You are on page 1of 37

K

KINDERGARTEN
Ikatlong Markahan - Ikatlong Linggo
Naikukuwento ang mga naging
Karanasan Bilang Kasapi ng Komunidad

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


MIMAROPA Region
Schools Division of Oriental Mindoro

K Kindergarten
Ikatlong Markahan - Ikatlong Linggo
Naikukuwento ang mga Naging Karanasan Bilang
Kasapi ng Komunidad

2
Kindergarten
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Naikukuwento ang mga naging Karanasan Bilang Kasapi
ng Komunidad
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda
(kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Regional Director: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Mga Bumuo sa Gawaing Pampagkatuto ng Mag-aaral

Manunulat: Haide Managaysay- Padua


Editor: Gertrudes C. Landicho, Maria Antonette A. Marasigan
Illustrator: Christian G. Capit
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong-
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Hadjie R. Palmero
Susana Marasigan- Bautista
Charity R. Agabas-Capunitan
Elmer P. Concepcion
Haide Managaysay- Padua

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

3
Alamin Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong na


maikwento mga naging karanasan bilang kasapi ng komunidad.
Ang nilalaman ng modyul na ito ay mga karanasan, kasanayan at
impormasyon ukol sa pagiging kasapi ng komunidad.
Ang mga aralin ay nakaayos ayon sa bagong Most Essential
Learning Competencies na inilabas at inilathala ng Kagawaran
ng Edukasyon para sa S.Y. 2020-2021.

Content Standard:
Ang bata ay nagkakaroon ng pang unawa sa konsepto ng
pamilya, paaralan, at komunidad bilang kasapi nito.

Performance Standard:
Ang bata ay nakapagpapamalas ng pagmamalaki at
kasiyahang makapag kwento ng sariling karanasan bilang
kabahagi ng pamilya, paaralan at komunidad.

Most Learning Competencies


Ang ikatlong linggo ay tatalakay sa mga sumusunod:
I. Naikukuwento ang mga naging karanasan sa
A. Tahanan KMKP-00-6
B. Paaralan
C. Parke at Simbahan
D. Barangay Hall
E. Health Center at Palengke

Content Focus:
Pagkukuwento ng mga karanasan bilang kasapi ng
komunidad

4
ARAW: Lunes

Gawain sa Pagkatuto Gabay sa Pagtuturo

Panalangin:

Bago tayo magsimula, tayo Ituro sa bata ang dasal na ito


muna ay manalangin. sa bawat pagsisimula ng pag-
aaral sa loob ng isang linggo
O Diyos na may malaking
awa. Gawin Mo akong
mabuting bata. Ilayo Mo ako sa
sakit at masama. Salamat sa
Inyong pag-aalaga. At sa lahat
ng Inyong biyaya. Tulungan mo
si Ama at Ina. Lahat ng mga
kapatid ko at mga kasama.

Pag-eehersisyo: Basahin at ipagawa sa bata.

1. Itaaas at ibaba ang kamay Gabayan ang bata sa tamang


ng 8 ulit. pag-eehersisyo sa pamamagitan
2. Iikot ang beywang ng 8 ulit. ng paggalaw ng kamay, paa,
3. Lumukso ng 8 ulit.
ulo baywang at iba pang
bahagi ng katawan. Ipagawa
ito sa bawat pagsisimula ng
pag-aaral sa loob ng buong
linggo

Pag-alam sa Araw at Panahon: Gabayan ang bata sa pagsagot


sa Talaarawan
Ngayon ay ____________.
Kahapon ay___________. Ipakilala sa mag-aaral ang
Bukas ay _______________. mga ngalan ng araw.
Ika- _____ ng ____________
taong ___________
5
Linggo, Lunes, Martes,
Miyerkoles, Huwebes, Biyernes at
Sabado.

Ipaalam din ang mga buwan sa


isang taon.

