You are on page 1of 51

BASELINE TEST

Komunikasyon At
Pananaliksik Sa Wika
At Kulturang Pilipino
URING PAMILIAN: Sombrahan ang habilog
ng napiling sagot.
1. Ito ay pagpapatupad na pantay na
kahusayan sa dalawang wika .
A. Bilingwalismo B. Multilinggwalismo
C. Etnolinggwalismo D. Ekolinggwalismo
2. Ang isang teksto ay maaaring himay-
himayin sa maliit na yunit – mula sa talata
hanggang sa pangungusap, sa mga parirala,
sa mga salita, sa mga pantig at sa mga letra at
ponema.
A. Masistemang balangkas B. Arbitraryo
C. Pinipili at isinasaayos D. Malikhain
3. Ang wika ay dinamiko dahil ito ay patuloy
na______.
A. binabalangkas B. ginagamit
C. pinag-aralan D. nagbabago
4. Ang tawag sa makabuluhang tunog ng isang
wika.
A. Ponolohiya B. Ponema
C. Morpema D. Sintaks
5. Pinaniniwalaan ng nasabing teoryang na ang
wika ay ginaya sa mga tunog ng mga bagay- bagay
sa kapaligiran gaya na lamang na tinatawag na
broom – broom ng mga bata ang mga sasakyan.
A. Teoryang Dingdong B. Teoryang Bow-wow
C. Teoryang Tata D. Teoryang Eurika
6. Ito ang pangunahing kasangkapan ng tao sa
pakikipagtalastasan.
A. salita B. wika C. kilos D. tunog
7. Ala e, ang ganda ng mga tanawin. Ito’y isang
halimbawa ng ___.
A. Sosyolek B. Rehistro
C. Dayalek D. Idyolek
8. Palisi sa mababang paaralan ang paggamit ng
unang wika ng mag-aaral bilang midyum ng
pagkatuto.
A. Mother Tongue Based Multilingual Education
B. Bilingual Based Education
C. Multilingual Based Education
D. Community Based Education
9. Ang naging batayan ng ating pambansang wika
ay___.
A. Pilipino B. Filipino
C. katutubo D. Tagalog
10. Sa binagong Konstitusyon 1987, nakasaad na
ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
A. Pilipino B. Tagalog
C. Ingles D. Filipino
11. Wiz ko fil ang mga tao dito day. Ito’y isang
halimbawa ng ___.
A. Idyolek B. Sosyolek
C. Rehistro D. Dayalek
12. Ang paggana ng imahinasyon sa pagbabasa ng
mga akdang pampanitikan ay patunay na ang wika
ay_____ .
A. lumilinang ng malikhaing pag-iisip
B. nag-iingat at nagpapaunlad
C. nagbubuklod ng bansa
D. instrumento ng komunikasyon
13. Lumalawak ang kahulugan ng mga bokabularyo ng
isang wika kapag______.
A. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong
salita
B. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong
kahulugan
C. ang mga lumang salita ay nanatili ang kahulugan
D. ang mga lumang salita ay hindi na ginagamit
14. Bawat nilalang ay may kanya-kanya at iba-
ibang katangian, kakayahan at kaalaman sa
paggamit ng wika dahil ang wika ay_______.
A. dinamiko B. natatangi
C. arbitraryo D. maistema
15. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang
lahi at salinlahi dahil ang wika ay _____ ng
kaalaman.
A. tumutuklas at nagpapaunlad
B. nababawasan at nadaragdagan
C.nag-iingat at nagpapalaganap
D. lumilinang ng malikhaing pag-iisip
16. Ang wika ay pangunahing kasangkapan ng tao
sa pagpapahayag ng iniisip at nadarama, dahil ang
wika ay ___.
A. instrumento ng komunikasyon
B. nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
C. nagbubuklod ng bansa
D. lumilinang ng malikhaing pag-iisip
17. Ginagamit ang salitang ulog bilang pagtukoy sa
fertility house ng mga igorot noon.
A. Malikhain B. Arbitraryo
C. Masistemang balangkas D. Dinamiko
18. Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig bunga
ng pagkakaiba-iba ng _____ ng mga
bansa at pangkat.
A. relihiyon B. Kultura
C. lahi D. propesyon
19. Ang “Ama ng Wikang Pambansa” ay si
_________.
A. Jose P. Rizal B. Manuel L. Quezon
C. Emilio Aguinaldo D. Andres Bonifacio
20. Ang naging wika ng pamahalaan, edukasyon at
kalakalan sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol.
A. Ingles B. Kastila
C. Tagalog D. Pilipino
21. Naglada sa kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng
pamahalaan ay pangalan sa Pilipino.
A. R. Magsaysay B. F. Marcos
C. M. Quezon D. C. Aquino
22. Ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng
____.
A. 20 titik B. 14 titik C. 28 titik D. 17 titik
