You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

City of Tagaytay
Barangay Silang Crossing East

TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

FOR CASH FOR WORK PROGRAM


NARRATIVE REPORT
Ang Barangay Silang Crossing East ay nabigyan ng Cash For Work Program sa panahon
ng pandemya at ito ay inilaan para sa mga higit na nangangailangan ng hanap buhay sa
kasalukuyang panahon. Ang barangay ay nabigyan ng pagkakataong pumili ng 7 katao na
maaring maging benepesyaryo ng nasabing programa.
Nagsimula ang unang araw ng mga benepesyaryo noong October 27, 2020 sa
pamamagitan ng isang orientation na pinangunahan ng aming Child Development Worker.
Dito ay tinalakay ang kahalagahan ng ating climate change maging ang layunin ng programang
Cash For Work at ang kanilang magiging responsibilidad at mga kakailanganin sakaling
matapos nila ang programa.
Sila ay tumulong sa paglilinis ng kalat na dulot ng bagyong Quinta sa kapaligiran ng
Barangay Hall at kalsada sa unang araw matapos ang kanilang orientation. Ang mga babae ay
sa kapaligiran ng Barangay Hall naglinis at ang mga kalalakihan naman ay sa kalsada tumulong
kasama ang mga volunteers , mga tanod at maging ang Punong Barangay. Samantala nang
matapos na ng mga babae ang paglilinis sa kapaligiran ng Barangay Hall ay naatasan din
silang linisin ang loob ng Barangay Hall tulad ng Day Care Center, Receiving Area at Session
Hall. Nang malinis na nang mga kalalakihan ang kalsada ay sinimulan nilang linisin ang garden
upang ihanda sa pagtataniman ng mga punla. Nilinis din nila ang MRF at doon ay isinaayos nila
ang mga bote, lata, plastic at maging ang mga basag na bote.
Ang mga kababaihang kasali sa programa ay nabigyan din ng pagkakataong makapag
assist sa distribution ng modules sa bawat purok.
Sa kanilang huling araw naman ay nakilahok sila sa weekly clean up drive upang
boluntaryong maglinis ng kapaligiran ng barangay.
Kasalukuyan ang community garden ng Barangay ay nakahanda nang taniman ng mga
punla sa tulong ng mga benepesyaryo ng Cash For Work Program.

Prepared By:

ANN-JELAINE A. NOVENO
Kalihim

Noted By:

HON. BERNARDO B. CABASI


Punong Barangay

You might also like