You are on page 1of 5

A Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

Learning Area MAPEH 2 (PHYSICAL EDUCATION)


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan Balagtas ES Baitang 2


Guro Penafrancia G. Bagos Asignatura Filipino
Petsa Pebrero 16, 2021 Markahan Ikalawang
TALA SA PAGTUTURO
Oras 1:50 – 2:40 Bilang ng Araw 1

Naisasagawa ng tama ang wastong tikas o tindig at tamang paggalaw ng katawan


I. LAYUNIN sa pagsasagawa ng mga gawain.

A. Pamantayang Pag – unawa sa Nabasang teksto (Natutukoy ang mga pamamaraan sa tamang
Pangnilalaman pag-upo, paglakad at pagtayo ng tama.)
Naipapakita ang pakikiisa sa mga gawain katulad ng pag-upo, paglakad at pagtayo
B. Pamantayan sa Pagganap ng maayos.

C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang wastong pamamaraan ng pag-upo, pagtayoa at paglakad.


Pagkatuto
D. Pinakamahalagang Naipapamalas ang wastong tindig o tikas at tamang paggalaw ng katawan sa
Kasanayan sa Pagkatuto pagsasagawa ng mga gawain.
(MELC)
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o
MELC)
E. Pagpapaganang Kasanayan Walang pagpapaganang kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN

III. KAGAMITAN PANTURO

MELC, Filipino 2 , Curriculum Guide Ikalawang Markahan, PIVOT BOW


A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng


Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-aaral Kagamitan ng Mag aaral pah. 31 -34

c. Mga Pahina sa Teksbuk Kagamitan ng Mag aaral pah. 31 -34


d. Karagdagang
Kagamitan mula sa

_______________________________________________________________________________________________
Accelerate Learners Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-HRM-F-024/R2/04-14-2020
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain LM p. 31 -34
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Alamin
Magandang araw sa inyo mga bata! Narito ako upang ibahagi ang bagong
kaalaman. Sa modyul na ito tatalakayin natin ang Aralin tungkol sa “Pagpapanatili
ng Tikas ng Katawan”. Nakapaloob sa araling ito ang pag-upo, pagtayo, at
paglakad ng wasto.

Subukin
Panuto sa Magulang: Ipabasa sa inyong anak ang araling tungkol sa
“Pagpapanatili ng Tikas ng Katawan.” gabayan siya sa paggawa ng gawaing ito.
Ang iyong tapat na paggabay sa iyong anak ay aming hinihiling. Maraming salamat
po.

Panuto sa Magulang: Tingnan at idokumento ang ginagawa ng iyong anak sa


pamamagitan ng pagkuha ng litrato o video upang maging basehan na siya mismo
ang gumagawa ng mga gawain.

Pagpapanatili ng Tikas ng Katawan


Ang paglalakad nang wasto sa iba’t ibang direksyon ay isang kasiya-siyang
Gawain na makatutulong sa wastong pagpapatakbo ng Sistema ng katawan.
Narito ang ilang alintuntunin upang malaman mo kung wastoang tikas/tindig
ng iyong pangangatawan.

Pagtayo
1. Ang mga paa ay magkahanay na may lima hanggangpitong sentimetro
ang pagitan sa isa’t isa. Ang bigat ng katawan ay naksalalay sa kabuuan
ng mga paa.
2. Ang mga tuhod ay tuwid at nakarelaks.
3. Ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan ay nakapasok.
4. Ang ulo at balikat ay tuwid ang ayos.
5. Ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa tagiliran.

Pag-upo
1. Ang mga paa ay magkadikit, magkahanay o maaaringang isa ay nasa
unahan ng isaat nakalapat sa sahig.
2. Ang balakang at tuhod aynakabaluktot.
3. Ang ibabang bahagi ng likod ay bahagyang nakalapat sa likuran ng upuan.
4. 4. Ang katawan ay tuwid at magkalinya.

Paglakad
1. Lumalakad ang mga paa sa iisang tuwid na guhit.
2. Ang mga kamay ay umiimbay nang halinhinan paharap at patalikod nang
may koordinasyon sa galaw ng paa.
3. Ang likod na bahagi ng katawan ay tuwid at ang paningin ay nakatuon sa
harap.

_______________________________________________________________________________________________
Accelerate Learners Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-HRM-F-024/R2/04-14-2020
B. Pagpapaunlad Tuklasin
Gawain 1
Panuto sa Mag-aaral: Pagmasdan ang mga larawan. Tingnan ang kanilang mga
tikas o tindig ng pangangatawan. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Paghambingin ang mga larawan.
3. Sino kaya sa palagay mo ang may wastong tikas sa pagtayo at paglakad?

Pagyamanin
Gawain 2
Panuto sa Mag-aaral: Pagmasdan ang larawan ng batang nakaupo. Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng batang may wastong pag-upo. Ipaliwanag ang
iyong sagot.

Gawain 3
C. Pakikipagpalihan Panuto sa Mag-aaral: Gawin ang sumusunod nang may kapareha. Maaring
humingi ng tulong sa magulang o sino mang kasama s bahy. Ilarawan ang galaw
ng iyong katawan. Isulat sa sagutang papel ang E {Excellent) kung naisagawa ito
ng napakahusay, G (Good) kung mahusay at P (Poor) kung hindi wasto.

_______________________________________________________________________________________________
Accelerate Learners Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-HRM-F-024/R2/04-14-2020
GALAW AT TIKAS NG KATAWAN PAGLALARAWAN

Pagtayo
1. Ang mga paa ay magkahanay na may lima
hanggangpitong sentimetro ang pagitan sa isa’t isa.
Ang bigat ng katawan ay naksalalay sa kabuuan ng
mga paa

2. Ang mga tuhod ay tuwid at naka relaks.

3. Ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan ay nakapasok.

4.Ang ulo at balikat ay tuwid ang ayos.

5.Ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa


tagiliran.
Pag-upo

1. Ang mga paa ay magkadikit, magkahanay o


maaaring ang isa ay nasa unahan ng isa at nakalapat
sa sahig.
2. Ang balakang at tuhod ay nakabaluktot.

3. Ang ibabang bahagi ng likod ay bahagyang


nakalapat sa likuran ng upuan.
4. Ang katawan ay tuwid at magkalinya.
Paglakad

1. Lumalakad ang mga paa sa iisang tuwid na guhit.

2. Ang mga kamay ay umiibay nang halinhinan


paharap at patalikod nang may koordinasyon sa galaw
ng paa.
3. Ang likod na bahagi ng katawan ay tuwid at ang
paningin ay nakatuon sa harap.
V. PAGNINILAY
Naunawaan ko na ___________________________.
Nabatid ko na _______________________________.
Nais kong matutuhan pa ang________________.

_______________________________________________________________________________________________
Accelerate Learners Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-HRM-F-024/R2/04-14-2020
_______________________________________________________________________________________________
Accelerate Learners Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-HRM-F-024/R2/04-14-2020

You might also like