You are on page 1of 7

COLEGIO DE STA. ANA DE VICTORIAS, INC.

Osmeña Avenue, Victorias City, Negros Occidental, 6119


Subject : _______________________ Name: _____________________________________
Exam Period: First Quarter Examination Grade & Section:________________________________
Prepared by: ___Miss. Rhea fe C. Tulbo____________________ Checked by: Mr. Romil S. Sarrosa
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat aytem. Ang mga sumusunod ay
dapat tandaan at paka-alalahanin:
1. Gumamit ng kulay itim na panulat.
Ang pagbura at paggamit ng friction pen panulat ay labis na ipinagbabawal.

2. Mahigpit na ipinagbabawal ang PANGONGOPYA ng sagot sa inyong kaklase. Maaaring ikaw ay


mapapatawan ng karampatang parusa batay sa nakasaad sa ating student handbook.

I. MARAMING PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.(30 puntos).

1. Ito ay tumutukoy sa isang konsyus na paggamit sa anumang uri ng simbolong tunog


o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya o
damdamin mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
A. Antas ng wika C. Komunikasyon
B. Barayti ng Wika D. Komunikasyongdi-berbal

2. Ito ay ang pangunahing kasangkapan ng komunikasyon.


A. Komunikasyong interpersonal C. wika
B. Berbal na komunikasyon D. Salita

3. Ito ay tinaguriang wikang pambansa ng Pilipinas sa kasalukuyan.


A. Ingles C. Pilipino
B. Filipino. D. Tagalog

4. Isang katangian ng wika na nagbibigay tukoy na ang tao lamang ang may
kakayahang makapagbuo at makarinig at makapag-unawa ng mga tunog upang itoy
bigyan ng kahulugan.
A. Ang wika ay masistemsang simbolo
B. Ang wika ay likas na pantao
C. Ang wika ay buhay at Dinamiko
D. Ang wika ay makapangyarihan

5. ‘’Tagal hintay ako ikaw saan galing pa’’? Anong katangian ng wika ang hindi
sinusunod ng pahayag?
A. Ang wika ay likas na pantao
B. Ang wika ay natatangi
C. Ang wika ay masistema at simbolo
D. Ang wika ay makapangyarihan

6. Ayon sa kalagayan ng bansa sa kasalukuyan ang makalumang salita tulad ng


nababagabag ay tinutumbasan na ng salitang nag-alala at ang lilo ay napalitan na
ng sinungaling.
A. Ang wika ay buhay at dinamiko
B. Ang wika ay arbitrary
C. Ang wika ay natatangi
D. Ang wika ay makapangyarihan
7. Ang tawag ng wikang pambalana para sa komunikasyon ng mga Pilipinong may iba’t
ibang katutubong wika.
A. Linggwahe C.Inangwika/Mother tongue
B. Lingua franca D. Filipino

8. Ito ay barayti ng wika na nakabatay ang paggamit ayon sa grupong kinabibilangan


tulad ng edad, kasarian, lahi, katayuang panlipunan,propesyon,at iba pa.
A. Dayalek C. Idyolek
B. Sosyolek D. Register

9. Ito ay isang register o antas ng wika na kalimitang ginagamit sa mga usapang pang-
akademiko, pang-negosyo, pambatas at panrelihiyon.
A. Di-pormal na antas ng wika
B. Balbal
C. Jargon
D. Pormal na antas ng wika

10. Isang register ng wika na kung saan ginagamit sa tipikal na usapan ng mga
magkakaibigan at magkakalapit na magkakagrupo.
A. Di-pormal na antas ng wika
B. Balbal
C. Jargon
D. Pormal na Antas ng Wika
11. Isang konseptong panglingguwistika na tumutukoy sa pag-uuri ng isang wika ayon
sa iba’t ibang salik gaya ng lugar (dayalek) at kategoryang panlipunan (sosyolek).
A. Barayti ng wika
B. Mga katangian ng wika
C. Mga gamit ng wika sa lipunan
D. Wika at bansa

12. Wikang ginagamit ng partikular na indibidwal o isang barayti ng wika na kaugnay ng


personal na kakanyahan ng tagapagsasalita.
A. Creole C. Idyolek
B. Dayalek D. Pidgin
13.Isang artipisyal na wikang nabuo bunsod ng paghahalo ng mga magkaibang wika
upang magkaunawaan ang mga tagapagsalitang may iba’t ibang wika.
A. Creole C. Idyolek
B. Dayalek D. Pidgin

