You are on page 1of 9

Name: Thea Mae O.

Casa Setyembre 20, 2018

2018-12039 Prof. FS Garcia Jr.

TAKDA III

I. Mga Mito
1. Ang mga mito, tulad na lamang ng mga alamat, kuwentong bayan at epiko at iba pa, ay

bahagi ng mga kuwentong bayan, mga salaysayin na ipinapasa nang pasalita sa bawat

henerasyon. Maaaring makita ang pinagmulan ng isang bagay batay sa mga kuwentong

bayan ng komunidad. Ang mga mito ay kadalasang parte ng teolohiya at mga ritual ng

mga sinaunang tao. Ang mga tauhan ng mga mito ay hindi mga ordinaryong tao lamang

kundi mga bayani, mga diyos, at mga kakaibang nilalang. Ito ay sumusubok na

makapagbigay ng katuwiran kung papaanong naganap ang mga pangyayari sa daigdig na

hindi lubos na naunawaan ng ating mga ninuno.

2. Mahalaga ang mga mito dahil pamamagitan ng mga tradisyong oral, masining na

naipapaliwanag ang iba’t ibang aspekto ng pamumuhay, kaugalian at kasaysayan ng isang

pangkat ng tao na nakatutulong upang mas mapalalim pa natin ang ating kaalaman ukol

sa kanila.

3. Ang kasaysayan at mito ay masasabing nagkakaugnay dahil linalayon ng mga sinaunang

panitikan tu;ad ng mito na maipaliwanag ang kasaysayan ng ating kapaligiran. Kadalasan din ay

itinatampok din sa mga mito ang simula ng pagtatao sa mundo.


Buod Pangkat at Mga Paano nabuo ang

Pook na karakter at lugar/kapuluan/daigd

Pinagmulan kapansin- ig

pansin

“Creation of the

World”(Bikol)

“Creation of the

World”(Bisaya)

“Origin of the

World”(Maranao

“Creation of the

World”(Manobo)
II. Mga Mapa at Kasunduan

Murillo Velarde (1734) Matapos ang Kasunduan sa Paris (1898)

3. Kung titingnan ang dalawang larawan, masasabi kong mas tumpak ang paglalarawan ng

heograpiya ng mapa matapos malagdaan ang Kasunduan sa Paris kaysa sa mapa na likha

ni Murillo Velarde. Ito ay marahil dahil sa mas malapit ang kaniyang itsura sa mga mapang

ginagamit sa kasalukuyan at dahil na rin sa mas detalyado ito kaysa sa iginuhit ni Velarde..

Kapansin-pansin din na mas marami na ang mga pulo na patunay lamang na unti-unti nang

bumitaw ang mga espanyol mula sa mahigpit nilang kapit sa Plilipinas.

4. A. 10 Disyembre 1898- Ang Kasunduan ng Paris ay nilagdaan sa pagitan ng Estados Unidos

at mg Espanyol. Ipinagbili ng Espanya ang Pilipinas sa halagang $20 milyon sa mga

Amerikano. Ayon dito, ang nasasakupan ng Pilipinas ang lahat ng kapuluan, katubigan at

himpapawid maliban sa ilang bahagi ng Sulu.


B. 7 Nobyembre. 1900- Kasunduan sa Washington. Ito ay nilagdaan sa pagitan ng Espanya

at Estados Unidos. Itinakda ng kasunduan ang pagsasama sa mga pulo ng Cagayan, at

Sibutu sa Sulu, pati ang malalapit na baybayin ng Borneo bilang teritoryo ng PilipinaS

C. Hulyo 1907-

D. 2 Enero 1930-Nilagdaan ang Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya. Itinakda

nito ang pagbalik sa teritoryo ng PiIipinas ng Turtle Islands (Tawi-Tawi) at Mangsee Islands.

Ito ay mga pulong nasa pagitan ng Borneo at Sulu.


III. Saligang Batas
1. Ano ang nabanggit sa 1987 Saligang batas ng Filipinas tungkol sa teritoryang

saklaw ng Filipinas?

ARTIKULO I

ANG PAMBANSANG TERITORYO


(National Territory)

Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo
at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na
kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at
himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang
mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang
nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak
at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.

