You are on page 1of 11

DETALYADONG Paaralan Baitang Ikalima

PANG-ARAW-ARAW Guro Asignatura EPP


NA BANGHAY ARALIN Petsa/Oras Markahan Una
UNANG LINGGO-IKAAPAT NA ARAW
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng
gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,metal, kawayan, elektrisidad,
at iba pa.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Nasusunod ang mga panuntunang, pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa. EPP5IA-0b-2

II. NILALAMAN AREA: INDUSTRIAL ARTS


ARALIN 2: Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Gawaing Kahoy, Metal, Kawayan at
Iba Pa.
III. LEARNING RESOURCES
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 p 235-237; Banghay Aralin sa Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan VI

2. Mga Pahina sa Kagamitang No available resources yet


Pangmag-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk Makabuluhang Gawaing Pangtahanan at Pangkabuhayan 6 pp.193-196; Makabuluhang


Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan pp. 170-171

4. Karagdagang Kagamitan mula lrmds.deped.gov.ph/detail/6918


sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan tulad ng martilyo, lagari, turnilyo, at iba pang mga kagamitan, PowerPoint
presentation with downloaded pictures, laptop, LCD, flat TV, strips, activity cards
IV. PAMAMARAAN

A. Pagbabalik-aral sa Nakaraang Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga kagamitang ginagamit ng isang:


Aralin at Pagsisimula ng A. Karpintero
Bagong Aralin. B. Electrician
C. Tubero
(Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

B. Paghahabi sa Layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
Aralin at Paggaganyak  Nasusunod ang mga panuntunang pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.
B. Ipakita ang mga larawan.
Itanong ang sumusunod.
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan sa ibaba?
2. Paghambingin at ipaliwanag.
Kuha ni: Analiza C. Dominguez (Gulang-Gulang ES, Lucena City)
Tanong:
1. Ano-ano ang pangkaligtasan at pangkalusugang gawi sa paggawa?
2. Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa
paggawa?
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Inquiry-Based Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Sabihin sa mag-aaral na hindi lamang kaalaman sa paggawa ang kanilang matututuhan sa
Halimbawa sa Bagong Aralin gawaing pang-industriya. Bukod sa iba’t ibang kasanayan sa pagbubuo ng proyektong
napili, hinuhubog din ang maayos na pagkilos at mabuting pag-uugali. Malalaki, matatalim at
maseselang kasangkapan ang matututuhang gamitin sa paggawa kaya’t kailangan ang pag-
iingat upang makaiwas sa sakuna.

Pangkatang Gawain
a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
b. Bigyan ng gawain o activity card ang bawat pangkat.
c. Ibigay ang pamantayan sa paggawa.
d. Patnubayan ang mga ito.
e. Ipaulat ang output.
Pangkat A
1. Basahin ang nakasulat sa ibaba, gawin at sagutin ang tanong.
2. I-ulat sa klase ang sagot.
Nagkalat ang mga kagamitan ni Darwin sa sahig na ginamit niya sa paggawa ng
proyekto. Hindi na niya halos makita ang gagamitin niya.
a. Ano ang nararapat niyang gawin upang madali niyang makita ang hinahanap?
b. Paano niya gagamitin ang mga kagamitang ito?

Pangkat B
1. Pag-aralan ang mga larawan. (batang nagpuputol ng kahoy gamit ang mapurol na lagari
at may kalawang; maluwag na turnilyo ng door knob; nakikipaglaro ang bata habang
naglalagari ng bakal)

https://www.google.com.ph/search?
q=clipart+carpenter&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiquaC7prvcAhUKQN4KHR2iAlEQ_AUICigB&biw=1280
&bih=686#imgrc=hcuQ1S7WATY7_M:
2. Ano-ano ang posibleng mangyari sa mga nakita ninyo sa larawan?
3. Paano nila maiiwasan ang mga sakuna?
Pangkat C
1. Idikit ang mga strips ng papel sa mga larawan: martilyo, malyete, electric drill, balbike,
hack saw, kikil, long nose, plais.

https:// www.google.com.ph/search?biw=1280&bih=686&tbm=isch&sa=1&ei=hvpYW7brK4vu-
Qbzp4uQCw&q=martilyo&oq=martil&gs_l=img.1.0.0i67k1j0l2j0i67k1l2j0l2j0i67k1j0l2.103613.105134.0.108
183.6.6.0.0.0.0.180.775.0j6.6.0....0...1c.1.64.img..0.6.768...35i39k1.0.UWaPNX3GMAI#imgrc=gESXTyjmme2nAM
2. Basahin ang tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapan bago ito gamitin.
3. Makabubuting gamitin ang mga ito sa ilalim ng patnubay ng guro.
4. Maglagay ng panakip sa mata, ilong at bibig kung gagamit ng mga kasangkapan at
kagamitan tulad ng welding machine, lathe machine at mga kemikal na nakapipinsala sa
katawan.
5. Bakit ginawa ng bata ang mga ito?

