panahon ng
kakapusan ay nagdudulot ng
____________________________ PYESRO GN ASTAAGP
4. Ito ang paraang ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang
pangngailangan ng mga mamamayan sa panahong may kakapusan.
____________________________
TAKPAGANG
5. Ang pagdarahop na resulta ng kakapusan ay nagiging sanhi ng
____________________________
ADKIRMANILID

"When you say "It's hard", it actually means "I'm not strong enough to do it."
Stop saying it's hard. THINK POSITIVE!"

GOOD LUCK & GOD BLESS!!!

Inihanda ni:

RAQUEL S. RODRIGUEZ
AP Teacher
ST. JAMES ACADEMY OF IGUIG, INC.
Nattanzan, Iguig, Cagayan

Unang Buwanang Pagsusulit


ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: _______________________________________________ Petsa:


_________________
I. Basahin ng mabuti ang mga tanong o pahayag sa bawat numero. Piliin ang
tamang sagot at isulat sa patlang ng bawat numero ang inyong sagot.
_____ 1. Ano ang tawag sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa sa kahit
anong
larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon?

a. kontemporaryong isyu c. print media


b. kasaysayan d. mahalagang balita

_____ 2. Naglalayon na maging mulat ang mga mamamayan sa lahat ng sakuna na


nangyayari sa isang lugar o bansa.

a. Green House Effect c. Global Warming


b. Disaster Risk Reduction d. Kontemporaryong isyu
Management

_____ 3. Anong salitang Latin nagmula ang salitang kontemporaryo?

a. comtemporalis c. contemporaneo
b. contempor d. contemporaris

_____ 4. Ito ay nangangahulugang pag-iral sa katulad na panahon o sa loob ng isang


henerasyon o salinlahi.

a. kasama sa c. kapanahon
b. panahon d. tempor

_____ 5. Ito ay ang pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo dahil sa pag-ipon ng


carbondioxide at iba pang green house gases sa atmospera.

a. Human Rights c. Global Warming


b. Unemployement d. Climate Change

_____ 6. Tawag sa pangyayari kung saan ang isang tao ay walang trabaho o walang
mahanap na trabaho.

a. Unemployement c. Malnutrition
b. Corruption d. Migration

_____ 7. Tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa isang samahan o organisasyon upang


ilegal
na magamit ang pondo sa kanilang samahan para sa pansariling
kapakinabangan.

a. Unemployement c. Malnutrition
b. Corruption d. Migration

_____ 8. Tumutukoy sa pangyayaring kung saan unti-unting nauubos o tuluyan nang


naubos
ang mga puno sa isang kagubatan.
a. Climate Change c. Distorsyon
b. Deporestasyon d. Korapsyon

_____ 9. Tumutukoy sa mga pagbabago sa mundo, kontinente, rehiyon at mga lokal na


pamayanan na nakakaapekto sa pattern ng pag-ulan, bagyo, tag-tuyot,
panahon
at lebel ng tubig sa dagat.

a. Human Rights c. Global Warming


b. Unemployement d. Climate Change

_____ 10. Pangunahing batas na binuo at nakalaan para sa mga ordinaryong


mamamayan
na may layuning bigyan sila ng kalayaan at proteksiyon.

a. Human Rights c. Global Warming


b. Unemployement d. Climate Change

_____ 11. Ang mga sumusunod ay itinutring na sanhi o dimensiyon na nagbibigay-daan


sa
pagkabuo ng disaster, maliban sa ___________.

a. panganib c. bulnerabilidad
b. kamulatan d. kapasidad

_____ 12. Ito ay ang anumang mapanganib na pangyayaring pisikal, penomena,


aktibidado, o sitwasyon ng tao na magbunga ng pagkawasak at
pagkawala
ng buhay at ari-arian.

a. capacity c. hazard
b. vulnerability d. awareness

_____ 13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panganib na gawa ng tao?

a. riots c. pestilence
b. biochemical waste d. civil war

_____ 14. Ito ay kalipunan ng mga katangian, kondisyon, at sirkunstansiya sa isang


komunidad na nagbibigay rito ng atraksiyon sa pagtama ng
mapaminsalang
epekto ng hazard.

a. panganib c. bulnerabilidad
b. kamulatan d. kapasidad

_____ 15. Kabilang ditto ang mga baha, bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang
hazard na mula sa puwersa ng kalikasan.

