You are on page 1of 69

De La Salle University - Dasmariñas

ANG LUWA SA DAINE: PAMAMARAAN NG DEBUSYON SA

PITONG ARKANGHEL

Panimula

Ang bayan ng Indang ay isang bayang mayaman sa kasaysayan na

matatagpuan sa lalawigan ng Kabite. Itinatag ito bilang isang bayan noong 1655

nang ito ay mahiwalay sa bayan ng Silang sa ilalim ng pamumuno ni

Gobernadorcillo Juan Dimabiling. Mayroon lamang na labing dalawang barrio

ang nasasakupan ng Indang noong panahon ng mga Kastila, ito ay ang Bancod,

Alulod, Mahabang Kahoy, Kaykiwit, Lumampong, Dayne, Guyam, Tambo,

Banaba, Buna, Kaytambog at Kalumpang. Sa ngayon, ang bayan ng Indang ay

may 38 na mga barangay. Dahil sa distansya sa pagitan ng barrio ng Indang at

poblasyon ng Silang, naging sanhi ito ng problema sa mga residente ng Indang at

sa kadahilang ito ay humiling ang mga ito sa mataas na kinauukulan para

mahiwalay na ang barrio at maging isa itong ganap na munisipalidad. Ang

pangalang Indang ay hango mula sa salitang "inrang", isang puno na lumalago sa

nasabing bayan. Sa panahon ng himagsikan sa Pilipinas, ang Indang ay kinilala sa

rebolusyonaryong pangalan na “Walang Tinag”. (Francisco J., 2008) Sa barangay

Limbon naman nadakip si Andres Bonifacio, pinuno ng Kataas-taasan Kagalang-

galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), matapos na matalo sa

konbesyon sa Hacienda Tejeros at nagplanong magtayo ng isang hiwalay na

pamahalaan at sandatahan sa pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Isa sa

i
De La Salle University - Dasmariñas

mga saksi sa mga pangyayari ay si Severino De las Alas, isang anak ng bayan ng

Indang na inakusahan ang magkakapatid na Bonifacio na tinangka nilang sunugin

ang Iglesia ng Indang, na inialay kay San Gregorio Magno, na naitayo noong ika-

labing pitong siglo at isa sa pinakamatandang simbahan sa lalawigan.

Simbahan ng Indang

Makulay ang iba’t-ibang paniniwala at tradisyon sa bayan ng Indang. Isa

na dito ay ang simbahan ng Parokya ni San Gregorio Magno. Ito ang Iglesia

Katolikong simbahan ng Indang. Dati itong kapilya (o visita) ng bayan ng Silang

sa ilalim ng mga paring Heswita. Noong 1585, itinatag ng mga Pransiskanong

pari ang parokya ng Silang na sumasakop pa sa apat na malalaking lugar sa

Kabite kabilang ang Indang. Nanatili ang mga Pransiskano pari hanggang 1598.

Bago mapaalis ang mga Pransiskano, kanilang iminungkahi kay Diego Jorge de

Villalobos (napagkatiwalaang mamahala sa lupain ng Silang) na anyayahan ang

mga paring Heswita na humalili sa kanila. Mula sa mga Pransiskano ay pormal

nang ipinagkatiwala sa mga Heswita ang pangangalaga sa parokya ng Silang. Sila

ay namahala rito mula taong 1601 hanggang 1768 at sina Padre Gregorio Lopez

SJ at Padre Pedro de Segura SJ ang kauna-unahang paring Heswita ang namahala

sa simbahan. Noong 1625, ganap at pormal na naihiwalay na ang Indang mula sa

Parokya ng Silang sa gabay ng pamimintakasi kay San Gregorio Magno. Ayon sa

kura paroko ng Indang, maaaring isa sa kinamulatang patron ng Simbahang ito ay

ii
De La Salle University - Dasmariñas

si San Francisco Xavier. Maaaring bago naging ganap na parokya, si San

Francisco Xavier ay kinikilalang patron ng ilang malalaking barangay dito. Isa sa

mga tampok na imahe ng simbahan ay ang larawan ng Pitong Arkanghel na

makikita sa kaliwang bahagi ng altar. Makasaysayan para sa mga taga Indang ang

imahe ng pitong arkangheles.

Ang simbahan ni San Gregorio Magno sa bayan ng Indang.

iii
De La Salle University - Dasmariñas

Ang simbahan ng Indang noong panahon ng mga Amerikano.

Larawan ng simbahan ng Indang sa kasalukuyan

iv
De La Salle University - Dasmariñas

Layunin ng Pananaliksik

1. Alamin ang kasaysayan ng Pitong Arkangheles sa bayan ng Indang.

2. Alamin ang iba’t-ibang paraan ng pagdedebusyon sa Pitong Arkanghel sa

bayan ng Indang.

3. Alamin ang tradisyong luwa ng Pitong Arkanghel sa barrio Daine.

Balangkas Teoretikal

Ang balangkas teoretikal na gagamitin ng mananaliksik sa pag-aaral na ito

ay ang etnohistoryang teoretikal.

Ayon kay James Axtell (1979) ang etnohistorya ay ang pag-aaral

ng etnograpikong mga kalinangan at mga kaugaliang indihena o katutubo sa

pamamagitan ng pagsusuri ng mga rekord na historikal o mga pagtatala na

pangkasaysayan. Isa rin itong pag-aaral ng kasaysayan ng sari-saring mga pangkat

etniko na maaari o maaaring hindi na umiiral sa kasalukuyan. Gumagamit ang

etnohistorya ng mga datong pangkasaysayan at pang-etnograpiya bilang

pundasyon nito. Ang mga metodo at mga materyal na pangkasaysayan nito ay

lumalampas sa pamantayang paggamit ng mga kasulatan o dokumento at mga

manuskrito. Kabilang sa mga ito ang paggamit ng mga mapagkukunang materyal

na katulad ng mga mapa, musika, mga larawang ipininta, mga litrato

(potograpiya), kuwentong-bayan, tradisyong sinasalita, panggagalugad ng lugar,

v
De La Salle University - Dasmariñas

mga materyal na arkeolohiko, mga koleksiyon sa mga museo, umiiral pang mga

kaugalian, at mga pangalan ng pook.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mamamayan ng Indang. Makakatulong ito sa mga naninirahan sa bayan

ng Indang upang malaman at maipaalala sa kanila ang kasaysayan, kultura at

tradisyon sa kanilang bayan.

Lokal na Pamahalaan ng Indang. Makakatulong ito sa mga

naglilingkod sa bayan ng Indang upang mapagtibay at maitaguyod pa ang

kasaysayan ng Indang sa mga susunod na henerasyon at mas malinang pa ang

mga kultura at tradisyon sa kanilang bayan.

Mag-aaral ng Indang. Makakatulong ito sa mga kabataan higit lalo na sa

mga mag-aaral ng sekondarya at tersiyaryo upang maipaalala at maipaintindi ang

sariling kasaysayan ng Indang bilang isang bayan na mayaman sa iba’t-ibang uri

ng kultura, paniniwala at tradisyon.

Mag-aaral ng Agham Panlipunan. Makakatulong ang pananalaksik na

ito sa mga kumukuha ng asignatura sa lokal na kasaysayan upang makapagbigay

na bagong kaalaman tungkol sa makulay na kasaysayan, kultura at mga tradisyon

ng bayan ng Indang.

Mananaliksik sa Hinaharap. Makakatulong ito para sa mga

mananaliksik sa hinaharap upang mabigyan pa ng malalim na pagkilala at

vi
De La Salle University - Dasmariñas

pananaliksik ang kasaysayan ng Indang, ang simbahan at ang mga kultura at

tradisyon laganap sa bayan ng Indang.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay ng malinaw na

impormasyon tungkol sa kasaysayan ng simbahan at ng pitong arkangheles sa

bayan ng Indang. Sakop din ng pananaliksik na ito na alamin ang iba’t-ibang

pamamaraan ng pagdedebusyon ng mga residente sa bayan ng Indang at sa barrio

Daine para sa pitong arkanghel. Ang mananaliksik ay magsasagawa ng isang

panayam sa mga naninirahan sa bayan ng Indang at ng barrio Daine upang

makakalap ng mga impormasyon tungkol sa pag-aaral. Magsisimula ang

pananaliksik mula Agosto hanggang Disyembre 2017.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang disensyo na gagamitin ng manananaliksik ay isang kwalitatibong

pananaliksik na naglalayong magsagawa ng pakikipanayam. Ayon kina Steven

Taylor at Robert Bogdan (1975), ang kwalitatibong paraan ng pananaliksik ay

naglalayon na alamin ang pag-uugali, katangian ng pagrerelasyon. Layunin din

nito na maipaliwanag at magbigay ng inisyal na pagkaunawa tungo sa pagbuo ng

isang desisyon.

vii
De La Salle University - Dasmariñas

PAGSUSURI NG MGA KAUGANAY NA PANITIKAN

Lokal na Panitikan

Ayon sa tesis masterado ni Gil Ramos (2010), bilang isang dating

nasasakupan ng Kawit, hindi naging matagumpay ang Noveleta na ihiwalay dito

ang kanilang pagsamba. Noon lamang Hulyo 1937 nangyari ang nabanggit na

kaganapan nang itatag ang sariling parokya ng Katoliko Romano sa Noveleta.

Ngunit bago ito, noong 1905, ipinasya ng mga taga-Noveleta na magtatag

ng isang simbahang nagsasarili. Nakilala ang nasabing simbahan bilang

Simbahang Aglipayan o Iglesia Filipina Independiente. Sa pamamagitan ng mga

rebolusyonaryong sina Pascual Alvarez at kanyang asawang si Ildefonso Angkico,

Teodoro Alvarez, Basilio Salud, Nicloas Ricafrente at Basilia Alvarez ay itinatag

nila ang nasabing simbahan. Hanggang sa taong 1939, may naitala na limang

sekta ng relihiyon sa bayan. Pinakamarami ang kasapi sa relihiyong Romano

Katoliko (2,518) na sinusundan ng mga Aglipayan (1,242).127

Sa Kawit, ang pagdami ng iba’t-ibang uri ng relihiyon ay dulot n grin ng

migrasyon ng mga tao dito mula sa ibang lugar. Ang paninirahan ng mga dayuhan

sa Kawit gayudin ang epekto ng pambansang kaganapan ay nakimpluwensya sa

mga taga-rito. Kung ang Katolismo ang dating tanging relihiyon dito, ito ay

nadagdagan ng bagong denominasyon particular pagkatapos ng Digmaang

Filipino-Amerikano tulad ng Iglesia Filipina Independiente na pinangunahan ni

viii
De La Salle University - Dasmariñas

Obispo Gregorio Aglipay at nang kalaunan ay ang sektang Protestantinismo, ang

United Church of Christ in the Philippines.128

Nanatili namang ang malakas na impluwensiya ng relihiyong Katoliko sa

Naic ayon na rin sa resulta ng sensus ng 1939. Sa naitalang bilang na 13,813,

12,247 dito ay Katoliko Romano. Samantala, may bilang na 701 ang mga kasapi

ng Aglipayan at 529 ang mga Protestante.129

________________________
127
Calairo, 2000, 143.
128
Calairo, 1998, 119.
129
Calairo, 2000, 158
ix
De La Salle University - Dasmariñas

