You are on page 1of 13

Department of Education

5 National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
M ARIK INA CITY

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Gawaing Pantahanan
Unang Markahan - Modyul 3
Wastong Paraan ng Pamamalantsa

Manunulat: Maribel A. Mella


Tagaguhit at Tagalapat: Patrick R. Mella Jr.
Tagaguhit ng Pabalat: Christopher E. Mercado

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay dinesenyo upang tulungan kang linangin ang mga
kaalaman at kagalingan sa mga Gawaing Pantahanan sa EPP.
Inaasahan na matapos mong pag-aralan ang modyul na ito natutuhan mo
nang:
1.8 Isagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa.
1.8.1 Masunod ang batayan ng tamang pamamalantsa.
EPP5HE0d-8
1.8.2 Maipakikita ang wastong paraan ng pamamalantsa at
wastong paggamit ng plantsa.

Subukin

Halika, alamin natin kung ano ang pinag-uusapan nina Marie, Ken at Ana,
baka may maitulong tayo.

May ideya ka ba sa mga katanungan nina Ken at Ana?

Sagutan ang mga sumusunod sa kumpletong pangungusap.

1. Sabay na binili nina Ken at Marie ang kanilang mga damit. Luma nang
tingnan ang damit ni Ken samantalang parang bago pa rin ang damit ni
Marie. Paano nangyari ito? Ipaliwanag.
2. Nasunog ang panyo ni Ana ng plantsa pero hindi ang pantalon ng tatay nya.
Bakit kaya? Ano ang dapat gawin upang maiwasan ito?
3. Mahalaga ba na plantsahin ang ating mga kasuotan bago gamitin o isuot?
Bakit? Ipaliwanag.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
1 Wastong Paraan ng Pamamalantsa

Totoong mahalagang matutuhan ang mga kaalaman sa pamamalantsa.


Ngunit mahalaga rin na hindi natin makalimutan ang mga nakaraang aralin, dahil
sa kanila nasusukat kung tayo ay tunay na lumalago sa buhay.

Balikan
Isulat ang “X” sa patlang bago ang bilang kung mali ang isinasaad sa
pangungusap. Isulat naman ang “ ” kung ito ay tama.

_________1. Ang mantsa ay madaling alisin kapag nasunod ang tamang paraan sa
pagtatanggal nito kahit pa inabot pa ito ng ilang araw sa damit.
_________2. Kapag maglalaba, ihiwalay ang pinakamaruming damit, gayundin
ihiwalay ang mga puti sa mga de-kolor.
_________3. Suriin isa-isa ang damit kung may mantsa o sira; tingnan din kung
may laman ang mga bulsa, gawin ito matapos mong maglaba.
_________4. Unang sabunin ang mga puti at bigyang pansin ang kuwelyo, kilikili,
bulsa at mga laylayan.
_________5. Isampay gamit ang sipit o hanger sa nasisikatan ng araw ang mga de-
kolor na damit para matuyo kaagad.

Tuklasin

Pagdugtungin ang plantsa at ang kable nito. Sa pamamagitan ng pagguhit


ng linya, padaanin ito sa mga salitang ginagamit sa pamamalantsa o may relasyon
sa pamamalantsa.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
Pamamalantsa ng Damit
Ang kagandahan ng damit ay nakasalalay kung paano ito pinaplantsa
upang maibalik ang dating hugis ng kasuotan. Narito ang mga paraan ng
pagpaplantsa:
1. Ihanda ang mga paplantsahing damit.
2. Ihanda ang plantsahan (ironing board). Tiyakin na malinis ang sapin ng
plantsahan. Dagdagan ito ng sapin kung nais ng makapal.
3. Tiyakin din na malinis ang plantsa at walang kalawang. I-set ang
temperatura ng plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin. Unahin ang
makakapal na tela.
4. Plantsahin ang damit ayon sa paalaalang taglay nito sa mga etiketa.
5. Sa pamamalantsa ng ibang kasuotan gaya ng:
a. Bestida – Baliktarin muna at plantsahin ang bulsa, kuwelyo, balikat at
likod, at harap ng bestida, manggas at laylayan.
b. Palda (may pleats) – Baliktarin para plantsahin ang bulsa. Ibalik sa
karayagang bahagi nito at ayusin ang pleats ayon sa tupi/tiklop nito.
Plantsahin ito mula laylayan pataas.
c. Pantalon – Baliktarin at plantsahin muna ang mga bulsa. Ibalik sa
karayagang bahagi; ayusin ang tupi at plantsahin ang magkabilang
bahagi nito.
Magandang matuto ng pamamalantsa habang bata pa lamang. Malaking
tulong ito sa iyong mga magulang dahil napagagaan ang kanilang pang-araw-araw
na gawain.

