You are on page 1of 12

Ikaapat na Markahan – Modyul 4

Ikaapat na Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang naisasagawa


mo ang mga sumusunod na layunin:
A. Naihahambing ang panahon sa iba’t ibang lugar.
B. Naihahambing ang panahon sa iba’t ibang araw sa buong
taon.
C. Nalalaman na nagbabago ang panahon sa pagdaan ng
bawat araw.
D. Naihahambing ang iba’t ibang uri ng panahon sa
pamamagitan ng ilustrasyon.

Ano ako magaling?

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.


1. Anong uri ng panahon ang nararanasan sa Pilipinas tuwing
buwan ng Marso hanggang Mayo?
A. maulan C. mahangin
B. maaraw D. mabagyo
2. Ayon sa ulat-panahon, ang Tarlac ay makakaranas ng
maaraw na panahon. Samantala, ang Taguig ay
makakaranas ng na panahon.
A. maulap C. maulan
B. mahangin D. maaraw
3. Anong uri ng panahon ang madalas na nararanasan ng
Pilipinas tuwing buwan ng Hunyo hanggang Agosto?
A. maaraw C. maulan
B. mahangin D. mabagyo
4. Naglaba si Nanay ng umaga dahil maaraw ang panahon.
Biglang bumuhos ang ulan sa hapon. Ano ang
ipinapakita nito?
A. walang pagbabago ang panahon
B. nagbabago ang panahon sa bawat araw
C. hindi nagbabago ang panahon sa bawat araw
D. pare-pareho lang ang panahon sa bawat ara
5. Ano ang uri ng panahon ang ipinapakita sa bawat
larawan?
A. maaraw at maulan
B. maulap at mahangin
C. maaraw at mabagyo
D. maulan at mahangin

Aralin
Kondisyon ng Panahon
4
Ang panahon sa Pilipinas ay pabago bago. Ito ay ang
pangkahalatang lagay ng atmospera gaya ng temperatura,
halumigmig, at hangin sa isang takdang oras at panahon.

Ano ang balik- tanaw ko?

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panahon ang ipinapakita ng


larawan. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. maulang panahon D. mahanging panahon


B. maaraw na panahon E. mabagyong panahon
C. maulap na panahon

_____ 1. _____ 2. _____3.

_____ 4. _____ 5.

Ano ang gagawin ko?


Gawain 1: Pag-aralan ang weather chart at sagutin ang tanong.

Tanong:
1. Anong uri ng panahon mayroon sa Caticlan at Catobato?
____________________________________________________
2. Anong uri ng panahon mayroon sa Manila at Cebu?
____________________________________________________
3. Ayon sa weather chart anong lugar ang nakakaranas ng
pinakamainit na panahon? ____________________________
4. Anong lugar naman ang nakakaranas ng malamig na
panahon? _____________________________________________
5. Anong panahon ang nararanasan ng mga taong nakatira
sa Zamboanga, Davao at Bacolod?
____________________________________________________

Gawain 2. Pag-aralan ang tsart. Sagutin ang mga tanong sa


ibaba.
Mga Panahong Nararanasan ng Pilipinas sa Buong Taon

Buwan Disyembre Marso Hunyo Setyembre


hanggang hanggang hanggang hanggang
Pebrero Mayo Agosto Nobyembre
Malamig na Maaraw Maulang Mabagyong
Panahon panahon na panahon panahon
panahon

Tanong:
1. Anong panahon ang nararanasan sa Pilipinas sa buwan ng
Marso hanggang Mayo?

2. Sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre anong


panahon ang nararanasan sa Pilipinas?

3. Anong mga buwan nararanasan ang maulang panahon sa


Pilipinas?

4. Anong panahon ang nararanasan sa buwan ng Disyembre


hanggang Pebrero?

5. Anong pag-iingat sa iyong kalusugan ang maaari mong gawin


sa pabago-bagong panahon sa Pilipinas?