Matatas na Kabite

Sa pagpasok ng mga Hapon sa bayan ng Indang, umiral ang malaking

takot at kawalan ng tiwala na ng mga mamamayan. Ang mga naninirahan sa

poblacion ay napilitang iwanan ang kanilang mga bahay at nagtago sa mga baryo

ng Daine, Tambong Balagbag, Tambo Munting Kulit, Guyam na Munti at ilang

barangay ng kalapit ng bayan ng Alfonso. Partikular sa mga kababaihan,

7panghahalay ng mga sundalong Hapon. Bunga nito, karaniwan ng kaganapan na

tanging mga kalalakihan, kung magka-minsan ang tatay o di kaya ay ang

matandang anak na lalaki na lamang ang tanging naiiwan para bantayan ang sari-

sariling tahanan. Bitbit ang ilang mahahalagang ari-arian at mga maliliit na

kagamitan, napilitan ang mga itong magtungo sa mga lugar na ginawang

pansamatalang-tuluyan kundi man ay sa mgatirahan ng malalapit na kamag-

anakan na malayo sa kabayanan. Nabago lamang ang pangyayari ng magsimula

ng okupahan ng mga sundalong Hapon ang municipio at ipinatupad ang katapusan

na nag-aantas na muling magsibalik sa sari-sariling tahanan ang mga

mamamayang nagsilikas. Sa bahaging ito, nagbalik sa dating takbo ang

pamumuhay sa bayan. Subalit malayo sa pagiging normal, naiwan pa rin sa mga

tao ang damdamin ng kawalang tiwala maging sa mga kababayan.157

Sa ilalim ng mahigpit na pamamatnubay ng mga maykapangyarihan, muling

ibinalik sa panunungkulan ang mga dating local na opisyales ng gobyerno. Noong

1942, muli ring binuksan ang mga paaralan. Kasama sa itinuturo sa mga mag-

x
De La Salle University - Dasmariñas

aaral ang mga awiting hapon, parte ng isinagawang malawakang propaganda sa

mga mamamayan. Sapilitang din ang pagbubukas ng mga espesyal na klase sa

lengguwaheng Nippongo para naman sa mga gurong Filipino na naatasang

maging mga tagapag-turo. Kasabay nito ay ang paghihigpit sa galaw at gawain ng

mga mamamayan ng mga taga-Indang. Pangkaraniwan ng tanawin ang malupit na

pagsampal sa mga mamamayan ng mga sundalong Hapon maging sa maliit na

opensa ng hindi pagbibigay pugay sa nakawagayway na bandilang Hapon sa plaza

at mga pampublikong gusali. Ikinukulong naman sa kanilang himpilan sa gusali

ng sa ngayon ay Paaralang Elementarya ng Indang ang mga nakagawa ng mas

mabigat na kasalanan tulad ng pagnanakaw. Naghihintay sa mga magtatangkang

tumakas ang kamatayan sa pamamagitan ng bayoneta o baril mismo ng mga

sundalong militar.

Dagdag pang naging suliranin ng mga Indangeño ang usapin ng mga

Makapili na nagsilbing espiya ng pamahalaang Hapon. Sila ang naatasang

magmanman at magturo sa kinauukulan ng mga pinaghihinalaang gerilya at

kasapi ng alinmang grupong ipinalalagay na kumakalaban sa gobyerno.

________________________
157
De Las Alas and Baltasar, 1999, 9.

xi
De La Salle University - Dasmariñas

Nangangahululgan ito ng mahabang pagkakulong at di-makataong

pagpapahirap o kamatayan mismo sa kamay ng mga sundalo para sa sinumang

kanilang maituro--- nagkasala man o hindi. At parang hindi pa sapat ang ganitong

pahirap ng digmaan, kinailangan din makipagsapalaran ng mga taga-Indang sa

panaganib na dulot ng mga bandido (Texas) na nagsasamantala sa mga

biyaherong pumupunta ng Alfonso, Mendez o Naic.158

Hindi pa man dumarating sa bayan ang mga sundalong Hapon, agad nang

nilisan ng mga taga-Naic ang kanilang lugar. Karamihan sa kanila ay

nagsipagtago sa mga kalapit na bayan ng Maragondon, Tanza at Indang. Kaunti

lamang bilang ng mga taga-rito ang nagpasiyang manatili sa kanilang mga tirahan

kaya’t nagmistulang isang ghost town ang naturang bayan. Enero 8, 1942 nang

pumasok sa Naic ang unang tropa ng mga sundaling Hapones at inokupahan

ito.159

Ang gusali ng sa ngayon ay Mababang Paaralan ng Naic ang nagsilibing

kanilang garrison at himpilan. Kasabay ng pag-okupang ito ng puwersang Hapon

sa Naik ang patuloy na pagpapalitan ng bomba sa pagitan ng mga tropang

USAFFE na nakahimpil sa Corregidor at ng puwersang Hapon na nasa pampang

naman ng Kabite.160

________________________
158
Ibid., 10.
159
Calairo, 2000, 168.
xii
De La Salle University - Dasmariñas

Tulad ng iba pang bayan sa lalawigan, hindi rin nakaligtas ang mga taga-

Naic sa lupit ng ginawang sona ng mga sundalong military sa buong probinsya.

Lahat ng kalalakihan na may edad 18 hanggang 50 taong gulang ay sapilitang

hinuli at pansamantalang ikinulong sa sabungan at gusali ng paaralang bayan

ditto. Ang mga preso ay pilit na kinuwestiyon at inusisa sa posibleng

pagkasangkot ng mga ito sa kilusang gerilya na kumikilos sa lugar. Mahigpit ding

ipinatupad ang malawakang pagpapasuko at pagkumpiska ng mga nakakalat na

armas ng mga taga-rito kasabay ng banta na gugutumin ang mga tao kung

mabibigo at hindi susunod sa kautusang nasabi. Mahigpit na kaparusahan naman

ang naghihintay sa sinumang mahuli o di kaya’y mapaghihinalaang nagbibigay ng

tulong sa anyo ng tubig at pagkain sa mga ikinulong na kalalakihan.161

________________________
160
Ibid., 168-169.
161
Ibid., 175.

xiii
De La Salle University - Dasmariñas

Piyesta at ibang Panrelihiyong Pagdiriwang

Hindi katoliko ang mga Hapon, ngunit hindi ito (sila) naging hadlang sa

buhay pananampalatay ng mga mamamayan ng Kabite sa panahon ng giyera.

Patunay dito ay ang patuloy at Malaya, bagaman at limitado na lamang na

pagdaraos pa ri ng kinagisnang kaugalian kaugnay ng kanilang buhay

pananamapalataya. Mayroon pa ring mga piyesta noon, bagaman at sabi nga ng

nakapanayam ay hindi na lamang “kasing-gaara at kasing-garbo”318 gaya ng dati.

May mga misa pa rin sa simbahan, bagaman at kakaunti na ang dumadalo ditto sa

mga simbahan gumawa ng himpilan. Mayroon pa ring simbang gabi bilang

paghahanda sa pagdating ng Pasko na sa ibang bahagi ng probinsya ay napataon

pa sa biglaang pagso-sona ng mga Hapon sa kanilang lugar.

Sa isinagawang pagtatanong-tanong halos oosa ang tema ng sagot ng mga

naging kalaho, “hinayaan lamang ng mga Hapon na magpatuloy ang mga

kinagisnang kaugalian ng mga Kabiteño tungkol sa kanilang buhay

pananampalataya (at) ginamit pa nila (Hapon) itong bahagi ng kanilang

propaganda para maakit sa kanilang poder ang mga tao.” Bagay na mas lalong

nagpatatag sa kanila para makaraos sa masamang epekto ng mga digmaan

particular sa kanilang kabuhayan at kaligtasan.

________________________
318
Germanil, Silang.

xiv
De La Salle University - Dasmariñas

Ayon sa aklat ni Calairo (1998) na pinamagatang Cavite el Viejo:

Kasaysayan, Lipunan, Kultura, nabanggit na ang unang orden ng relihiyong

tumungo sa Cavite El Viejo ay ang mga Heswita. Ang ordeng ito ang kauna-

unahang nangaral sa lumang Kabite noong 1615. Ang paglago at suporta ng mga

miyembro ng simbahan ang siyang naging susi kaya nakapagtayo ng simbahan sa

Lumang Kabite. Ito’y nagmula sa mga donasyon na asinan, lupain at palaisadaan

para sa patron ng bayang si Maria Magdalena.45 Naiulat na sa pagitan ng 1697

hanggang 1706 ay ginawa ang simbahan ng Cavite El Viejo na yari sa paso. Ayon

kay Javellana, natapos ito noong 1715. Ang simbahan ay nasira ng sakupin ng

mga Ingles ang Maynila. Noong 1791 ay muling naitayo ang simbahan kasama

ang kumbento ng Cavite El Viejo. Ayon kay Medina:

The Annual Letter of 1697-1706 boasts of a beautiful all-brick

church being built, wherein almost all the pillars had been

raised, its shoulder fitted, and predicted to be the best church in

the surrounding neighbourhood, when finally completed.”46

Ang arkitektura naman ng simbahan ay ipinaliwanag sa aklat ni Javellana.

“The 1715 church was cruciform. It originally had 5

entrances – 2 along the nave, 2 at the transept and at the main

portal. It had rectangular windows located along the church

second story. Ang graceful arcos torales separated nave from

transept.”

xv
De La Salle University - Dasmariñas

“Three old retablos remain in the church. Stylically they

belong to the 18 century and appear to come from Jesuit times.

The main retablo is crowned by the Jesuit colophon and is

decorated with angels and foliage, characteristic of Jesuit

retablos of this era. Many of the images are also in the 18th-

century style, most notable is that of Mary Magdalene, who

today has an altar all her own.”

Nang umalis ang mga Heswita sa Pilipinas noong 1768 ay pinalitan ng

mga Rekoleto ang pamamahalang espiritwal sa Cavite El Viejo. Nang 1801 ay

ibibigay sana sa mga secular ang bayang ito kaya lamang ay hindi natuloy dahilan

sa pagtutol ng mga Regular.48

Ang kumpletong listahan ng mga kura paroko ng Cavite El Viejo mula

nang maitatag ang parokya’y hindi na malaman kung saan napapunta. Ang natitira

na lamang na pinakamatanda’y may petsang 1826. Ang mga kura paroko ng

Cavite El Viejo ay ang mga sumusunod:

Pangalan Taon

Juan Manuel Alonso Bago sumapit ang 1768

Juan Ruiz de San Agustin Abril 1, 1759

Manuel del Rosario 1774

Juan Capistrano 1808

Domingo Dayrit 1826 – 1851


xvi
De La Salle University - Dasmariñas

Cipriano Angos del Rosario 1851

Antonio Paredes 1855

Andres Galdeano 1862

Juan Gomez 1871

Sabas Tejero 1871

Inigo Narro 1872

Toribio Miguella 1872

Toribio Bonel 1876

Pedro Mollar 1876

Gaudencio Marquez 1881

Julian Llorente 1883

Justo Fernandez 1883

Victor Oscoz 1888

Angel Abete 1889

Fidel Blas 1892

Ruberto de Blas 1897

Cenon Villafranca 189849

Ang Mga Tradisyon Sa Bayan Ng Kawit

Ang Kawit katulad ng mga ibang bayan sa ating bansa ay mayroong mga

taunang ipinagdiriwang na okasyon. Mahahati natin sa dalawang aspeto ito: una’y

ang sa pulitika at ang ikalawa’y sa aspeto ng paniniwala o relihiyon. Ayon nga sa

xvii
De La Salle University - Dasmariñas

isang saksi sa mga kaganapan ng bayan, ang pista sa bayang ito ay dalawa. Ang

una’y ang talagang pista o yaong pagdiriwang na pinangungunahan ng simbahan

na kanilang isinasagawa tuwing ika-22 ng Hulyo taun-taon. Ang ikalawa nama’y

ang paggunita sa Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo, ang pangalawa ay

tinagurian ding pista ng mga taga-Kawit sapagkat mulang nang maganap ang

unang pagdiriwang nito noong 1898 ay walang putol ng ginugunita ito taun-taon.

