You are on page 1of 17

Ara Angelika R.

Liñan BEED 1-1

Detalyadong Banghay Aralin


sa Science II

I. MGA LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang panimulang pang-unawa sa limang pandama.
B. Pamantayang Pagganap
Naipamamalas ang panimulang kakayahan sa pagtukoy ng limang pandama.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Sa pagtatapos ng aralin, ang bawat mag-aaral ay inaasahang:
Kognitibo: Natutukoy ang limang pandama.
Apektibo: Naipapakita ang pagpapahalaga sa katawan.
Psykomotor: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng limang pandama.

II. NILALAMAN
ANG LIMANG PANDAMA (The Five Senses)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro: Pahina 16-21
2. Mga pahina sa gabay ng pangmag-aaral: Pahina 18-24
3. Mga pahina ng teksbuk: Pahina 15-24
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng kagamitang panturo:
Ang Aking Limang Pandama ― https://openclipart.org/

B. Iba pang kagamitang panturo:


 Cartolina
 Manila Paper
 Mga Larawan
 Kendi, Krayola, Laruan, Sabon para sa pangkatawang gawain.
IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pre-lesson Assessment
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga rin po, Titser!
Maaari bang tumayo muna ang lahat para sa
panalangin. Pangunahan mo, Arjen.

Mga kamag-aral, tumayo ng tuwid. Sa


ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo. Amen…
Magandang umaga ulit mga bata! Bago
kayo maupo tingnan muna ang ilalim at gilid
ng inyong upuan kung may kalat o dumi ito.
Pagkatapos ay maaari na kayong umupo.
Salamat po, Titser!
Kalihim Mae, sino ang liban sa klase?
Wala po, Titser.
Mahusay kung gayon. Ngayon bago tayo
dumako sa ating bagong leksyon,
natatandaan niyo pa ba ang ating tinalakay
kahapon? Sige nga, Bobby? Ano ito?
Ang atin pong tinalakay kahapon ay ang
mga bahagi ng katawan.
Mahusay Bobby! Tama, ang ating tinalakay
kahapon ay ang iba’t ibang bahagi ng ating
katawan. Sino makapagbibigay ng iba’t
ibang bahagi ng ating katawan? Magbigay
ng isa, Ailyn?
Kamay po, Titser!
Magaling, Ailyn! Ano pa, Edward?
Paa po!
Tama Edward, paa! Magbigay pa ng isa,
Jessie?
Ulo po.
Mahusay Jessie. Anong bahagi naman ng
katawan ito? (hinawakan ang balikat) Sige,
Anna?
Balikat po, Titser!
Tama Anna! Eh, ito naman? (hinawakan
ang tuhod) Shasha?
Tuhod po Titser!
Mahusay Shasha! Ako’y natutuwa sapagkat
natatandaan niyo pa ang ating tinalakay
kahapon. Ngayon ay maaari na tayong
dumako sa panibagong talakayan! Handa na
ba kayo, mga bata?

Handa na po Titser!
B. INTRODUCTION
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa
limang pandama. May ideya ba kayo kung
ano ang pandama? Para magka-ideya kayo
ay may ipapabasa ako sa inyo na tula. Gusto
ko ay basahin ninyo ng sabay-sabay.
Nauunawaan ba mga bata?

Opo, Titser!

ANG AKING LIMANG PANDAMA

Sa aking pag-aaral at pagkatuto


Limang pandama ang mga katulong ko.
Paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy
at panlasa,
Araw-araw sa kanila ako umaasa.

Ang aking paningin ay mahalag sa akin.


Ginagamit ko ito sa halos lahat ng
gawain.
Gamit ang mga mata, ako ay nakakikita
Sari-saring hugis, matitingkad na kulay,
Kagandahan ng galaw at marami pang
iba.

Aking pandinig binibigyan ko ng pansin.


Ingay sa kapaligiran ay kaya kong
alamin.
Gamit ang aking dalawang tainga,
Alam ko kung maingay o tahimik na.
Napakikinggan ko bawat tunog at tinig,
Bawat awit at huni, tono at himig.

Kung pagkain naman ang hanap ko,


Gagamitin ko ang pandama na ito.
Sa aking pandamana panlasa,
Ang dila kong pula ang bida.
Dila ko’y magsasabi kung ang aking
kinain
Ay matamis, maalat, mapait o maasim.

Ang aking pang-amoy ay trabaho ng


ilong
Sa pagbibigay ng babala, ito’y
tumutulong.
Bagong luto na pagkain o sukang
maasim,
Masangsang na basura o mabahong
hininga,
Ang ilong ko at dalawang butas nito
Nalalanghap ang anumang baho at bango.

