You are on page 1of 2

Topic: Nasasabi at Nattutukoy ang iba’t ibang uri ng panahon

Format: Podcast-Based Lesson


Length: 5-10 minutes
Scriptwriter and Podcast- Teacher: Clariza Kay B. Torrano
Objective: Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panahon
Nasasabi ang mga iba’t ibang uri ng panahon
Naisasaisip ang pagkakakilanlan ng iba’t ibang uri ng panahon
___________________________________________________________________________

General Intro:
Magandang araw!. Maligayang pagbabalik sa SPED CLASS. Ako si Teacher Cla at
ako ang iyong podcast teacher.
Kaya maghanda na sa ating bagong aralin. Tara na!
Alam mo bang mayroon ng iba’t ibang uri ang panahon? Nagbabago din ang
kapaligiran kapag pumapalit na ito. Gusto mo bang alamin kung ano ano ito?
Buksan mo ang iyong self-learning module, module 4 week 5 sa ikalawang markahan
buksan sa pahina 1.
___________________________________________________________________________

Lesson Intro:
Ano-ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ang ginagawa ng mga bata? Gusto mo
bang malaman kung ano ang panahon sa kanilang kapaligiran?
Magaling, ito ay panahon ng tag-init
________________________________________________________________________

Abstraction:
Mayroon tayong dalawang panahon ito ay Tag-init at Tag-ulan. Ang Tag-init ito ay
panahon na maliwanag at tirik ang sikat ng araw. Dito sa tag-init ang mga tao ay nagbibilad
ng mga palay, naglalaba ng mga damit at yung iba naman ay naliligo sa dagat, madalas din
tayong gumamit ng mga payong, sombrero pag tag-init.
Ang tag-ulan naman naman panahon na malamig at maulan na maaring magdulot ng
pagbaha. Dito naman sa tag-ulan makikita mo ang mga tao na nagsusuot ng mga jacket, at
gumagamit ng kapote at bota, yung iba naman gumagamit ng payong. Nasusundan ba ko?
Magaling! Ngayon alam mo na ang dalawang uri ng panahon sa ating bansa.
________________________________________________________________________

Activities and Task:


Buksan sa pahina 3 ang iyong module, ang gagawin mo ay kukulayan ang larawan ng
PULA kung ito ay damit para sa tag-init at ASUL kung ang damit naman ay para sa tag-ulan.

Nasagutan mo ba ng tama? Ngayon naman inyong pakinggan ang kwento tungkol


kay Langgam at Tipaklong. Handa kana bang makinig?
Isang umaga, maganda ang sikat ng araw. Si tipaklong ay masayang naglalaro sa
damuhan ang kanyang kaibigang si Langgam na mayroong karga-kargang butil ng bigas.
Niyaya ni Tipaklong si langgam na maglaro subalit ito’y tinanggihan ni Langgam dahil siya
ay naghahanda sa pagdating ng tag-ulan para may sapat na makain ang kanyang pamilya.
Nagustuhan mo ba ang kwento? Sa tingin mo anung uri ng panahon ang nabanggit sa
kwento?
Tama! Ito ay ang panahon ng Tag-init, magaling! Talagang nakikinig ka sa aking
kwento, ngayon naman iyong sagutan ang nasa pahina 8 pagsasanay 1. Ang gagawin ay
Lagyan ng Tsek (/) ang kahon kung ito ay pagkaing angkop para sa tag-init at ekis (x) kung
ito ay pagkaing angkop para sa tag-ulan. Simulan mo na ang pagsagot.
Kumusta ang iyong pagsagot? Nasagutan mo ba? Binabati kita at natapos mo na ang
iyong aralin. Ako ay natutuwa sapagkat alam mo na kung paano matukoy ang iba’t ibang uri
ng panahon, sana ay nasiyahan ka sa ating aralin.
Laging tandaan, mayroon tayong dalawang uri ng panahon ito ay ang panahon ng
Tag-init at panahon ng Tag-ulan.

Closing:
Ito ang inyong Teacher Podcaster, Teacher Cla, maraming Salamat sa pakikinig sa
ating aralin Hanggang sa muli. Paalam!

___________________________________________________________________________
Sanggunian:
SPED Self Learning Module 2nd quarter

You might also like