14. Ito ay tumutukoy sa wikang pinili upang kumakatawan sa identidad ng isang bansa,
upang maging tagapag –ugnay ng mga mamamayan nito, at upang maisakatuparan
ang mga hangarin ng pagkabansa.
A. Wikang Opisyal
B. Wikang panturo
C. Wikang pambansa

15. Ang kanyang aklat ay nagtatalakay sa konsepto ng wika na pinamagatang learning


how to mean: Explorations in the development of language noong 1974.
A. Bbenedict Anderson C. Michael halliday
B. Kelman (1971) D. Salazar (1996)
COLEGIO DE STA. ANA DE VICTORIAS, INC.
Osmeña Avenue, Victorias City, Negros Occidental, 6119
Subject : _______________________ Name: _____________________________________
Exam Period: First Quarter Examination Grade & Section:________________________________
Prepared by: ___Miss. Rhea fe C. Tulbo____________________ Checked by: Mr. Romil S. Sarrosa

16. Ayon kay Benedict Anderson, “Ang Nasyon ay isang imagined political community’’.
Ano ang nais ipahiwatig ng kanyang pahayag tungkol sa nasyon?
A. Ang mga mamamayan ng isang nasyon ay namumuhay sa isang
imahenasyon na masagutan ang kanilang mga pangangailangan bilang
isang mamamayan ng bansa.
B. Ang mga mamamayan ay naniniwala na tanging sa imahinasyon na
lamang makakamtan ang pagkakaroon nang masagana at pantay-
pantay na pamumuhay.
C. Itinuturing na imagined o hiniraya ang isang nasyon sapagkat limitado
lamang ang maibibigay nito sa mga pangangailangan at interes sa
populasyon ng nasyon.
D. Ang pinakamaliit na bansa ay hindi nito makikilala ang lahat ng kabilang
sa komunidad o malalaman ang kalagayan ang lahat na kasapi
nito,subalit ang bawat kasapi ay may malalimang paniniwala na sila ay
may magkakatulad na pagpapahalaga at interes sa buhay.
17. Ito ay gamit ng wika sa lipunan kung saan layunin nitong makuha ang mga nais at
kagustuhang mga material na bagay mula sa tagapagpakinig o tagatanggap ng
mensahe.
A. Interaksiyonal
B. Instrumental
C. Heuristic
D. Personal
18. Kung ayaw mong matulad sa ate mo , huwag kang suwail sa mga gusto ko at payo
ko dahil para iyan sa kinabukasan mo Narda. Anong gamit ng wika sa lipunan ang
isang pahayag na ito?
A. Impormatibo
B. interaksiyonal
C. Heuristic
D. Regulatori
19. O pag-ibig na makapangyarihan hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Anong
gamit ng wika mayroon ang linyang ito?
A. Heuristic
B. Impormatibo
C. Imahinatibo
D. Personal
20. Sa palagay ko hindi tama ang pagpapatupad ng batas na Judicial killing sa halip
dinagdagan pa natin ang pagkasala at pagsuway sa batas ng mas may nakaalam sa
lahat ang ating Poong Maykapal. Ano ang gamit ng Wika mayroon ang pahayag na
ito?
A. Heuristic
B. Personal
C. Impormatibo
D. Regulatori
21. Ang kanilang pananakop ay nagsimula noong agosto 13, 1898 sa lungsod ng
Maynila at sila ay nagtayo ditto sa pilipinas ng mga paaralan at ang mga Guro ay
pawang mga kawal na itinalaga ng gobernador military.
A. Amerikano C. Hapon
B. Espanyol D. Tsino
22. Ito ang wikang naging wikang opisyal na pambansa sa pananakop ng mga
Amerikano dahil kinawiwilihan ng lahat ang paggamit ng wikang ito at tuluyan ng
nawala ang wikang Espanyol.
A. Wikang Espanyol C. Wikang Ingles
B. Wikang Filipino D. Wikang Pilipino
23. Siya ang tunaguriang ama ng balarilang Tagalog.
A. Frank R. Blake C. Manuel L. Quezon
B. Lope K. Santos D.JoseVilla Panganiban
24. Sa panahon ng pananakop na ito itinatag ang ikalawang Republika ng Pilipinas sa
pamumuno ni Jose P. Laurel bilang Pangulo.
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Pagsasarili