12 Buwan sa Isang Taon

1. Enero 7. Hulyo
2. Pebrero 8. Agosto
3. Marso 9. Setyembre
4. Abril 10. Oktubre
5. Mayo 11. Nobyembre
6. Hunyo 12. Disyembre
Tumingin ka sa paligid, ano Mungkahing Gawain:
kaya ang ating panahon? (Maaring humingi ng kopya ng tugtog ng
awit na “Pito-Pito” sa guro para sa pag-
Ang panahon ngayon ay aaral tungkol sa mga ngalan ng araw.

Mungkahing Gawain:

(Maaring humingi ng kopya ng tugtog ng


awit na “Ang Panahon” sa guro)

Kumustahan:

➢ Kumusta ka ngayong araw Kumustahin ang mag-aaral


na ito? tungkol sa nararamdaman niya
ngayong araw na ito. Alamin
➢ Handa ka na bang mag -
kung handa na siyang muling
aral muli?
mag-aral.

6
Balik -aral

Iguhit sa loob ng kahon ang paborito mong lugar sa inyong


pamayanan.

Pagpapaliwanag ng Sabihin na ang bawat isang bata


Mensahe ay mayroong pamilya. Mayroong
tatay, nanay, kuya, ate, bunso,
Bawat bata ay bahagi ng
Lolo, Lola silang mga kapamilya.
pamilya. Marami siyang
At bilang bahagi ng isang pamilya
nagiging karanasan bilang
marami silang mga karanasan na
kabahagi ng pamilya.
maari nilang ibahagi.

7
Subukin
Pagdugtungin ng guhit ang mga larawan sa hanay A sa
pangalan ng bawat kasapi ng pamilya sa hanay B.

8
Tuklasin

Sa tulong ng tagapaggabay basahin at bigkasin ang tulang


“Ang Aming Mag-anak”.

Ang Aming Mag-anak

Ang aming mag-anak ay laging masaya


Maligaya kami nina ate at kuya
Mahal kaming lahat ni ama at ina
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?

Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,


Tulong ni ama ay laging nakaabang
Suliranin ni ate ay nalulunasan
Sa tulong ni inang laging nakalaan.

Suriin

Sa tulong ng tagapaggabay basahin at sagutan ang


sumusunod:

1. Sa tulang binasa ilan ang kasapi ng pamilya?


2. Sino-sino ang mga ito?
3. Ano ang nararamdaman ng pamilya?
4. Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa?
5. Ganito din ba ang iyong pamilya?

9
Pagyamanin:
Ano- ano ang mga pangyayari sa buhay ninyong pamilya na
nagdudulot ng kaligayahan sa inyo?

Magkwento ang nanay o kaya ay tagapaggabay ng mga


masayang pangyayari sa kanilang pamilya : hal: kaarawan,
pamamasyal, pagtatapos, pista, pasko at iba pa.

Iguhit sa loob ng kahon o kaya ay magdikit ng larawan ng tatlong


bagay na nangyari sa inyong pamilya na nagdulot ng kasiyahan
sa inyo.

Ang Tatlong Bagay na Nangyari


Ang AANGG sa Aking Pamilya na
Nagdulot ng Kasiyahan sa Akin

Pagkatapos na iguhit o idikit ang larawan magkwento tungkol


dito.

10
Isaisip
Awitin ang awit na “Masaya kung Sama Sama” sa tono ng awit
na “The More We Get Together”.

Masaya kung sama sama


Sama, sama, sama-sama
Masaya kung sama – sama
At nagtutulungan.

Kay inam ng buhay


Kung nagmamahalan
Masaya kung sama-sama
Ang buong pamilya

Tandaan: Ang bawat bata ay bahagi ng pamilya. Marami


tayong nagiging karanasan sa ating pamilya.

Isagawa
Iguhit o kaya ay magdikit ng larawan ng iyong pamilya sa loob
ng bahay na makikita sa ibaba.

Magkwento tungkol sa larawan na iyong iginuhit.

