You are on page 1of 30

VA L U E S

E D U C AT I O N
GRADE 6 – QUARTER 4
April 12, 2024

TEACHER:_______________
OBJECTIVE

Naisasapuso ang
kahalagahan ng
pagsasaalang-alang sa
kapwa.
Model Pose o Meme Pose
(Tama o Mali with a twist)
YOGA WACKY
POSE POSE
Basahing mabuti ang bawat
pahayag. Gawin ang yoga pose
kung pahayag ay nagpapakita ng
pagsasaalang-alang sa kapwa at
wacky pose naman kung hindi.
___1. Ang nararapat na pakikitungo sa kapwa ay
pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
___2. Maipapakita ang makabuluhang pakikipagkapwa
sa pamamagitan ng pagtulong at pakikiramay nito.
___3. Nagiging kaugalian nating mga Pilipino ang
pakikipagkapwa dahil sa kakayahan nating
makiramdam.
___4. Pakikitungo nang maayos sa iba upang mabigyan
ng pera.
___5. Ang pakikipagkapwa ay gagawin lamang sa mga
taong may naitulong sa iyo.
BASAHIN ANG KUWENTO
Isang umaga, inutusan si Aranah ng kanyang
ina na bumili ng asin at patis sa tindahan.
Habang naglalakad, nakita niya si Lola Asing
na papunta din sa tindahan. Napansin ni
Aranah ang mabagal na paglakad ng
matanda. Naramdaman ng bata na tila may
naramdamang sakit ang matanda kapag
gumawa siya ng mga hakbang sa paglakad.
Hindi nakatiis ay tinanong ni Aranah kung
bakit parang pinilit lang ng matanda na
lumakad. Umatake pala ang rayuma ng
matanda kaya hirap siya sa paglalakad.
Kailangan niyang pumunta sa tindahan kasi
may bibilhin siyang sangkap para sa kanyang
lulutuin.
Wala naman siyang kasama sa bahay kaya
napilitan siyang puntahan ang tindahan.
Naawa si Aranah sa matanda. Inalok niya
ang matanda na siya nalang ang bibili ng mga
kailangan niya sa tindahan. Masayang
pumayag ang matanda sa alok ng bata.
Pinaghintay lamang ni Aranah ang matanda
sa upuan na nasa tabi ng daan.
Dali-daling pumunta si Aranah sa tindahan
upang bilhin ang utos ng kanyang ina at mga
ipinagpapabili ng matanda. Hindi nagtagal,
nakabalik na ang bata sa kinauupuan ng
matanda. Inalok ni Aranah na ihatid ang
matanda sa kaniyang bahay. Pagkatapos
maihatid ni Aranah si Lola Asing ay masaya
siyang umuwi ng kanilang bahay.
Pagdating ay ipinaliwanag niya sa kaniyang
ina kung bakit siya natagalan. Hindi naman
nagalit ang kaniyang ina at sa halip ay
masaya pa siya sa ginawang pagtulong sa
anak.
1. Sino ang batang matulungin sa kwento?
2. Paano tinulungan ni Aranah ang matanda?
3. Anong katangian ang ipinakita ng bata sa
kwento?
4. Kung ikaw si Aranah, gagawin mo rin ba ang
pagtulong na kanyang ginawa? Bakit?
Bukod sa ating sarili, dapat din nating
isaalang-alang ang kapakanan ng ating
kapwa. Hindi lamang tayo nabubuhay para
lamang sa ating sarili. Kailangan tayo ng
ating kapwa at kailangan din natin sila.
Malasakit sa isa’t-isa ang susi ng
pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay.
Maipapakita ang pagsasaalang-alang sa
kapwa kahit sa munting paraan. Kaya kung
may pagkakataon, huwag magaalinlangang
magbigay ng pagtulong o di kaya’y
pagdamay sa kapwa. Sa ganitong paraan,
makamit natin ang kalutasan sa anumang
pagsubok at kasiyahan sa kapwa at sa ating
sarili.
ACTIVITY
Bilang isang batang marunong
magsasaalang -alang sa
kaniyang kapwa, ano ang
gagawin mo sa mga sumusunod
na sitwasyon?
1. Nakita mong may naglalakad na bulag na
matanda sa daan. Wala siyang kasama sa
paglalakad.
_______________________________________
_
2. Nasunugan ang isa sa iyong mga
kapitbahay. Wala silang gamit na naisalba
maliban sa damit na kani-kanilang suot sa
mga oras na iyon. Wala din silang perang
pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
_______________________________________
_
3. May paparating na malakas na bagyo.
Pinayuhan kayong mag-ipon ng mga pagkain
at maiinom na tatagal ng tatlong araw o higit
pa. Abalang-abala sa paghahanda ang iyong
pamilya samantalang ang iyong kapitbahay
ay naghahanap pa ng perang pambili ng
pagkain.
ACTIVITY
Sa isang long bondpaper, gumawa
ng poster na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa.
RUBRIKS
“GALLERY
WALK”
ACTIVITY
Panalangin

Sumulat ng isang panalangin sa Diyos


para sa mga biktima ng iba’t-ibang
pagsubok sa buhay tulad ng bagyo,
lindol at sunog.
ACTIVITY
“Journal Writing”
Kompletuhin ang pangungusap.

Natutunan ko
na____________________.
Naisip ko na____________________.
Mula ngayon gagawain ko na
ang____________________.
THANK
YOU!

You might also like