You are on page 1of 4

GRADE 4 MARIA ELENA L.

DURON Learning EPP 4


Teacher
Daily Lesson Areas Industrial Arts
th
Plan Teaching June 6, 2023 Quarter / 4 Quarter
Date Tuesday Week # Week 6
C

CHECKED BY: MASTER TEACHER IN-CHARGE : MRS. GINA V. PUNZALAN


PRINCIPAL : DR. MARILYN M. LAURENO
PSDS: DR. AMAFLOR C. ALDE

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagsususkat sa pagbuo
ng mga kapakipakinabang na gawaing pangindustriya at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng
isang pamayana.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa nang may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga batayang
gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng sariling
pamayanan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Pagkatapos ng 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nalalaman ang mga panuntunang pangkaligtasan kaugnay ng
mga gawain
2. Nakasusunod sa mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan habang gumagawa
3. Napahahalagahan ang mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan sa paggawa

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pangkaligtasan at Pangkalusugang Panuntunan sa Paggawa
B. Sanggunian: Module MELC (EPP4IA-0f-6)
C. Kagamitan: (visual aids), mga larawan, ppt, laptop
D. Pagpapahalaga: Nalalaman ang kahalagahan ng mga Pangkaligtasan at
Pangkalusungang Panuntunan sa Paggawa.
E. Integrasyon: Araling Panlipunan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsusuring Pangkalinisan (Silid)
4. Pagbigkas ng mga alituntunin sa silid-aralan
5. Pag-awit
6. Pagtala ng pumasok at lumiban sa klase
7. Pagsasanay
Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang kasagutan. Pumili ng tamang
sagot sa loob ng kahon.

1. Maglaan ng lugar, _______________ para sa mga kasangkapan at


kagamitan sa paggawa.
2. Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga
_______________ at iba pang makapipinsala sa katawan.
3. Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng _______________ at magpalit
kaagad ng kasuotan matapos gumawa.
4. Makabubuting gamitin ang mga kasangkapang _______________ sa
patnubay ng nakatatanda o guro.
5. Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga _______________ na
gagamitin.

8. Balik-Aral

Sa nakaraang aralin natalakay ninyo ang tungkol sa wastong pamamaraan ng basic


sketching, shading at outlining.

Ano-anong hanapbuhay ang maaari nating pasukin kung tayo ay may kaalaman sa basic
sketching, shading at outlining?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng


kagamitan at kasangkapan sa paggawa sa Alamin Natin letrang A sa LM.

2. Pagganyak na tanong
Paano ginagamit ang mga ito?

3. Paglalahad

Ang pagsasagawa ng iba’t-ibang proyekto ay isang gawaing kawili-wili,


nakalilibang, at higit sa lahat ay kapaki-pakinabang na gawain lalo na kung
isasaalang-alang ang pagsunod sa mga tuntuning pangkaligtasan at
pangkalusugan habang gumagawa.
Ang mga sumusunod ay ilang tuntunin at paunawa na dapat mong
sundin upang maiwasan ang anumang kapahamakan at hindi magandang
insidente habang gumagawa. Gawin mong gabay ang mga ito sa lahat ng
pagkakataon.

Maglaan ng lugar, kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at


kagamitan sa paggawa. Iayos ang mga ito ayon sa uri at gamit upang
mapadali ang pagkuha at pagbabalik sa mga ito.
2. Gamitin nang buong ingat ang mga de-kuryenteng kasangkapan at
kagamitang matatalim at matatalas.

3. Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga kasangkapang


gagamitin. Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang,
mapurol, maluwag ang turnilyo o kaya’y may sirang bahagi.

4. Ibigay ang buong atensiyon sa ginagawa. Huwag makipaglaro o makipag-


usap habang humahawak ng mga kagamitan at kasangkapan.

5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang de-


kuryente bago gamitin ang mga ito. Makabubuting gamitin ang mga

kasangkapang ito sa patnubay ng guro o ng mga nakatatanda.


6. Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga kemikal,
at iba pang makapipinsala sa katawan.
7. Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron at hairnet, at magpalit
kaagad ng kasuotan matapos gumawa.
8. Maghugas na mabuti ng kamay bago at pagkatapos gumawa.

4. Pagtatalakay

Iayos ang mga kasangkapan sa EPP Shop ayon sa panuntunang


pangkaligtasan.

Bumuo ng mga pangkaligtasan at pangkalusugang panuntunan sa paggawa


na dapat sundin. Ayusin ang mga kasangkapan sa sining pang-industriya
ayos sa panuntunang iyong nabuo.

5. Pagsasanay

1.Ano ang mga posibleng panganib sa lugar ng trabaho?


2.Ano ang mga hakbang upang maiwasan ang mga panganib sa lugar ng
trabaho?

6. Paglalahat

Ano ang kahalagahan ng pag sunod sa mga panuntunang pangkaligtasan


at pangkalusugan?

1. Paglalapat

Magtayo ng mga grupo at magtayo ng isang listahan ng mga posibleng panganib


sa lugar ng trabaho. Ibigay sa bawat grupo ang papel at pen. Pagkatapos ay ipakita
ang mga posibleng panganib sa lugar ng trabaho sa buong klase.

Pangkatang Gawain
1. Panatilihing tahimik lamang sa paggawa.
2. Ang lahat ay dapat nakikiisa at tumulong sa paggawa ng nakaatang
na gawain.
3. Maipasa ang nakaatang nagawain sa takdang oras.
Pamantayan sa Pangkatang
Gawain

KOOPERASYON 30

ORGANISASYON 20

KAAYUSAN SA 40
PAGGAWA
TAKDANG ORAS 10
KABUAAN 100
PUNTOS

2. Pagpapahalaga

Bakit dapat mahalaga ang pag sunod sa mga panuntunang pangkaligtasan


at pangkalusugan?

IV. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng tsek / ang patlang kung dapat gawin at ekis x kung hindi dapat.

_________1. Gumamit ng kasangkapang angkop sa bawat gawain.


_________2. Ilagay sa bulsa ang mga kagamitan at kasangkapang matutulis.
_________3. Ingatan ang paggamit ng matalas na kagamitan at kasangkapan.
_________4. Makipaglaro habang gumagawa.
_________5. Maghintay ng pagkakataon sa paggamit ng kasangkapan kapag ito’y kulang.

V. Takdang – Aralin

Basahin ang Aralin 15 sa inyong libro page 516

Formative test result


Number of pupils present =
5 X ____ = ____
4 X ____ = ____
3 X ____ = ____
2 X ____ = ____
1 X ____ = ____
0 X ____ = ____
Total
Mn. ____
Ml. ____

You might also like