Ang mga kaugalian o tradisyon sa bayang ito ay umiikot sa

pananampalataya ng mga taga-Kawit sa kanilang patrona na si Santa Maria

Magdalena. Ang patrona ang nagsisilbing simbulo ng pagkakaisa sa bayang ito

dahil sa mga milagro na kanyang ipinamalas hindi lamang noong panahon ng

Kastila o Rebolusyong Pilipino kundi magpahanggang sa ngayon ay patuloy na

nagaganap ang kanyang mabuting pagsuporta sa bayang ito. Ang suporta o

milagro ng mahal na Birhen ay makikita sa iba’t ibang kaparaanan na dahil sa

mga ito kung kaya magpahanggang sa ngayon ay nananalig ang mga deboto na

pinakikinggan ang kanilang hinaing at tutupdin ang kanilang hihilingin.

Ang mga milagro ng poon ng Cavite El Viejo ay naging palasak sa buong

lalawigan ng Kabite kaya sa tuwing mayroong pagdiriwang sa bayang ito ay

nakagisnan na ang partisipasyon ng mga karatig lugar sa pagbuo ng selebrasyon.

Ang mga halimbawa ng milagro ng poon ay sinasabing ipinamalas niya kay

Heneral Emilio Aguinaldo sa panahon ng Rebolusyon. Nariyan ang kadalasang

mabingit sa kamatayan ang Heneral ngunit siya’y nakakaligtas. Pinaniniwalaang

xviii
De La Salle University - Dasmariñas

may taglay siyang anting-anting. Sa pag-aaral ni Saulo sa kanyang artikulong

Mary Magdalene: Patron Saint of the Revolution ay ipinakita ng awtor ang bahagi

ng Mahal na birhen sa paglaki at pag-unlad ni Emilio Aguinaldo. Ang isang pang

masasabing litaw na milagro sa lahat ng tagarito ay ang magandang kapalaran ng

mga taga-Kawit tuwing inililibot sa buong bayan si Santa Maria Magdalena. Ito’y

upang mabasbasan sa lahat ng baryo ang mga negosyo, pag-aaral at iba pang

gawaing bayan. Malimit din siyang isinasakay sa kasko upang ilibot naman sa

dalampasigan para magkaroon ng mabuting pag-ani ng mga lamangdagat ang mga

mangingisda. Ang tawag nila sa gawaing ito ay ang pagkakarakol o karakol.

Ang bahaging ito ay tatalakay sa mga kaugaliang pambayan ng Kawit

upang maipamalas sa mambabasa ang tradisyong at kustumbre ng nasabing

bayan. Minabuti ng mga may-akda na ilahad ang mga ito batay sa pagkakasunod-

sunod sa kalendaryo (kronolohikal) upang maipaliwanag ng husto ang lahat ng

aktibidades sa buong taon.1

Ang Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Ang araw ng Kalayaan na ipinroklama ni Heneral Emilio Aguinaldo sa

bayang ito noong Hunyo 12, 1898 ay nakagisnan nang ipagdiwang taun-taon.

Malaki ang paghahandang isinasagawa ng mga taga-Kawit sa pagdiriwang na ito

lalo na yaong baranggay Kaingin. Ayon sa nakalap na datos noon ay isang lingo

bago sumapit ang ikalabing dalawa ng Hunyo ay inaatasan na ni Hen. Aguinaldo

xix
De La Salle University - Dasmariñas

ang mga bahay-bahay sa Kawit na maghanda sa pagdating ng mga beterano na

manggagaling sa iba’t ibang lugar. Ang mga beterano ay manunuluyan sa mga

pamilya sa Kawit upang makadalo sa pagdiriwang ng kalayaan. Humigi’t

kumulang ay limang beterano ang pasisilungin sa bawat bahay hanggang

maganap ang araw ng kalayaan. Ang karaniwan at palasak na handa tuwing pista

ng Kawit ay siya ring inihahanda tuwing magaganap ang araw ng kalayaan, ang

pagluluto ng sinampalukang manok.

Pagsapit ng ika-12 ng Hunyo ay namumutiktik na ang mga bahay at

daraanan ng mga bandila bilang tanda na sa araw na ito unang opisyal na

iwinagayway ang bandila ng Pilipinas. Ang mga manonood nama’y sumasaksi sa

pagparada ng mga beterano ng Himagsikan na animo’y kahapon lamang naganap

sapagkat suot pa nila ang kanilang orihinal na tiyadilyong ginamit sa Himagsikan

at Giyera Pilipino-Amerikano. Nakasakbit din sa kanilang baywang ang mga gulo

at itak habang ang iba nama’y riple ang dala.

Ang pagdiriwang ay isang paggunita sa pagkamit n gating kalayaan kung

kaya libo-libo ang dumadalo sa araw na ito. Ang Hunyo 12, 1898 ay natagurian sa

Kawit hindi lamang Araw ng Kalayaan kungdi araw din ng mga beterano ng

Himagsikan.

xx
De La Salle University - Dasmariñas

Ang Pista ni Santa Maria Magdalena

Ang pista ng mahal na poon ay ginaganap tuwing ika-22 ng Hulyo. Ang

pagdiriwang na ito ay higit na pinaghahandaan ng mga taga-Kawit dahil sa

debosyon nila kay Maria Magdalena. Bisperas pa lamang o ika-21 ng Hulyo ay

kinakarakol na ang poon. Ito’y isinasagawa sa pamamagitan ng pagbuhat sa

mahal na patrona at iniiikot sa buong bayan sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Siya’y imahen na inilalabas at isinasayaw sa Binakayan hanggang sa Alapan

upang maging masagana ang pamumuhay sa mga naturang baryo. Ang karakul ay

dinadayo sa buong lalawigan. Pagkatapos sa lupa ay inililigid din siya sa

dalampasigan sa pamamagitan ng pagsakay sa kasko upang maging masagana

naman ang huling mga isda at iba pang yamang dagat.

Ang karakol ay nag-uumpisa sa ikapito nang umaga ng 21 ng Hulyo at

magtatapos ito nang alas otso ng gabi sa pamamagitan ng pagpasok sa mahal na

patrona sa simbahan. Ito’y tumatagal pa dahil hinaharang ng mga tao ang imahen

sa patyo ng simbahan upang hindi maipasok sa loob. Ang pagharang ay sa

pamamagitan din ng pagsasayaw. Ang sayaw sa karakul ay karaniwang

pandanggo. Sumasayaw ang madla sa pamagitan ng tugtog mula sa banda ng

musiko.

Ang karakol ay isang panata upang kalugdan ng patrona ang isang tao.

Ang mga nagbubuhat ng imahen ay tinaguriang namamanata o isang

pagsasakripisyo para sa mahal na poon.

xxi
De La Salle University - Dasmariñas

Dahil sa maghapong aktibidad ang karakol kaya lubos naman ang

paghahanda ng pagkain ng lahat ng mga taga-Kawit. Ito’y upang pakainin ang

lahat ng taong dumadayo at nakikiisa sa kanilang pista. Sa kasko ay hagisan ng

mga pagkain upang mapakain ang lahat ng mga sumusunod ding kasko sa mahal

na patrona. Ang kasko noo’y malaya pang nakakalibot sapagkat walang pang

pabyaya o kapitan ng mga talaba sa tabi ng aplya. Ang tubig noo’y malinaw pa na

maaaring matunghayan ang mga kawan ng isda sa ilalim ng dagat. Habang

ginaganap ang karakol ay patuoy naman ang pagpapalipad ng kuwitis sa umaga at

mga pailaw naman sa gabi.

Kinabukasan ng gabi, ika-22 ng Hulyo ay ipuprusisyon naman si Maria

Magdalena sa buong bayan. Dito matutunghayan ang grupo ng mga deboto sa

Kawit na kung tawagin ay “Maginoo” at “Ginang” na kasama sa prusisyon

habang suot-suot ang kanilang mga palamuti sa katawan. Ang lahat ay nakasuot

ng pormal.

Ang nauuna sa prusisyon ay ang mga batang mga tangang mga pailaw.

Sumusunod sa kanila ang karosa si Maria Magdalena. Pagkatapos ng poon ay

hanay ng mga umiilaw na bata’t matatanda sa poon. Sa hulihan ng prusisyon

nakalinya ang mga maginoo at ang pari.

Ang prusisyon ay nag-uumpisa nang alas-siyete ng gabi at iikot sa lahat ng

baryo sa Kawit hanggang sa matapos ito nang alas dies. Ang kapaguran at gutom

na sinapit buhat sa prusisyon ay papawiin naman ng umaatikabong kainan na

xxii
De La Salle University - Dasmariñas

inihanda ng mga Hermano at Hermana ng simbahan. Ang Hermano at Hermana

ang tumatayong “sponsor” sa naturang pagdiriwang. Ang Hermano at Hermana

ay napipili sa pamamagitan ng bunutan ng pangalan sa simbahan. Ang mga ito ay

manggagaling sa dalawang pamilya upang magtulong sa paghahanda ng pista.

Maaaring ang isa’y matoka sa pagpapakain o ang isa nama’y sa pagbabayad ng

inupahang banda ng musiko.

Tulad ng ibang pista, ang pista sa Kawit ay mayroong ding perya. Ang

mga larong makikita rito’y beto-beto, shooting, ikot-ikot atbp. Kilalang

nakakatuwa ang palarong daga. Ang perya ay inilalagay sa patyo ng simbahan.

Araw ng mga Patay

Ang araw ng mga patay ay isa ring mahalagang okasyon sa mga taga-

Kawit. Nakagisnan na sa bayang ito ang pag-uwi ng mga tagarito mula sa iba’t

ibang dako ng Pilipinas upang magbigay galang sa kanilang mga patay. Isa sa

mga dahilan nito’y ang kanilang minsan sa isang taon na lamang na pagdalaw sa

kanilang mga yumao. Ang pagdalaw ay isang simbulo ng pagrespeto sa yumao

nilang kamag-anak upang sa gayo’y hindi maligaw ang kaluluwa nito. Ito’y

isinasagawa hindi lamang sa pagdalaw sa nitso ng kanilang yumao kundi ang

pagtitirik ng kandila sa ika’tlong baiting ng kanilang hagdanan at sa harap ng

trangkahan ng pinto ng bahay. Kinakailangan ding magluto ng mga kalamay

xxiii
De La Salle University - Dasmariñas

upang ihanda sa pagdating ng kaluluwa ng yumaong kamag-anak. Ang kalamay

ay inihahanda sa hapag kainan.