2. Hanguin o mag-quote ng Verbatim mula sa Konstitusyon.


IV. UNCLOS:
1. Ano ang UNCLOS?

Ang United Nations Convention on the Law of the Sea (transliterasyon: Kumbensiyon ukol sa

Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa) o UNCLOS, tinatawag din na Law of the Sea

Convention (transliterasyon: Kumbensiyon sa Batas ng Dagat) ay ang pandaigdigang kasunduan

na bunga ng ikatlong United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS III), na nangyari

mula 1973 hanggang 1982. Itinatakda ng Law of the Sea Convention ang mga karapatan at

pananagutan ng mga bansa kaugnay ng kanilang paggamit ng mga karagatan ng daigdig,

nagtataguyod ng mga alituntunin sa mga negosyo, kalikasan at pamamahala ng likas na yamang

dagat. Nagtapós ang kumbensiyon noong 1982 at pinalitan ang apat na tratado ng 1958.

Nagkabisà ang UNCLOS noong 1994, isang taon matapos maging ika-60 bansang lumagda sa

tratado ang Guyana. Noong Agosto 2013, 165 bansa at ang European Union ang umanib sa
Kumbensiyon. Subalit, walang katiyakan ang lawak ng saklaw ng pagkodigo nito

napagkaugaliang batas pandaigdig.

2. Paano nito binago o nirebisa ang dating sukat at saklaw ng Filipinas sa mga

naunang kasunduan?
V. Heograpiya
Talakayin ang heograpiya ng Filipinas batay sa mga sumusunod:
a. Lokasyon at Pisikal na kumigurasyon,
Mga Bundok at Kapatagan. Naglalaro sa 200 bulkan ang mayroon ang Pilipinas at 23 rito
ang aktibo. Pinakamaraming naitalang pagsabog ang Bulkang Mayon, 48 (mula noong 1616);
Bulkang Taal, 33 (isa sa marahas at mapinsalang kaganapan noong 1754); at ang Bulkang
Kanlaon, 27. Pinakamalakas na pagsabog ng ika-20 na dantaon ang sa Bulkang Pinatubo
noong 1991. Binago nito ang pangglobong klima dahil sa epekto sa atmospera ng mga abo
at
hanging ibinuga. Lumamig ang temperatura sa buong mundo nang 0.5 digring Sentigrado
dahil nagsilbi itong harang sa papasok na sikat ng araw. Naudlot ang pag-init ng mundo
nang
dalawang taon dahil sa pangyayaring ito.
Nakalatag sa tatlong pangunahing rehiyon ang nagtatayugang mga bulubundukin. Tatlo ang
sa Luzon: Bulubunduking Sierra Madre Range, Bulubunduking Cordillera at Bulubunduking
Caraballo. Dalawa sa Visayas: Bulubunduking Halcon-Baco at Bulubunduking Madjaas-
Nangtud. At apat sa Mindanao: Bulubundking Diwata, Bulubunduking Tago-Apo,
Bulubunduking
Kalatungan-Kitanglad at Bulubunduking Daguma.
Literal na may angkin at itinatagong yaman ang mga bundok. Ginto ang mayroon sa
Paracale,
Camarines Norte at sa Diwalwal, Compostela Valley, Mindanao. Tanso naman sa Zambales;
Rapu-Rapu, Albay; at Mankayan, Benguet. Bakal ang makukuha sa Camarines Norte,
Bulacan, Marinduque, Samar at Surigao. May nikel naman sa isla ng Nonoc na malapit sa