11
Mungkahing gawain: Maaaring kuhanan ng video ang bata
habang nagkukwento tungkol sa karanasan niya sa pamilya.

ARAW: Martes

Gawain sa Pagkatuto Gabay sa Pagtuturo

Panalangin:

Bago tayo magsimula, tayo Ituro sa bata ang dasal na ito


muna ay manalangin. sa bawat pagsisimula ng pag-
aaral sa loob ng isang linggo
O Diyos na may malaking
awa.Gawin Mo akong mabuting
bata. Ilayo Mo ako sa sakit at
masama. Salamat sa Inyong
pag-aalaga. At sa lahat ng
Inyong biyaya. Tulungan mo si
Ama at Ina. Lahat ng mga
kapatid ko at mga kasama.

Pag-eehersisyo: Basahin at ipagawa sa bata.


Gabayan ang bata sa tamang
1. Itaaas at ibaba ang kamay
ng 8 ulit. pag-eehersisyo sa pamamagitan
2. Iikot ang beywang ng 8 ulit. ng paggalaw ng kamay, paa, ulo
3. Lumukso ng 8 ulit. baywang at iba pang bahagi ng
katawan. Ipagawa ito sa bawat
pagsisimula ng pag-aaral sa loob
ng buong linggo

Pag-alam sa Araw at Panahon: Gabayan ang bata sa pagsagot


sa Talaarawan
Ngayon ay ____________.
Kahapon ay___________. Ipakilala sa mag-aaral ang
Bukas ay _______________. mga ngalan ng araw.
Ika- _____ ng ____________

12
taong ___________ Linggo, Lunes, Martes,
Miyerkoles, Huwebes, Biyernes at
Sabado.

Ipaalam din ang mga buwan sa


isang taon.

12 Buwan sa Isang Taon

1. Enero 7. Hulyo
2. Pebrero 8. Agosto
3. Marso 9. Setyembre
4. Abril 10. Oktubre
5. Mayo 11. Nobyembre
Tumingin ka sa paligid, ano kaya 6. Hunyo 12. Disyembre
ang ating panahon?
Mungkahing Gawain:

Ang panahon ngayon ay (Maaring humingi ng kopya ng tugtog ng


awit na “Pito-Pito” sa guro para sa pag-
aaral tungkol sa mga ngalan ng araw.

Mungkahing Gawain:

(Maaring humingi ng kopya ng tugtog ng


awit na “Ang Panahon” sa guro)

Kumustahan: Kumustahin ang mag-aaral


tungkol sa nararamdaman niya
➢ Kumusta ka ngayong araw
na ito? ngayong araw na ito. Alamin
➢ Handa ka na bang mag - kung handa na siyang muling
aral muli? mag-aral.

Balik-aral:
Sagutin:

Ano-ano ang mga karanasan Pagkwentuhin ang bata ng


mo sa pamilya na naikwento mo karanasan niya sa pamilya.

13
kahapon? Natatandaan mo pa
ba?

Pagpapaliwanag ng Mensahe Sabihin na bawat bata ay dapat


na nag-aaral at pumapasok sa
Ang bawat bata ay dapat na
paaralan. Ngayong panahon ng
nag-aaral at pumapasok sa
pandemya wala man ang mga
paaralan. Marami siyang
bata sa paaralan ay
nagiging karanasan sa
ipinagpapatuloy ang pag-aaral
pagpasok sa paaralan.
sa pamamagitan ng mga
modules. Sa panahon ng
pagpasok sa paaralan ang
isang bata ay maraming
nagiging karanasan.

Tuklasin
Sa tulong ng tagapaggabay basahin at bigkasin ang tulang
“Paaralan”

Paaralan
Ako ay gusali,
Na pinapasukan ng maraming
batang may hilig mag-aral

Bata’y nag-aaral, sa silid ko


14
Sa tulong ng guro sila ay natututo
Suriin

Sa tulong ng tagapaggabay basahin at sagutin ang sumusunod


na tanong.