Ginagamit ko ang aking balat


Sa ika-limang pandama―ang pansalat
Ito’y nagsasabi kung may Makati o
masakit,
Kung ang panahon ay malamig o mainit.
Malambot, matigas, magaspang o makinis,
Alam ko ‘to dahil sa balat kong manipis.

Kay halaga ng limang pandama


Balat, ilong, dila, tainga, at mata.
Ang mga ito ay biyaya ng buhay
Kaya tamang pag-aalaga ay dapat ibigay.

ANG AKING LIMANG PANDAMA

Sa aking pag-aaral at pagkatuto


Limang pandama ang mga katulong ko.
Paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy
at panlasa,
Araw-araw sa kanila ako umaasa.

Ang aking paningin ay mahalaga sa akin.


Ginagamit koi to sa halos lahat na gawain.
Gamit ang mga mata, ako ay nakakikita
Sari-saring hugis, matitingkad na kulay,
Kagandahan ng galaw at marami pang iba.

Aking pandinig binibigyan ko ng pansin.


Ingay sa kapaligiran ay kaya kong alamin.
Gamit ang aking dalawang tainga
Alam ko kung maingay o tahimik na.
Napakikinggan ko bawat tunog at tinig,
Bawat awit at huni, tono, at himig.
Kung pagkain naman ang hanap ko,
Gagamitin ko ang pandama na ito.
Sa aking pandama na panlasa,
Ang dila kong pula ang bida.
Dila ko’y magsasabi kung ang aking
kinain
Ay matamis, maalat, mapait o maasim.

Ang aking pang-amoy ay trabaho ng ilong


Sa pagbibigay ng babala, ito’y
tumutulong.
Bagong luto na pagkain o sukang maasim,
Masangsang na basura o mabahong
hininga,
Ang ilong ko at dalawang butas nito
Nalalanghap ang anumang baho at bango.

Ginagamit ko ang aking balat


Sa ikalimang pandama―ang pansalat.
Ito’y nagsasabi kung may Makati o
masakit,
Kung ang panahon ay malamig o mainit.
Malambot, matigas, magaspang o makinis,
Alam ko ‘to dahil sa balat kong manipis.

Kay halaga ng limang pandama


Balat, ilong, dila, tainga at mata.
Ang mga ito ay biyaya ng buhay
Kaya tamang pag-aalaga ay dapat ibigay.
Ang ganda ng tula, hindi ba? Mga bata,
naunawaan niyo ba ang tula na inyong
binasa?
Opo, Titser!
Kung gayon, may ideya na ba kayo kung
ano ang pandama? Sige nga, ano ang
limang pandama, Ashley?
Paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy,
at panlasa po, Titser!
Mahusay Ashley! Ang ating limang
pandama ay paningin, pandinig, pansalat,
pang-amoy at panlasa. Ano ang
kahalagahan ng mga ito? Natututo tayo sa
mga bagay sa ating paligid. Dahil sa ating
pandama ay natututo tayo sa ating
nakikita, naririnig, nararamdaman,
nalalasahan at naaamoy. Nararanasan
natin ito dahil sa ating Sense
Organs―ang mata, tenga, ilong, dila at
balat. Sa palagay niyo, ano ang
mangyayari sa atin kapag wala ito sa atin
o kaya’y nawawala ang isa sa mga ito sa
atin? Camille?
Kapag nawala po ito sa atin hindi po tayo
makakakita, makakrinig, makakaramdam,
makakalasa at makaka-amoy.
Mahusay Camille! Tama ang sagot niya.
Kaya mga bata, pangalagaan natin ang
ating Sense Organs dahil mahalaga ito sa
ating katawan. Nauunawan ba mga bata?
Opo, Titser!

C. MODELLING
Ngayon ay tingnan niyo ang mga
larawan.

Ang unang larawan ay mata at ang mata


natin ay ito (tinuro ang mata). Ano nga
ang tawag sa larawan na ito at saang parte
siya sa katawan ninyo? Andrei?
Ang nasa larawan po ay mata at makikita
po siya dito (tinuro ang mata).
Tama si Andrei. Ito ay napakahalaga
dahil kung wala ang ating mga mata ay
hindi tayo makakakita. Anong pandama
ito? Monica?
Paningin po, Titser!