b. Klima, Ang klimang maritimong tropikal ng Pilipinas ang dahilan ng pagkakaroon ng mataas
na
temperatura at masaganang ulan. Ang taunang katamtamang temperatura ay 28.1⁰ C sa Manila,
27.8⁰ sa Cebu, at 28.5⁰ sa Davao. Sa buong taon ay mainit ang temperatura.
Maulan at mabagyo sa bansa dahil sa lokasyon nitong kapitbahay ang mga karagatan, lalo na
sa pagkakapuwesto sa kanluran ng Karagatang Pasipiko, na siyang pinanggagalingan ng mga
ulan at bagyo. Maalinsangan din ang klima dahil sa karagatang ito, kapansin-pansin sa
panapanahong
pagpapalit ng pattern ng hangin at ulan at sa malalakas na mga bagyo mula sa
pinakamaiinit na karagatan sa mundo. Amihan at Habagat ang dalawang nagpapalitang hanging
ang hatid ay ulan. Nararamdaman ang Amihan, o hanging mula sa direksyong hilagang
silangan, mula buwan ng Nobyembre hanggang maagang bahagi ng buwan ng Mayo. Tuyo at
malamig ang hanging ito. Samantala, tuwing buwan ng gitnang-Mayo hanggang buwan ng
Oktubre umiihip ang Habagat na galing sa timog-kanluran. Malalakas na pag-ulan ang daladala
nito na nagpapabaha sa Manila at gitnang Luzon.
Malaking salik ang klima sa kung anong uri ng kabuhayan mayroon ang mga mamamayan sa
iba’t ibang panig ng kapuluan. Gayun din, sa pagkakaiba sa mga salik pangkultura ng mga
pamayanan, bunsod ng mayamang pagkakaiba sa kaligirang pisikal.
Ang pag-ulan ang pinakamahalagang klimatikong elemento sa Pilipinas. Mataas ang
kaalinsanganan
bunsod ng mainit na temperatura at sa nakapalibot na mga anyong-tubig. Madalas
ay 19 ang mga bagyong bumibisita sa bansa, siyam ang tumatama sa kalupaan. Isa pang dahilan
ng pag-ulan sa arkipelago, mula Hunyo hanggang Disyembre, ay ang Intertropical Convergence
Zone (ICZ). Ang ICZ ay nabubuo sa pagkukrus ng landas ng hanging buhat sa hilaga
at timog na parte ng mundo.
Ang labis na pag-ulan ay nagresulta sa luntiang pagkabalot ng kalupaan at matabang lupaing
nagpasibol ng masaganang halamanan.

b. mga Lawa at Ilog,

Mga Lawa at Ilog. Lahat-lahat ay 421 ang mga ilog, 58 look, 130 000 ektarya ang mga artipisyal
na reservoir, at 100 000 ektarya ang latian o fresh water swamp. Dalawang libo’t apat
na raang (2 400) uri ng mga isda ang nabubuhay sa karagatan at ilog ng kapuluan.
Sa Luzon at Mindanao dumadaloy ang apat na pinakamalaking ilog sa buong bansa. Ang Ilog
ng Cagayan sa Hilagang Luzon ang pinakamalaki sa habang 505 km; Rio Grande ng Mindanao,
373 km; Ilog ng Agusan sa Mindanao rin na may sukat na 350 km; at ang Ilog ng
Pampanga sa gitnang kapatagan ng Luzon na may habang 260 km.
Isa sa mga pinakamalalaking lawa sa Asya at pumapangalawa naman sa Timog-Silangang
Asya (pinakamalaki ang Tonle Sap ng Cambodia, 2,700 km2) ay ang Laguna de Bay. May
sukat itong 930 km2 at siyang pinakamalaki sa buong bansa. Sinusundan ito ng Lawa ng
Lanao, 340 km2 ang laki, at ng Lawa ng Taal na ang erya ay 234 km2. Bantog ang Lawa ng
Taal sapagkat sa buong mundo, nag-iisa at tanging ito lamang ang may islang ang kinaroroonan
ay lawa na nasa isang isla sa isang lawa ng isang isla (ang Vulcan point sa Crater Lake
ng Volcano Island sa Lawa ng Taal sa Luzon).

c. Mga Tangway at mga Dagat sa pagitan ng pulo.