Isa rin sa mga kaugalian ang pangangaluluwa sa araw ng patay na

nililimusan naman ng mga matatapatang bahay. Nauso sa pangangaluluwa ang

nakawan sa silong ng mga manok at iba pang uri ng pagkain kaya ipinagbawal na

ang ganitong aktibidad. Sa sementeryo, ang mga taong nag-iwan ng kanilang mga

gamit sa kanilang nitso sa ikaisa ng Nobyembre ay ninanakaw kinagabihan.

Kinaumagahan, ika-2 ng Nobyembre ay makikita ang mga nawawalang gamit sa

tinatawag na “Tumba” kung saan nakalagay ang lahat ng nawawala sa mga nitso.

Ang Misa de Gallo

Tulad n gating nakakagisnan sa buong bansa, sa Kawit ay pinaghahandaan

ang Misa de Gallo na nag-uumpisa nang ika-16 ng Disyembre. Ang isa sa mga

Gawain pagpasok ng Misa de Gallo ay ang karoling sa gabi at ang panggigising sa

madaling araw. Ang karoling sa Kawit ay isinasagawa gabi-gabi pagsapit ng ika-

16 ng Disyembre. Ito’y nag-uumpisa nang ikapito at umaabot hanggang hating

gabi. Bukod sa pera ay pinapakain din ang mga nagkakaroling lalo na kung may

abiso o banda ng musiko.

Ang isa pang Gawain dito’y ang pagsisimba tuwing madaling araw.

Nakagisnan na ng mga tagarito na gumising ng alas dos o alas tres nang madaling

araw sapagkat nanggigising na ang mga musiko sa bahay-bahay. Ang mga

xxiv
De La Salle University - Dasmariñas

magulang ay pilit na pinababangon ang kanilang mga anak upang mag-umpisang

maglakad patungong simbahan. Ang paglalakad noo’y may kasiyahan sapagkat

halos lahat ng tao ay pumaparoon sa templo. Ang mga naglalakad ay walang

alinlangan noon sa kapaligiran dahil magkakakilala pa ang mga ito at hindi pa

talamak ang krimen. Ang mga tao na ibig makaupo sa loob ng simbahan ang

siyang unang naglalakad at natutulog ng ilang sandal sa mga upuan sa simbahan

upang makasiguro ang kanilang puwesto sa loob. Ang misa ay mag-uumpisa nang

alas kuwatro at matatapos ng alas singko. Pagkatapos ng misa ay kaugalian na ang

magpakain ang mga nakatatanda ng mga puto bungbong at bibingkang niluluto sa

tabi ng simbahan at pauwi naman sa mga naiwan sa kanilang bahay.

Ang Maytinis

Ang tradisyong ito ay isinasagawa tuwing ika-24 ng Disyembre, bisperas

ng pasko. Ito’y isang pagsasadula ng mga pangyayari sa bibliya hanggang sa

ipinanganak ang sugo ng sangkatauhang si Hesukristo. Sa tanghali pa lamang ng

bisperas ng pasko ay nagkakaroon na ng parada ng mga banda ng musiko mula sa

iba’t ibang bayan sa kabite. Ang mga banda na magsasalubungan ay tutugtog sa

buong maghapon hanggang sa gabi. Sa kasabayang pagkakataon nama’y

inihahanda ng bawat purok ang kanilang karosa na kakatawan sa parada. Ang

naturang mga karosa ay susunduin ng mga banda ng musiko at dadalhin sa may

patyo ng simbahan upang masaksihan ng lahat. Mula dito ay uumpisahan ang

xxv
De La Salle University - Dasmariñas

parada nang ikawalo ng gabi at iikot sa buong bayan ng Kawit hanggang sa

maghating gabi upang ibalik sa simbahan at saksihan ang kapanganakan ni Kristo

sa ginawang belen.

Ang parade ng mga karosa ay batay sa kuwento sa bibliya. Ito’y ang mga

sumusunod:

Bilang ng Karosa Pangalan

1 Payaso

2 Eba at Adan

3 La Purisima Concepcion

4 Si Noeh at ang baha

5 Moises

6 Natagpuan ng Prinsesa ang

sanggol na si Moises

7 Samson at Delailah

8 Infanta Judith

9 Reyna Esther

10 Pangako ng Diyos kay Zacarias

11 Pagban

12 Pagdalaw

13 Panunuluyan

14 Pagbalita ng mga Anghel

15 Inang Pilipinas
xxvi
De La Salle University - Dasmariñas

Ang mga karosa ay puno ng palamuti na umaayon sa tema ng kinakatawan

niyo sa bibliya. Sa karosa nakasakay ang isang tunay na tao (hindi imahen

lamang) na nakabihis ng damit na kumakatawan sa tema ng bibliya. Ang isa sa

mga ginagawa sa parading ito ay ang panunuluyan ni Jose at Maria. Kaugalian ng

pinipili ang mga bahay na may balkon na kunwang panunuluyan upang maipakita

ng husto ang pagsasadula ng pagpapaalis kina Jose’t Maria. Ang mga mapipiling

bahay ay inaabisuhan nang maaga upang sila’y makapaghanda sa darating na

pagsasadula.

Ang prusisyon ay matatapos ng alas dose sapagkat kakalembang na ang

kampana na sensyal na ipinapanganak na ang sugo ng sangkatauhan.

Pagkapanganak ng alas dose ay saka magaganap ang misa na magtatapos ng ala

una. Pagkatapos ng misa saka nag-uuwian ang mga tao upang magsalusalo sa

Noche Buena.

Pasko at Bagong Taon

Sa ika-25 ng Disyembre, ay muling magkakaroon ng misa ng umaga nang

alas siyeta. Pagkatapos ng misa’y naging kaugalin na ang magpatuloy sa bahay-

bahay para sa pag-aalmusal. Kadalasang magkakamag-anak ang nagbibisitahan sa

bahay-bahay kung kaya’t palitan na rin ng pagkaing niluto ng bawat pamilya.

Isang hindi mababaling gawain sa Kawit ng paghalik ng mga bata sa kamay ng

matatanda tuwing kapaskuhan. Sila’y inuubliga ng matatanda kahit sandal lamang

xxvii
De La Salle University - Dasmariñas

upang maipakita ang kanilang pagmamahal at respeto sa kanilang kamag-anak at

kaibigan. Nakagisnan na rin sa Kawit ang pagbibigay ng pera sa mga namamasko

na inilalagay sa isang lastay.

Sa ika-31 naman ay abala rin ang mga tao sa paghahanda naman ng media

noche o ang pagkain para sa pagsalubong sa bagong taon. Kadalasang hinahanda

sa okasyong ito ang pagkaing palutang (sa iba’y palitaw) at sopas. Sa una’y upang

lumutang o umangat ang buhay sa pagsalubong sa bagong taon samantalang sa

pangalawa naman ay lalo pang dumami ang biyayang matatanggap sa susunod na

isang taon. Alas onse nang gabi ng ika-31 nagaganap ang misa at pagkatapos ay

ang maingay na putukan ng kuwitis, kanyong bumbong at ang pag-iingay mula sa

mga sirang batya, lata at iba pa. Ang pagkain sa hapag ay kinakailangang

pagsalusaluhan ng lahat ng miyembro ng pamilya upang sa buong taon ay

magkasama silang lahat.

Kinabukasan, ikaisa ng Enero ay bawal ang pumunta sa mga tindahan para

bumili sapagkat pinaniniwalaang magiging magastos ang buong taon. Ito ang

dahilan kaya maaga pa lamang ay inihahanda na ng mga tagarito ang pagpupuno

ng lahat ng lalagyan upang sa pagsapit ng bagong taon ay wala ng pangagailangan

pa. Sentral sa pagpupuno ang mga tapayan ng bigas at lalagyan ng asukal at asin.

xxviii
De La Salle University - Dasmariñas

Mahal na Araw

Ang mahal na araw ay pagsasadula ng paghihirap ni Hesukristo. Sa bayan

ng Kawit, ang unang aktibidad ay ang pagyayapak na isinasagawa tuwing

Miyerkoles Santo. Ang lahat ay nagyayapak upang ipakita ang kanilang

pagsasakripisyo na dinanas ni Hesukristo. Ang pagyayapak ay isang panata ng

mga taga-Kawit para mabawasan ang kanilang kasalanan. Ang pagyayapak ay

nag-uumpisa ng tanghali na nagbubuhat sa simbahan at iiikot sa buong bayan ng

Kawit hanggang magtapos nang ikalima o ikaanim ng gabi. Sa susunod na araw,

Huwebes Santo ay nagkakaroon ng prusisyon upang ipakita ang paghihirap ni

Hesukristo. Karamihan sa mga nagsisidalo ay maaaring magsidalo ng iba’t ibang

kulay ng damit sapagkat hindi pa naman namamatay si Hesus. Sa prusisyon ng

Biyernes Santo, kinakailanganh nakaluksa ang lahat upang ipakita ang pagdamay

sa pagkamatay ng sugo. Ang prusisyon ay dinadaluhan ng mga Maginoo na

siyang umaagapay sa libing. Habang ginaganap ang prusisyon ay nagaganap

naman ng pagbabasaan ng pabango. Pagsapit ng Sabado ay kinakailangang nasa

bahay lamang ang lahat ng tao dahil pinaniniwalang patay si Hesus. Para sa mga

relihiyoso ay kinakailangan din ang pagdarasal sa paggunitang ito. Ang birhen din

ng simbahan ay sinusuotan ng belo upang maipakita ang kanyang pagdadalamhati

sa kamatayan ni Hesus.

Ang Linggo ng pagkabuhay ay isang malaking selebrasyon. Madaling

araw pa lamang ay naghahanda na ang lahat para sa tinatawag na “Salubong.”

xxix
De La Salle University - Dasmariñas

Ang pagsalubong ay isinasagawa sa pamamagitan ng prusisyon ng dalawang

grupo, sa kababaihan at kalalakihan. Ang kababaihan ay siyang may dala sa

Birhen na nakabelo samantalang sa grupo naman ng mga lalaki o ang mga

maginoo ay naroon at kasunod ang imahen ni Hesukristo. Habang pinuprusisyon

ang birhen ay naghihintay naman sa ilang bahagi ng kalsada ang mga anghel na

nakabitin sa mga kawayan na ginawa para sa naturang okasyon. Ang mga anghel

ang siyang unti-unting magtatanggal ng belo ni Maria bago niya masalubong si

Hesukristo. Ang salubong ay magaganap pagkalagpas ng simbahan at magsasama

ang dalawang grupo patungong simbahan upang ganapin naman ang misa.