1. Tungkol saan ang tula?


2. Sino ang pumapasok sa paaralan?
3. Ano ang ginagawa ng mga bata sa paaralan?
4. Ganon din ba ang ginagawa mo?
5. Sa panahon ngayon na mayroong COVID 19 saan ka nag-
aaral?

Pagyamanin
Iguhit ang iyong paaralan sa loob ng kahon. Ilagay ang mga
bagay na makikita sa loob ng silid aralan. Lagyan ng angkop na
kulay.

15
Magkwento tungkol sa iyong paaralang iginuhit. Ilarawan ang
iyong paaralan.

Isaisip
Sagutin:

1. Dapat bang mag-aral ang bata? Bakit?


2. Kahit ba wala sa paaralan ay maaaring mag-aral ang
bata? Sa palagay mo paano sya mag-aaral kung wala siya
sa paaralan?

Isagawa
Basahin at bigkasin kasama ng tagapaggabay ang tulang
“Tuntunin sa Paaralan”

Tuntunin sa Paaralan

Pagpasok ay agahan
Maging maayos sa pilahan
Mga gamit ay ingatan
Isagawa ang kalinisan.

Mga gamit ay ayusin


Makinig sa aralin
Guro ay sundin natin
Maging batang masunurin.

Sagutin: Sa iyong paaralan ba ay may mga tuntunin din kayong


sinusunod? Ano-ano ang mga ito? Magkwento tungkol dito.

16
ARAW: Miyerkoles

Gawain sa Pagkatuto Gabay sa Pagtuturo

Panalangin:

Bago tayo magsimula, tayo muna Ituro sa bata ang dasal na


ay manalangin. ito sa bawat pagsisimula ng
pag-aaral sa loob ng isang
O Diyos na malaking awa.Gawin
linggo
Mo akong mabuting bata. Ilayo Mo
ako sa sakit at masama. Salamat sa
Inyong pag-aalaga. At sa lahat ng
Inyong biyaya. Tulungan mo si Ama
at Ina. Lahat ng mga kapatid ko at
mga kasama.

Pag-eehersisyo: Basahin at ipagawa sa bata.

1. Itaaas at ibaba ang kamay ng Gabayan ang bata sa tamang


8 ulit. pag-eehersisyo sa
2. Iikot ang beywang ng 8 ulit. pamamagitan ng paggalaw
3. Lumukso ng 8 ulit.
ng kamay, paa, ulo baywang
at iba pang bahagi ng
katawan. Ipagawa ito sa
bawat pagsisimula ng pag-
aaral sa loob ng buong linggo

Pag-alam sa Araw at Panahon: Gabayan ang bata sa


pagsagot sa Talaarawan
Ngayon ay ____________.
Kahapon ay___________. Ipakilala sa mag-aaral ang
Bukas ay _______________. mga ngalan ng araw.
Ika- _____ ng ____________
17
taong ___________ Linggo, Lunes, Martes,
Miyerkules, Huwebes, Biyernes
at Sabado.

Ipaalam din ang mga buwan


sa isang taon.

12 Buwan sa Isang Taon

1. Enero 7. Hulyo
2. Pebrero 8. Agosto
3. Marso 9. Setyembre
4. Abril 10. Oktubre
5. Mayo 11. Nobyembre
6. Hunyo 12. Disyembre
Mungkahing Gawain:

(Maaring humingi ng kopya ng tugtog


Tumingin ka sa paligid, ano kaya ng awit na “Pito-Pito” sa guro para sa
ang ating panahon? pag-aaral tungkol sa mga ngalan ng
araw.
Ang panahon ngayon ay
Mungkahing Gawain:

(Maaring humingi ng kopya ng tugtog


ng awit na “Ang Panahon” sa guro)

Kumustahan:

➢ Kumusta ka ngayong araw na Kumustahin ang mag-aaral


ito? tungkol sa nararamdaman
niya ngayong araw na ito.
➢ Handa ka na bang mag -aral
Alamin kung handa na siyang
muli?
muling mag-aral.