Para sa karagdagang kaalaman sa pamamalantsa panuurin ang mga video


clips sa links na ito:
1. TESDA proper ironing - https://bit.ly/3eiBzI8
2. How to Iron Clothes Properly – https://bit.ly/2ZiKJ3o

Pagyamanin

Punan ng tamang impormasyon ang patlang sa bawat pangungusap.


1. Ihanda ang ___________ (ironing board). Tiyakin na malinis ang sapin ng
plantsahan. Dagdagan ito ng sapin kung nais ng makapal.
2. Tiyakin din na malinis ang plantsa at walang __________.
3. I-set ang ____________ ng plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin.
4. Plantsahin ang damit ayon sa paalaalang taglay nito sa mga ________.
5. Sa pamamalantsa ng pantalon, baliktarin at plantsahin muna ang mga
_____.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Sagutin ng may pagpapaliwanag.

1. Mahalaga na basahin ang etiketa ng damit bago plantsahin. Bakit?


2. Bakit kailangang plantsahin muna ang kabaliktaran ng bestida, palda at
pantalon?
3. I-set sa iisang temperature lamang ang plantsa para sa lahat ng uri ng
damit. Tama ba ito? Ipaliwanag.
4. Kung magpaplantsa, kailangan pa bang i-tsek ang kondisyon ng plantsa at
kable nito bago gamitin? Bakit?
5. Maliban sa napapanatili ang ganda ng kasuotan kapag pinaplantsa, ano pa
kaya ang magandang dulot ng pamamalantsa ng ating kasuotan? Magbigay
ng isang halimbawa. Ipaliwanag.

Isagawa

Ipaalam sa inyong tahanan na ikaw ang mamamalantsa sa araw na ito dahil


gusto mong makatulong sa kanila. Gamitin ang Rubriks sa ibaba bilang gabay sa
paggawa.

TINULUNGAN
NAGAWA
NG
PAMAMALANTSA BA?
NAKAKATANDA? ISKOR
SA LOOB NG TAHANAN OO HINDI HINDI OO
PUNTOS
1 0 1 0
Naihanda ang mga paplantsahing
1
damit.
2 Naihanda ang plantsahan (ironing
board).
 Malinis ang sapin ng
plantsahan.
3 Naihanda ang gagamiting plantsa.
 Malinis
 Walang kalawang.
 Naka-set ang
temperatura ayon sa uri
ng damit.
Naplantsa ang damit ayon sa
4
paalaalang taglay ng etiketa.
5 Nagawa ang tamang
pamamalantsa ng bestida.
 Binaliktad ang bestida.
 Inuna ang bulsa, kuwelyo,

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
TINULUNGAN
NAGAWA
NG
PAMAMALANTSA BA?
NAKAKATANDA? ISKOR
SA LOOB NG TAHANAN OO HINDI HINDI OO
PUNTOS
1 0 1 0
balikat at likod, at harap ng
bestida, manggas at
laylayan.
6 Nagawa ang tamang
pamamalantsa ng palda (may
pleats).
Binaliktad para plantsahin
ang bulsa.
 Binalik sa karayagang
bahagi nito.
 Inayos ang pleats ayon sa
tupi/tiklop nito.
 Plinantsa mula laylayan
pataas.
7 Nagawa ang tamang
pamamalantsa ng pantalon.
 Binaliktad at unang
plinantsa ang mga bulsa.
 Binalik sa karayagang
bahagi
 Inayos ang tupi
 Plinantsa ang magkabilang
bahagi nito.
KABUUANG ISKOR