Flores de Mayo at Santa Cruz de Mayo

Ang tradisyong ito ay isinasagawa sa unang araw pa lamang ng Mayo. Sa

bawat araw ay nagkakaroon ng prusisyon mula sa mga bata sa unang hati ng

Mayo hanggang patanda sa pagtatapos ng Mayo. Ang pagsasadula ay inaabot ng

Hunyo kung hindi natutuloy ang pagpuprusisyon dahil sa ulan. Ang prusisyon ay

ginagastahan ng hermano at hermana. Ang prusisyon ay kasaysayan ng

paghahanap ng krus ni Kristo nina Reyna Elena at ng kanyang konsorteng si

Konstantino. Habang ginaganap ang prusisyon ay patuloy naman ang pag-aalay

ng iba’t ibang bulaklak.

xxx
De La Salle University - Dasmariñas

17th Century

According to Medina (2001), Silang, an upland town, therefore, was the

first mission put under the experimental reduccion by the Spanish ecclesiastics.

Folk tradition has it that the earliest settlers of Silang were the Bornean couple

Gat Hinquiw (Hinigiw) and his wife Gat, properly (Dayang) Kaliwanag, who had

seven children: four sons (Pandan, Pogpog, Palio and Amatong) and three

daughters (Mamagtay, Kalumala and Amakit). Apparently they were Muslim

sonats (preachers from Borneo) who, according to traditions, parted ways because

of intrafamilial disunity. Some of the children went to preach in the precolonial

settlemet of Kiyapo in Maynila; the others went to live in other parts of Cavite.

Silang was first established in the place called “Maitim,” fround in the extreme

southern part of the town, then transferred to Tubuan, outside the present town,

and finally relocated to the present site.

In 1602, the residents of this town, then under the Jesuits, were described

as “well-dispersed and tractable, and soon have many, both children and adults,

with (religious) instruction.” It is interesting to note that the one very successful

conversion strategy used by the Spanish doctrineros here, as elsewhere, was to

utilize a Christianized Filipino to attract a “pagan” or would-be Christian Filipino.

In the case of Silang, the Jesuits, used a blind Caviteño who was formerly a

katalonan (native priest). By 1611, Silang numbered about 2,000 families paying

tributes. During this time, the parishes of Indang and Maragondon were

xxxi
De La Salle University - Dasmariñas

established by Fr. Angelo Armano (1572-1612), a Jesuit. In 1612, the Silang

mission with about 400 tributes was administered by a Jesuit priest and a lay

brother, and sometimes by two Jesuit priests who generally resided with doctrina

(mission) under the college of Manila. By 1621, it appears that a distinct town

called “Silang” was already under complete reduccion to merit its first appointed

gobernadorcillo – Pedro Abogalin Manaksa. In 1615, the Jesuits established their

residence in Cavite el Puerto, the newly established capital of the province. About

1630, the Christian faith had already produced visible advances after more than

40 years of existence in two highland towns of Cavite – Maragondon and Silang –

“bringing many cimarrons (or wild Indians, i.e., unchristianized Filipinos) from

their lurking places.”

Meanwhile, the pincer-attack of conversion methodology used by the

Spanish missionaries on the Filipinos continued to persist.

In 1614, the major focal point of Cavite was removed from the old site of

the hook or point (kawit) when Cavite was created a politico-military province

with San Roque as the capital, undoubtedly because of the flourishing galleon

trade. By the 1640s, San Roque was an open zone fot the missions of all of the

five major religious orders (Augustinians, Franciscans, Jesuits, Dominicans, and

Recollects) as a secular order (the Hospitalarios de San Juan de Dios). Outside

the Port of Cavite, the Jesuits still kept Kawit (Cavite Viejo or Old Cavite), Silang

and Indang. To augment their income, the religious orders maintained estancias

xxxii
De La Salle University - Dasmariñas

(ranches), grazing lands, woodlands which eventually were consolidated and

developed into big friar estates or haciendas.

The origin of estancias and later of haciendas in Cavite dates from the late

16th century, as may be gleaned from Fr. Joaquin Martinez de Zuniga: “as there

are few natives in these places when the Spaniards arrived and because the land is

uncultivated (with the exception of cultivated fields in Bacoor and Cavite Viejo

which were two small hamlets), the King, out of mercy gave to the first

conquerors strips of uncultivated land and filled his province with estates.” One of

the early land grantees was Diego Vasquez de Mercado, who was given one

estancia de Ganado mayor (cattle and mule ranch) and four caballerias (a

caballeria is equal to 2.5 hectares) of land in Imus, by then Governor General

Gomez Perez Dasmariñas on December 18, 1590. Andres Cauchela was also

granted one estancia (the source did not mention whether it was ganado mayor

[cattle] or ganado menor [sheep] and two caballerias of land in Bacoor and

Binacayan, by the same governor-general on March 5, 1591.

The Jesuits established the haciendas of Naic about 1695 (this passed on to

the Dominicans in 1831) and those of Maragondon and Looc (now part of

Batangas) as early as the 17th century. However, all these will be lost with their

expulsion in 1768. Although the first religious order to arrive in the Philippines

were the Augustinians (1565), they owned only few haciendas in Cavite. These

were Santa Cruz de Malabon (or Malabon Chica, now Tanza) and Indang in 1720

xxxiii
De La Salle University - Dasmariñas

and San Francisco de Malabon (or Malabon Grande, now Gen. Trias) in 1866.

The haciendas of Tanza and Indang would pass into the hands of the Dominicans

in 1761. The Dominicans owned the haciendas of Santa Cruz de Malabon (Tanza)

and Indang since 1761 and the Hacienda de San Isidro Labrador in Naic since

1831, the same time that the much-contested Hacienda de Kalamba in Laguna

was purchased.

The second consideration was religious conversion. When a great number

of people congregate in one area, conversion or reduccion to Christianity was

easier. In 1640, Dominican historian, Fr. Diego Aduarte, reported that there was a

large town of Spaniards, Indians, Chinese and Japanese in the port of Cavite. In

1656, the Jesuits described their evangelical work among the seamen and soldiers

and inhabitants of the port which included Spaniards, Indians, Negroes, Chinese,

Japanese and people of other nationalities. About 10 years later, Cavite, the chief

port of Filipinas,” had a community of soldiers, pilots and mariners, 150 Spanish

citizens, many Indians, a ward of Mahometan Lascars and another of Chinese.

The Cultural Forms

By the 19th century, Cavite culture had acquired a dynamic character

reflective of the chamges in society. Folklore developed new dimensions as

colonial churches provided both form and substance to new literary pursuits,

although they sometimes appeared a bit absurd to some unbelieving folks. Cavite

xxxiv
De La Salle University - Dasmariñas

was not spared from the creations of the imagination. The old churches of Silang,

Indang, Maragondon and Kawit have preserved some of the stories in friar

records. In fact, Fr. Martinez de Zuñiga, as early as 1803, recounted that

The natives of Silang related that in one of rhese small rivers

was an enchanted bell hidden by a Jesuit father; this bell rngs

during the night but no one could ever locate it.

Even the construction of the Indang and Maragondon churches hid behind

them elements of the alleged mysterious and magical power of the Libro ng

Heswita (Jesuit book) which was believed to enable one to soar when opened. In

Indang, it was popularly held that when the church was underconstruction the

townsfolk were not allowed to walk in the street at the ringing of the bells at 10

o’clock in evening popularly called tugtog ng patining. After this time, they

allegedly uncanny noises caused by heavy logs and rocks being hauled towards

the construction site which was believed to be caused by powerful priestly

psychokinesis. An interesting tale narrates that no Filipino was ever seen

physically involved in the church construction, as it was only done at night.

However, the people swore, they were surprised upon discovery of the work

progress the following morning. To corroborate this, it was spread that they saw

the giant logs although they could not see any worker. So large and heavy were

the rocks that it would have taken some four strong men to transport them to the

town proper. They used to say that the wood utilized came from the nearby

xxxv
De La Salle University - Dasmariñas

Tagaytay range. Interestingly, the Indang version almost duplicates that of

Maragondon, a neighboring town, where during the construction, people were

ordered to take their supper earlier than usual, and to lock their windows and

doors securely in the evenings. During this time it was said that there were only

some 145 houses in the town. At about 8 o’clock in the evening, people used to

hear eerie sound of flying stones allegedly coming from Uugong (now

Kapantayan, the original site selected by the Jesuits). Being dropped them on the

new church site. Nobody ever noticed the various phases of church construction

as it was accomplished only at night, as in Indang.

Amomg the most prevalent folk belief in Cavite, however, has been the

existence of a lengthly underground passage from Kawit to the Silang churches.

In fact, this belief had persisted up to 1979 and recorded by no less than Nick

Joaquin:

Kawiteños say there’s an underground passage leading from

their church to Silang, but nobody has ever found the passage

not the treasure supposed to be buried there…

Hidden wealth accumulated by priests and buried underground in

Chineses jars was another dominant folk belief particularly in the Cavite Puerto-

San Roque areas. For instance, it is believed that a

Headless priest… goes out of the old and ruined Catholic church

in San Roque. Old people say that it is the priest who was slain

xxxvi
De La Salle University - Dasmariñas

by the Filipino revolutionists during the revolution and they said

that the priest had buried much wealth in that old ruined church

and now his spirit goes there every midnight to watch his hidden

wealth…

They would even go to the extent of claiming that these rich golden

treasures were not only guarded by a headless priest as mentioned, but also, as in

the case of excavation made during the American period, by two huge white

snakes.

One of the church bells of Alfonso, made from coffee income, is believed

to have been buried in one corner of the town plaza; when tolled its noise was said

to be so deafening that it caused many pregnant mothers to go into labor.

________________________

Medina, 2002. p.187-188

xxxvii
De La Salle University - Dasmariñas

PRESENTASYON NG MGA DATOS

1. Alamin ang kasaysayan ng Pitong Arkanghel sa bayan ng Indang.

Ang Pitong Arkangheles

Ang mga arkanghel ay isa sa siyam na hanay ng mga anghel. Ika-walong

Koro ang mga arkanghel sa kalangitan. Sila ang pitong anghel na tumayo sa harap

ng Diyos sa Pahayag. Ang mga arkanghel ang banal na tagapamagitan ng Diyos

sa tao at mga mandirigma laban sa kasamaan.

Mula pa noong ika-apat na siglo, dinadakila na ang pitong Arkanghel

sa Romano Katoliko. Purong espiritu at walang bahid ng kasalanang naglilingkod

sa Diyos ang mga anghel. Binubuo ito ng siyam na koro: Serapin, Trono,

Dominyo, Birtud, Kapangyarihan, Prinsipalidad, Arkanghel at mga ordinaryong

mga Anghel.

xxxviii
De La Salle University - Dasmariñas

Nakadikit sa mga pangalan ng mga Arkanghel ang el na mula sa El na

nangangahulugang Diyos sa salitang Hebreo. Nakasalalay naman sa unang bahagi

ng kanilang pangalan depende sa kanilang kapangyarihan. (Sibayan, 2012)

Noong ika-18 daang taon nagsimula ang lahat ng makita ng isang

Prayleng pari sa likurang bahagi ng simbahan ang isang nakarolyong larawang

papel na nakatapon kasama ng mga basura at ng binuksan ito ay nakita ang

larawan ng Pitong Arkanghel. Kinuha ng pari at idinala sa loob ng simbahan at sa

pagdaan ng ilang panahon ang sinasabing larawan ng Pitong Araknghel ay

nagpamalas ng napakaraming himala at dahil sa pagdami ng mga deboto nito ay

inilagay ang banal na larawan sa kaliwang bahagi ng altar ng simbahan at

idineklara na ang Pitong Arkanghel ang ikalawang patron ng Parokya sa Bayan ng

Indang. Ang larawan ito ang pinaka-matandang larawan ng Pitong Arkanghel sa

Cavite at sa larawan ito nagsimula ang debusyon sa Pitong Arkanghel. Ang

larawan ay nanatili paring makikita sa kaliwang Altar ng Parokya ng Indang.

