You are on page 1of 3

Cruz, Jorgie Mae M.

BSEDEN1-2
Readings In Philippine History

La Purisima Concepcion Paroquia De Santa Maria, Bulacan

I. Background of the Author

Editor at Manunulat:
Jaime Salvador Corpuz – Masugid na tagapagsulong at iskolar ng sining, kasaysayan
at turismo, kulinarya, herencia at kulturang Pilipino. Ilang ulit ng nabigyan ng
competititve grant mula sa National Commision for Culture and the Arts noong 2000
para sa aklat na ang Ang Malolos sa mga dahon ng Kasaysayan, noong 2009 para sa
aklat na calendario bulakeño 900 AD~2007.

Mga Manunulat:
Francis Jason Diaz Perez III- Isang aktibong kasapi ng organisasyong pangsimbahan,
manunulat sa panitikang relihiyon at tagapagtatag ng hermandad’y Cofradia dela
Sagrada Passion. Naglingkod sa liaison office para sa opisyal na pagbisita ng bikarya
ng Nuestra Señora de la naval sa Santa Maria Bulacan. Orven Pualengco Cataniag
Heritage advocate, church and civic leader, at isang choir master. Isang taal na taga-
Santa Maria, Bulacan kung saan siya isinilang at lumaki. Nagtapos ng hayskul sa St.
Paul College sa kursong Legal Management sa Unibersidad ng Santo Tomas. Bata pa
lamang ay nagging kasapi na siya ng Knights of the Altar at koro ng Parokyang La
Purisima Concepcion.. Sa kasalukuyan, siya ang pinuno (head) ng Musical Heritage
of the Church ng Diocesan Committee on Liturgical Music ng Diyosesi ng Advocates
for Heritage Preservation at ng Santa Maria Tourism Council.

Neil Batungbakal Mateo- Manunulat Edukador, Information technology expert at


Lider sibiko. Nagtapos ng kursong Food Technology sa Unibersidad ng Santo Tomas,
masterado ng Information Technology sa STI College at sa De La Salle University
Continuing Prefessional Teacher Education sa La Consolacion University
Philippines, at doktorado sa edukasyon mula sa Greenville Pasig City
College. Kasalukuyan siyang naka-enroll sa prestihiyosong Georgetown
University sa Washington D.C. USA para sa kursong Professional Certificate
in Digital and Social Media Management.Bilang edukador, siya ang kasalukuyang
Chief Operating Officer at School
Director ng Immaculate Conception I-College of Arts and Technology.
Inc.. at vice president ng Immaculate Conception Academy at
Immaculate Conception Polytechnic. Dati siyang naglingkod bilang
pangulo ng Bulacan Association of Technical Schools. Sa paglilingkod
sibiko, siya ang kasalukuyang vice president at member ng board of
directors ng Santa Maria Business Association, Inc. at aktibong kasapi ng
Santa Maria Tourism Council.
Isang abogado, edukodor, lider kababaihan at simbahan. Isinilang sa bayan
ng Santa Maria , Bulacan noong ika-17 ng Abril 1955 sa mag-asawang tubong (ina)
Santa Maria, Bulacan at (ama) Dagupan. Pangasinan
Pabliser: Normita M. Llamas- Villanueva
Isang abogado, edukodor, lider kababaihan at simbahan. Isinilang sa bayan
ng Santa Maria , Bulacan noong ika-17 ng Abril 1955 sa mag-asawang tubong (ina)
Santa Maria, Bulacan at (ama) Dagupan. Pangasinan. Nagtapos ng pag-aaral sa
Unibersidad ng Pilipinas at sa University of the of the East sa kursong abogasya
hanggang sa maging ganap na abogado. at naglingkod sa pamahalaan sa loob ng 20
taon. Bukod sa pagiging abogado, isa rin siyang edukador bilang tagapamahala at
pangulo ng Immaculate Conception I-College of Arts and Technology. Inc.
Immaculate Conception Academy at ng Immaculate Conception Polytechnic sa
Santa Maria, Bulacan.

II. Historical Background of the document:


Ang aklat na ito, La purisima Concepcion: Parroquia de Santa Maria Bulacan ay
ipinaglihi noong Marso 2015, nang gawin proyekto ng Immaculate Conception I-
College of Arts and technology Inc, ang 1st ICI Santa Maria Heritage and culinary
Walking tour na dinaluhan ng mga heritage and culture advocates, media people,
travel bloggers and photographers,officials and students of ICI at ng iba pang grupo.

III. Summary of the Document

Ang Santa Maria ay dating bahagi ng Meycauayan hanggang sa maging ganap na


itong pueblo o bayan noong 1792. Noong 1793, itinayo ang luklukan ng pamahalaan
sa poblacion. Si Andres dela Cruz ang kauna unahang gobernadorcillo o capitan ng
Sta.Maria. Siya ay hinalinhan ng 88 pang gobernadorcillos sa panahon ng
pamamahala ng mga Espanyol. Noong 1895, sa bisang Batas Mauro, ang titulong
"gobernadorcillo" ay pinalitan ng "capitan municipal. Si Pascual Mateo ang kahuli-
hulihang capitan ng bayan. Sa ilalim ng pamahalaang Amerikano, naglingkod si
Maximo Evidente bilang kauna unahang presidente municipal ng Sta. Maria mula
1899-1900. Siya ay sinundan ng 12 pang presidente.Sina Agustin Morales (1928-
1934) at Fortunato Halili (1934-1937) ang mga pinagkakapitaganan sa lahat ng mga
naglingkod sa panahong yaon. Si Morales ay kauna-unahang nagpatayo ng "main
water system" sa bayan at si Halili, na hindi kumuha ng kanyang sweldo kailanman
ay naging Gobernador ng lalawigan ng bulacan.

IV. Content Analysis


Malinaw at nailalahad ang mga datos na kailangan para mailarawan ang nakaraan ng
bayan ng Santa maria. Gayunpaman isang bagay ang aking napansin, tila naging bias
ang mga author. Masyado nilang pinagukulan ng pansin ang La purisima concepcion
o Paroqquia de Santa maria Bulacan. Sa parteig ito naging bias ang mga manunulat
sa relihiyon. Pagpopokus sa relihiyong katoliko at mga tradisyon, at kultura nito. At
tila ba sinasabi na ang kasaysayan ng santa maria ay nagsimula lamang noong
panahon ng espanyol. Na ang lahat ng kultura na meron tayo ay utang na loob natin
sa kanila. Isang bagay na binibigay mensahe ng dokumento.

V. Conclusion
Sa librong ito ipinakita kung gaano kaganda, kakaiba at kamalikhain ang mga taga
Santa na makikita pa lamang sa kanilang produkto, mga kultura at tradisyon.
Masasabi at makikita natin sa librong ito ang pagiging relihiyoso ng mga taga santa
Maria sa relihiyong katoliko. Ang pagpapahalaga nila sa patron at parokya.
Pagpapanatili ng tradisyon na syang nagbubuklod sa bawat isa. Mga kuwento ng
pagsubok na kinaharap na nagpakita sa tapang at lakas ng loob ng bawat taga santa
maria. Mga kuwento ng mga tagumpay at karangalan na tinamo ng bawat santa maria
na syang nagpapaalala ng katalinuhan at kahusayan ng bawat isa.

You might also like