You are on page 1of 2

Mahal kong Asawa,

Noong tayo ay mga kadiwa pa, magkasalubong lang sa kalsada

Di ko inakala na ika'y mamahalin. Iwas tingin ngunit may sulyap din.

Matagal na panahong hindi ka nakita, inakalang lumipat, nagpa transfer ng tala

Di ka na rin dumaan sa tapat ng aming tahanan, ako'y nalumbay pilit kang kinalimutan

Ang hindi nating inaasahan pagtatagpo, sa gawain pareho tayong nagtungo

Doon nagsimula na merong mabuo. Siyempre hindi baby, kundi pag-ibig na totoo.

If you get takot, I will hawak you tight

If you feel lungkot, I will make you feel alright

If you build an apoy, I will bantay the flame

If you say you miss me, I will say I feel the same

Ang pag-ibig ko sa iyo ay sing init ng Cabanatuan, kahit kailan di lalamig

Pangalan mo lang ang parating sasambitlain, "I love you" ang bukambibig

Ang damdamin ko sa iyo ay parang bill ng Celcor, habang tumatagal lalong nagmamahal.

Asahan mong ako'y iyo hanggang sa dulo, hashtag forever loyal

Sabay nating harapin ang tumataas na presyo ng bilihin, si Judith, Si Manny at si Mamu na rin.

At kung abutin mang mag wampipti litro ng gasolina, hatid sundo ka pa rin sa akin gamit bisikleta

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka. Kulang ang araw ko pag di ka nagdidiwara

At pag ikaw ay nagagalit at naiinis dahil sa mga gamit kong nakakalat at di naligpit,

Wag na init ulo, ito na ang therapy - shop now sa Lazada at Shopee.
Di ko mawari kung bakit andami mong sapatos ngunit dadalawa naman ang paa

Andami mo nang bag pero nag add to card ka pa ng isa

Pero sige na nga mahal naman kita, yung kiss at hug ko mamaya wag kalilimutan ha.

Pasensya na kung puro ako biro, ang nais ko lang naman sabihin

Sa paglipas ng mga taon, sa pangamba'y di tayo paaalipin

Nariyan ang Ama at nasa loob tayo ng kanyang Iglesia

Panatag tayo't sa Biyayang darating nakalagak ang pag-asa

At kung dumating man ang panahon na ako ay pagpahingahin

Huwag ka sanang malulumbay, at huwag naman mag party din

Sa Bayang Banal na tayo magkikitang muli, I'm sorry, I love you, please forgive me.

Nagmamahal,

You might also like