Pirma at Pangalan ng Magulang o Tagapag-alaga Petsa


Pagpapakahulugan: 13– 14 Napakahusay
10 – 12 Mahusay
8–9 May Katamtamang Husay
1–7 Kailangan pang Magsanay

*Paalaala: Siguraduhing makopya ito at maisagawa. Hingin ang lagda ng magulang


o tagapag-alaga bilang pagpapatunay na maayos mong natupad ang mga nasa
itaas.

(Optional) Kung may data o internet koneksyon. Kunan ng larawan o i-video ang
sarili habang ginagawa. Isend sa guro sa pamamagitan ng e-mail o messenger.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
A. Ilagay sa tamang pagkasunod-sunod ang mga hakbang sa
pamamamapantsa. Gamitin ang bilang 1-6 sa pag-aayos nito.

_________ Ihanda ang mga paplantsahing damit.


_________ Ihanda ang plantsahan (ironing board).
_________ Tiyakin na malinis ang sapin ng plantsahan.
_________ Tiyakin din na malinis ang plantsa at walang kalawang.
_________ I-set ang temperatura ng plantsa ayon sa uri ng damit na
paplantsahin.
_________ Plantsahin ang damit ayon sa paalaalang taglay nito sa mga etiketa.

B. Isulat ang hakbang sa pamamalantsa ng mga sumusunod.

Pamamalantsa ng Bestida: 7. ___________________________________________


8. ___________________________________________

Pamamalantsa ng Palda 9. ___________________________________________


(may pleats):
10. __________________________________________

Pamamalantsa ng Pantalon: 12. __________________________________________


13. __________________________________________
14. __________________________________________

Karagdagang Gawain
Binabati kita dahil may sapat ka ng kaalaman at galing sa pamamalantsa.
Nasisiguro ko na ito ay magdudulot ng malaking tulong sa iyong tahanan.

Bilang pagpapatunay ng iyong pagkatuto gawin mo ang mga sumusunod:

1. Gumawa ka ng iskedyul ng pamamalantsa sa loob ng isang buwan.


2. Ipakita at papirmahan ito sa iyong magulang o tagapag-alaga.
3. (Kung posible) Kunan ng larawan ang bawat araw na ikaw ang
nakaiskedyul mamalantsa at ipadala ito sa guro sa pamamagitan ng e-
mail o messenger.
4. (Kung walang data o internet) Isulat sa buong papel ang araw ng iyong
pamamalantsa at oras kung kalian mo ito ginawa. Papirmahan sa
magulang.
5. Ihanda ito sa araw ng pasahan.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7 City of Good Character
1. Mahalaga na basahin muna ang etiketa ng damit bago plantsahin upang masigurong
hindi ito masusunog o masira sa ating pamamalantsa.
2. Kailangang baliktarin ang bestida, palda at pantalon sa pamamalantsa dahil sa
makakapal ito at kadalasang may mga bulsa sila na kailangan din na maplantsa muna at
maging maayos ang pagplantsa ng panlabas na bahagi ng kasuotan.
3. Mali na ang plantsa ay nakaset sa iisang temperatura lamang kapag namamalantsa,
dapat ay iadjust ang temperatura base sa uri ng damit na pinaplantsa.
4. Dapat lamang na itsek muna ang kondisyon ng plantsa at kable nito bago mamalantsa
upang maiwasan ang anumang disgrasya o pagkakuryente.
5. Ang pagpaplantsa ay nakapapatay din ng mga mikrobyo o insekto na hindi natin nakikita, kaya mahalaga na
plantsahin ang ating mga kasuotan.
ISAISIP
1. x
1. plantsahan
2. kalawang. 2.
3. temperatura
4. etiketa. 3. x
5. bulsa.
4.
5. x
PAGYAMANIN TUKLASIN BALIKAN
1. Luma nang tingnan ang damit ni Ken kumpara sa damit ni Marie dahil sa hindi
nya ito napaplantsa. Ang pagpaplantsa ng damit ay nakakatulong dito upang maging
maayos at magandang tingnan ang damit.
2. Nasunog ang panyo ni Ana ng plantsa pero hindi ang pantalon ng tatay nya dahil
mas makapal ang pantalon kumpara sa panyo. Upang maiwasan ang pagkasunog dapat ay
i-set ang temperatura ng plantsa base sa kapal o uri ng damit.
3. Mahalaga na plantsahin ang damit bago isuot upang maging maayos at kaaya-aya
tayong tingnan. Nakakatulong din ang pagplantsa sa pagpatay ng mga mikrobyo o insekto
na nasa damit natin ngunit hindi natin nakikita.
SUBUKIN
Susi sa Pagwawasto
uk-or-us-use-the-term-iron-for-the-tool-to-press-clothe
https://ell.stackexchange.com/questions/10192/do-english-speakers-in-
Imahe ng plantsa at cord:
sa Kaunlaran (p. 121). Quezon City: Vibal Group, Inc.
(Batay ang Aklat). In R. A. Gloria A. Peralta, Kaalaman at Kasanayan Tungo
Department of Education, Bureau of Learning Resources. (2016). EPP 5
Sanggunian
PANGHULING PAGTATASA SA EPP 5 – HOME ECONOMICS

