You are on page 1of 9

ISANG MASUSING BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN II

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng 30 minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikalawang baiting ay inaasahang:
a. natutukoy ang angkop na kasuotan o kagamitan sa iba’t ibang uri ng panahon;
b. nailalahad ang tamang pag-iingat at pag-aalaga sa mga kasuotan; at
c. nakakaguhit ng mga kasuotan na naaayon sa iba’t ibang uri ng panahon.
LC CODE: AP2KOM-lfh-8
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Nailalarawan ang panahon at kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad
b. Sanggunian: TG pp.22-29
c. Kagamitan: mga kasuotan, larawan, powerpoint, worksheets.
III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Magaaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, tayo muna ay
tumayo, yumuko at manalangin.
(Ang lahat ay mananalangin)
2. Pagbati

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga po guro!
Bago kayo maupo tignan muna ninyo ang silong ng
inyong upuan kung may mga kalat at damputin ito.

Tignan niyo na din ang inyong katabi kung mayroon


sila. May lumiban ba?

Wala po guro.
Mabuti kung ganon.

3. Balik Aral

Atin munang balikan an gating pinag-aralan noong


nakaraan. Ano nga ulit ang ating pinag-aralan?

Tama!Magbigay nga ng iba’t ibang uri ng panahon


Tungkol po sa iba't ibang uri ng panahon.
mga bata.
1. maaraw

2. maulan

3. malamig

Mahusay mga bata! Nagagalak akong nakikinig kayo 4. mahangin


sa ating pinag aaralan.
5. mabagyo

B. Pagganyak

Ngayon hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat para


sa ating laro. Gusto niyo bang maglaro?

Opo!

Ayan! Kung ganon makinig kayo sa aking panuto.

Sa inyong pangkat, pipili lamang kayo ng lima. Opo guro.

Nakikita niyo ba ang nasa kahon?

Ang kahon na iyan ay naglalaman ng mga kasuotan


at kagamitan. Magsasabi ako ng iba’t ibang uri ng
panahon at maguunahan kayong hanapin ang
kagamitan o kasuotan na naayon sa panahon. Maliwanag po guro.
Maliwanag ba mga bata?

1. malamig

2. maaraw

3. maulan
4. mabagyo

5. mahangin

C. Paglalahad Mga kasuotan guro sa iba't ibang uri ng panahon.

Mga bata anong napansin niyo sa inyong nilaro?

Tumpak! At iyan ang tatalakayin natin ngayong


araw.

Magbigay nga mga bata ng kasuotan o kagamitan 1. sando


ng maaraw na panahon. 2. short

Tama! 1. kapote
Ang maulan na panahon, ano ang dapat isinusuot o 2. payong
ginagamit?

Tumpak!
1. jacket
Sa panahon naman ng malamig at mahangin na
panahon ano ang isinusuot natin? 2. jogger pants

Tama ka diyan!

Paano naman kung panahon na mabagyo, ano ang 1. jacket


kasuotan o kagamitan na ginagamit natin?
2. kapote

Magaling!
D. Pagtatalakay

1. Maaraw

Ang panahon na ito ay mataas ang sikat ng araw,


mainit ang ating pakiramdam. Ano kaya ang isusuot 1. sando
natin kapag maaraw? 2. short

Para presko sa katawan.

Tama! Bakit kaya sando at shorts ang susuotin


natin?
1. payong

2. sumbrero
Kapag lalabas tayo ano naman ang kasuotan o
kagamitan ang maaari nating gamitin kapag
maaraw?

Magaling mga bata!

2. Maulan

Sa panahon na ito makulimlim ang kalangitan dahil 1. kapote


sa malas na ulan. Magbigay nga mga bata ng
kasuotan o kagamitan kapag maulan ang panahon. 2. botas

3. Jacket

4. payong

Tama mga bata!

3. Mahangin

Sa panahon na ito malakas ang ihip ng hangin at 1. jacket


medyo malamig ang ating pakiramdam. Ano kaya
2. pantalon
ang isinusuot natin kapag?
3. t-shirt

4. Maulap

Sa panahon na ito natatakpan ang sikat ng araw na


nagbibigay ng makulimlim na panahon. Ano ang 1. t-shirt
dapat isuot sa panahon na ito?
2. short
5. Mabagyo

Ang panahon na ito ay madilim ang kalangitan, 1. botas


malakas ang hangin at ulan. Ano ang kasuotan o
kagamitan ang ginagamit natin sa panahon na ito? 2. kapote

3. jacket

4. payong

Magaling mga bata!

Sa lahat ng binanggit niyong mga kasuotan at


kagamitan, paano niyo pangalagaan o ingatan ang 1. Panatilihing malinis at maayos
mga ito?
2. Iwasan ang paggamit ng paulit ulit

3. I-store ng maayos

4. Ingatan pag ginagamit o isinusuot

Napakahusay mga bata!

E. Paglalahat
1. maaraw
Ano na ulit ang iba't ibang uri ng panahon?
2. maulan

3. malamig

4. mahangin

5. mabagyo

1. kapote
Ano ang isinusuot o ginagamit natin kapag maulan?
2. jacket
Tama!

Ano naman sa panahon ng maaraw? 1. sando

2. shorts

Magaling!

Paano naman sa panahon na mahangin? 1. pantalon

2. jacket

Tumpak!

Kapag maulap ang panahon ano isusuot natin? 1. t-shirt

2. short

Mahusay!

Sa panahon na mabagyo ano naman ang isinusuot o 1. kapote


ginagamit natin?
2. jacket

Tama mga bata!

Mga bata paano naman natin pangalagaan at


ingatan ang kasuotan at kagamitang ito? 1. Panatilihing malinis at maayos

2. Iwasan ang paggamit ng paulit ulit

3. I-store ng maayos

4. Ingatan pag ginagamit o isinusuot

Bakit nga ba kailangan natin matutunan ang mga


angkop kasuotan at kagamitan sa iba"t ibang uri ng
panahon?
Upang mabigyang proteksyon laban sa sakit na
dulot ng init ng araw, buhos ng ulan at lamig ng
panahon.

Mahusay!

F. Paglalapat
Naintidihan niyo ba ang pinagaralan natin ngayon
mga bata?
Naiintindihan guro.
Kung ganoon may ibibigay akong gawain. Hahatiin
ko kayo sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay
may iba't ibang gawain.
IV. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Lagyan ng kung tama ang kasuotan o kagamitan sa bawat
uri ng panahon at ❌ naman kung mali.

____1. Nagsusuot ako ng jacket at short kapag mainit ang panahon.

____2. Botas at kapote ang gamit ko kapag lumalabas kung maulan ang panahon.

____3. Isinusuot ko ang aking sumbrero kapag lalabas pamproteksyon sa mainit na panahon.

____4. Malamig at mahangin na ang panahon kaya inilabas ko na ang aking jacket at pantalon para
isuot.

____5. Bumabagyo sa labas kaya nagpalit na ako ng sando at pantalon para hindi malamigan.

V. Takdang Aralin

Panuto: Iguhit sa inyong kwaderno ang kasuotan o kagamitan na angkop sa iba't ibang uri ng panahon.

Inihanda nina:

Corpuz, Irah Beatrix V.

Dacanay, Lea May T.

Inihanda para kay:

Ginoong Nover D. Esteban

You might also like