Pangkat D
1. Tingnan ang larawan (batang may guwantes, apron, damit pantrabaho at panakip ng
ilong at bibig habang gumagawa)
Kuha ni: Analiza C. Dominguez (Gulang-Gulang ES, Lucena City)
2. Isulat sa papel ang mga nakikita sa larawang nagsasaad ng gawaing pangkalusugan,
pangkaligtasan at pangkalinisan sa paggawa.
3. Kung ikaw ang batang nasa larawan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
(Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)

D. Pagtatalakay ng Bagong Pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong.


Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #1 1. Ano-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasang dapat tandaan
habang gumagawa?
2. Bakit kailangang gumamit ng damit pantrabaho sa paggawa?
3. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa?
4. Bakit kailangang mag-ingat habang gumagawa ng proyekto?
5. Mahalaga bang sumunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasang
kaugnay sa gawain? Bakit?
(Gawin sa loob ng 13 minuto) (Reflective Approach)

E. Pagtatalakay ng Bagong Pag-usapan o talakayin ang sumusunod.


Konsepto at Paglalahad ng 1. Ano-anong panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ang dapat sundin sa
Bagong Kasanayan #2 paggawa? Bakit kailangan sundin ito?
2. Paano mo maipakikita na sumusunod ka sa mga panuntunang pangkalusugan,
pangkaligtasan at pangkalinisan sa paggawa?
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Inquiry-Based Approach)

F. Paglilinang sa Kabihasahan Isulat kung Pangkalusugan, Pangkaligtasan o Pangkalinisan ang mga panuntunang dapat
(Tungo sa Formative sundin.
Assessment) _______ 1. Iwasan ang paggamit ng mga kinakalawang, mapupurol at may sirang
kasangkapan.
_______ 2. Tiyaking walang tao sa iyong likuran o malapit sa iyo na maaaring matamaan
nang di-sinasadya.
_______ 3. Linising mabuti ang ilang bahagi ng katawan na narumihan habang gumagawa.
_______ 4. Maglagay ng takip sa bibig at ilong kung gumagamit ng mga pambombang
pamatay kulisap.
_______ 5. Gumamit ng damit pantrabaho kung gumagawa.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

G. Paglalapat sa Aralin sa Pang- Pangkatin ang klase sa apat. Ibigay ang activity card na naglalaman ng gawain ng bawat
Araw-Araw na Buhay pangkat.
Pangkat 1:Isulat ang wastong paraan ng pagsunod sa mga panuntunang pagkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa.
Pangkat 2: Ipakita ang wastong paraan ng pagsunod sa mga panuntunang pagkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan.
Pangkat 3: Gumawa ng tulang naglalaman ng pagsunod sa mga panuntunang
pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.

Pangkat 4: Gumawa ng awit na ang diwa ay nagpapakita ng pagsunod sa mga


panuntunang pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.
Rubriks sa Pangkatang Gawain
PAG-UULAT/PRESENTASYON
ISKOR PAGLALARAWAN
10 Handang-handa at naaayon sa panuto at layunin ng aralin.
8 Handa at naaayon sa panuto at layunin ng aralin.
6 Naayon sa layunin ng aralin ngunit hindi gaanong napaghandaan.
4 Hindi gaanong napaghandaan at hindi naayon sa aralin.
2 Naghanda ngunit hindi nakapag-ulat o walang naipakita sa klase.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)

H. Paglalahat sa Aralin Ano-ano ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa?

Ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa ay ang sumusunod:


1. Maglaan ng lugar, kahon o cabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa.
Makabubuting iayos ang mga ito ayon sa uri at gamit upang mapadali ang pagkuha at
pagbabalik sa mga ito.
2. Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang de-kuryente at kagamitang matatalim.
Ang mga de-kuryenteng kasangkapan ay ginagamit lamang kung kinakailangan at hindi
dapat paglaruan.
3. Tiyaking ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon. Iwasan ang
paggamit ng mga kagamitang kinakalawang, mapupurol, maluwag ang turnilyo o kaya’y
may sirang bahagi.
4. Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa. Huwag makipaglaro o makipag-usap habang
humahawak ng mga maseselang kagamitan at kasangkapan.
5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang de-kuryente bago gamitin
ang mga ito. Makabubuting gamitin ang mga kasangkapang ito sa ilalim ng patnubay ng
guro.
6. Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga kasangkapan tulad ng
welding machine, lathe machine, mga kemikal at ibang makapipinsala sa katawan.
7. Gumamit ng damit pantrabaho at magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa.
8. Maghugas ng kamay pagkatapos gumawa.
B. Paano maiiwasan ang sakit at sakuna habang gumagawa?
Maiiwasan ang sakit at sakuna habang gumagawa kung isinasaalang-alang ang mga
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan.
(Gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective Approach)

I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay sumusunod sa panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan at MALI kung hindi. Salungguhitan ang salitang
nagpamali at isulat sa patlang ang wastong sagot.
_______1. Piliin ang klase at laki ng disturnilyador na gagamiting panghigpit o pantanggal
sa
turnilyo.
_______2. Hawakan ang lagari ng iyong kanang kamay o kaliwang kamay. Ilagay ang apat
na daliri sa labas na bahagi ng hawakan at ang isang daliri ay sa loob.
_______3. Patayin ang pangunahing swits bago gumawa kung magkukumpuni ng mga
sirang kagamitang de-kuryente
_______4. Maglagay ng takip sa mata, ilong o bibig habang gumagawa sa tuwi-tuwina.
_______5. Ilagay sa likod o bulsa ang kagamitan habang di pa ito ginagamit.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

J. Karagdagang Gawain para sa Ipagawa ang alinman sa sumusunod ayon sa kakayahan.


Takdang Aralin at Remediation A. Gumuhit/gumupit ng larawang nagpapakita ng wastong pagsunod sa mga panuntunang
pangkalusugan, pangkaligtasan at pangkalinisan na dapat nating sundin sa paggawa
B. Magsalisik/gumawa ng slogan tungkol sa wastong pagsunod sa mga panuntunang
pangkalusugan, pangkaligtasan at pangkalinisan na dapat nating sundin sa paggawa.
IV. MGATALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang Remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like