You are on page 1of 4

SCHOOL Maltana Elementary School GRADE LEVEL Three

GRADE III LESSON TEACHER Julina R. Ferrer QUARTER 3rd


PLAN SUBJECT Science DATE March 22, 2023

I. LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG Natutukoy ang pinanggagalingan ng liwanag. (uncoded)
PANGNILALAMAN
(CONTENT STANDARDS)
B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nauuri ang pinagmulan ng liwanag natural man o artipisyal.
(PERFORMANCE STANDARDS)
C.MGA KASANAYAN SA Nauunawaan ang kahalagahan ng liwanag sa pang-araw-araw na pamumuhay.
PAGKATUTO
(LEARNING COMPETENCIES)
II. PAKSANG ARALIN
(SUBJECT MATTER)
A. ARALIN Pinanggagalingan at Gamit ng Liwanag
B. SANGGUNIAN
(REFERENCES)
1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro TG. P.148-151
2.Mga Pahina sa Kagamitang SLM P. 1-12
Pang mag-aaral
C. MGA KAGAMITAN Jumbled Letters, Pictures, Multimedia, Tarpapel, Box, Papel, Flashlight, Internet, Google,
(MATERIALS) Music Power Point Presentation, Activity Sheets
III. PAMAMARAAN
(PROCEDURE)
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati Magandang umaga mga bata.
2. Pamantayan sa klase Mga dapat tandaan sa loob ng klase:

1. Makinig sa guro kapag ito ay nagsasalita.


2. Panatilihing maging tahimik at iwasang mag-ingay hanggang sa
matapos ang klase.
3. Maging mabait sa loob ng klase.
4. Itaas ang kamay ng walang ingay kung gustong sumagot o may nais
linawin.

5. Pagbabalik-aral Panuto: Basahin at tukuyin kung saan nanggagaling ang mga tunog, piliin sa mga
Integration: Music, Fiipino larawan.
1. Kriiiinngg! 3. Wii! Wii!

2. hahaha!

6. Pagganyak (BUGTONG)
Integration: Mathematics 1. Nagbibigay ng liwanag, taglay ang init, umaakyat sa kalangitan tuwing umaga. (Araw)
2. Kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. (Kandila)
3. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo. (Buwan)
4. Isang butil ng palay , sakop ang buong bahay. (Ilaw)

7. Pagbasa ng mga layunin ng


aralin
8. Pagbuo ng Bokabularyo (JUMBLED LETTERS)
Integration: English, Filipino, Sa likod ng bawat letra ay mayroong nakalagay na numero. Upang mabuo ang mga letra
Mathematics ng isang salita ang mga numero ay dapat magkakasunod-sunod, isang gabay nila ito sa pag
buo ng isang salita.
Natural- Ito ay bagay na hindi gawa ng tao.
Artipisyal- Ito ay bagay na gawa ng tao.
B. 1.1 Paglalahad Pangkatang Gawain:
(Activity)

RUBRICS PARA SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN PANGKAT 1 PANGKAT PANGKAT
2 3
1. Naipapaliwanag ba nang malinaw
ang mga katanungan?
2. Nakikiisa ba ang bawat kasapi sa
pagbuo ng gawain?
3. Natapos ba ang pangkatang gawain
nang buong husay sa loob ng
itinakdang oras?
Kabuuan:
Makakakuha ang bawat pangkat ng kani-kanilang puntos. Mula 5 hanggang 10 na
puntos, 5 ang pinaka mababa at 10 naman ang pinakamataas na iskor.

Pangkatang Gawain:
Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat grupo ay pipili ng kanilang lider at tagapag-ulat.
Ang bawat grupo ay mayroong sobre kung saan sa loob nito ay may mga ibat- ibang
larawan. Huhulaan at ipapadikit ng bawat grupo ang mga larawan kung saan ito dapat
nakahanay.