Gawain 3. Pag-aralan ang talaan ng temperatura sa loob ng


isang Linggo. Sagutin ang mga tanong.
Araw Temperatura
Lunes 22°C
Martes 29°C
Miyerkules 24°C
Huwebes 29°C
Biyernes 27°C

1. Ano ang pinakamainit na temperatura?___________________


2. Anong pinakamalamig na temperatura? __________________
3. Anong araw ang may parehong temperatura?_____________
4. Anong mga araw ang may pinakamainit na temperatura?
__________________________________________________
5. Anong araw ang may pinakamababang temperatura?
___________________________________________________
Gawain 4. Pag-aralan ang weather chart at sagutin ang mga
tanong.
Baguio Metro Manila Catanduanes Cebu Davao

10 °C 32 °C 20 °C 23 °C 18 °C

1. Anong uri ng panahon mayroon ang Metro Manila?


___________________________________________________
2. Saang lugar ang may mahanging panahon?
_____________________________________________________
3. Saang lugar ang nakakaranas ng malamig na panahon?
__________________________________________________
4. Anong lugar naman ang nakakaranas ng mainit na
panahon?
_____________________________________________
5. Kung ang Davao ay nakakaranas ng maulang panahon
saang lugar naman ang nakakaranas ng mabagyong
panahon?
___________________________________________________

Ano ang kahulugan?

Ang panahon ay ang kalagayan ng papawirin


at kalagayan ng hangin sa alinmang lugar sa bansa sa maikling
panahon.
Nakakaranas ng iba’t ibang panahon tulad ng maaraw
maulan, malamig, at mabagyo ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ang Lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan ay isa sa mga lugar sa
Pilipinas na may mainit na panahon samantalang sa Lungsod ng
Baguio ay nakakaranas ng malamig na panahon.
Maraming lugar sa Pilipinas ang nakakaranas ng malamig
na panahon tuwing Disyembre hanggang Pebrero. Sa ibang mga
lugar naman ay nakakaranas ng mainit na panahon sa mga
buwan ng Marso hanggang Mayo. Tuwing buwan naman ng
Hunyo hanggang Agosto nararanasan ang maulang panahon, at
sa mga buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre
nakakaranas ng mabagyong panahon sa Pilipinas.
Ang temperatura, halumigmig , mga ulap, sikat ng araw at
galaw ng hangin ang mga kadahilanan sa pag- iiba iba ng
panahon sa isang lugar.
Ang mga sumusunod ay mga simbulong ginagamit sa
paglalarawan sa pagkakaiba –iba ng panahon.

Ano pa ang gagawin ko?

Panuto: Iguhit sa patlang ang araw kung ang

pangungusap ay tama at ulap naman kung ito ay mali.

_____ 1. Isa ang temperatura sa nakakaapekto sa panahon.


_____ 2. Kapag mainit ang hangin mainit din ang panahon.
_____3. Mas malamig ang temperatura sa mababang lugar.
_____ 4. Magkakapareho lang ang panahon sa iba’t ibang
lugar.
_____5.Habang tumataas ang isang lugar tulad ng Baguio ay
nakakaranas ng malamig na temperatura .

Ano ang natamo ko?

 Nakararanas ng iba’t ibang panahon ang iba’t-ibang lugar


sa Pilipinas. Ang mga uri ng panahon ay maaraw, mabagyo,
maulap, mahangin, at maulan.
 May iba’t –ibang panahon na nararanasan sa iba’t-ibang
araw sa buong taon.
 Temperatura, dami ng ulan, sikat ng araw at hangin ang mga
dahilan sa pag-iiba-iba ng panahon ng isang lugar.

Ano ang kaya kong gawin?

Panuto: Suriin ang tsart at bilugan ang titik ng tamang sagot.