Mga Tangway at mga Dagat sa Pagitan ng mga Pulo. Ang mga baybayin ng Pilipinas ay
kumplikado at iregular ang anyo dahil sa dami ng mga tangway, golpo, at look. Ang mga
mumunting isla ay dumaragdag din sa pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga anyong-tubig.
Ang mga ito ang paliwanag sa mahabang baybayin ng arkipelago na halos kasinghaba ng sa
Rusya (36.289 km ang Pilipinas, 37.653 km ang sa Rusya). Mayaman din sa mga sonang
baybaying kinabibilangan ng iba’t ibang mga sistemang tropikal: mabuhanging mga playa
(beach), mabatong imus (headlands), sand dunes, bangkuta (coral reefs), bakawan, sea-grass
beds, wetlands, estuwaryo, at mga lawa.
Ang pagtataglay ng di-mabilang na mga pulo ay katumbas nang di-mabilang na bukas na
mga daanan papasok ng Pilipinas.

1. Bakit masasabing matalik ang ugnayan ng Heograpiya at Kasaysayan?

Malaki ang impluwensya ng katangiang pisikal ng bansa sa nangyaring

pagkakahiwa-hiwalay ng lokasyon ng mga umusbong na pamayanan. Ito ang

paliwanag sa pagiging multikultural at pluralistikong lipunang siyang

dinatnan ng mga Espanyol, sa presensya ng maraming grupong etniko. May

relatibong kalayaan din ang mga ito sa isa’t isa, nagpapakita ng kawalan ng

sentralisadong pamumunong pulitikal, o mabagal at matagal na pagtatamasa

nito. Ang pisikal na pagkakalayong ito ng mga Pilipino ay sanhi ng

kahirapang pagbuklurin ang bansa. Kitang-kita rin sa sinaunang kasaysayan

ang epekto ng di-pantay-pantay na pagkakabahagi ng mga lupain sa mga

pamayanan. May malalawak na mga lupaing hindi lubusang nalinang at

napakinabangan ang pangakong kasaganaan. Nalimitahan naman ang laki at

populasyon ng pamayanan ng mga pook na maliliit lamang ang saklaw na

kalupaan. May implikasyon din sa lawak ng kapangyarihang pulitikal at

impluwensyang kultural ng mamamayan ang laki o liit ng kalupaan sa daloy

ng panahon. Ang pisiyograpiya ng Pilipinas ay malaking salik sa mga

tunguhing historiko nito. Dalawang uri ng maagang pamayanang batay sa

ilog ang namukadkad. Tinatawag na sa-ilud ang mga pamayanang

matatagpuan malapit sa baybayin ng dagat o pampang ng ilog. Ilawud ito sa

Hiligaynon at ilakud sa Iloko. Ang sa-raya o ilaya naman ay nasa looban o

malayo sa mga ilogat dagat. Sa katunayan, nangangahulugang tagabundok

ang ilaya. Ang dalawang magkaibang oryentasyong pampamayanan ay

esensyal sa isang elemento ng etnisidad ng pamayanang Pilipino mula noon

hanggang ngayon. Subalit, hindi lamang pagkakaiba ang lumitaw, kundi higit

pa rito ay ang matalik na ugnayan sa pagitan ng mga ito. Udyok ito ng

pangangailangan sa palitan ng produkto: agrikultural na produkto o yamang


gubat ang galing sa patag at bundok, habang yamang dagat o kalakal naman

mula sa bayabayin, karagatan o pampang ng ilog. Isa pang kahalagahan ng

mga ilog ay ang koneksyon ng mga ito sa mga dagat. Sa gawing kanluran

kung nasaan ang Dagat Timog Tsina ay nakaugnay ang marami sa

pinakamalalaki at pinakamahahalagang ilog sa ating kasaysayan. At dahil sa

mga pampang ng ilog nagkumpulan ang ating mga ninuno sa maagang

kasaysayan, sa kanlurang bahagi ng Pilipinas dinumusbong ang

pinakamatatag at makapangyarihang sinaunang mga pamayanan. Ito ay dahil

sa komersyal na kalikasan ng koneksyong ilog-dagat na nagpayaman sa mga

pamayanan sa pampang. Ilan sa mga ito ang Manila, Mindoro, Batangas,

Lingayen at Sulu. May sinaunang mga pamayanan din na naging sentro ng

kalakalan sa silangang hati ng kapuluan: ang Cebu, Butuan at Cotabato.

Bagaman nasa silangan, ang tinumbok na ruta ng kanilang

pakikipagkalakalan noon ay sa kanlurang direksyon din.

You might also like