UNANG MARKAHAN
(Modyul 1-3: Pangagalaga ng Kasuotan, Paglalaba at Pamamalantsa)

Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.

1. Katatapos lang magbasketbol ni Ken. Kailangan na niyang


magpalit ng damit dahil basa na ito ng pawis. Habang
nagpapalit ay napansin niyang napunit pala ito. Alin sa mga
sumusunod ang pinakatama niyang gawin?
a) Sulsihan ang napunit na bahagi ng damit.
b) Pahanginan muna ang damit at sulsihan pagkatapos.
c) Sulsihan muna ang punit at pahanginan ito pagkatapos.
d) Pahanginan hanggang matuyo ang damit na basa sa pawis.

2. Oras na para sa P.E. nina Marie, kaya pinapunta sila sa


covered court. Habang naghihintay sila sa mga bilin ng guro
pinaupo muna sila sa sahig. Alin sa mga sumusunod ang
pinakatamang gawin ni Marie upang mapangalagaan ang
kanyang kasuotan?
a) Walisan ang sahig bago maupo.
b) Gumamit ng sapin na maaring magamit bilang upuan.
c) Walisan ang covered court bago pa magsimula at magdala ng
sapin na gagamitin.
d) Para wala nang masayang na oras at makapagsimula agad
ay maupo na sa sahig dahil wala naman kayong nakikitang
dumi.

3. Anong mantsa ang tinutukoy ng sumusunod na hakbang na


ito? “Kuskusin ng yelo ang kabila ng damit na may mantsa
hanggang ito ay tumigas.”.
a) Tinta c) tsokolate
b) Kalawang d) bubble gum

4. Ang pagsusulsi ay ang pagtatahing nakakahawig sa tahi ng


makina dahil ___________ at ___________ ang pagkakatahi
nito.
a) medyo pino at paulit-ulit c) medyo pino at mahahaba
b) pinong-pino at paulit-ulit d) pinong-pino at mahahaba

5. Anong mantsa ang tinutukoy ng sumusunod na hakbang na


ito? “Lagyan ng asin at katas ng kalamansi ang bahaging
namantsahan. Sabunin”.
a) tinta c) tsokolate
b) kalawang d) bubble gum

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6. Nasira ang washing machine nina Greg. Nang tingnan nila
ang loob ng washing machine ay may bumarang piso pala sa
umiikot na bahagi nito. Ano kayang hakbang ang hindi
nagawa ni Greg sa paglalaba?
a) paghihiwalay c) pagsasampay
b) pagsusuri d) pagbabanlaw

