You are on page 1of 1

“BAYANG PINANGAKUAN, TAYO’Y MAGTULUNGAN PARA SA ATING

KINABUKASAN”

Balboa, Elaine Nidera


Barangay Lupang Pangako, Mabalacat City
Haba ng Panahong Gugulin: Dalawang Linggo
Nagpapatupad/Magsasagawa ng Proyekto: Pangkat Cassiopeia

Ang Barangay Lupang Pangako ay kabilang sa mga lugar na maraming


nangangailangan ng trabaho. Kaya naman layunin ng proyektong ito na masolusyunan
ang kanilang problema sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila kung paano kumita ng
pera gaya na lamang ng paggawa ng dishwashing liquid. Ito ay isang praktikal na
solusyon sa karamihan dahil hindi kamahalan ang gagastusin para makagawa nito at hindi
rin mahirap ibenta sapagkat ito ay madalas gamitin ng mga tao sa pang-araw-araw na
gawain sa bahay. Ang proyektong ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng paghingi
ng tulong sa barangay upang tipunin ang mga tao/mga magulang ng bawat pamilya sa
barangay upang sila ay maturuan kung paano ang mga hakbang sa paggawa nito. Ang
mga magtuturo naman sa kanila ay manggagaling sa mga nakausap ng barangay na may
karanasan na sa paggawa ng dishwashing liquid. Sa pagtuturo sa kanila kung paano
gumawa ng simpleng negosyo ay maaari na itong makatulong upang magkaroon sila ng
pinagkukunan ng sapat na pera.

You might also like