You are on page 1of 11

Elementary

Baitang 5

EPP – Sining Pantahanan

EPP – TLE LEARNING ZIP


Ikatlong Linggo

Wastong Paraan ng Pamamalants

Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa
EPP5HE-0d-8
EPP – Sining Pantahanan - Baitang 5
EPP-TLE Learning Zip
Wastong Paraan ng Pamamalantsa
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng
mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo Sinuportahan ng

Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang EPP-TLE Learning Zip o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng
mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay higit na ipinagbabawal.

Development Team of the EPP-TLE Learning Zip

Authors/Writers: Relly C. Arca, Florabel B. Napura


Sheila Mae M. Abismo, Maria Joyce A. Prado Melody L. Barretto j
Ronie Continente, Francis P. Caro, Roxanne Q. Vergara
Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor Florabel B. Napura, Johna N. Noble
Illustrators: Layout Artists:

Division Quality Assurance Team:


Lilibeth E. Larupay, Abraham P. Imas
Remia D. Manejero, Armand Glenn S. Lapor, Rustom C. Plamillo

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Abraham P. Imas, Remia D. Manejero

Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa
EPP5HE-0d-8
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP-TLE Baitang 4.

Ang EPP-TLE Learning Zip ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
upang gabayan ang mga mag-aaral, at mga gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng EPP-TLE Learning Zip na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan
habang isinasaalang-alang.din ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang EPP-TLE Learning Zip na ito ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang
pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging
malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga
gawain sa Learning Zip na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang EPP-TLE Learning Zip ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw
na mga gawaing napapaloob dito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa
EPP5HE-0d-8
WASTONG PARAAN NG PAMAMALANTSA

Sa araling ito, matututuhan mo ang wastong paraan ng pamamalantsa


(EPP5-HE-Od-8).

Ang mga damit na bagong laba ay kailangang plantsahin. Hindi magandang tingnan
ang damit kung isusuot na hindi pinaplantsa. Ang pamamalantsa ay isang paraan ng
pangangalaga at pag-aayos ng damit upang bumalik ang dating hugis at ayos nito.

Panuto: Basahin at unawain ang talata at sagutin ang mga tanong.


Isulat sa sagutang papel.

Tuwing sabado, inuutusan si Digna nang kanyang nanay na labhan ang mga marurumi niyang dami

Mga Tanong:

Ano ang unang gagawin ni Digna sa kanyang mga labahan?

Ano-ano ang mga kagamitang dapat niyang ihanda sa paglalaba?

1
Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining
Pantahanan Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa EPP5HE-0d-8
Nakatutuwang makita na ang isang mag-aaral na tulad mo ay nakasuot ng uniporme
na malinis at maayos. Ipinapakita nito ang sipag at kasiyahan mo sa iyong pag-aaral. Ngunit
paano kung ito ay gusot at wala sa dating hugis. Sa araling ito matutunan mo ang kahalagahan
ng pamamalantsa.

Mga Paraan sa Pamamalantsa

1.
 Ihanda ang plantsa at mga damit na
paplantsahin, malinis na tubig, at bimpo na
gagamitin sa pamamalantsa.

2.  Ilagay sa tamang temperatura ang kontrol ng plantsa.


Ang init ng plantsa ay inaayon sa uri ng damit na
paplantsahin.
 Unahing plantsahin ang maninipis na damit at isunod
ang makakapal. Baligtarin ang damit at plantsahin ang
tupi,bulsa, hugpungan, kuwelyo at laylayan.

3.
 Plantsahin ang mga manggas. Ipasok ang balikat ng
polo o blusa sa dulo ng plantsahan at plantsahin.
Gawin ito sa kabilang balikat. Ipasok o ilusot ang
buong damit sa plantsahan at plantsahin ang harap at
likod ng bulsa o polo .

4.
 Simulang plantsahin ang palda sa ibaba ng baywang.
Kung may pileges ang palda, ayusin ito at padaanan
na basang bimpo bago plantsahin mula laylayan
patungong baywang.

5.
 Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit. Ang
mga damit pambabae ay tiklupin at patasin ayon sa uri
at itago sa kahon o aparador.

2
Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining
Pantahanan Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa EPP5HE-0d-8
Mga Dapat Tandaan sa Pamamalantsa ng Ibang Kasuotan

Bestida - baliktarin muna at plantsahin ang bulsa, kuwelyo, balikat at likod at harap
ng bestida, manggas at laylayan.
Palda - baliktarin para plantsahin ang bulsa. Ibalik sa karagayang bahagi nito at
ayusin ang pleats ayun sa tupi/tiklop.
Plantsahin ito mula laylayan pataas.
Pantalon - baliktarin at plantsahin muna ang mga bulsa. Ibalik sa karayagang
bahagi, ayusin ang tupi at plantsahin ang magkabilang bahagi nito.