Dahil dating nasasakupan ng Indang ang bayan ng Alfonso at Mendez,

namana rin nila ang pagdedebusyon para sa Pitong Arkanghel at dahil dito, ang

Pitong Arkanghel ay kinikilalang ika-lawang patron na din ng kanilang parokya.

Isa rin sa mga dinarayo ng mga mananampalataya ay ang larawan ng Pitong

Arkanghel sa barrio ng Daine sa Indang.

xxxix
De La Salle University - Dasmariñas

Ayon sa matatanda, ang pagpasok ng mga Hapon sa kanilang bayan noon

ay nagpabatid sa kanila ng matinding kaba at takot. Batay na din sa mga

nakapanayam ng mananaliksik, isa marahil sa mga dahilan kung bakit madaling

napasok ng mga Hapon ang bayan ng Indang ay dahil noong 1930, isang litratista

na nagngangalang Yoshiaki Muto ang nanirahan sa nasabing bayan. Dahil sa

kakaibang estilo ni Ka Muto sa pagkuha ng mga larawan ay naging tanyag ito at

kinilala sa buong bayan ng Indang. Batay na din sa mga kwento, isang masipag na

ama at litratista si Ka Muto dahil nilalakad niya ang buong probinsya ng Kabite

kumita lamang ng salapi upang matustusan ang mga pangangailangan ng

kaniyang pamilya at upang makakuha na din ng magagandang larawan sa mga

tanawin ng Kabite. At dahil sa koleksyon ng mga litrato na nakuha niya, masasabi

na naging matagumpay si Ka Muto sa pagkalap ng mga lugar ng buong Kabite

kaya naging daan ito para sa mga imperyalistang Hapon na makagawa ng mapa

upang madaling makapasok sa lalawigan partikular sa bayan ng Indang.

Noong ganap na nakapasok ang mga Hapon sa Indang, itinago ng mga

kalalakihan ang mga kababaihan kasama na ang mga asawa at anak nila sa barrio

ng Tambo at Dayne upang makaiwas sa pagmamalupit ng mga dayuhan habang

ang mga kalalakihan naman at kanilang mga panganay na lalaki ay kasamang

naiwan sa kanilang mga tahanan upang bantayan ang kanilang mga ari-arian.

xl
De La Salle University - Dasmariñas

Naging madali para sa mga kababaihan ang pagtatago at paglayo sa

kanayunan dahil sa kabila ng kanilang pangamba at takot ay hindi sila pinabayaan

ng pitong gabay na siyang nangangalaga sa kanila.

Makabag Cave sa barrio ng Daine

Batay sa mga kwento, habang nagsisipagtago ang mga kababaihan sa

barrio ng Tambo, natagpuan nila ang isang lihim na taguan na matatagpuan sa

barrio ng Daine. Tinirhan nila ito upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa

kamay ng mga dayuhan. Ang nasabing kweba ay isang mahiwagang lugar na

kung saan lahat ng mga pangangailangan ng mga taong hihiling dito ay kaniyang

ibibigay. Dahil sa mga mahimalang pangyayaring ito, natiyak na ng mga tao na

magiging ligtas sila sa mga dahuyang gustong manakit sa kanila. (Rodeo, 2017)

xli
De La Salle University - Dasmariñas

Kwebang pinagtaguan ng mga kababaihan noong panahon ng Hapon sa barrio ng Tambo

at Daine.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, pinangingilagan ng mga Hapon

ang simbahan ng Indang kung kaya’t ginawa na lamang na himpilan ng mga

Hapon ang mga paaralan ng Indang upang mayroon silang matuluyan habang sila

ay nasa bayan. (Herrera, 2017)

Dumating din ang pagkakataon na tinangkang patayin ng mga

imperyalistang sundalo ang mga kalalakihan dahil sa hindi pagsunod sa kanilang

xlii
De La Salle University - Dasmariñas

mga utos. Kung kaya naman upang mapigilan ang napipintong sakuna sa kanila

ay napilitan silang magtayo ng isang baklad at maraming kayakas paikot sa

simbahan hanggang munisipyo upang mapigilan ang nasabing pagtatangka.

Noong ganap ng nakatayo ang mga baklad at akmang papasok na ang mga Hapon

sa nasabing harang ay biglang umulan ng napakalakas na parang delubyo kung

kaya’t hindi nagawang makapasok ng mga Hapon sa itinayong harang na yari sa

mga kawayan. Pagkatapos ay may isang matandang lalaki na may kasamang

pitong bata ang di umano ang nagpakita at naghagis ng mga bato sa mga Hapon

kung kaya’t walang nagawa ang mga sundalong Hapon kundi iurong ang kanilang

planong pagpatay sa mga kalalakihan ng bayan. Pinaniniwalaan na ang

matandang lalaki at ang pitong batang nagpakita sa kanila ay si San Gregorio

Magno at ang pitong arkanghel na siyang nagligtas sa kanila sa napipinto sakuna

at trahedya sa kanilang lugar. Kaya naman naging makasaysayan din at naging

tradisyunal na ang pamimintuho nila sa pitong arkanghel ng Indang.

2. Alamin ang iba’t-ibang paraan ng pagdedebusyon sa Pitong Arkanghel sa

bayan ng Indang.

Magkahalo ang relihiyon at kasayahan sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa

mga taga-Indang. Namana nila ito sa mga dayuhang Kastila na nanatili at isa sa

mga sumakop sa bayan ng Indang. Maraming kaugalian ang namana natin

xliii
De La Salle University - Dasmariñas

sakanila at isa na dito ay ang paggunita sa kapistahan ng patron o ng kanilang

mga bayan.

Ang pistá (mula sa Espanyol na fiesta) ay isang malaking pagdiriwang

bilang paggunita sa isang mahalagang araw. Ang mga pista ay may kani-kaniyang

tema sa bawat barangay o bayan. Kadalasan, ang mga malalaking pista ay

ginaganap bilang pag-alaala sa mga Santong Patron, pasasalamat sa masaganang

ani, at paggunita sa mga makasaysayang pangyayari tulad ng anibersaryo. Bahagi

ng pagdiriwang ang prusisyon, parada, paligsahan at palaro, sayawan, kainan,

programang kantahan, palabas na dula, at pagnonobena sa ngalan ng patron na

ipinagdiriwang.

Nobena para sa Pitong Arkanghel

Kilala ang bayan ng Indang sa mga mananalanging nito. Binubuo ito ng

grupo ng mga matatanda (o kaka) na siyang nangunguna para pasimulan ang

pamimituho sa kanilang santo. Isa sa mga kilalang pamimintuho dito ay ang

xliv
De La Salle University - Dasmariñas

pagnonobena para sa pitong arkangheles. Ang nobena ay isang anyo ng

Kristiyanong panalangin at tanyag na paraan ng debosyon para sa maraming

Katoliko. At dahil karamihan sa mga taga-Indang ay mga Katoliko, inuugat na

ang diwa ng pagnonobena mula sa karanasan ng mga alagad ni Jesus na nakasaad

sa Banal na Kasulatan, duo’y siyam na araw na nanalangin at naghintay ang mga

alagad sa pagpanaog ng Espiritu Santo. Sa kasalukuyan, ang mga

pinamimintohonan na santo ay may kanya-kanyang anyo ng nobenang ating

dinadasal ukol sa kanila. May siyam na araw, may siyam na sunod-sunod na

Linggo, may siyam na oras na tuloy-tuloy at may mga palagiang nobena na

dinarasal upang higit na gamitin ang ugnayan natin sa Simbahang Maluwalhati

kung saan ang mga banal ang siyang tagapamagitan natin sa trono ng Diyos. Para

sa mga mananalangin at deboto ng pitong arkanghel, ang pamimintuho nila ay

inaabot ng siyam na araw bago ganapin ang tradisyunal na pagdiriwang para

iparada ang larawan ng pitong arkanghel sa kanilang barrio.

xlv
De La Salle University - Dasmariñas

Panalangin para sa Pitong Arkanghel.

Si San Baraquiel ang tagapag-alaga sa langit at lupa at siya ang taga-

tulong at taga-ampon sa lahat ng kampon ng Poong Diyos kaya siya ay may

dalang bata.

PANALANGIN

Oh kaganda-gandahang Arkanghel San Baraquiel puspos ng

kaluwalhatian ng langit pinagpala kang lubos at sa iyong

karangalan ay tinawag kang Bendisyon ng Poong Diyos.

Ipanag-aamoamo namin sa iyo ng buong taimtim na kung

mangyayari na sa pamamagitan mo ay makamtamnamin ang

bendisyon ng Poong Diyos, ngayon, bukas at magpakailanman.

Siya Nawa.

xlvi
De La Salle University - Dasmariñas

ANTIFONA

Sancti spiritus domorum benedictionesque at gratise divinae

minister Sancto Baraquielem era ut Deus infundat nobis,

spiritum fortitudine spiritumsapiente, spiritum veritatis, que

adversus daemonium insidias corporis que fragilitatem, mundi

quoque tenebras, et inquinamenra resitere sanctis queoperibus

insudare velearus.

ORATIO

Deus bonorum omnium largitur opem at gratiam tuam concede

nobis quaesumus fine que nihil a nobis effici potest ut per

inspirationem. Sancti spiritus nos incumberdis bonis operibus

Sanctum Baraquielem habere mereamur adentorem ad

defelondum mentis nostri dubietatis ut agnus camus que nobis

necitusa sunt serenatis quesensibus nostris benedictiones et

gratiae tui sempiterni capaces officiamur. Per Dominum

Nostrum Jesum Christum et in unitate spiritus Sancti Deus, per

omnia saecula seculorum. Amen

Oracion upang maligtas sa lisyang hatol ng hukom

OBTI MIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPERARE A

DEO

xlvii
De La Salle University - Dasmariñas

Si San Baraquiel ang bantay kungaraw ng Sabado kaya't siya ang dapat

tawagan sa araw na ito.

AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE

Si San Judiel ang tagapagbiyaya at tagapagkaloob ng awa ng Poong

Diyos kaya ang kanyang taglay ay balutan ng mga bulaklak.