Mahusay Monica! Ang sunod na larawan


ay tenga. Nasaan ang tenga natin? Ito,
dalawang tenga. Bakit mahalaga na
mayroon tayong tenga? Saan ito
ginagamit? Sige nga, Ji-Ann?
Mahalaga po Titser ang tenga natin dahil
para makarinig tayo.
Magaling Ji-Ann! Ang tenga ay
ginagamit para makarinig tayo at ang
pandama nito ay pandinig

Ano naming nakikita niyo sa pangatlong


larawan? Sige nga, Ken?
Ang nasa pangatlo pong larawan ay ilong.
Tama Ken. Ilong ang nasa pangatlong
larawan. Ginagamit ang ilong para
makahinga at maka-amoy tayo. Ang
pandama nito ay pang-amoy.
Ano sa tingin niyo ang ika-apat na
larawan? Anong pandama ito, sige Alvin?
Ang nasa pang-apat pong larawan ay
pansalat.
Mahusay Alvin! Ang pansalat ay itong
mga balat natin dahil ito ang
nakakaramdam. Sa salitang Ingles, ang
pansalat ay sense of touch. Nauunawaan
ba mga bata?
Opo, Titser!

At ang panghuling larawan naman ay


dila. Ilabas niyo nga ang dila niyo mga
bata. Ayan! Ang pandama naman nito ay
panlasa na nagagamit natin sa pagkain,
pagtikim o pag-inom. Ngayon,
naiintindihan na ba ang limang pandama
mga bata?
Opo, Titser!
Ano nga ulit ang limang pandama?
Sinong makapagbibigay, Mary Ann?
Ang limang pandama po ay paningin,
pandinig, pansalat, pang-amoy at panlasa!
Mahusay Mary Ann! Mahusay ang lahat.
Ngayon ay dadako na tayo sa ating
pangkatang gawain.
D. GROUP PRACTICE

Ang gagawin niyong pangkatang gawain


ay pinangalanan kong, “HULAAN MO
AKO” Kayo ay may apat na pangkat
hindi ba?
Opo, Titser!
Mag-grupo na kayo mga bata. Ang
gagawin niyo ay huhulaan niyo ang bagay
na ilalabas ko mamaya dito sa lamesa.
Magpipiring kayo gamit ang inyong
panyo. Hindi niyo gagamitin ang
paningin ninyo kundi ang pandama,
panrinig, pansalat at pang-amoy lamang.
Nauunawaan ba? Ibibigay ko ang rubriks
para sa aktibidad na ito.
Opo, Titser!

RUBRIKS

Kawastuhan 50%
Kaalaman 25%
Kooperasyon 25%
Kabuuan 100%

Kawastuhan kapag nahulaan niyo ng


tama ang bagay; kaalaman kapag
naipaliwanag niyo kung paano niyo
nahulaan ang bagay; at kooperasyon
kapag lahat kayo ay gumagawa.
Maliwanag ba mga bata?
Maliwang po, Titser!
Magaling! Lumapit na kayo dito mga bata
sa lamesa. Ilabas ang mga panyo at
piringan ang sarili. Bibigyan ko kayo ng
sampung minute para hulaan ang bagay.
Walang mandadaya mga bata ha.
Para sa unang pangkat.

Ikalawang pangkat.

Pangatlong pangkat.

Ika-apat na pangkat.
Tapos na ba? Sige, ang una ko munang
tatanungin ay ang unang pangkat. Unang
pangkat, ano sa tingin niyo ang napunta
sa inyo na bagay?
Titser, ang hula po naming ay kendi!
Hmm, kendi? Tingnan nga natin, maaari
niyo nang tanggalin ang piring. At ang
sagot ng unang pangkat ay tama!
Yehey!
Paano niyo nasabi na kendi ang
hinuhulaan niyo?
Gamit po ang aming pang-amoy, panlasa
at pansalat nalaman po naming na kendi
ito dahil sa amoy at lasa.
Mahusay unang pangkat! Sunod,
pangalawang pangkat.

