You are on page 1of 8

Title: SCIENCE3( Ikalawang Markahan-Modyul 5)

Format: TVI
Length: 20 minutes
Scriptwriter: LYRA MAY V. BATARA

Layunin: Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag aaral sa ika tatlong baitang ay inaasahang:

1. Napaghahambing ang buhay at walang buhay n bagay. ( S3LT-lle-f-ll)

BIZ : INSERT SOA STATION ID/PROGRAM


ID
1. TVBI TEACHER : Magandang araw mga
minamahal naming mag – aaral sa
Ikatlong baitang, pati narin sa buong
pamilya na nakikinig at nanonood sa (INSERT TEXT) LYRA MAY V. BATARA/TVI
oras na ito! Ito Ang inyong Paaralang TEACHER)
Panghimpapawid sa SCIENCE 3. Ako
ang inyong guro, LYRA MAY V.
BATARA, mula sa paaralang
Elementarya ng Andarayan- Bugallon,
Sangay Lungsod ng Cauayan.

2a. Naway nasa komportableng lugar kayo at


naririnig o napapanood ng maayos ang ating
telecast.

2B. At ngayon, sabay sabay nating buklatin ang


modyul at pag-aralan ang ating aralin ngayong
araw. Bago natin umpisahan ang talakayan,
may mga ilan akong paalala upang maunawaan
nating lubusan ang ating aralin.
(INSERT TEXT)
3. TVBI TEACHER : una, gamitin ang modyul  GAMITIN ANG MODYUL NA MAY PAG-
na may pag-iingat. Maaari niyo ring sagutan IINGAT. MAAARI NIYO NANG
ang inyong modyul. Isulat ang inyong mga SAGUTAN ANG INYONG MODYUL.
kasagutan sa bawat Gawain o pagsasanay na  BASAHING MABUTI ANG MGA PANUTO
makikita sa modyul. BAGO GAWIN ANG BAWAT
PAGSASANAY.
4. Ikalawa, Basahing mabuti ang mga panuto  TAPUSIN ANG MGA GAWAIN AT IBA
bago gawin ang bawat pagsasanay. Obserbahan PANG PAGSASANAY NA
ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng NAPAPALOOB SA MODYUL
mga gawain at sa pagwawasto ng mga  PAKIBALIK ANG INYONG MGA
kasagutan. MODYUL SA DROP-OFF POINTS NA
NAITALAGA NG INYONG
TAGADALOY O GURO KUNG
5. Pangatlo, Tapusin ang mga Gawain at iba NATAPOS NIYO NA ITONG SAGUTIN
pang pagsasanay na napapaloob sa modyul.

6. At pang huli, pakibalik ang inyong mga


modyul sa drop-off points na naitalaga ng
inyong guro kung natapos niyo na itong
sagutan. Alalahanin mga bata, ang ating mga
tatay o nanay ang magdadala nito. .

7. TVBI TEACHER : Kumusta na mga bata?


Isang panibagong paglalakbay na naman ang
iyong kahaharapin ngayong nasa ikatlong INSERT TEXT
baitang kana ng iyong pag-aaral. Ngunit huwag
kang mag-alala dahil sa pag-aaral mong ito, ako “Mga Katangian ng Buhay na Bagay at walang
ang iyong makakasama. buhay na bagay. “

8. TVBI TEACHER : Ang ating tatalakayin


ngayon ay tungkol sa “ Mga Katangian ng
Buhay na Bagay at walang buhay na bagay. “
Inuulit ko, ang ating aralin ngayon ay tungkol
sa “ Mga Katangian ng Buhay na Bagay at
walang buhay na bagay. “

9. TVBI TEACHER : Pagkatapos ng araling ito,


ikaw ay inaasahang maihahambing ang buhay
at walang buhay na mga bagay.

10. Bago natin simulan ang ating talakayan


balikan muna natin ang nakaraan ninyong
aralin. Ito ay tungkol sa kahalagahan ng
halaman sa tao.

11.Subukan nga nating punan ng wastong sagot


ang mga talulot, batay sa kahalagahan na dulot
ng mga halaman sa tao.
(INSERT TEXT)
Naalala mo pa ang mga kahalagahan ng KAHALAGAHAN NG HALAMAN SA
halaman?

Una,maaaring itong gamiting “gamot”

Ikalawa, nagsisilbi din nating itong pagkain

Ikatlo, ginagamit sa paggawa ng bahay


Ang mga bahagi ng halaman.

Ikaapat, nagbibigay lilim kapag Mainit ang


panahon

At ikalima g nagsisilbi itong panlinis sa


hanging nalalanghap natin.

Kumusta mga bata?


Sino sa inyo ang nakakuha ng apat na tamang
sagot pataas?Magaling! Kung nakakuha naman
kayo ng tatlo pababa huwag mag-alala maari
mong basahin muli ang iyong modyul upang
pag-aralan ang araling ito.
12.TVBI TEACHER : Handa kana bang matuto?
Halika, tuklasin na natin ang laman ng bago mong
aralin ngayong araw.

