You are on page 1of 2

REYES, Carlos Adrian D

BSPSY 3-6

Activity 2: Cultural Domination


Filipinos in Hawai’i

Naging matagumpay ang mga ilocanong naunang lumipad at nanirahan sa Hawaii sa


pag-proteka ng kanilang kultura sa likod ng mga iba’t ibang hamon na kinaharap nila. Marami
ang nananahan sa isla ng Hawaii, may mga lokal na Hawaiian, Chinese, Spanish, at Filipino
na pwedeng maka-impluwensya sa mga bagong henerasyon ng mga ilocano na nandoon,
kaya naman masasabi natin na maaadapt o mahahawa sila kahit papaano ng mga kultura na
nakikita nila mula dito. Pero makikita natin na mas lamang parin at kitang kita parin ang
pagiging Filipino ng mga ito dahil sa dedikasyon ng mga community leaders na katulad ni
Daniel Kihano sa pagtanim ng mga nakaugaliang gawain ng mga Filipino sa utak at puso ng
mga kabataan. Ang pagboboluntaryong pagsasalita ni Kihano sa mga events ng mga Pinoy
sa lingguwaheng Tagalog ay isa sa mga halimbawa kung bakit naging matagumpay na
maprotektahan ang kulturang pagkakakilanlan natin doon sa Hawaii.

Isa na rin sa mga nagpatatag ng kultura sa community ng mga Ilocano ay ang mga
traditional practices. Pinakita sa video ang mga ilan dito kabilang na ang mga bandang
rondalla, ang sayaw ng Maglalatik, at masasayang kaganapan tulad ng mga programa sa
Rizal Day. Ang mga gawain na ito ay nagsisilbing daan para sa pagpasa ng kultura sa mga
bagong henerasyon. Ang dedikasyon na ito ay hindi lamang nagpapakita ng pagpapanatili ng
kultura bagkus nagpapakita rin ito ng kakayanan na magadapt ng community sa mga
bagay-bagay sa Hawaii.

Sa video ay makikita rin ang pagiging malapit ng mga miyembro ng komunidad isa
narin ito sa nakatulong sa pagpapanatili ng kultura nila. Sa lugar na tulad ng Waipahu, kung
saan natural na ang pagiging malapit ng mga Ilokano doon ay gumagawa ng environment
kung saan ang mga cultural traditions ay pwedeng umunlad o mag-flourish. Ang mga
pamilya, ang mga magkakapitbahay, at mga lider ng komunidad ay bumuo ng support system
na nagpapalakas sa pangangalaga ng kultural na gawain at kaugalian.

Isa sa mahahalagang bahagi ng kultura ay ang wika at isa ito sa pinangangalagaan ng


community ng mga ilokano. Alam nila ang mga hamon na kinakaharap ng mga second at
third generation filipinos na nandoon kung saan maaring hindi na sila makaintindi o
makapagsalita ng Tagalog o Illokano. Kaya naman ginagawa nila ang kanilang makakaya
upang muling pasiglahin o buhayin ang wika natin doon.

Sa huli, naging matagumpay ang unang henerasyon ng mga ilokano sa Hawaii sa pag
taguyod ng kultura pagkakakilanlan sa kanila sa kabila ng mga hamon na kinakaharap nila
mapa-ekonomiya o pagpapanatili ng kanilang mga tradisyon. Ang pagiging malapit sa isa’t
isa ng komunidad at ang mga tradisyonal na gawain ay malaking ambag sa kanilang
tagumpay na ito. Gayunpaman, hindi naman immune ang community ng mga ilokano sa
epekto ng pagbabago kaya naman nagbibigay-diin din sila sa kinakailangang pakikibagay.
Kaya naman ako ay humahanga sa kanila dahil nagsisilbing patunay ito sa kakayahan ng
komunidad na mapanatili ang kanilang ugat ng pagiging filipino o ilokano habang kinaharap
ang mga pagsubok sa lugar kung saan ang dynamic at pabago-bago ang mga bagay-bagay

You might also like