PANALANGIN

Oh kahanga-hangang Arkanghel San Judiel, ikaw nga ang

tinatawag na tagapag-pahayag ng puri at karangalan ng Poong

Diyos, kaya ikaw nga ang aming tinatawagan at dinaraingan

sapagka't sa iyong mga labi lamang nagmumula ang

matatamisna papuri na nagbibigay ng tuwa'tligaya sa

xlviii
De La Salle University - Dasmariñas

kalakilakihang lumalang ng sangsinukob. Kaya nga

ipinagaamo-amo namin sa iyo na kami'y mapabilang at

mapasama sa mga nagpupuring walang humpay sa Kanyang

kaluwalhatingwalang hanggan. Siya Nawa.

ANTIFONA

Judiel operum nostrorum sedule espectator et que renumerator

sapiente, Dei minister virginum que custos que ligitime

certantes corona donas omondadus corrispisflagelio consulo,

subre in que nobis, rogamus suplices ut a delinquenali lapsu

cite resurgamis.

ORATIO

Deus omnipotens et omnium operum inte estimator qui per

Sanctum Judielem. Optime consilii tui ministrum bonorum que

remuneratorem ad to constitutum premia retribuis improbis

vere correctionem infligiote humiteter quaesumus ut nobis

implorentibus opemtanti principes bone consulentis inste que

renumerantes tua iluminatrix gratia dirigat nostrus actus in lege

tua revacorque flagelationempro nostris offensis irrogandum.

Per Dominum Nostrum Jesum Christum. Amen

xlix
De La Salle University - Dasmariñas

Oracion upang mailigtas sa apat na element

ESTO MIHI UMBRACOLUM ET FACME ISSIDIUM INCOMPETENDO

DOMINO

Si San Judiel ang bantay kung araw ng Biyernes kaya't siya ang dapat

tawagan sa araw na ito.

CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM

Si San Setiel ang tagapaghain at taga-panalangin sa Diyos ng anumang

magaling na gawa natin,kaya't ang kanyang taglay ay Incensario.

PANALANGIN

Oh kataka-takang Arkanghel San Setiel, seraping lipos ng alab

ng maluwalhating pag-ibig, ikaw nga ang tinatawag na

Panalangin ng Poong Diyos na Panginoon ng lahat, at dahil sa


l
De La Salle University - Dasmariñas

amin ay dumadalangin ka ng walang humpay na kami ay

kaawaan. Idinadalangin namin sa iyo na hingin sa Poong Diyos

na alisin sa amin ang lahat ng bagay na di niya kinalulugdan at

ihalili ang kabanalan na ipagiging dapat sa kanya ng aming

kaluluwa, upang papagkamtin ng kanyang mahal na biyaya sa

kaluwalhatiang walang hanggan. Siyanawa.

ANTIFONA

Magna minister misericordie Dei petende et omnium fidelium

Patrone Beate Setiel, contemplare quaesumus nostram

humanam fragilittem ne nostros ab horeas reatus neve de

digneris pro nobis semper orares dedimitare Jesum vestrum

redentorem qui sedenes ad dexterram Dei Patris dignatus

estesse noster advocatus.

ORATIO

Deus misericordiarum Deus indificienes que pro imbecilitatis

humane beatibus beatum Setielemtui misericordie ministrum

oratem pronobis ab imitio esse voluiste tosuplices precamur ut

tanti. Patroni Patrecinie et oratoris oratione nes ab omnibus

malis in minentibus eriperi nostras que iniquitatis secumdum

li
De La Salle University - Dasmariñas

multitudinom miserationum tuarum abolere disneries, per

Dominum nostrum Jesum Christum, Amen.

Oracion sa paghingi ng tawad at awa sa Diyos

PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORUM MIHI PULCRUM

Si San Setiel ang bantay sa araw ng Huwebes kaya't siya ang dapat

tawagan sa araw na ito.

LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS

Si San Uriel ang Hustisya Mayor sa langit, kaya't ang kanyang taglay ay

timbangan at espada.

PANALANGIN

Oh dakilang Arkanghel San Uriel, ikaw na maliwanag na Ama

at Panginoon ng kalahat-lahatang ilaw, ikaw ang tanging


lii
De La Salle University - Dasmariñas

tanglaw ngmga nasa kadiliman na nagugumonsa kasalanan,

idinadalangin namin sa iyo na balutin mo ang aming puso ng

kasanto-santusang pag-ibig at alisin mo sa amin ang dilim at

ulap ng mga kasalanan upang makita namin at makamtanang

liwanag ng kanyang kaluwalhatian, ngayon at magpakailan

man, Siya Nawa.

ANTIFONA

Oh fulges divinis magistatis Oh ruber in beate potestatis, oh

flamma ignite caritatis, illumina mentes nostras ne inducamur

intentationem et glaudie tui potestatis nostrure digneris.

ORATIO

Deus qui ex-incomparable tua clementia Beatum Urielem

illuminationis tui ministrem inefabile caritate ardentem tuis

fidelibus vigilem tutorem prepulsantem tentamenta daeminium

sociaste tribue quesumus ut nos recurrentes atatelam tantis

esplandoris dopolisis mentis nostri tenebris agnus cames ea que

nobis salutaria sunt et latentes demonum tenticulos penitus

declinenus. Per dominom nostrum Jesum Cristum. Amen.

liii
De La Salle University - Dasmariñas

Oracion para sa pangpalubag-loob

ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR

Si San Uriel ang bantay sa araw ng Miyerkules kaya't siya ang dapat

tawagan sa araw na ito.

OLIVERATOR ET SALVATOR ET SALVATOREM

Si San Rafael ang Mayordomo ng Poong Diyos kaya ang taglay niya ay

isda at tinapay.

PANALANGIN

Oh kamahal-mahalang Arkanghel San Rafael, kagamutan ng

Diyos para sa kagalingan ng mga tao, sa lubos na

pagpapakumbaba ay ipinag-aamoamo namin sa iyo na ikaw

nawa ay maging tulong at sakdalan ng lahat naming kailangan,

liv
De La Salle University - Dasmariñas

at gamutin mo ang aming kaluluwa na lipos ng sugat ng mga

kasalanan, at gamutin morin ang mga sakit at karamdamanng

aming katawang lupa, upang magkamit kami ng kaligayahan

dito sa lupa at sa langit man, Siya Nawa.

ANTIFONA

Rafaele Principe ait: EGOSUM UNUS EX SEPTUM QUI

ASTAMUS ANTE DOMINE TOBIAM QUE SECUN ILLUM

INOVIT ET DEMONIUM APREHENDIT RELEGAVIT QUI

ILLUD IN DESERTO.

ORATIO

Deus qui extua inefabile benitate Beatum Rafaelem fidelibus

tuis beateribus doctorem male que habentibus medicum ab incie

constituiste suppliciter rogamus ut nobis imflerentibus

opendicte. Principes astantis patefacius semitam salutis et

egretudinumtam anime quam corporis salutatem medicam

conceda. Per dominum nostrum Jeusm Christum, Amen.

lv
De La Salle University - Dasmariñas

Oracion upang maligtas sa mga Sakit at Karamdaman

ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORIS ET ANIMAE

Si San Rafael ang Bantay kung araw ng Martes, kaya't siya ang dapat

tawagin sa araw na ito.

ET CELIM ET CRUCEM ET CERGINEM

Si San Miguel ang puno ng lahat, Pangulo at Unang ministro ng Dios.

PANALANGIN

Oh maluwalhating San Miguel arkanghel, prinsipe ng mga

angeles at kapitang-general ng mga hukbo ng poong dios, sa

iyong karangalan at kapangyarihan, ay nagtagumpay ka laban

sa prinsipe ng kapalalu-an na punong si lusbel na hari at

emperador ng sang-impierno. Ipinag-aamo-amo namin sa iyo


lvi
De La Salle University - Dasmariñas

ng lubos na paggalang na kami'y tulungan upang makamtan

namin ang aming kaluluwa, at ipagkaloobsa amin kung

mangyayari, na kami'y mamatay sa malaking pag-ibig kay

kristo jesus na namatay sa krus ng dahil sa amin, Siya Nawa.

ANTIFONA

Deus beate micaeli principe astantie et sume celestium

espiarum prefiante sub-auxile saluti fise crusis glorieusum de

super bissime demoniarca triumpum dediste te quesumus

utnobis armantibus frontem nostram signo salutari nomen

quepredicti micaelis triumpatoris invecantibus fortitudienem ac

victoriam, contra visibles et invisibles hostes concedas ut nos

vivere ab illerom impedimente secundum tua divina mandata

vitam nostram ducere valeamus per deminum nostrum

jesucristum, Amen.

ORATIO

Summae sedes minister arcangele micael, princepe militine

caelestis, qui venisti in adjutorium populo dei, sub veni mihi

apud altissimum judicem, ut mihi donet remissionem

peccatcrum meorum, propter multis gravato. Adesto quaesum

mihi ut ad dei voluntatem omnes actus meos dirigas, et ut me ab

lvii
De La Salle University - Dasmariñas

insidiis inimiei et ab omnibus malis mihi, quaeso, in hora mortis

meae, et festina inauxilium meom cum angelorum multitudine,

ut anima meam de faucibus daemonis eripias, et eam in requiem

sempiternam exulatatiene perducamur, Amen.

Sancte Micael defende nos in proelie. Ut non pereamus in deus

cujus claritatis pulgore beatus micael arcangelus praecessit

agminibus angelorum, praesta quaesumus ut sicut ille two dono

principatum meriit possidere caelestem, ita nose ejusdem

precibus vitam obtineamus aeternam, per Cristum Dominum

Nostrum.

Oracion upang maligtas sa madlang sakuna.

ESTO MIHI BALTEUS ET DA MIHI PRODEO ET IN DEO MORI

Si San Miguel ang bantay kung araw ng linggo, kaya't siya ang dapat

tawagan sa araw na ito.

Oracion

DOMINE SALVATORE SALVAME SALVAFE ET PERATUM TUUM

lviii
De La Salle University - Dasmariñas

Si San Gabriel ang kalihim pangkalahatan pinagkatiwalaan ng dios ng

mga lihim na gawa, kaya't ang taglay niya ay palma at bandila.

PANALANGIN

Oh mapalad na arkanghel san gabriel, tanging sugo o'

embahador ng kalakilakihang lumalang ng sangsinukob;

maging sagisag ka nawa ng aming kaluluwa at mapag-adyang

sandata laban sa mga hibo at tukso, at yayamang ikaw ang

tinatawag na katibayan upang kami'y magtagumpay sa lahat

naming kaaway,at upang aming mapagtiisan ang lahat ng

kahirapan dito sa lupa na bayang kahapis-hapis na siya naming

maging hagdan ng aming pagtungo sa kaluwalhatian ng langit,

Siya Nawa.

lix
De La Salle University - Dasmariñas

ANTIFONA

Yngresius Gabriel angelus ad Maria dixit: Ave gratia plena

dominus tecum benedicta tu in melieribus. Angelus domine

nuntiabit marie et concepiet de spirito sancto.

ORATIO

Deus humane salutaris amatorqui beatum gabrielem principe

astantem et tuae fortitudines legasti ad anunciandum gloriese

virginne immaculatae sacramente incarnatienis fili tui domine.

Nostri jesucristo humiliter potinus confugientibus nobis ad

presiedium tanti. Paranimpe qui intercessione hostes considere

digneris. Per eudem dominum nostrum jusum christum, Amen.