25. Ano ang ibig sabihin ng Co- Prosperity Sphere For Greater East Asia na itinaguyod
ng mga hapon sa Pilipinas?
A. Ang Asya ay Para sa mga Asyano at ang Pilipinas ay para sa
kaunlaran ng mga Pilipino sa pamumuno ng mga Hapon.
B. Ang asya ay para sa asyano at ang pilipinas ay para sa mga Pilipino.
C. Pangako ng mga hapon na kung ang mga Pilipino ay patuloy na
bumabatikos sa kanilang batas ay ibibigay na lamang ang kalayaan ng
mga mamamayang Pilipino.
D. Ito ay may layuning magtaguyod ang mga hapon ng kaunlaran at
pagkakaisa ng mga Pilipino na walang pagtataksil.
26. Ang mga sumusunod ay layunin ng mga pananakop ng mga Espanyol sa bansang
Pilipinas maliban sa isa.
A. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
B. Pagpapalawak ng sakop at kaharian
C. Paghahanap ng pagkukunan ng pampalasa.
D. Pagpapatayo ng akademya ng wikang pambansa na ang tanging
Gawain ay mag-aaral at magbigay ng mga mungkahi tungkol sa Wikang
Pambansa.
27. May ilang letra ang makabagong Alpabetong Filipino?
A. 18 C. 28
B. 21 D. 15

28. Ayon sa artikulo XIV ng 1987 konstitusyon ng Republika ay may tadhanang


probisyon na pangwika kaya ayon sa probisyon ng seksyong ito ang wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Anong probisyon ito?
A. Seksyon 6 C. Seksyon 8
B. Seksyon 7 D. Seksyon 9

29. Ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang
England, Pransya, South Korea at Hapon.
A. Bilingguwalismo C. Bilingguwal
B. Monolingguwalismo D. Monolingguwal
30. Ang tawag sa maka-agham ng pag-aaral ng mga ponema.
A. Morpema C. Morpolohiya
B. Ponema D. Ponolohiya

31. Ang mga sumusunod ay mga element ng regulatryong bisang gamit ng wika, maliban sa isa.
A. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita
B. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
C. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod ditto
COLEGIO DE STA. ANA DE VICTORIAS, INC.
Osmeña Avenue, Victorias City, Negros Occidental, 6119
Subject : _______________________ Name: _____________________________________
Exam Period: First Quarter Examination Grade & Section:________________________________
Prepared by: ___Miss. Rhea fe C. Tulbo____________________ Checked by: Mr. Romil S. Sarrosa
D. Ang tagapagpatupad ng batas ay malaya mula sa mga batas ng lipunan.
32. Ayon sa kanya ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
A. Alijandro Abadilla C. Leonard Bloomfield
B. M. A. K Halliday D.Henry Gleason

33. Kategorya ng Wika na kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan, bansa, o


isang lugar. Madalas itong itong ginagamit sa mga paaralan at opisina.
A. Pormal C. Wikang Pampanitikan
B. Di- pormal D. Panlalawigan
34. Anong wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pangsekundarya?
A. Tagalog at Bisaya C. Ingles at Filipino
B. Maranao at Bisaya D. Ingles at Kastila
35. Kapag makulimlim ang langit, maiisip nating magdala ng payong. Anong yugto sa
maugnaying pag-iisip ang pahayag na ito?
A. Lohikal na Pag-iisip C. Paggamit ng Sintido-kumon
B. Kritikal na Pag-iisip D. Lohika ayon sa analisis
36. Gamit ng wika sa proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bagong
kaalaman.
A. Instrumnetal C. Heuristiko
B. Impormatibo D. Regulatoryo
37. Kategorya ng bigkas pagganap ( speech act) na tumutukoy sa literal na kahulugan ng
pahayag.
A. Lokusyunaryo C. Perlokusyunaryo
B. Illokusyunaryo D. Bigkas Pagganap
38. Napaiyak si Cloe ng malaman niyang may ibang minamahal ang kasintahan. Anong
panandang kohesyong gramatikal ang ginagamit sa pahayag?
A. Anapora C. Pangatnig
B. Katapora D. Panghalip

