You are on page 1of 2

Ang Batang Maikli ang Isang Paa

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni


Mutya. Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay
lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa
mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala
na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si
Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga
magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo
siyang naging tampulan ng panunukso nang magsimula na
siyang mag-aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga


pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya
umiiyak sa panunukso sa kanya. Lumaki siyang matapang
at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin.
Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman
nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa
loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika.
Nakakatugtog siya ng iba’t ibang instrumento. Marami ang
humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng


kanyang ina ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni
Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa
talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang
humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging
estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na
siyang kilalang piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa
tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon.
Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya
para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon.
Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na
dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang
kakayahan sa pagtugtog.
Aral:
 Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong
manalig at tumawag sa Panginoon.
 Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol
sa’yo. Huwag mo na lang pansinin ang pangit na
sinasabi nila, sa halip ay ipagpatuloy na linangin ang
iyongb kakayahan upang makamit ang iyong pangarap.
 Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung
pagsusumikapan ay maaring maging mahusay ka sa
larangang ito.

You might also like