You are on page 1of 7

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.

V.V. Soliven Avenue ll, Cainta Rizal, Philippines


Bachelor of Elementary Education

Mala susing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Ikalawang Baitang sa Elementarya

l. Layunin:

a. Natutukoy ang uri ng panahong nararanasan ng komunidad sa pamamagitan


ng mga damit.
b. Natatalakay ang mga paraang ginagawa na pag- iingat sa sarili sa panahong
nararanasan sa komunidad.
c. Nasasabi ang iba’t-ibang uri ng panahong nararanasan sa komunidad.
d. Naiguguhit ang mga gawain/pagkilos at kasuotan ayon sa uri ng panahon sa
komunidad

ll. Paksang Aralin:

a. Paksa : Mga uri ng panahon na nararanasan sa komunidad


b. Kagamitan: Panturong Biswal, Larawan ng tag- araw at tag-ulan
c. Pagpapahalaga : Pag-iingat sa sarili
d. Sanggunian: T.G p. 88-92 at LM. p. 118-124

lll. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid Aralan
4. Pagtsetsek ng liban sa klase
5. Mga alintunin at regulasyon sa loob ng silid aralan
6. Balik-aral

B. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng video sa mga studyante at sasabayan nila
ito habang sumasayaw at kumakanta.

"Ang Panahon"

https://youtu.be/K34vxDZgjm4
C. Gawain
Magpakita ng dalawang malalaking larawan. Ang isa ay larawan ng tag-
ulan, ang isa naman ay larawan ng tag-araw.

magtanong:
 Ano ang napapansin niyo sa hanay A at hanay B na mga larawan ?

Hanay A Hanay B

Itanong ang mga sumusunod:


 magkapareho ba ang dalawang hanay?
 ano ang kanilang pinagkaiba ?
 ano-ano nga ba ang pwede nating gawin tuwing tag-ulan at tag-
init?

Magpakita ng kahon na may lamang mga larawan ng kagamitan sa


tag-ulan at tag-init, magpakuha sa bawat mag-aaral ng isang gamit sa
kahon. Huhulaan nila ito kung saan ginagamit ayon sa panahon.
D. Pagsusuri
Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan at tutukuyin ng mga
mag-aaral kung ito ay nabibilang sa tag-init o tag-araw.

o
o
o
o

[
[

E. Pagpapahalaga
 Ano ang maaari natin gawing pag iingat tuwing sasapit ang tag-ulan at
tag-init?

F. Pagtalakay sa Aralin

Mga uri ng PANAHON


na nararanasan sa komunidad

Ang panahon ay pabago bago ayon narin sa kalagayan ng atmospera, temperature,


kaulapan at init.

 PANAHON NG TAG-ARAW
- Ay mula sa buwan ng Disyembre hanggang mayo.
- Ang pinaka mainit naman na panahon ay buwan ng Abril at Mayo.
- Kalakasan ng mga turismo sa bansa na dumadayo sa iba’t-ibang lugar
lalo na sa mga baybaying dagat.
 PANAHON NG TAG-ULAN
- Mula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Ito naman ang
pinakamaulang buwan sa boung taon.
- Sa ganitong buwan nararanasan ang mga pagguho ng lupa at
pagbaha sa ilang lugar ng ating bansa

G. Paglalahat
Kung lubos na naunawaan ang aralin, ang guro ay magbibigay ng mga
katanungan tungkol sa mga panahong nararanasan sa komunidad.

 Ano ang mga panahon na nararanasan sa iyong pamayanan?


 Ano ang nakikita at nadarama natin sa tag-init? tag-ulan
H. Paglalapat
Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyan ng kanya kanyang mga gawain.

Magbibigay ang guro ng mga pamantayan para sa kanilang pangkatang


Gawain.

RUBRIKS

NILALAMAN 50%
NASUNOD ANG MGA PANUTO 20%
KOOPERASYON 15%
KAAYUSAN HABANG GUMAGAWA 15%

100%

` PANGKAT 1
Para sa unang pangkat na Gawain gumawa ng maikling dula-dulaan na
nagpapakita ng pagbabago ng panahon sa isang komunidad.

PANGKAT 2
Para sa pangalawang pangkat maglista ng mga sampung (10) kagamitan
sa tag-ulan at tag-init.

TAG-ULAN TAG-ARAW

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10 10.
PANGKAT 3
Para sa pangatlong pangkat gumawa ng sariling kanta tungkol sa
panahong nararanasan niyo ngayon na binubuo ng sampung pangungusap isulat ito sa
isang buong papel.

PANGKAT 4
Gumuhit ng tig isang kasuotan ng tag-araw at tag-ulan. Ipaliwanag sa
klase kung bakit iyon ang inyong napiling kasuotan.
1V. Pagtataya
Isulat sa blanko ang tag-init kung para sa tag-init ang mga kagamitan at
tag-ulan naman kung para sa tag ulan ang mga ito

V. Takdang Aralin
Sa isang buong bond paper magdrawing ng iyong nais na kasuotan
sa panahon ng tag-ulan at tag-init. Pagkatapos ay ipaliwanag ito sa harap
ng klase.

Inihanda ni:
DALINA, KIMBERLY MENGURIA
TA180425 | BELEMED

You might also like