Ang hula po namin ay ito po ay isang


sabon!
Sige, tanggalin niyo na ang piring. Ang
sagot ng pangalawang pangkat ay..tama!
Paano niyo naman nahulaan na sabon nga
ito?
Gamit po ang aming pang-amoy ay
natukoy namin na sabon ito.
Magaling pangalawang pangkat! Sunod
pangatlo.
Sa amin naman po Titser ay krayola!
Pakitanggal na ng piring. At ang inyong
sagot ay tama! Paano niyo natukoy na
krayola mga bata?
Natukoy po namin dahil sa aming pang-
amoy at pansalat. Naramdaman po naming
na matilos ito at amoy krayola.
Mahusay pangatlong pangkat! At ang
panghuli, pang-apat na pangkat?
Ang hula po namin ay laruan.
Laruan? Sige, tanggalin na ang piring. At
ang sagot niyo ay tama rin! Paano niyo
natukoy na laruan ito?
Natukoy po naming ito dahil sa aming
pansalat at pandinig. Ang laruan po ay
tumutunog.
Magaling ika-apat na pangkat! Magaling
ang lahat! Palakpakan nga ang mga sarili.
Klap! Klap! Klap!
Kung wala ang pang-amoy, panding,
pansalat at panlasa niyo ay hindi niyo
mahuhulaan ang mga bagay. Pero
siyempre, mahalaga rin ang ating
paningin dahil kapag ito ang ginamit
natin ay agad-agad malalaman ang
hinuhulaan. Ngayon, magkakaroon
naman tayo ng indibidwal na gawain.

E. INDEPENDENT PRACTICE
Para sa indibidwal na gawain, guguhit
kayo ng sense organs―ang mata, ilong,
balat, dila at tenga. Pipili lang kayo ng isa
na pinakamahalaga para sa inyo
ipapaliwanag sa unahan kung bakit napili
ito at ano ang dahilan. Gawin niyo sa
inyong papel. Nauunawaan ba mga bata?
Opo, Titser!
Maaari na kayong magsimula at bibigyan
ko lamang kayo ng limang minuto.

Tapos na ang limang minute. May tapos


na ba? Sige nga Melissa, maaari mo bang
ipakita dito sa unahan ang iyong ginawa
at ipaliwanag?
Ang akin pong iginuhit ay mata. Ito po
ang iginuhit ko dahil ito ang
pinakamahalaga. Gamit ang aking mga
mata ay nakikita ko ang mga nasa aking
paligid at ang mga mahal ko sa buhay.
Magaling, Melissa! Palakpakan natin si
Melissa!
Klap! Klap! Klap!
Ngayon, tapos na ba ang lahat? Ipasa na
sa akin ang mga papel mga bata.

F. GENERALIZATION
Bago matapos ang araw na ito, susubukin
ko ulit ang inyong kaalaman. Tatanungin
ko ulit kayo kung may natutunan ba
talaga kayo mga bata sa pinag-aralan
natin ngayon. Ano nga ang ating sense
organs? Albert, sige nga.
Ang atin pong sense organs ay mata,
tenga, balat, dila at ilong.

Magaling Albert! Para saan naman ang


ating sense organs? Saan ginagamit?
Anong pandama ang mga ito? Sige,
Hannah. Ang mata po ay para sa paningin, ilong ay
para sa pang-amoy, ang ating balat ay para
sa pansalat, ang tenga ay pandinig at ang
dila ay para sa panlasa po Titser!
Napakahusay Hannah! Palakpakan ang
mga sarili. Sana ay may natutunan kayo
at isa-isip ang pinag-aralan natin ngayon.
Pahalagahan din natin at alagaan ang
ating mga sarili. Naiintindihan ba mga
bata?
Opo, Titser!
G. APPLICATION
Kumuha ng papel at lapis at sagutin ito sa
inyong papel.
Panuto: Tukuyin kung anong lasa, amoy,
hugis, texture at kulay ang mga
sumusunod.

1. Pinya
2. Asukal
3. Lamesa
4. Lapis
5. Kalamansi 1. Pinya (Bilog, maasim, magaspang,
dilaw)
2. Asukal (Magaspang, matamis)
3. Lamesa (Pari-haba, kayumanggi,
matigas)
4. Lapis (Mahaba, matigas)
5. Kalamansi (Maasim, bilog, berde)
H. EVALUATION

Panuto: Isulat ang titik ng tamang


pandama.

1. Umuulan ba?
a. Paningin b. Pansalat c. Pandinig

2. Kulay ng bahaghari.
a. Pansalat b. Paningin c. Pang-amoy

3. Mabangong bulaklak
a. Pang-amoy b. Pandinig c. Pansalat

4. Mapait na ampalaya.
a. Panlasa b. Paningin c. Pansalat

5. Malambot na unan.
a. Pang-amoy b. Pansalat c. Paningin
1. C. Pandinig
2. B. Paningin
3. A. Pang-amoy
4. A. Panlasa
5. B. Pansalat

V. ASSIGNMENT

Panuto: Maglista ng mga gamit o bagay


na nasa inyong bahay at sabihin ang mga
pandama nito.

You might also like