You are on page 1of 2

DEVELOPED BY SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO

Pangalan : _________________________ Baitang at Seksiyon: _____________________Iskor: _______


Paaralan: __________________________ Guro: ___________________ Asignatura: Filipino 9
Manunulat ng LAS: RONILDA P. ESPRELA Tagasuri ng Nilalaman: TERESA P. DAGNAOS
Paksa: Ang Sariling Pananaw sa Kapangyarihan ng Pag-ibig sa Magulang, sa Kasintahan, sa Kapwa at
sa Bayan Quarter 4 Week 4 LAS 3
Mga Layunin: Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa
kasintahan, sa kapwa at sa bayan. (F9PB-IVd-58)
Sanggunian: Baisa-Julian, A., et.al., 2014. Pinagyamang Pluma 9 Aklat 2. Quezon City, Philippines: Phoenix
Publishing House, Inc., pp. 524-525

Nilalaman
Ang Sariling Pananaw sa Kapangyarihan ng Pag-ibig sa Magulang, sa
Kasintahan, sa Kapwa at sa Bayan
Pagmamahal sa Kasintahan
“Paano kita malilimutan? Kasama kong lagi ang iyong alaala at siyang nagliligtas sa akin sa lahat ng
panganib sa paglalakbay. Aliw ng kaluluwa ko sa aking pag-iisa sa ibang bansa.

Sariling Pananaw
Mga alaalang dala-dala kahit saan man mapunta tanda ng tapat na pagmamahal sa kasintahan.

Pagmamahal sa Bayan
“ Para ko pang nakikitang isa kang diwata …..alaalang sumasagisag sa aking bayan. Maganda at
simple. Masuyo at tapat na anak ng Pilipinas …….ng magandang lupaing may dakilang katangian ng Inang
Espanya at kaugalian ng musmos na bansa. Nagtataglay ng magkahalong kagandahan ng dalawang lahi. Ang
pag-ibig mo at ang pag-ibig ko sa ating Inang Bayan ay magkaisa.”

Sariling Pananaw
Ang pagmamahal sa Inang Bayan ay inihalintulad sa pagmamahal sa babaeng iniibig na nakikita
ang katangian ng inang bayan sa kanya..

Pagmamahal sa Anak
“ Sa palagay mo ba’y ikaw lamang ang marunong umibig, na di ka mahal ng iyog ama, at hindi siya
masasaktan sa iyong pag-alis? Kailan lamang namatay ang iyong ina, Tumatanda na ako at nangangailangan
ng iyong tulong at pagtingin. Subalit may mas importanteng bagay kang dapat isipin. Nakabukas pa sa iyo ang
kinabukasan.”

Sariling Pananaw
Ang pagmamahal sa anak ay tinitingan ang kinabukasan nila sa kabila na maiiwan o masasaktan ang
mga magulang na mapawalay sa piling ng mga anak.

Pagmamahal sa Magulang
“Ialay mo ang mga bulaklak na ito sa puntod ng iyong magulang.”

Sariling Pananaw
Sa kabila ng maliit na bagay, ang pag-alay sa mga magulang ay pagpapakita ng tunay na
pagmamahal.

Pagmamahal sa Kapwa
“Magtulos ka ng dalawang kandila. Isa para sa Poong San Roque at isa para kay San Rafael na
pitakasi ng mga manlalakbay.”

Sariling Pananaw
Ang pagdarasal para sa kapwa pag sila naglakbay ay nagpapakita ng pagmamalasakit o pagmamahal.
( Filipino 9, Suyuan sa Asotea, Quarter 4, Week 4, LAS 3)
Gawain
Panuto: Gamit ang estratehiyang Read and React, suriin ang mga pahayag na ginamit ni Rizal tungkol sa
pagmamahal na dapat iukol ng isang tao sa kaniyang magulang, anak, kasintahan at maging ang
pagmamahal sa bayan na lutang na lutang sa akdang tinalakay at pagkatapos ay ibigay ang sariling
. puna o reaksiyon ukol dito.

Pagmamahal sa Magulang

Read: “Hiningi ko ang kapatawaran at tinurang handa na akong maglakbay nang nakita ko ang
aking ama na namuo ng luha kaya napaluhod at nayakap ko siya.”

React:

Pagmamahal sa Anak

Read: “Kailan lamang namatay ang iyong ina. Tumatanda na ako at nangangailangan ng
iyong tulong at pagtingin. Ngunit ninanais kong mag-isa. Hindi ko alam kung magkikita
pa tayo. May mas importanteng bagay kung isipin. Nakabukas pa sa iyo ang
kinabukasan. Sa akin ay sara na.”

React:

Pagmamahal sa Kasintahan

Read: “Maaari ba kitang makalimutan? Paano ko tatalikuran ang isang sumpang banal?
Ipinatong mo sa aking balikat ang iyong palad sa isang gabing bumabagyo na nilapitan
mo ako sa tabi ng aking ina….ang palad mong ni hindi ko man lamang mahawakan…
Sabi mo: “Nawalan ka ng ina. Ako’y hindi nagkaroon ng kailanman.” At nakisalo ka sa
aking pagluha.”

React:

Pagmamahal sa Bayan

Read: “Isa-isa pa lamang sumisilang ang mga pag-ibig mo samantalang ang sa akin ay isa-
isa nang naghihingalo. Ang sa akin ay unti-unti nang nanlalamig samantalang
sumusulak pa ang dugo sa iyong mga ugat. Ngunit umiiyak ka at hindi makapagtiis
ngayon alang-alang sa ikabubuti ng iyong bayan____.”

React:

You might also like