13.TVBI TEACHER :Tumingin ka sa iyong


paligid, ano-ano ang mga bagay na iyong
nakikita?
Ang mga bagay na inyong nakikita ay
maaaring may buhay o walang buhay.

14. Ang inyong mga magulang, kapatid,


alagang hayop at halaman sa loob ng bahay ay
may mga buhay. Samantalang ang tubig,
pagkain, at modyul ay mga bagay na walang
buhay.

15.TVBI TEACHER : Pakinggan ang mga bagay


na babanggitin ko. Sabihin niyo kung ang mga
ito ay may buhay o walang buhay.

16. Una, pamilya. INSERT PICTURE


- PAMILYA
Ang tamang sagot ay may buhay

17. Pangalawa, Bola.


INSERT PICTURE
- BOLA
Ang tamang sagot ay walang buhay.

INSERT PICTURE
18. Pangatlo, aklat. - AKLAT

Ang tamang sagot ay walang buhay.

19.Pang apat, aso.


INSERT PICTURE
- ASO
Ang tamang sagot ay may buhay.

20.Panghuli, halaman. INSERT PICTURE

Ang tamang sagot ay may buhay. - HALAMAN

21.TVBI TEACHER: Ngayon mga bata, naisip


mo na ba kung bakit nasabing may buhay ang
iba sa ating mga nabanggit? O bakit kaya ang
iba ay walang buhay?
Ngayon, ating alamin ang tungkol sa
Katangian ng mga bagay na may buhay.
INSERT TEXT
Handa na ba kayo?
-KATANGIAN NG MGA BAGAY NA MAY
BUHAY
22. Una, ang mga bagay na may buhay ay may
kakayahang lumalaki sa sukat at timbang. INSERT TEXT
- May kakayahang lumalaki sa sukat at timbang.
Ang mga hayop at tao ay may buhay sapagkat,
makikita ang pagbabago sa kanilang sukat at
timbang.

Lumalaki ang tao mula sa pagiging sanggol


hanggang sa pagiging adulto. Lumalaki din ang
mga hayop mula sa pagiging Maliit patungo sa
malaking hayop.

23. Samantalang ang mga halaman ay lumalago


mula sa isang buto hanggang sa maging ganap
na halaman o puno.

Ang bahagi ng katawan ng mga hayop at


halaman ay nagbabago ang sukat at timbang
habang ang mga ito ay lumalaki.

24. Ikalawang katangian, may kakayahang


gumawa ng sarili. (INSERT TEXT)
- May kakayahang gumawa ng sarili.
Ang mga hayop at halaman ay patuloy na
dumadami upang ang kanilang lahi o uri ay
magpatuloy at magpapamana ng buhay.

Ang halaman ay maaaring dumami mula sa


binhi, sanga, dahon, o ugat na maaaring itanim
upang magsimula ng panibagong buhay.

25. Ang mga hayop gaya ng baka, kalabaw,


kambing at mga tao ay nanganaganak ng
panibagong buhay.

Ang Ibang hayop tulad ng pagong, ibon, at


manok ay nangingitlog ng kanilang uri at
matapos itong mapisa sa takdang panahon ay
magiging ganap na panibagong organismo na
may buhay.

26.Ikatlong katangian, ang bagay na may


buhay ay humihinga.
(INSERT TEXT) .
- Humihinga
Ang mga tao at hayop ay lumalanghap
( inhale) ng oxygen at naglalabas ( exhale) ng
carbon dioxide.
Ang mga halamn naman ang gumagamit ng
carbon dioxide at nagbibigay ng oxygen sa
panahon ng kanilang proseso ng paggawa ng
pagkain.

27.Ikaapat na katangian, ang mga buhay ay


gumagalaw upang manatiling may enerhiya o
lakas INSERT TEXT
- Ay gumagalaw
Ang halaman ay gumagawa ng sarili nitong
pagkain gamit ng carbon dioxide, tubig at
enerhiya mula sa araw.

Ang mga tao at hayop ay gumagamit ng


enerhiya mula sa pagkain na nagmumula sa
halaman at mga hayop. Ang mga halaman at
tao ay gumagalaw patungo sa ibat Ibang
direksyon.

28. TVBI TEACHER :Ikalima ito ay , may


kakayahang ilabas ang dumi sa kanilang
katawan. (INSERT TEXT)
-may kakayahang ilabas ang dumi sa kanilang
Ang mga duming naipon sa katawan mula sa katawan
pagproseso ng mga kinain gaya ng ihi, dumi,
pawis at carbon dioxide ay inilalabas sa
kanilang katawan.

Maaaring magkasakit o mamatay ang isang


organismo kung hindi nito mailabas ang mga
dumi sa katawan.

29.. Panghuling katangian, sila ay may


kakayahang tumugon ( respond) sa pagbabago
INSERT TEXT
sa kapaligiran.
- Kakayahang tumugon sa pagbabago sa
kapaligiran
Ang organismo ay may ibat Ibang bahagi ng
katawan na kayang umangkop sa kapaligiran
kung kinakailangan upang ito ay mabuhay.
Sa panahon ng taglamig, ang mga tao ay
nagsusuot ng makakapal na damit.

