You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa EPP V

I. Layunin:

 Nagagamit ang angkop na kasuotan sa iba’t-ibang panahon at pagkakataon

Pagpapahalaga: Pagkamaingat

II. Paksang Aralin:

Angkop na kasuotan sa iba’t-ibang panahon at pagkakataon

Sanggunian : Umunlad sa Paggawa ph. 11-12; BEC A.1.2.1 ph 56

Kagamitan : Tunay na kasuotan at mga larawan ng iba’t-ibang uri ng kasuotan

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Hanay A Hanay B

1. Damit Pantrabaho a. kasuotang yari sa plastic o goma

2. Damit Pantag-ulan b. kasuotang manipis at nagbibigay ng magaan

na pakiramdam

3. Damit Pagtag-init c. kasuotang yari sa makapal na tela o kaagad

kinakapitan ng dumi

2. Pagganyak

Tanungin ang mga bata. Gusto ba ninyong malaman ang mga damit na angkop sa lugar at okasyon
na inyong pupuntahan?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad

Tingnan natin ang iba’t-ibang uri ng kasuotan – damit ng manggagawa, uniporme, duster, pantulog,
short, sando at damit panlaro.

Alin kasuotan ang gusto ninyo?

Ipakuha isa-isa sa mga bata.


2. Talakayin kung kalian isusuot ang napiling kasuotan at bakit. Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng kasuotan ang
maaring isuot na.

1. Damit pambahay

2. Damit pantrabaho

3. Damit panlaro

4. Damit pantulog

5. Damit Pamasok

6. Damit panlakad

7. Damit pantag-init

8. Damit pantaglamig

9. Damit pansimba

3. Paglalahat
Anu-ano ang angkop na kausotan sa iba’t-ibang panahon at pagkakataon?

Anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsusuot ng iba’t-ibang kasuotan?

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalapat

“Fashion Show” ng bawat pangkat

Ipalabas sa mga bata ang dala nilang damit.

Pagtanghalin ang bawat pangkat, sabay na sasabihin ang angkop na

Panahon at pagkakataon kung ito ay isusuot.

IV. Pagtataya:

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang magagara at kaakit-akit na damit ay isinusuot kung _________.
a. maglalarao c. dadalo sa party
b. matutulog d. magtatrabaho
2. Papasok sa paaralan si Patricia, ano ang kanyang isusuot?
a. short c. uniporme
b. t-shirt d. panjama
3. Ang maluwang at maginhawa sa katawan na damit ay isinusuot na _________.
a. panlaro c. pambahay
b. pansimba d. pang-okasyon
4. Ito ay yari sa matibay na tela tulad ng maong na hindi kaagad kinakapitan ng dumi.
a. pantrabaho c. pansimba
b. pambahay d. panlaro
5. Ito ay magaan at maluwag upang maging malaya at maginhawa ang pagkilos ng katawan.
a. panlaro c. pantag-init
b. pantrabaho d. pantaglamig

V. Takdang-Aralin:

Gumupit ng mga larawan ng iba’t-ibang kasuotan at idikit sa malinis na papel ayon sa kanilang uri.

You might also like