39. Panghalip na unang binanggit sa pangungusap o talata bago banggitin ang pangngalan o
paksang tinutukoy.
A. Anapora C. Pangatnig
B. katapora D. Panghalip
40. Talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari, at impormasyon.
A. Awtobiograpiya C. Sanaysay
B. Biograpiya D. Blog

41. Ginagamit upang maging suwabe, madulas, at magkakaugnay ang mga ideya o pahayag sa
pangungusap.
A. Panghalip C. Anapora
B. Pangatnig D. Katapora
42. Gamit ng wika upang ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang natuklasan kung
nais na iulat ito sa publiko o kahit kanino.
A. Instrumento C. Personal
B. Heuristiko D. Representatibo
43. Ang tao o institusyong pinapadalhan ng mensahe.
A. Tagapagpadala C. Tsanel
B. Tagatanggap D. Tugon
44. Ditto dumadaan ang mensahe upang maihatid ito sa patutunguhang tao o destinasyon.
A. Puna C. Tsanel
B. Sagabal D. Tagatanggap
45. Gamit ng wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunun.
A. Instumental C. Impormatibo
B. Personal D. Imahinatibo
46. Antas ng komunikasyon na nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagninilay-nilay.
A. Interpersonal C. Interaksyunal
B. Intrapersonal D. Personal
47. Siya ang tinaguriang Ama ng Balarilang Tagalog
A. Jose B. Romero C. Lope K. Santos
B. Jaime de Veyra D. Manuel Luis M. Quezon

48. Ang tawag sa maka-agham ng pag-aaral ng mga ponema.


C. Morpema C. Morpolohiya
D. Ponema D. Ponolohiya
49. Ang mga sumusunod ay paalala sa Pagsusulat ng masining na Sanaysay, maliban sa isa.
A. Pumili ng paksang may dating sa babasa
B. Iwasang magbigay ng sariling kakaibang pananaw at malikhaing bisyon
C. Gumawa ng balangkas
D. Tiyaking tama ang gramatika
50. Ito ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap,nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga
impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin.
A. Intrapersonal C. Komunikasyon
B. Interpersonal D. Organisasyonal
51. Ang mga sumusunod ay pangkaraniwang modelo ng Komunikasyon, maliban sa isa.
A. Tagapagpadala C. Puna
B. Tagatanggap D. Lahat ng nabanggit ay tama
52. Ito ang tanging alaala ko na lamang, ang larawan ng aking mga masasayang ngiti ng mga
mag-aaral ko. Nasa anong kohesyong panandang gramatika ang ayos ng pangungusap na ito?
A. Anapora C. Kohesyong gramatikal
B. Katapora D. Pangatnig
53. Akoy nasisiyahan na ika’y aking nakita subalit hindi na ang dating ikaw nakilala ko noon.
Ang salitang subalit sa pangungusap ay ________?
A. Panghalip C. Pang-ukol
B. Pangatnig D. Pangngalan
54. Siya ang kaibigan kong mapagkakatiwalaan, si Hope. Ang salitang nasalungguhitan
ay__________?
A. Panghalip na humahalili sa pangngalang nabanggit sa hulihang bahagi ng
pangungusap.
B. Kataga na humahalili sa pangngalang nabanggit sa hulihang bahagi ng
pangungusap.
COLEGIO DE STA. ANA DE VICTORIAS, INC.
Osmeña Avenue, Victorias City, Negros Occidental, 6119
Subject : _______________________ Name: _____________________________________
Exam Period: First Quarter Examination Grade & Section:________________________________
Prepared by: ___Miss. Rhea fe C. Tulbo____________________ Checked by: Mr. Romil S. Sarrosa
C. Panghalip na ginagamit sa pangungusap upang tukuyin ang naunang nabanggit
na paksa.
D. Ito ay isang pangatnig na nag-uugnay sa dalawang pahayag.
55. Tawag sa paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusan
ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe.
A. Ilokusyunaryo C. Perlokusyunaryo
B. Lokusyunaryo D. Speech Act

You might also like