18
Balik-aral
Pagkwentuhin ang bata ng
kanyang karanasan sa
Sagutin
paaralan.
Anu- ano ang mga karanasan mo
sa paaralan? Ikwento mo ito.

Pagpapaliwanag ng Mensahe Sabihin na bawat bata ay


kasapi ng simbahan anumang
Ang bawat bata ay kabilang sa
relihiyon mayroon sila. Sa
komunidad. Kasapi siya ng
simbahang kanilang
simbahan. Marami siyang
kinabibilangan ay mayroon
karanasan na maari niyang
silang mga karanasan na
ikwento.
maari nilang ikwento.

Sabihin din na sa kanyang


komunidad ay mayroon ding
parke o palaruan kung saan
siya ay nakapaglalaro at
nakapaglilibang

19
Tuklasin

Bakatin ang larawan.

Simbahan

Lagyan ng angkop na kulay ang larawan.

20
Suriin

Sa tulong ng tagapaggabay basahin at sagutin ang sumusunod


na tanong.
1. Ano ang nabuo sa binakat mong larawan?
2. Ano ang iyong mga ginagawa sa loob ng simbahan?
Magkwento ka tungkol sa mga ginagawa mo sa simbahan
3. Sa ikalawang gawain ano ang iyong kinulayan? Nakapunta ka
na ba dito? Ikwento ang ginawa mo sa parke o palaruan.

Pagyamanin

Sa tulong ng tagapaggabay basahin ang maikling kwento.

Ang Mag-anak
Araw ng linggo kaya walang
pasok. Bihis na bihis ang
mag-anak. May mga dala
silang maliliit na aklat-
dasalan. Sila ay patungo sa
simbahan

Sagutin: Ginagawa rin ba ng mag-anak ninyo ang


magsimba? Saan kayo nagsisimba? Magkwento ka tungkol sa
pagsimba ninyong mag-anak.

21
Isaisip

Ipaawit ang Tayo ay Komunidad sa tonong “It’s I Who build


Community”.

Tayo ay Komunidad

Ikaw, ako, tayo ay komunidad (3x)


Ikaw, ako ,tayo ay kumunidad.

Sumayaw sayaw ka’t umindak indak


Sumayaw sayaw ka tulad ng dagat.
(Ulitin)

Tandaan: Tayo ay bahagi ng komunidad. Tayo ay bahagi


ng simbahan.

22
Isagawa
Gupitin ang mga larawan. Idikit ito sa loob ng kahon na nasa
ibaba upang makagawa ng sarili mong parke. Pagkatapos ay
ikwento mo ang nais mong maging parke.

23
ARAW: Huwebes

Gawain sa Pagkatuto Gabay sa Pagtuturo

Panalangin:

Bago tayo magsimula, tayo Ituro sa bata ang dasal na ito


muna ay manalangin. sa bawat pagsisimula ng pag-
aaral sa loob ng isang linggo
O Diyos na may malaking awa.
Gawin Mo akong mabuting bata.
Ilayo Mo ako sa sakit at masama.
Salamat sa Inyong pag-aalaga. At
sa lahat ng Inyong biyaya.
Tulungan mo si Ama at Ina. Lahat
ng mga kapatid ko at mga
kasama.

Pag-eehersisyo: Basahin at ipagawa sa bata.