Natural na Liwanag Artipisyal na Liwanag

 Pagtatalakay ng bawat grupo


B. 1.2 Pagsusuri/Talakayan A. Magtanong ng mga katanungan sa aktibidad.
para sa unang Gawain B. Mas maraming talakayan
(Analysis)
B. 1.3 Paglalahat 1. Ito ang dahilan kung bakit natin nakikita ang mga bagay sa ating paligid. (Liwanag)
(Abstraction) 2. Ito ay liwanag na hindi gawa ng tao, hindi rin ito nauubos o nawawala. Ito rin ay
liwanag na galing sa kalikasan. (Natural na liwanag)
3. Ito ay liwanag na gawa ng tao. Maari itong gumana sa pamamagitan ng kuryente,
battery o fuel. Ito rin ay liwanag na nauubos o nawawala. (Artipisyal na liwanag)

B. 1.4 Paglalapat “OBSERBASYON” Parihong Grupo


(Application) Gagawin ng bawat grupo ang mga sumusunod na Gawain.
Integration: ESP
Unang Gawain:
I. Layunin:
Matukoy ang mga halimbawa ng natural na pinagmumulan ng liwanag.
II. Kagamitan : sikat ng araw, basang papel, bagay sa palig
III. Pamamaraan:
1. Ang bawat isa ay magbasa ng papel at ibilad sa araw ng 5 minuto.
2. Habang nakabilad ang papel magtala ang bawat isa ng mga bagay na nakikita sa paligid.
IV. Obserbasyon:
1. Ano ang pinagmulan ng init upang matuyo ang papel?
2. Bakit makapagtala ka ng mga bagay sa iyong paligid?
3. Ano-ano ang ibinibigay ng araw?
V. Paglalahat Punan ang patlang.
Ang _ _ _ _ ay pangunahing pinagmumulan ng natural na liwanag.

Tandaan: Gumamit ng payong o sombrero bilang proteksyon sa init ng araw. Huwag


tumingin ng direkta sa sikat ng araw.

Ikalawang Gawain:
I. Layunin: Matukoy ang mga halimbawa ng artipisyal na pinagmumulan ng liwanag.
II. Kagamitan: kahon, larawan flashlight.
III. Pamamaraan:
1. Gamitin ang flashlight upang makita ang mga larawan na nakadikit sa loob ng kahon.
2. Itala ang mga larawan na ito.
IV. Obserbasyon:
1. Ano-ano ang ibinibigay ng flashlight upang makita ang mga larawan sa loob ng kahon?
2. Saan kumuha ng liwanag ang flashlight?
V. Paglalahat Punan ang patlang.
Ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ _, ay halimbawa ng artipisyal na mga bagay na pinagmumulan ng
liwanag.

Tandaan: Ang flashlight ay malaking tulong pag oras ng may kalamidad, brown out at
maaari nating gamitin para magbigay ng signal sa mga rescuers na tayo ay buhay pa,
maaari rin nating iligtas ang kapwa natin at bigyang liwanag ang daanan upang higit pang
makaiwas sa mga hazards na dala ng mga nasirang mga bagay na gawa ng bagyo.

Ano ang kahalagahan ng liwanag sa atin?

B. 1.5 Values
IV. Pagtataya Panuto: Iguhit ang bituin kung ito ay halimbawa ng Natural na liwanag at kahon
(EVALUATION) naman kung Artipisyal na liwanag.
1. buwan- _______________ 6. christmas light- _______________
2. posporo - _______________ 7. araw- _______________
3. bombilya - _______________ 8. kidlat- _______________
4. bituin - _______________ 9. sulo- _______________
5. kandila - _______________ 10. layter- _______________
V. Takdang Aralin
(ASSIGNMENT) Panuto: Basahin at buuin ang pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat sa patlang.

natural liwanag araw

artipisyal bombilya

Ang 1. ay mahalaga upang tayo ay makakita.


Ang 2. na pinanggagalingan ng liwanag ay mula
sa mga likas na bagay habang ang 3.

na pinanggagalingan ng liwanag ay mula sa mga bagay na gawa ng tao.


Ang liwanag na galing sa 4. _____________ay ginagamit ng mga
halaman upang makagawa ng sariling pagkain habang ang liwanag na
galing sa 5. _____________ay ginagamit ng mga tao sa pagbabasa.
Prepared by:
JULINA R. FERRER
LSB-Teacher

Checked by:
ELVIRA R. FELICILDA
Master Teacher - II

Noted by:
VERGIE GRACE M. CELIZ
PRINCIPAL II

You might also like