You are on page 1of 1

Nakuha ko ang masculinity ko noong ako ay pitong taong gulang siguro.

Ito ang panahon


na sinasabihan ako ng aking ama at mga kapatid na lumayo na sa aking ina at subukang gayahin
ang aking ama. Bilang tanging lalake sa aming pamilya bukod sa aking ama, kinailangang
mahubog ako sa pagkakalalake sa isang maagang panahon.Tinuruan ako na matutong mabuhay
ng hindi masyadong umaasa sa aking ina. Noong mga panahon na ito, ay litong lito ako at
nalulungkot dahil hindi ko maisip na kakayanin kong mabuhay ng hindi na masyadong umaasa
sa ina. Kinailangang kong patayin ang pagmamahal ko sa ina at ilipat ito sa aking ama upang
maging isang tunay na lalake. Para sa akin, ito ang pinaka malalang pangyayari siguro na
pinagdaanan ko ngunit ngayon ay nakita ko ang halaga nito dahil kinayang kong mabuhay ng
hindi umaasa sa iba.

You might also like