1. Itaaas at ibaba ang kamay Gabayan ang bata sa tamang


ng 8 ulit. pag-eehersisyo sa
2. Iikot ang beywang ng 8 ulit. pamamagitan ng paggalaw ng
3. Lumukso ng 8 ulit.
kamay, paa, ulo baywang at
iba pang bahagi ng katawan.
Ipagawa ito sa bawat
pagsisimula ng pag-aaral sa
loob ng buong linggo

Pag-alam sa Araw at Panahon: Gabayan ang bata sa


pagsagot sa Talaarawan
Ngayon ay ____________.
Kahapon ay___________. Ipakilala sa mag-aaral ang
Bukas ay _______________. mga ngalan ng araw: Linggo,
Ika- _____ ng ____________ Lunes, Martes, Miyerkoles,
taong ___________ Huwebes, Biyernes at Sabado.

24
Ipaalam din ang mga buwan
sa isang taon.

12 Buwan sa Isang Taon

1. Enero 7. Hulyo
2. Pebrero 8. Agosto
3. Marso 9. Setyembre
4. Abril 10. Oktubre
5. Mayo 11. Nobyembre
6. Hunyo 12. Disyembre
Tumingin ka sa paligid, ano kaya
ang ating panahon? Mungkahing Gawain:

(Maaring humingi ng kopya ng tugtog


Ang panahon ngayon ay ng awit na “Pito-Pito” sa guro para sa pag-
aaral tungkol sa mga ngalan ng araw.

Mungkahing Gawain:

(Maaring humingi ng kopya ng tugtog


ng awit na “Ang Panahon” sa guro)

Kumustahan:

➢ Kumusta ka ngayong araw na Kumustahin ang mag-aaral


ito? tungkol sa nararamdaman niya
ngayong araw na ito. Alamin
➢ Handa ka na bang mag -aral
kung handa na siyang muling
muli?
mag-aral.

Balik -aral

Kahapon ay tinalakay natin ang Gabayan ang bata sa


tungkol sa simbahan. Ilarawan ang pagkukwento ng kanyang mga
iyong simbahan. Magkwento karanasan sa simbahan
tungkol dito.

25
Pagpapaliwanag ng Mensahe Ipaliwanag na tayo ay kasapi
ng isang barangay na
Tayo ay kasapi ng isang
pinamumunuan ng Kapitan ng
komunidad, Sa komunidad ay
Barangay kasama ng mga
mayroong barangay na
Kagawad ng Barangay. Sa
namamahala sa pamayanan.
Barangay Hall sila madalas
Mayroong barangay hall tayong
matatagpuan. Sa Barangay
maaaring puntahan kung tayo ay
Hall din tayo nagpupunta kung
may pangangailangan sa
nangangailangan tayo ng
pamayanan.
tulong sa pamayanan natin.

Tuklasin
Tingnan ang larawan sa ibaba. Masasabi mo ba kung sino -sino
ang nasa larawan ?

26
Suriin
Sa tulong ng iyong tagapaggabay, basahin at sagutin ang
sumusunod na tanong. Para sa tagapaggabay, lagyan ng check
ang patlang kung nasagot ng bata ng tama ang tanong.

_____1. Sino-sino ang nasa Barangay Hall?


_____3. Sino ang kapitan o pinuno ng inyong Barangay?
_____3. Sino-sino ang mga konsehal sa inyong Barangay?
Tanod?
_____3. Ikaw ba ay natulungan na rin nila? Magkwento
tungkol dito.

Pagyamanin

Nakita mo na ba ang inyong Barangay Hall? Iguhit ito sa loob ng


kahon. Lagyan rin ito ng angkop na kulay. Pagkatapos iguhit ay
magkwento ka tungkol dito.

Isaisip

27
Isaisip

Muling awitin ang awit na Tayo ay Komunidad sa tonong “Its I


Who Build Community”

Tayo ay Komunidad

Ikaw, ako, tayo ay komunidad (3x)


Ikaw, ako, tayo ay kumunidad.

Sumayaw sayaw ka’t umindak indak


Sumayaw sayaw ka tulad ng dagat.
(Ulitin)

Tandaan: Tayo ay bahagi ng komunidad, tayo ay bahagi ng


isang barangay.

