You are on page 1of 2

St. Clare Community Foundation School Inc.

Leviste, Laurel, Batangas

Asignatura: FILIPINO SA PILING LARANGAN 12

Aralin: 9

Paksa: PAGSULAT NG TALUMPATI

Pangalan ng Guro: MS. KRIZTELLE M. ARANETA

ARALIN NA DAPAT TANDAAN

Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita

 Kahandaan. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang


pagtatalumpati sa panimula o introduksyong binibigkas ng tagapagsalita. Kung maganda ang
panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik
para sa panimula ng pananalita: (a) kilalanin ang tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon
kung pormal o di-pormal. Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig.
Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang
pagpapatawa, pagtatanong at iba pang teknik o estratehiya para makuha ang atensyon nila.

 Kaalaman sa Paksa. Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa


paraan ng pagbigkas o pagtalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang
tinatalakay sa paraan ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpretasyon, paglalapat,
paghahambing, pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling
matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil mararamdaman ito sa kanyang tinig
at ikinikilos.

 Kahusayan sa pagsasalita. Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at


mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang
tinig sa nilalaman ng kanyang talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita
gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita.
Mahalagang maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng
gagamitin sa uri ng tagapakinig.
St. Clare Community Foundation School Inc.

Leviste, Laurel, Batangas

Pangalan: ________________________________

Baitang at Seksiyon: ___________ ____________

Asignatura: FILIPINO SA PILING LARANGAN 12

Aralin: 9

Pangalan ng Guro: MS. KRIZTELLE M. ARANETA

GAWAIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Dito makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong
gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita.

A. Kahusayan sa pagsasalita B. Kalinawan ng pagsasalita

C. Kahandaan ng pagsasalita D. Kaalaman sa paksa

2. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa,
pagtatanong at iba pang teknik o estratehiya para makuha ang atensyon ng tagapakinig.

A. Kaalaman sa paksa B. Kahusayan sa pagsasalita

C. Kalinawan ng pagsasalita D. Kahandaan ng pagsasalita

3. Makikita ang kanyang kahusayan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpretasyon,


paglalapat, paghahambing, pag-uulit ng padron at pagbibigay ng problema at solusyon.

A. Kahusayan sa pagsasalita B. Kalinawan ng pagsasalita

C. Kahandaan ng pagsasalita D. Kaalaman sa paksa

4. Masasalamin ito sa paraan ng pagbigkas o pagtalakay na kanyang ginagawa.

A. Kahusayan sa pagsasalita B. Kalinawan ng pagsasalita

C. Kahandaan ng pagsasalita D. Kaalaman sa paksa

5. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung ang pinaghandaang mabuti ang pagtatatalumpati sa
panimula o introduksyong binibigkas.

A. Kaalaman sa paksa B. Kahusayan sa pagsasalita

C. Kalinawan ng pagsasalita D. Kahandaan ng pagsasalita

You might also like