Mga Kagamitan na Dapat Ihanda Bago Mamalantsa

- pinapatungan ng damit
habang namamalantsa

kabayo o plantsahan

- pinaglalagyan ng mga
damit na paplantsahin

ropero

- dito isinasabit ang damit


na natapos plantsahin
upang hindi magusot

hanger

- ginagagamit ito para


matanggal ang gusot o
lukot ng damit

plantsa

3
Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining
Pantahanan Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa EPP5HE-0d-8
Gawain 1
Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan mula sa Hanay A ayon sa gamit nito sa
Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa hiwalay na sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
1. ropero A. ginagamit para matanggal ang
gusot o lukot ng damit

2. plantsa B. dito isinasabit ang damit na


natapos plantsahin upang
hindi magusot

3. kabayo o plantsahan C. pinaglalagyan ng mga damit na


paplantsahin

4. hanger D. pinapatungan ng damit


habang namamalantsa

E. ginagamit na pamunas bago


plantsahin ang damit

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay
na sagutang papel.

1. Bakit mahalagang matutunan ang mga tamang hakbang sa


pamamalantsa ng damit?

2. Bakit kailangang ilagay sa tamang temperatura ang kontrol ng plantsa?

3. Ano ang ipinapakita ng isang batang sumusuot ng plantsadong damit?

4
Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining
Pantahanan Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa EPP5HE-0d-8
Gawain 3
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ipinapahahayag ng bawat pangungusap ay wasto
at MALI kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Unahing plantsahin ang maninipis na damit at isunod ang makakapal.


2. Ilagay sa pinakamataas na temperatura ang kontrol ng plantsa ayon sa uri ng
damit na paplantsahin.
3. Isabit sa pako ang mga naplantsang damit.
4. Ihanda ang lahat na gagamitin sa pamamalantsa bago magsimula.
5. Tiyaking tuyo ang kamay bago isaksak ang plug ng plantsa.
6. Magplantsa sa lugar na walang maaabala at maliwanag.
7. Simulang plantsahin ang laylayan ng palda.
8. Padaanan ng basang bimpo ang makakapal na damit bago plantsahin.
9. Tanggalin sa saksakan ang plug ng plantsa pagkatapos gamitin.
10. Sundin ang mga hakbang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi.

Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pag-aalis ng mga gusot sa damit na nakuha dahil sa paglalaba.

5
Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining
Pantahanan Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa EPP5HE-0d-8
Gawain 1
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na hakbang sa pamamalantsa.
Isulat sa patlang ang tamang bilang na 1-5. Isulat ang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad ng bestida,


pantalon, polo at blusa.

Ilagay sa kontrol ng plantsa ang tamang temperatura ayon sa uri ng damit


na paplantsahin.

Plantsahin ang mga manggas.


Ihanda ang plantsa at mga damit na paplantsahin, malinis na tubig at bimpo
na gagamitin sa pamamalantsa.
Unahing plantsahin ang makakapal na damit at isunod ang maninipis.

Gawain 2
Panuto: Isulat ang mga hakbang sa pamamalantsa ng mga sumusunod na kasuotan sa loob
ng kahon. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

Pantalon na uniporme

Palda na uniporme

Bestida na pansimba

Polo na pang-okasyon

6
Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining
Pantahanan Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa EPP5HE-0d-8
Gawain 3
Panuto: Sa iyong tahanan, gawin at sundin ang wastong pamamaraan sa pamamalantsa. Sa
tulong ng iyong mga magulang, gamitin ang sumusunod na rubrik.

Rubrik sa Pamamalantsa

Gawain 5 puntos 3 puntos 1 puntos KABUUAN


1. Nasunod ko ba lahat Lahat ng tamang May 1 - 2 May higit 3 na
ang tamang hakbang sa hakbang ang hakbang ang
hakbang sa pamamalantsa ay hindi nasunod. hindi nasunod.
pamamalantsa nasunod.
ayon sa tamang
pagkakasunud-
sunod?
2. Naalis ko ba ang lahat Lahat ng gusot sa May 1 - 2 na May higit 3 na
ng gusot sa pinaplantsang mga mga mga gusot mga gusot sa
pinaplantsang mga damit ay naialis. sa pinaplantsang pinaplantsang
damit ? mga damit ay mga damit ay
hindi naialis. hindi naialis.

3. Natapos ko ba sa Natapos ko sa May 1-2 damit May higit 3


tamang oras ang tamang oras ang ang hindi ko damit ang hindi
gawaing iniatas sa gawaing iniatas sa natapos sa ko natapos sa
akin? akin. itinakdang oras itinakdang oras
ng paglalaba. ng paglalaba.

KABUUANG PUNTOS

Mga Sanggunian:
Batayang Aklat sa EPP 5
Batayang Aklat sa EPP 6
Agap at Sikap , Umunlad sa Paggawa

Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining


Pantahanan
Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa
8
Baitang 5 - Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Sining
Pantahanan
Kompetensi: 1.7 Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa

You might also like