28
Isagawa

Tingnan ang larawan ng iba’t ibang gawaing ginagawa sa


pamayanan . Ginagawa mo rin ba ang ilan sa mga ito. Bilugan
ang larawan na ginagawa mo upang makatulong sa
pamayanan. Magkwento tungkol dito.

Mungkahing gawain: Maaaring kuhanan ng video ang bata


habang nagkukwento.
Mga Gawain sa Pamayanan

29
Araw: Biyernes
Gawain sa Pagkatuto Gabay sa Pagtuturo

Panalangin:

Bago tayo magsimula, tayo Ituro sa bata ang dasal na ito


muna ay manalangin. sa bawat pagsisimula ng pag-
aaral sa loob ng isang linggo
O Diyos na may malaking
awa. Gawin Mo akong
mabuting bata. Ilayo Mo ako
sa sakit at masama. Salamat sa
Inyong pag-aalaga. At sa
lahat ng Inyong biyaya.
Tulungan mo si Ama at Ina.
Lahat ng mga kapatid ko at
mga kasama.

Pag-eehersisyo: Basahin at ipagawa sa bata.

1. Itaaas at ibaba ang Gabayan ang bata sa tamang


kamay ng 8 ulit. pag-eehersisyo sa
2. Iikot ang beywang ng 8 pamamagitan ng paggalaw ng
ulit.
kamay, paa, ulo baywang at
3. Lumukso ng 8 ulit.
iba pang bahagi ng katawan.
Ipagawa ito sa bawat
pagsisimula ng pag-aaral sa
loob ng buong linggo

Pag-alam sa Araw at Panahon: Gabayan ang bata sa


pagsagot sa Talaarawan
Ngayon ay ____________.
Kahapon ay___________. Ipakilala sa mag-aaral ang
Bukas ay _______________. mga ngalan ng araw.
Ika- _____ ng ____________

30
taong ___________ Linggo, Lunes, Martes,
Miyerkoles, Huwebes, Biyernes
at Sabado.

Ipaalam din ang mga buwan


sa isang taon.

12 Buwan sa Isang Taon

1. Enero 7. Hulyo
2. Pebrero 8. Agosto
3. Marso 9. Setyembre
4. Abril 10. Oktubre
5. Mayo 11. Nobyembre
6. Hunyo 12. Disyembre
Tumingin ka sa paligid, ano Mungkahing Gawain:
kaya ang ating panahon? (Maaring humingi ng kopya ng tugtog
ng awit na “Pito-Pito” sa guro para sa pag-
Ang panahon ngayon ay aaral tungkol sa mga ngalan ng araw.

Mungkahing Gawain:

(Maaring humingi ng kopya ng tugtog


ng awit na “Ang Panahon” sa guro)

Kumustahan:

➢ Kumusta ka ngayong Kumustahin ang mag-aaral


araw na ito? tungkol sa nararamdaman niya
ngayong araw na ito. Alamin
➢ Handa ka na bang mag -
kung handa na siyang muling
aral muli?
mag-aral.

31
Balik-aral
Hanapin at bilugan ang larawan ng sumusunod: paaralan,
simbahan, parke, barangay hall. Magkwento ng iyong mga
naging karanasan sa mga ito.

Pagpapaliwanag ng Mensahe Ipaliwanag na ang palengke ay


bahagi ng komunidad. Dito tayo
Tayo ay kasapi ng komunidad.
bumibili ng pang-araw araw
Sa komunidad ay mayroong
nating pangangailangan gaya
palengke na binibilhan natin
ng isda, gulay karne, prutas at
ng pagkain. Marami tayong
marami pang iba pang pagkain.
nagiging karanasan sa
palengke na maari nating
ikwento.

32
Tuklasin
Tingnan ang larawan.

Suriin
Sa tulong ng iyong tagapaggabay basahin at sagutin ang
sumusunod na tanong.

