You are on page 1of 1

Nagsimula ang lahat sa Chat habang ikaw ay nasa malayo at nagtatrabaho sa barko.

Dumating ang unang


araw ng ating pagkikita na hindi ko inakala na aabot sa ganitong pagkakataon. Napakasayang araw na
dumating ka sa aking buhay. Nawala ang mga pag-aalinlangan ng tayo ay magkasama at nangakong hindi
magkakahiwalay hanggang nabubuhay. Patuloy na tutuparin ang ating mga pangarap upang lalong
maging komportable ang ating pamumuhay. Minsan ng nagkalayo ngunit muling pinagtagpo. Hindi
natapos ang komunikasyon dahil iyon ay tanda ng ating relasyon. Salamat sa pagpaparamdam sa akin na
ako ay mahalaga. Ikaw ay mamahalin ng aking buong makakaya. Lagi nating tandaan na ang Diyos ang
sentro ng ating buhay at relasyon. Sya ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala at nagkasama. Tunay nga
na ang mabuting asawa ay galing sa Diyos. At sa ilang buwan na tayo ay nagkasama bilang mag-asawa,
masasabi ko na ikaw ay pinagkaloob Niya sa akin. Mag-iingat kang palagi aking asawa at lagging
pakakatandaan na nadito lang kami ng ating magiging anak. Mahal na mahal kita aking asawa at
hanggang dito na lang muna. Marami pang magagandang bagay ang mangyayari sa atin kaya kahit
magkalayo man tayo ay hindi iyon magiging hadlang upang maging matatag tayo sa ating
pagsasamahan. Pagpalain nawa tayo ng Diyos. Muli ay Maligayang Ika-16 na Buwang pagdiriwang ng
ating pagmamahalan.

You might also like