You are on page 1of 28

VA L U E S

E D U C AT I O N
GRADE 5 – QUARTER43
April 5, 2024

TEACHER:_______________
OBJECTIVE

Naisasapuso ang
kahalagahan ng
pagsasaalang-alang sa
kapwa.
Yoga Pose o Wacky Pose
Yoga Wacky
Pose Pose
Basahing mabuti ang bawat pahayag.
Gawin ang yoga pose kung pahayag
ay nagpapakita ng pagsasaalang-
alang sa kapwa at wacky pose naman
kung hindi.
___1. Ang nararapat na pakikitungo sa kapwa ay
pagtrato sa kaniya nang may paggalang at
dignidad.
___2. Maipapakita ang makabuluhang
pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagtulong at
pakikiramay nito.
___3. Nagiging kaugalian nating mga Pilipino ang
pakikipagkapwa dahil sa kakayahan nating
makiramdam
___4. Pakikitungo nang maayos sa iba upang
mabigyan ng pera.
___5. Ang pakikipagkapwa ay gagawin lamang sa
mga taong may naitulong sa iyo.
Basahin ang kuwento.
Ang Batang Matulungin
ni: Fe V. Consolacion
Isang umaga, inutusan si Aranah ng kanyang ina
na bumili ng asin at patis sa tindahan. Habang
naglalakad, nakita niya si Lola Asing na papunta
din sa tindahan. Napansin ni Aranah ang mabagal
na paglakad ng matanda. Naramdaman ng bata
na tila may naramdamang sakit ang matanda
kapag gumawa siya ng mga hakbang sa paglakad.
Hindi nakatiis ay tinanong ni Aranah kung bakit
parang pinilit lang ng matanda na lumakad.
Umatake pala ang rayuma ng matanda kaya hirap
siya sa paglalakad. Kailangan niyang pumunta sa
tindahan kasi may bibilhin siyang sangkap para
sa kanyang lulutuin. Wala naman siyang kasama
sa bahay kaya napilitan siyang puntahan ang
tindahan.
Naawa si Aranah sa matanda. Inalok niya ang
matanda na siya nalang ang bibili ng mga
kailangan niya sa tindahan. Masayang pumayag
ang matanda sa alok ng bata. Pinaghintay lamang
ni Aranah ang matanda sa upuan na nasa tabi ng
daan. Dali-daling pumunta si Aranah sa tindahan
upang bilhin ang utos ng kanyang ina at mga
ipinagpapabili ng matanda.
Hindi nagtagal, nakabalik na ang bata sa
kinauupuan ng matanda. Inalok ni Aranah na
ihatid ang matanda sa kaniyang bahay.
Pagkatapos maihatid ni Aranah si Lola Asing ay
masaya siyang umuwi ng kanilang bahay.
Pagdating ay ipinaliwanag niya sa kaniyang ina
kung bakit siya natagalan. Hindi naman nagalit
ang kaniyang ina at sa halip ay masaya pa siya sa
ginawang pagtulong sa anak.
1. Sino ang batang matulungin sa kwento?
2. Paano tinulungan ni Aranah ang matanda?
3. Anong katangian ang ipinakita ng bata sa
kwento?
4. Kung ikaw si Aranah, gagawin mo rin ba
ang pagtulong na kanyang ginawa? Bakit?
Bukod sa ating sarili, dapat din nating
isaalang-alang ang kapakanan ng ating
kapwa. Hindi lamang tayo nabubuhay para
lamang sa ating sarili. Kailangan tayo ng
ating kapwa at kailangan din natin sila.
Malasakit sa isa’t-isa ang susi ng pagkakaroon ng
matiwasay na pamumuhay. Maipapakita ang
pagsasaalang-alang sa kapwa kahit sa munting
paraan. Kaya kung may pagkakataon, huwag
magaalinlangang magbigay ng pagtulong o di
kaya’y pagdamay sa kapwa. Sa ganitong paraan,
makamit natin ang kalutasan sa anumang
pagsubok at kasiyahan sa kapwa at sa ating sarili.
ACTIVITY
Bilang isang batang marunong
magsasaalang -alang sa kaniyang
kapwa, ano ang gagawin mo sa mga
sumusunod na sitwasyon?
1. Nakita mong may naglalakad na bulag na
matanda sa daan. Wala siyang kasama sa
paglalakad.
________________________________________
2. Nasunugan ang isa sa iyong mga kapitbahay.
Wala silang gamit na naisalba maliban sa damit
na kani-kanilang suot sa mga oras na iyon. Wala
din silang perang pantustos sa kanilang mga
pangangailangan.
________________________________________
3. May paparating na malakas na bagyo.
Pinayuhan kayong mag-ipon ng mga pagkain at
maiinom na tatagal ng tatlong araw o higit pa.
Abalang-abala sa paghahanda ang iyong pamilya
samantalang ang iyong kapitbahay ay
naghahanap pa ng perang pambili ng pagkain.
ACTIVITY
Sa isang long bondpaper, gumawa ng
poster na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa.
Rubriks:
“GALLERY WALK”
ACTIVITY
Panalangin
Sumulat ng isang
panalangin sa Diyos
para sa mga biktima
ng iba’t-ibang
pagsubok sa buhay
tulad ng bagyo,
lindol at sunog.
THANK
YOU!

You might also like