You are on page 1of 8

3 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 -
8180

Science
Quarter 4: Week 5
Learning Activity Sheets

1
SCIENCE 3

Pangalan:__________________________ Petsa:_____________
Seksiyon:__________________________ Q4WK5

EPEKTO NG PANAHON SA KOMUNIDAD AT MGA ANGKOP NA GAWAIN SA


BAWAT URI NG PANAHON

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Panahon ay nagpapakita ng kondisyon ng hangin, mga ulap at ng araw sa isang lugar.
Ito ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa isang lugar sa takdang oras.

Ang kondisyon ng panahon ay pabago-bago at hindi permanente, minsan maaraw,


maulan, mahangin at maulap ang nararanasan sa isang lugar at may mga epekto ito sa ating
komunidad.

Mga Uri ng Panahon Angkop na Gawain Epekto sa Komunidad

Maaraw
 Natutuyo ang mga sanga ng
Isa sa angkop na gawain punongkahoy at nalalagas
ay ang pagtatanim, ang mga dahon.
magswimming, at maglaro Namumulaklak din ang mga
sa daan. halaman sa kabila ng hatid na
Nakakagawa tayo ng iba’t init ng tag-araw. Maaari ring
ibang gawain sa labas. makakuha ng sakit dulot ng
sobrang init.

Maulap
Maghanda na para sa
nalalapit na pag-ulan.
Nagiging makulimlim ang
Kalimitan kapag madilim
paligid, at hindi nakakaranas
ang ulap, inaasahang
ng hangin at nagbabadyang
uulan sa isang lugar.
umulan.

2
Maulan
Angkop ng panahon para
sa mga magsasaka upang
Kapag malakas at ulan at
makapgtanim
mabagyo, nasisira ang mga
Ang mga gawain ay sa
pananim. Nagkakaroon din
loob lamang ng bahay at
nag baha at landslide dahl sa
iniiwasan ang paglabas
malambot na lupa dulot ng
upang makaiwas sa sakit
ulan.
dulot ng ulan.

Mahangin

Malamig ang simoy ng Ang mga dahon at iba pang


hangin at angkop upang bagay ay nililipad. Ang mga
makagawa ng mga gawain bahagi ng bahay o gusali na
sa labas. Ito ang panahon hind masyadong maayos ang
na magandang magpalipad pagkakagawa ay maaari ring
ng mga saranggola. mapinsala.

Mabagyo Walang pasok sa paaralan


at mga opisina sanhi ng
Nasisira ang ibang ari-arian
masamang panahon. Ang
at kabuhayan ng mga tao sa
mga gawain ay sa loob
komunidad. Mapinsala ito sa
lamang ng bahay. Alerto
tao, hayop, pananim, ari-
ang mga tao sa maaaring
arian at kabuhayan ng tao.
idulot nito. Makibalita sa
babala ng bagyo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

 Ipaliwanag ang epekto ng panahon sa mga gawain sa komunidad


 Natutukoy ang mga angkop na gawain sa bawat uri ng panahon (S3ES-IVg-h-5)

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panahon ang ipinapakita sa bawat larawan. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

3
Ang Uri ng Panahon ay?

1. Ang panahon ay ___________.

2. Ang panahon ay ___________.

3. Ang panahon ay ___________.

4. Ang panahon ay ___________.

5. Ang panahon ay ___________.

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang epekto ng pabago-bagong panahon sa buhay tao, sa halaman at sa hayop.
Isulat ito sa loob ng kahon.

Epekto ng Panahon Epekto ng Panahon Epekto ng Panahon


Uri ng Panahon
sa tao sa halaman sa hayop

4
1. Mainit

2. Mahangin

3. Maulap

4. Maulan

5. Mabagyo

Pagsasanay 3
Panuto: Sumulat ng mga angkop na gawain na maaaring gawin sa komunidad sa bawat uri
ng panahon. Isulat sa loob ng bahay.

Maulan
Maaraw

5
Mahangin

Maulap Mabagyo

Pagsasanay 4
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung
wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung ito ay hindi wasto.

_____1. Ang pag-ulan ay nakakatulong sa paglago ng mga halaman.


_____2. Tuwing makulimlim ang kalangitan, senyales ito na may paparating
na ulan.
_____3. Nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga tao, halaman at hayop
ang sobrang init ng araw.
_____4. Ang malakas na ihip ng hangin ay nagmumula sa sikat ng araw.
_____5. Maraming tao ang naliligo sa mga batis, ilog at dagat tuwing tag-
ulan.

Pangwakas
Tingnan ang larawan. Ano ang magiging epekto nito sa mga buhay at gawain ng
komunidad.

6
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

Sanggunian

Trinidad M. Lagarto, EdD Marilette R. Almayda, Ph.D. at Marilyn D. Dimaano, EdD, et


al,Science 3(Kagamitan ng Mag-aaral 3, Tagalog), Rex Bookstore Inc, Pasig City, 2007, pp
159-175
Arthur DC Sacatropes et al., Science 3 (Kagamitan ng Gurol 3, English), Valenzuela
City:BLOOMBOOKS INC., 2015, pp 180-200

Susi sa Pagwawasto

7
Pagsasanay 1
1. Mahangin
2. Maaraw
3. Mabagyo
4. Maulap
5. Maulan
Pagsasanay 2
Maaaring magkaroon ng ibat-ibang sagot
Pagsasanay 3
Maaaring magkaroon ng ibat-ibang sagot
Pagsasanay 4
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
Pangwakas
Maaaring magkaroon ng iba’t-ibang sagot

Inihanda ni:

JOANNA DOREEN A. ASUNCION

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat
Teacher I
Paquilliao Elementary School

You might also like