Oracion upang maligtas sa signos.

PLANETAS ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDENEM

IMPARTIENDO

Si San Gabriel ang bantay kung araw ng lunes, kaya't siya ang dapat

tawagan sa araw na ito.

Oracion

ABEREHEM SALVATOREM ET PREGENTEM

lx
De La Salle University - Dasmariñas

Prusisyon ng Pitong Arkanghel sa Daine, Indang

Sa bagong liturgical calendar ng Simbahang Katolika, pinagsama ang

paggunita at pagdiriwang sa kapistahan ng Pitong Arkanghel na pawang

nagkaroon ng mahalagang bahagi sa kasaysayan ng kalipunan ng mga tao. Si San

Miguel, bilang prinsipe at puno ng mabubuting anghel, ay kinikilalang

tagapagtanggol ng Bayang Israel at ng Santa Iglesya. Tagapagtanggol ng

kasamaan at sa silo ng demonyo. Si San Gabriel naman ay ang anghel na

nagpakita kay Zacarias, ang ama ni San Juan Bautista at nagbalita na

magkakaroon ng anak ang kaniyang asawang si Santa Isabel. Si San Gabriel din

ang isinugo ng Diyos upang ibalita kay Maria ang pagkakatawang-tao ng Diyos

Anak sa kaniyang sinapupunan. Si San Rafael naman ang itinuturing na gamot ng


lxi
De La Salle University - Dasmariñas

Diyos at pintakasi ng mga maysakit. Ang iba pang arkanghel ay sina Uriel,

Jehudiel at Baraquiel. Ang paggunita at pagdiriwang sa kapistahan ng pitong

arkanghel ay ginaganap tuwing ika-29 ng Setyembre.

3. Alamin ang tradisyong luwa ng Pitong Arkanghel sa barrio Daine.

Ang simbahan ng Pitong Arkanghel sa barrio Daine, Indang.

lxii
De La Salle University - Dasmariñas

Patron ng Barrio Daine

Bago naging opisyal na Barrio ang lugar ng Daine ito ay tinatawag na

“labong” dahil sa dami ng puno ng kawayan na matatagpuan sa lugar na ito. Bago

maging ganap na barrio ang Daine, hinango ang unang pangalang “Dayne” sa

pangalan ng isang puno na makikita noon sa sitio ng Pulong Malapit, Pulong

Largento, Pulong Gitna at Pulong Ancaya. At sa tinatawag na Sitio Pulong Buli

natagpuan ni Julian Bia ang isang nakapintang larawan at ito ay ang larawan ng

Pitong Arkangheles. Hindi nagtagal ay nagpatayo siya ng isang tuklong o kapilya

at ang Pitong Arkangheles ang naging patron ng maliit na kapilya na ito. Kilala

ang Debusyon ng Luwa sa Pitong Arkangheles sa barrio Daine. Ito ay

sumisimbolo ng pag ibig, pagpapasalamat, paghingi ng kagalingan at

pagdedebusyon sa Patron ito ay ipinagdiriwang tuwing sasapit ang nakagisnang

kapistahan ng Barrio na ika-3 Martes ng Mayo bukod pa sa Kapistahan ng Patron

tuwing ika-29 ng Setyembre. Ayon sa mga respetatong Historyador ng Bayan ng

Indang dahil ang Daine ay nasa pinakadulong Barrio na nasa pakanlurang bahagi

ng Bayan at pinakamalapit sa Bayan ng Maragondon, pinaniniwalaan na mula ng

mahuli ang Ama ng Katipunan sa Barrio Limbon sa bayan ng Indang ay dito

idinaan ng mga sundalo ni Hen. Emilio Aguinaldo si Andress Bonifacio upang

dalhin sa Maragondon, Cavite upang pahirapan at litisin sa kasong pagtataksil sa

bayan.

lxiii
De La Salle University - Dasmariñas

Luwa sa Patron ng Pitong Arkangheles

Ayon sa mga tala sa Kabite, tanging sa bayan lamang ng Indang ang may

mga mag-luluwa at ito ang pinakauna at pinakamatagal na tradisyon ng luwa sa

buong probinsya. Ang luwa ay isang uri ng katutubong tula na may apat na linya,

may isang tugma, at may walong sukat. Ito ay isang uri ng pasasalamat, panata o

pangako sa Diyos sa tulong ng patron na kanilang tagapamagitan. Hindi malinaw

kung anong taon nagsimula ang tradisyon ng luwa sa bayan ng Indang ngunit

ayon na rin sa mga kuru-kuro, mga taon 1896-1901 nagsimula ang tradisyong ito

kaalinsabay ng pagkakabuo ng banda ng musiko ng nayon. Noong araw, nag-

uumpisa ang luwa sa labas ng simbahan at nagpuprusisyon papunta sa tapat sa

bahay kung saan nakatira ang magluluwa dahil sa dami ng mga nagluluwa at

nagdedebusyon, ginawa na lamang ito sa loob ng simbahan dahil sa dami ng mga

nagdedebusyon ay ginagabi ang pagdiriwang at minsa’y kalaghatian pa ng gabi

nagwawakas at saka palamang gaganapin ang prusisyon sa buong kanayunan.


lxiv
De La Salle University - Dasmariñas

Masasabi na natatangi ang luwa sa Daine dahil hindi ito tulad ng luwa sa

mga kalapit probinsya ng Batangas na tumutula lamang. Dahil ito ay may halong

awitin, kumpas ng mga kamay at paa at sayaw ng mga bisig. Ang luwa ay isang

uri ng pangako, paghingi ng himala at pagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga

himalang nadama ng mga tao sa tulong ng mahimalang larawan ng Pitong

Arkanghel sa Daine ito ay taunang ipinagdiriwang tuwing ika-tatlo na Martes ng

Mayo ang matandang kapistahan ng Patron.

lxv
De La Salle University - Dasmariñas

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Masasabing nangingibabaw ang relihiyong Katoliko sa bayan ng Indang

sapagkat hanggang ngayon ay buhay pa din at pinapahalagahan ang mga

kaugaliang naipamana sa mga tagarito. Marami man ang mga naitalang

pagbabago sa nasabing bayan ay napanatili nila ang saysay ng kanilang kwento

bilang isang bayan mayaman sa pananampalataya. Halos taun-taon ay mayroon

silang mga pagdiriwang at mga gawaing pangsimbahan kungsaan dinadaluhan ito

halos lahat ng mga tagarito. Sa pamamagitan nito, naging daan ang simbahan

upang magkaroon ng pagkakaisa at mabuklod ang mga naninirahan sa nasabing

bayan. Ang mahiwaga at kaakit-akit na kwento ng simbahan, ang pamimintakasi

sa patron na si San Gregorio Magno at sa milagrosong Pitong Arkanghel ang

naging sandigan ng mga taga-Indang upang mailigtas ang mga tagarito sa

napipinto nilang kapahamakan noong panahon ng mga imperyalistang Hapon na

nanakop sa lugar. Naging daan din ito upang maging masagana at matiwasay ang

pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Indang.

Ang mahiwagang kasaysayan sa Pitong Arkanghel at debusyon ng luwa ay

kalat sa buong bayan ng Indang lalo na sa barangay ng Daine. Bilang patunay sa

mga ito ay mataimtim ang pamimintakasi at paggunita sa kapistahan ng mga

Arkanghel sa bayan ng Indang tuwing sasapit ang ika-29 ng Setyembre at ika-

tatlo ng Martes tuwing sasapit ang buwan ng Mayo sa barangay ng Daine.

Naniniwala ang mga tagarito na ang mga arkanghel ay tagapagmasid at

lxvi
De La Salle University - Dasmariñas

tagapamagitan ng Diyos sa kanila sa araw-araw nilang pamumuhay na siyang

gumagabay at nangangalaga sa kanila upang maligtas sa ano mang uri ng sakuna

at trahedya.

Kung kaya naman inererekomenda ng mananaliksik sa mga susunod pang

magsasaliksik sa kasaysayan ng bayan ng Indang, sa mga pamamaraan ng

pagdedebusyon kay San Gregorio Magno at sa Pitong Arkanghel na magsagawa

pa ng isang mas malalim na pagsisiyasat at pag-iimbestiga tungkol sa tradisyong

luwa ng barangay Daine. Hanapin pa ang iba’t-ibang uri ng pamamaraan ng

pagdedebusyon sa mga arkanghel upang mas maipaliwanag pa ang kabuluhan at

relasyon ng mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Indang.

TALAAN NG SANGGUNIAN

Adams, Richard N. "Ethnohistoric Research Methods: Some Latin American

Features." Anthropological Linguistics 9, (1962) 179-205.

Almario, Virgilio S. (1994). Mga Sangkap ng Katutubong Tulang Tagalog.

Lungsod Pasig. Anvil Publishing House

Anciano, Daniel. (2008) Kasaysayan at Kultura ng Cavite. Retrieved last October

23, 2017 from http://sinupan.blogspot.com/2008/06/?m=1

__________. (2010) Intermedia ng Indang (1904-1927): Ang Kasaysayan ng

Paaralang Panlalawigan sa Katimugang Cavite. Retrieved last November 3, 2017

lxvii
De La Salle University - Dasmariñas

from http://cvsu-indang.blogspot.com/2010/08/kabanata-2-kaligiran-pang-

kasaysayan.html?m=1

Austria, J.A. and Calairo, L.R. (2000) Sahiyang: Mga Piling Sanaysay Sa

Kasaysayang Kabitenyo. Cavite Studies Center. De La Salle University –

Dasmariñas

Barrios, J. E. and De Juan, A. (2009) “Diksiyunaryong Kultura ng

Aklan” (Aklanon Cultural Dictionary)

Calairo, E. F. (1998). Cavite El Viejo: Kasaysayan, Lipunan, Kultura. Cavite

Studies Center. De La Salle University – Dasmariñas

__________. (1999). Liping Kabitenyo: Talambuhay ng mga Kilala at Di-

Kilalang Kabitenyo. Cavite Studies Center. De La Salle University –

Dasmariñas

Francisco, J. “Uncorrected Proof: Indang Then And Now”. (May 2008)

Herrera, Alejandro. “Kasaysayan ng Simbahan at ng Pitong Arkanghel ng

Indang”. (October 2017)

Medina, Isagani R. (1994). Cavite Before the Revolution (1571-1896). UP

Diliman: CSSP Publications

__________. (2001) Ang Kabite sa Gunita: Essays on Cavite and the

Philippine Revolution. Quezon City

Ramos, G. D. (2010) Ang Pangaraw-araw na Buhay ng mga Pangkaraniwang

Mamamayan ng Kabite, 1941 – 1945. De La Salle University – Manila

lxviii
De La Salle University - Dasmariñas

Rodeo, Luzviminda G. “Ang Luwa ng Daine”. (October 2017)

Sibayan, R. T. Anghel, Meron Nga Ba O Wala? (December 2012)

Translated by Rev. Fr. Tupas, A. (2016) from Rev. Fr. Matanguihan, C. (1990).

“A Short History of the Parish of St. Gregory the Great Parish in Indang”.

Cavite, Philippines

lxix

You might also like