1. Nakarating ka na ba sa lugar na nasa larawan?

2. Ano ang tawag sa lugar na ito?

3. Ano-ano ang nabibili dito?

4. Kailan ka huling pumunta rito? Magkwento ng iyong


karanasan sa pagpunta sa palengke.

33
Pagyamanin
Ilan sa nabibili sa palengke ay ang mga prutas at gulay. Gupitin
ang mga gulay at prutas na nasa ibaba at idikit ito sa tamang
basket. Magkwento tungkol sa iyong karanasan sa pagbili ng
prutas at gulay sa palengke. Paano kayo namili ng iyong nanay o
tatay sa palengke?

Prutas Gulay

34
Isaisip
Sa tulong ng tagagabay basahin at sagutin ang tanong

1. Ano ang lugar sa komunidad na pinag-aralan natin


ngayon? Mahalaga ba ang palengke? Bakit?

Isagawa
Nagpunta ka kasama ng iyong nanay sa palengke. Alin sa mga
nakalista ang iyong bibilhin. Lagyan ito ng tsek. Ikwento kung bakit
ang mga ito ang iyong bibilhin.

Listahan ng mga Bibilhin Ko

gatas keso

itlog manok

tinapay mais

saging karots

mansanas ubas

35
Karagdagang Gawain

simbahan

36
Sanggunian:

Eedncr.files.wordpress.com ap teachers

http:www.guro.com

http:www. Takdang aralin.com/ Filipino Tulang pambata/mga tula tungkol sa


pamilya.Tagalog Reading

www.pinterest.ph
Teacher Fun Files:Tagalog

Readinghttps://www.google.com/search?q=tracing+church&tbm=isch&ved=2ahUKEw
iE6f7phuHuAhVUCKYKHRGsBU4Q2cCegQIABAA&oq=tracing+church&gs_lcp=CgNpbW
cQAzICCAA6BQgAE

https://www.google.com/search?q=worksheets+coloring+park&tbm=isch&ved=2ahUK
EwjU7ZLCh-HuAhWJxYsBHQLIDGoQ2-
cCegQIABAA&oq=worksheets+coloring+park&gs_lcp=CgNpbWcQAzoGCAAQCBAeU
N_xAliTggNg24wDaABwAHgAgAGAAogBxAmSAQU0LjMuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aX
otaW1nwAEB&sclient=img&ei=H7skYJTiG4mLr7wPgpCz0AY&bih=657&biw=1349&hl=en

https://www.google.com/search?q=worksheets+park&tbm=isch&ved=2ahUKEwjrn5bbh
-HuAhV9yIsBHfVVCRkQ2-
cCegQIABAA&oq=worksheets+park&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBAeMgYIABAIEB
4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yB
ggAEAgQHjIGCAAQCBAeUKXUBlj_4QZghvMGaABwAHgAgAHSAYgB5giSAQUzLjUuMZgB
AKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=U7skYKuqOf2Qr7wP9aulyAE&bih
=657&biw=1349&hl=en

https://www.facebook.com/KindergartenImsPH/

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+palengke&tbm=isch&ved=2ahUKEwi
k3MfMiOnuAhVE35QKHX0QASoQ2-
cCegQIABAA&oq=larawan+ng+palengke&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyA
ggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjoECAAQQzo
GCAAQCBAeOgUIABCxAzoICAAQsQMQgwE6BwgAELEDEENQ6ogoWKLKKGCK3ihoAH
AAeACAAf0BiAGAI5IBBzIyLjIxLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient
=img&ei=_-0oYOTgJsS-0wT9oITQAg&bih=600&biw=1349&hl=en

https://www.google.com/search?q=free%20printable%20farmers%20market%20printabl
es&tbm=isch&hl=en&tbs=rimg:Cb2kcuayNKBRYSWv9tCnsC4p&sa=X&ved=0CB0QuIIBah
gKEwj4-OTpgenuAhUAAAAAHQAAAAAQ5AI&biw=1349&bih=600

37

You might also like