a. Environmental emergencies
b. Natural disasters
c. Complex emergencies
d. Pandemic emergencies

_____ 16. Kabilang ditto ang forest fire na gawa ng tao, mga aksidenteng teknolohikal o

industriyal na kadalasang nangyayari sa lugar kung saan nililikha,


ginagamit, at
dinadala ang mga hazardous material.
a. Environmental emergencies
b. Natural disasters
c. Complex emergencies
d. Pandemic emergencies

_____ 17. Noong 2015, pang ilan ang Pilipinas sa mga bansa sa buong daigdig batay sa
naapektuhang mamamayan?

a. pang-lima c. pam-pito
b. pang-anim d. pang-walo

_____ 18. Kabilang ditto ang mga kaguluhang bunga ng pagbagsak ng kapangyarihan ng

pamahalaan, looting, pag-atake sa mga estratehikong instalasyon, digmaang

sibil, civil unrest, at digmaan.

a. Environmental emergencies c. Complex emergencies


b. Natural disasters d. Pandemic emergencies

_____ 19. Kabilang ditto ang biglaang pagkalat ng mga nakahahawang sakit na
nakaaapekto sa kalusugang pampubliko.

a. Environmental emergencies
b. Natural disasters
c. Complex emergencies
d. Pandemic emergencies

_____ 20. Noong 2015, pang ilan ang Pilipinas sa mga bansa sa buong daigdig batay sa
halaga ng pinsalang ekonomiko?
a. pang-anim
b. pam-pito
c. pang-walo
d. pansiyam
II. Alamin kung anong klasipikasyon ang mga sumusunod na natural
disasters. Piliin sa ibaba ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik sa
linya.

a. Biological
b. Geophysical
c. Hydrological
d. Meteorologiacal
e. Climatological
f. Extraterrestrial

_____ 1. Ash fall _____ 6. Bush Fire

_____ 2. Shock wave _____ 7. Geomagnetic Storm

_____ 3. Disease Epidemic _____ 8. Tornadoes

_____ 4. Tropical cyclone _____ 9. Flash Flood

_____ 5. Fog _____ 10. Earthquake

III. Ihanay ang mga tungkuling nasa hanay A sa mga ahensiyang responsible
sa kaligtasaan ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad na nasa
hanay B. Isulat ang sagot sa linya.
A B
_____ 1. Nakatutulong sa paghadlang sa malawakang a. PHIVOLCS
pinsala ng kalamidad gamit ang makabagong
teknolohiya sa pamamagitan ng Project NOAH. b. DOTC
_____ 2. Nagbabantay sa pangkalahatang kalagayan
c. DAR
ng transportasyon at komunikasyon tuwing may
kalamidad. d. MMDA
_____ 3. Nakatalaga sa pagbabawas ng panganib na
maaaring idulot ng mga kalamidad at naninigurong e. CAAP
handa ang lahat sa paparating na kalamidad.
_____ 4. Nagbabantay ng mga aktibidad ng iba’t ibang f. DOST
bulkan at nagbibigay ng mga babala at paala-ala kung
g. PAGASA
may peligro.
_____ 5. Nagbibigay ng ulat-panahon at nagpapayo ng h. NGCP
paparating na bagyo.
_____ 6. Nagbabantay at nagpapanatili ng kaayusan i. DENR
ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
_____ 7. Naniniguradong may sapat na suplay ng j. NDRRMC
elektrisidad kapag may kalamidad.
k. PCG
_____ 8. Nagbibigay ng mga ulat tungkol sa mga relief
and rescue operation na ginagawa kapag may l. PIA
kalamidad.
_____ 9. Nagbabantay sa mga sasakyang pandagat
tuwing may kalamidad.
_____ 10. Nagbabantay sa mga sasakyang
panghimpapawid tuwing may kalamidad.

IV. Ilagay sa tamang kahon ang mga sumusunod na kondisyon o sitwasyon


nasa loob ng kahon upang mabuo ang tsart ng element ng disaster risk.

Physical Planning Probability Severity Management


Economic Population Environment Economy
Structures

Disaster Risk

Hazard Exposure Vulnerability Capacity & Measures

"When you say "It's hard", it actually means "I'm not strong enough to do it."
Stop saying it's hard. THINK POSITIVE!"

GOOD LUCK & GOD BLESS!!!

Inihanda ni:

RAQUEL S. RODRIGUEZ
AP Teacher

You might also like