You are on page 1of 29

Araling

Panlipunan 2
Nasasabi ang uri ng
panahong nararanasan sa
komunidad.
Paksa:
Kapaligiran at Uri ng
Panahon sa Aking
Komunidad
Balik-aral:
Basahin ang pangungusap. Sabihin ang
panahon kung ito ay TAG-ULAN o TAG-
INIT na maaring maranasan sa mga
sumusunod na sitwasyon.
1. Maaga pa ay pumasok na
sa paaralan si Edna.
Kailangan niya gumamit ng
payong upang siya ay di
mabasa. Anong panahon ito?
2. Kapag natutulog si Lola sa
tindi ng init kailangan
gumamit siya ng pamaypay
upang madali siya makatulog.
3. Sa Baryo Masaya maaga pa
ay nagkakagulo na ang mga tao
dahil pumapasok ang tubig sa
kanilang tahanan. Ano kayang
panahon ito?
4. Mabili ang tindang halo-halo ni
Tita Lucy kayat kailangang
magdagdag siya ng paninda. Bakit
kaya mabili ang kanyang tinda, ano
kayang panahon ang nararanasan
ng mga tao?
5. Nagpabili si Nanay ng
makapal na dyaket kay ate
dahil di siya makatulog sa
gabi sa sobrang lamig.
Pagganyak:

https://www.youtube.com/watch?v=bC_ahKtPTYk
Paglalahad:
Uri ng Panahon sa Aking
Komunidad Sa aking komunidad ay
may dalawang uri ng panahon. Ito
ay ang tag-ulan at tag-init.
Ang tag-init ay nararanasan mula
buwan ng Nobyembre hanggang buwan
ng Abril. Mula naman Mayo hanggang
Oktubre ang tag-ulan. Kapag tag-ulan
bumabaha sa aming lugar samantalang
kapag tag-init dahil walang puno sa
paligid.
Talakayan:
Ano- ano ang mga uri ng panahon sa ating
binasa?
Kailan natin nararanasan ang tag-ulan?
Kailan naman natin nararanasan ang tag-init?
Ano ang nararanasan pag tag-init?
Paglalahat:
Tandaan:
May dalawang uri ng panahon sa komunidad,
ito ay ang tag-init at tag-ulan.
Aplikasyon:
Basahin at unawain ang mga tanong.
Isulat ang letra ng sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Masayang nagpapalipad ng
sarangola ang mga bata. Anong uri
ng panahon ang kanilang
nararanasan?
A. tag-init C. tag-ulan
B. tag-araw D. tagtuyo
2. Dumidilim ang langit kaya
nagmamadali sa paglakad sina Ate at
Kuya. Anong uri ng panahon
ang nararanasan nila?
A. taglamig C. tag-ulan
B. tag-init D. tagtuyo
3. Masayang naghahbulan ang mga
bata sa labas ng bahay. Anong uri ng
panahon
ang nararanasan nila?
A. taglamig C. tag-ulan
B. tag-init D. tagtuyo
4. Balot na ballot si Ben ng kumot
habang natutulog. Anong panahon
ang naranasan niya?
A. taglamig C. tag-ulan
B. tag-init D. tagtuyo
5. Hindi makatuyo ng damit si
nanay, anong panahon ang
naranasan ni nanay?
A. taglamig C. tag-ulan
B. tag-init D. tagtuyo
Pagtataya:
Tukuyin ang uri ng panahon na
ipinakikita sa larawan. Isulat sa iyong
kwaderno ang sagot.
(TAG-INIT O TAG-ULAN)
1.
2.
3.
4.
5.
Takdang-Aralin:
Iguhit ang panahon ngayong
araw sa iyong kwaderno.
Thank
You!

You might also like