30.. Samantalang ang mga hayop ay kumukubli


o lumilipat ng lugar upang maiwasan ang
sobrang lamig.

Ang mga halamn naman ay pataas na lumalago


ang mga dahon upang makakuha ng sikat ng
araw.
30. TVBI TEACHER : Ngayon naman, ating
alamin ang katangian ng mga bagay na walang INSERT TEXT
buhay. - KATANGIAN NG MGA BAGAY NA
WALANG
BUHAY
Ang lahat ng katangian ng mga bagay na may
buhay o organismo sa paligid ay Hindi taglay
ng mga bagay na walang buhay.

31. Una, ang mga bagay na may buhay ay hindi


humuhinga. INSERT TEXT
- Hindi humihinga
Ikalawa, hindi lumalaki ng kusa. - Hindi lumalaki ng kusa
- Hindi nakakagalaw o nakalilipat
Ikatlo, hindi nakakagalaw o nakalilipat sa lugar - Walang kakayahang tumugon
nang hindi nangangailangan ng tulong ng - Hindi nakakapagparami ng uri
Ibang bagay.

Ikaapat, walang kakayahang tumugon sa


pampasigla sa kapaligiran.

Panghuli, hindi nakapagpaparami ng uri.

32. Ang halimbawa nito ay ang mga


sumusunod Bola, bato, papel at marami pang INSERT PICTURE
iba. -BOLA, Bato, PAPEL

33.Batid kong naunawaan ninyo ang ating


talakayan. Ngayon mga bata, subukin nga
INSERT TEXT
nating sagutan ang sumusunod na Gawain.
- Sabihin kung may buhay o wlang buhay ang
mga salitang may salangguhit.
34.Sabihin kung may buhay o walang buhay
ang mga salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap.

35. Unang bilang, Mabilis na tumalbog ang INSERT TEXT


Bola. Mabilis na tumalbog ang bola.

Ang salitang may salungguhit ay Bola. Walang buhay

Ang Bola ba ay may buhay o walang buhay.

Ang tamang sagot ay walang buhay.

36. Pangalawang bilang, Marami mga bato ang INSERT TEXT


nakakalat sa daan Maraming mga bato ang nakakalat sa daan

Ang nasalungguhitang salita ay bato.


Walang buhay
Ang bato ba ay may buhay o walang buhay.
Ang tamang sagot ay walang buhay.

INSERT TEXT
37. Pangatlong bilang, Umakyat ang mga bata
sa puno ng mangga. Umakyat ang mga bata sa puno ng mangga.

Ang nasalungguhitang salita ay puno ng


mangga. May buhay

Ang puno ng mangga ba ay may buhay o


walang buhay?

Ang tamang sagot ay may buhay.


INSERT TEXT
Patuloy sa paglakad ang pagong kahit itoy pagod
38. Pang apat na bilang, Patuloy sa paglakad
na.
ang pagong kahit itoy pagod na.
May buhay
Ang nasalungguhitang salita ay pagong.

Ang pagong ba ay may buhay o walang buhay.


INSERT TEXT
Ang tamang sagot ay may buhay.
Masarap isawsaw sa Mainit na kape ang pandesal.
39. At Panghuli, Masarap isawsaw sa Mainit na
kape ang pandesal. Walang buhay

Ang nasalungguhitang salita ay pandesal.

Ang pandesal ba ay may buhay o walang


buhay?

Ang tamang sagot ay walang buhay.

Alam long marami kayong nakuhang tamang


sagot dahil nakinig kayong mabuti sa ating
talakayin.

40. Tandaan mga bata kabilang sa pangkat ng


may buhay ang isang bagay, kung ito ay
humihinga, gumagalaw, dumarami,
kakayahang ilabas ang dumi, kakayahang
tumugon at lumalaki.
Mainaw naba ang lahat mga bata?

Ang mga bagay na walang buhay naman , ay


hindi humihinga, hindi gumagalaw, hindi
dumarami, walang kakayahang ilabas ang
dumi, walang kakayahang tumugon, at hindi
lumalaki.

41. Inaasahan ko na maliwanag na sa inyo ang


ating aralin. At handa nang sagutan ang iba
pang Gawain sa inyong modyul.

42 Huwag mabahala sapagkat maaari kayong


magpatulong kay ate, kuya, kay nanay o tatay,
maaari mo ring tawagan ang iyong guro upang
matapos ang mga gawain. Batid kong naging
masaya ka sa ating paglalakbay kaya naman sa
susunod mong pag-aaral, asahan niyong multi
ninyo kaming makakasama.

43. At diyan nagtatapos ang ating talakayan


ngayong araw, muli kaming abangan sa
susunod na mga araw upang lalong
madagdagan pa ang iyong kaalaman. Ako ang
iyong guro LYRA MAY V. BATARA, Paalam!!

-END-

Prepared by:
LYRA MAY V. BATARA
Grade-I Adviser

You might also like