Buwan Disyembre Marso Hunyo Setyembre
hanggang hanggang hanggang hanggang
Pebrero Mayo Agosto Nobyembre

Panahon

1. Anong panahon ang nararanasan sa buwan ng Hunyo


hanggang Agosto?
A. maaraw na panahon C. maulan na panahon
B. mabagyo na panahon D. malamig na panahon
2. Anong buwan nararanasan ang maaraw na panahon?
A. Marso hanggang Mayo
B. Hunyo hanggang Agosto
C. Disyembre hanggang Pebrero
D. Setyembre hanggang Nobyembre
3. Anong buwan kadalasan nararanasan ang sunod-sunod na
bagyo?
A. Marso hanggang Mayo
B. Hunyo hanggang Agosto
C. Disyembre hanggang Pebrero
D. Setyembre hanggang Nobyembre
4. Sa buwan ng Marso hanggang Mayo nararanasan ang maaraw
na panahon, anong panahon naman ang nararanasan sa buwan
ng Disyembre hanggang Pebrero?
A. maulang panahon C. malamig na panahon
B. maaraw na panahon D. mabagyong panahon
5. Kung ang Kalakhang Maynila ay nakakaranas ng mainit na
panahon ano naman ang panahon ang mararanasan sa Lungsod
ng Baguio?
A. maulang panahon C. malamig na panahon
B. maaraw na panahon D. mabagyong panahon

Kumusta ang target ko?


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran sa isang lugar .


A. panahon C. temperatura
B. atmospera D. halumigmig
2. Anong panahon ang nararanasan sa Pilipinas mula sa buwan
ng Disyembre hanggang Pebrero?
A. maaraw na panahon C. maulang panahon
B. malamig na panahon D. mabagyong panahon
3. Kung nakakaranas ng mainit na panahon ang Metro Manila
anong panahon naman ang nararanasan ng mga nasa
matataas na lugar?
A. mainit na panahon C. maulang panahon
B. malamig na panahon D. mabagyong panahon
4. Anong buwan nakakaranas ng madalas na pag-ulan sa
maraming lugar sa Pilipinas?
A. Marso - Mayo C. Abril - May
B. Hunyo - Nobyembre D. Disyembre – Enero
5. Kung ang buwan ng Disyembre ay nakakaranas ng malamig
na panahon ano naman ang nararanas ng panahon sa buwan
ng Mayo?

A. C.

B. D
Ano pa ang kaya kong gawin?

A. Panuto: Gumupit o gumuhit ng dalawang uri ng panahon at


paghambingin ang mga ito.

B. Para sa karagdagang kaalaman panoorin ang weather report


https://www.youtube.com/watch?v=l_vGxLZ6Ti4

SANGGUNIAN
DepEd Most Essential Learning Competencies Kuwarter 4 : Linggo: 3
Competency Code: S3ES-IVe-f-3
Dela Cruz, E.S., Diaz, E.S., Abracia, N.M., (2000). Science and health 2: For a
changing environment (Abracia, N.M., AU & Coronel, C.C., Ed.) Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing House,Inc.
Sugpatan, C.L., Apolinario, N.A. &Madriaga E.A. (2012).Science links 3.
Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc. (RBSI)
Weatherngayon.wordpress.com
https://issuu.com/cydph/docs/alsfl2-3/26
https://www.liveworksheets.com/ku1169128ia
https://www.youtube.com/watch?v=8Zvu1hjX
https://www.buhayofw.com/ano-mga-uri-panahon-sa-pilipinas-ano-klima-
tag-araw-tag-init-salik-k-5b8547a363f8d#.YFiuX
http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/9_-
_ang_klima_ng_pilipinas.pdf
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: MINDA D. MARIÑAS


Content Evaluators: REGIENA F. MARQUEZ
JEAN RITA S. GARBO
Language Evaluator: ERNA V. BARIT
GRACE V. CARPO
Reviewers: MARIVIC T. ALMO
JEAN RITA S. GARBO
Illustrator: MARIA PILAR M. IRUPANG
Lay-out Artist: MARIA PILAR M. IRUPANG
Content Validator: JEAN RITA S. GARBO
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: DR. MARIVIC T. ALMO, EPS – SCIENCE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like