You are on page 1of 2

PANUKALA PARA SA KARAGDAGANG POSTE NG ILAW

SA BARANGAY 91 – ABUCAY

Mula kay Bea Trisha L. Toledo

Barangay 91 – Abucay

Tacloban City, Leyte

Ika – 23 ng Setyembre 2019

Haba ng panahong gugugulin: Humigit kumulang apat (4) na buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ito ay isang proposal para sa 30 poste ng ilaw para sa aming


barangay, Barangay 91 – Abucay. Ang 30 poste ng ilaw na ito ay
itatayo sa kalsada ng nasabing barangay lalo na sa mga madidilim na
lugar na kadalasan ay pinangyayarihan ng krimen at aksidente at
upang maging ligtas ang mga tao sa barangay at magabayan ang mga
motorista na dumadaan sa lugar na ito lalo na kung emergency.

II. Layunin

Ipinapanukala ang pagbili at pagpapatayo ng mga poste ng ilaw na


magagamit ng barangay upang mabawasan ang bilang ng aksidente
sa mga motorista, ang kaligtasan ng mga gumagamit ng kalsada ay
may kasiguraduhan, at maraming mga turista ang makakagamit ng
kalsada sa Barangay 91 – Abucay.

III. Plano na Dapat Gawin


A. Pag – apruba ng badyet
B. Pag sarbey ng lugar
C. Paggawa ng plano kasama ang mga Inhinyero

This study source was downloaded by 100000822266431 from CourseHero.com on 04-28-2022 07:26:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/79620495/PANUKALANG-PROYEKTOdocx/
D. Pag – bidding
E. Paghahanap ng mga kinakailangang tao para sa proyekto
F. Pagtatayo ng mga poste ng ilaw
G. Paggamit at pagsusuri kung maayos ang mga ito
IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapatayo ng poste Php 1,000,000.00
ng ilaw base sa isinumate ng
napiling inhinyero (kasama nito ang
lahat ng materyales at suweldo ng
mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya Php 18,000.00
at pagbabasbas nito
Kabuoang Halaga Php 1,018,000.00

II. Layunin

Ang pagpapatayo ng karagdagang poste ng ilaw ay magiging kapaki –


pakinabag sa lahat ng residente ng Barangay 91 – Abucay. Ang bilang ng
aksidente sa mga motorist na dumadaan sa nasabing barangay ay
masosolusyunan.

This study source was downloaded by 100000822266431 from CourseHero.com on 04-28-2022 07:26:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/79620495/PANUKALANG-PROYEKTOdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like