You are on page 1of 2

Bulacan United Workers for Clean Environment

August 13, 2020

GOB. DANIEL F. FERNANDO


Gobernador
Lalawigan ng Bulacan
Malolos, Bulacan

Sa Pamamagitan ni:
MS. IMELDA ARABE
Department Head
Provincial General Services Office
Malolos Bulacan

Kgg. Gob. Fernando:


Isang mabiyayang araw ang aming pagbati sa iyo ganoon din po sa inyong pamilya at
sa buong mamamayan ng Bulacan na inyong nasasakupan.
Nagpapakilala po kami sa inyo bilang isang asosasyon, ang pangalan po nito ay
BULACAN UNITED WORKERS FOR CLEAN ENVIRONMENT (BUWCE) o ang
Bulacan United kung tawagin.
Ang Bulacan United po ay isang samahan ng mga mamamayan sa Bulacan, binubuo
po ito ng isang pangkaraniwang empleyado sa Gobyerno, mga mangagagawa na walang
permanenting kita, walang regular na trabaho higit sa lahat ang mga manggagawa sa sector
ng basura o ang mangangalakal ng basura kung tawagin.
Ang Layunin po ng Bulacan United ay pagkaisahin ang mga Manggagawa sa basura
at tumulong po sa programa ng inyong Administrayon tungkol sa malinis na kapaligiran at
programa po ninyo hinggil sa basura.
Ang programa po hinggil sa basura ang naging susi po upang ito ay maitatag, alam po
namin na ito ay kumakain ng malaking bahagi ng buwis ng mamamayan na dapat sana ay
mapunta sa serbisyong kalusugan at Edukasyon lalo na po sa ganitong panahon ng pandemya.
Ang amin pong mga kasapi ay tumutulong na kumuha ng basura sa simula sa isang
business Establishment, ang makukuha po naming basura ay aming paghihiwa hiwalayin at
ang papakinabangan po ay aming ipagbibili sa mga junkshop dito po sa lalawigan ng
Bulacan, at ang kikitain po nito ay malaking tulong sa mga kasapi pangdagdag kita. Alam
nyo naman po na may pera po sa basura ang mga gulay prutas, at iba pang pagkain na
makukuha ay dadalhin po naming sa kapatid naming samahan sa Doña Remedios Trinidad
ang Bulacan Farm Workers Development Association sila naman po ay magaalaga ng
Kambing, Pato, Manok, at iba pa. Naguumpisa na silang magalaga bilang preparasyon sa
aming makukuhang tirang pagkain.
Ang mga Layunin pong ito ang nagtulak sa amin upang lumapit sa inyo at humingi po
ng tulong. Ang tulong po na hiling naming ay mabigyan nyo po kami o mapahiram ng lugar
kung saan po kami ay makapag hiwa hiwalay ng basura (Segregation) ipinapangako po
namin na susunod kami sa inyong patakaran alituntunin hinggil po sa programa ng basura ng
inyong Administrasyon. Anumang kontrata hinggil dito at haba ng panahon ng paggamit ay
handa po naming pasukan at pipirmahan
Nasa likod nyo po kami sa lahat ng inyong mga programa ganoon din po sa iba pang
program na kailanganin po ninyo ng amin tulong.
Kami rin po ay ginagabayan ng GSPB o Gabay sa Pagunlad ng Bayan isang Non –
Government Organisasayon
Makikipag ugnayan din po kami sa mga sangay ng Gobyerno lalo na sa DENR upang
makakuha po kami ng mga teknikal na tulong at Edukasyon sa pagsasaayos ng Basura.
Marami pong Salamat at pagpalain po ng poong may kapal ang inyong paglilingkod
sa lalawigan ng Bulacan.
Lubos po kaming gumagalang ,

FERDINAND MODESTO
Officer in Charge
Bulacan United Workers
for Clean Environment
cc:
Reynan Calderon
Vice President for Luzon
Gabay sa Pagunlad ng Bayan
Felipe Ramos
Adviser
Bulacan United Workers
for Clean Environment
Bulacan Farm Workers
Development Association

You might also like