You are on page 1of 1

Reaction Paper 3

Nikko Angelo S. Carisma


11528125
KASPIL N01
Sa kasaysayan ng Pilipinas, marami itong naranasan sa ilalim ng ibat ibang mga
dayuhang bansa at kultura. Dahil dito, unti-unting nagbago ang ilan sa mga aspeto ng
pamumuhay at kultura ng mga Pilipino. Narito ang isang magandang halimbawa: si Jose Rizal,
na siyang tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas, ay sinasabing naimpluwensyahan ng
pagbitay sa GomBurZa at naging parte ng kanyang inspirasyon sa kanyang mga sinulat. Sa
parehong paraan, nangyari rin ito sa Pilipinas nang dumating ang mga dayuhan. Bingigyan tayo
ng Mexico ng mga hiram na salita, at namana rin natin ang arkitektura hindi lang ng mga Tsino,
kundi pati na rin ang iba pang mga bansa.
Sa aking opinyon, ang ganitong paraan ng kultural ng asimilasyon ay makakatulong na
payabungin ang kultura ng isang bansa. Dahil dito, makikita ang maraming kulay na nakapaloob
sa kultura, ang mga karanasan nito, at ang mga aral na siyang natutunan hindi dahil sa mga libro,
kundi dahil sa pamumuhay ng mga mamamayan nito. Maraming nagsasabing walang kultural na
pagkakakilanlan ang Pilipinas dahil sa dami ng mga dayuhang impluwensya na humaplos dito.
Hindi ako naniniwala sa ganitong kaisipan dahil sa aking paningin, ito mismong mga dayuhang
impluwensya ang nagtatag ng bahagi ng pagkakakilanlan ng Pilipinas: ang bansang nakita ang
maraming kultura ng ibang bansa.
Sa kabila nito, kung iaaayon ang sitwasyon sa kasalukuyang panahon, may mga
masamang katangian na dala ng mga impluwensya nito sa dahilan na maari itong simulan ng
pagkalimot hindi ng ating kultura, kundi ng ating kasaysayan. Sa katotohanan, hindi
nakakalimutan ang kultura dahil dito umuugat ang pamumuhay at kaisipan ng isang tao, ngunit
ang kasaysayan ay maaring ibaon sa limot, dahil maaring hindi na ito naaayon sa atin ngayon.
Kaya sa aking paningin, dapat rin nating patibayin ang preservation ng kasaysayan ng ating
bansa, at hindi natin malimutan ang mga parte ng ating kultura na naging maganda at naging
solusyon at ating mga suliranin. Malay natin, kailangan lang pala natin lumingon sa ating
pinanggalingan upang makita ang solusyon para sa ating kinabukasan.

You might also like