7. Nagtataka si Marie kung bakit may mantsa ang kanyang


uniporme gayong alam na alam niya naman na wala pa itong
mantsa noong nilalabhan niya ito kasama ng iba pang mga
damit niya. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang hindi
nagawa ni Marie?
a) paghihiwalay c) pagsasampay
b) pagsusuri d) pagbabanlaw

8. Magbabanlaw na ng damit si Ana, ilang beses ba niya dapat


gawin ito?
a) isang beses c) tatlong beses
b) dalawang beses d) wala sa nabanggit

9. Bago simulan ang aktwal na paglalaba ay kailangang suriin


muna ang mga lalabhan. Alin sa ibaba ang HINDI kasama sa
mga susuriin mo bago maglaba?
a) mantsa c) laman ng mga bulsa
b) butas o punit d) laki ng damit

10. Ang sumusunod ay ang mga Hakbang sa Paglalaba. Piliin sa


ibaba ang titik ng tamang pagkakasunod-sunod o
pagkakaayos ng mga hakbang na ito.
1. Paghihiwalay
2. Pagbabanlaw
3. Pagbabasa/Pagbababad
4. Pagsasampay
5. Pagsusuri
6. Pagsasabon
7. Paghahanda
a) 1-2-3-4-5-6-7 c) 7-5-1-3-6-2-4
b) 7-6-5-4-3-2-1 d) 7-5-3-1-6-2-4

11. Ang mga sumusunod ay mga bagay na ating madalas na


pinaplantsa. Alin sa mga ito ang dapat na huli mong
paplantsahin?
a) Pantalon c) panyo
b) T-shirt d) Shorts

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12. Sa pamamalantsa, ang _________________ ay
nangangailangan ng mataas o mas mainit na temperatura,
samantalang ang ____________ ay sapat na ang mas
mababang temperatura.
a) Bestida; t-shirt c) Panyo; uniporme
b) Maong na pantalon; panyo d) T-shirt; pantalon

13. Mamamalantsa ka ng polo, aling bahagi ang dapat na


maunang paplantsahin?
a) Manggas c) Laylayan
b) Kwelyo d) harapan

14. Mamamalantsa ka ng pantalon, alin sa ibaba ang dapat na


mauna mong gawin?

a) Ayusin ang tupi at plantsahin ang magkabilang bahagi nito.


b) Baliktarin at plantsahin muna ang mga bulsa.
c) Ibalik sa karayagang bahagi.
d) Wala sa nabanggit.

15. Ang sumusunod ay ang mga Hakbang sa Pamamalantsa.


Piliin sa ibaba ang titik ng tamang pagkakasunod-sunod o
pagkakaayos ng mga hakbang na ito.
1. Plantsahin ang damit ayon sa paalaalang taglay nito sa
mga etiketa. Unahin ang makakapal na tela.
2. I-set ang temperatura ng plantsa ayon sa uri ng damit
na paplantsahin.
3. Tiyakin na malinis ang plantsa at walang kalawang.
4. Ihanda ang plantsahan (ironing board).
5. Ihanda ang mga paplantsahing damit.
a) 1-2-3-4-5 c) 5-4-3-1-2
b) 5-4-3-2-1 d) 5-4-1-2

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maribel A. Mella (LVES)
Editor:
Sarah T. Publico (Teacher II, IVES)
Genedina M. Basilio (MT II, SRES)
Resurreccion R. Marte (MT I, BES)
Tagasuri (Internal):
Marciana R. De Guzman (Principal, Parang Elementary School)
Reingelyn P. Donato (Principal, Leodegario Victorino Elementary School)
Joseph T. Santos (Education Program Supervisor-EPP/TLE)
Tagaguhit:
Patrick R. Mella Jr. (Teacher, SNES)
Christopher E. Mercado (MT I, JDPNHS)
Tagalapat:
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II,NES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Josepeh T. Santos
Education Program Supervisor - EPP/TLE

Ivy Coney A. Gamatero


Education Program Supervisor - LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like