23. Sa kasalukuyan, ang opisyal na wika ng
Pilipinas ay _______.
A. Ingles at Pilipino B. Kastila at Filipino
C. Ingles at Filipino D. Kastila at tagalog
24. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili
nilang paraan ng pagsulat at pagbasa na
tinatawag na __.
A. haiku B. baybayin
C. Abakada D. Alpabeto
25. Ayon sa Saligang batas ng 1935, ang magiging
opisyal na wika ng Pilipinas ay ___.
A. Kastila B. Pilipino
C. Tagalog D. Ingles
26. Ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at
pinakamakapangyarihang institusyon sa ating
lipunan.
A. pamilya B. pamahalaan
C. media D. simbahan
27. Ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng wika.
A. komunikatibo B. lingguwistika
C. wika D. diskorsal
28. Ito’y tuntuning pangwika batay sa gamit nito sa
isang lugar, pook, at sitwasyon.
A. gramatika at ponolohiya B. heograpiya
C. rehistro D. estatiko
29. Ang disiplinang tumatalakay tungkol sa pag-
uugali, pag-iisip, at gawi ng isang tao.
A. Pilipinolohiya B. Pilosopiya
C. Sikolohiya D. Mitolohiya
30. Pinakasikat na pinagkukunan at pinagmumulan
ng photo blog.
A. twitter B. google
C. tumblr D. yahoo
31. Ito’y naglalahad ng opinyon, kaisipan,
reaksyon, at saloobin ng manunulat.
A.talumpati B. sanaysay
C.tula D. maikling kuwento
32. Nalalaman ito ng mga video mula sa mga
blogger.
A. fashion blog B. personal blog
C. humor blog D. Vlog
33. Ang tawag sa mga taong gumagamit o madalas
na gumamit ng internet.
A. netizen B. blogger
C. website user D. messenger
34. Ang tawag sa pinakamalaking aklatan ngayon at
walang iisang teksbuk ang makatatapat dito.
A. blog B. social networking
C. internet D. e-mail
35. Ang tawag sa tao o grupong nangangalaga at
nagpapatakbo ng isang blog.
A. follower B. blogger
C. messenger D. maker
36. Ang pinakapopular na social networking site sa
Pilipinas ngayon.
A. google B. yahoo
C. facebook D. e-mail
37. Ang ibig sabihin ng “subyang sa puso”
A. pabigat B. suliranin
C. kasiyahan D. tinik
38. Ang “malakas na palahaw” ay
nangangahulugang __.
A. pagbagsak B. daing
C. sigaw D. pag-iyak
39. Ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay
dahil ito ang manghihikayat sa babasa.
A. panimula B. nilalaman
C. katawan D. wakas
40. Ito’y tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na
nakagawian o nakasanayan nan g mga tao sa isang
lugar.
A. kaugalian B. kultura
C. pamumuhay D. panitikan
41. Estilo ng wikang ginagamit sa paaralan at
pamantasan.
A. estatika B. impormal
C. konsultatibo D. akademik
42. Ang tawag sa anyo at estilong ginagamit sa pag-
uusap.
A. settings B. instrumentalities
C. norms D. participants
43. Isa sa magandang naidudulot ng Facebook batay sa
natuklasan ni Duboff (2017):
A. malaki ang tungkuling ginagampanan ng Facebook sa
buhay ng mga estudyante
B. kalimitang ginagamit ng mga estudyante sa pakikipag-
ugnayan sa kanilang kapwa kamag-aaral
C. pagkakaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng mga
guro at mga mag-aaral
D. mabilis ang koneksyon ng Facebook
44. Ang salita ng taon noong 2014.
A. missed call B. selfie
C. lobat D. FB
45. Sa sarbey ng TNS Digital Life (2012),
ipinapakita na maraming Pilipino ang ___.
A. gumagamit ng internet
B. nakikinig ng radyo
C. nagbabasa ng magasin
D. nanonood ng telebisyon
46. Isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan
bilang pag-aaral ng ugnayan ng mg anyong
lingguwistiko at mga gumagamit nito.
A. pragmatiks B. sosyolingguwistik
C. lingguwistik D. diskorsal
47. Ito’y pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
habang nagganap ang pag-uusap.
A. ends B. keys
C. genre D. act sequence
48. Isang uri ng tanong na humihingi ng palagay o
pagpapalagay.
A. praktikal B. espekulatibo
C. imbestigatibo D. repernsyal
49. Isang uri ng pagtuklas na nagsisimula sa
tanong.
A. pagpili ng paksa B. imbestigatibo
C. pananaliksik D. datos
50. Ang unang hakbang sa pananaliksik.
A. pangangalap ng datos
B. pagpili ng paksa
C. paglalahad ng suliranin
D. Kongklusyon

You might also like