You are on page 1of 2

Q3 WK 5 NAME: ______________________________________________ SECTION: ___________________

ARALING PANLIPUNAN: Pagtatanggol Kalayaan at Teritoryo ng Bansa


Ang mga bansa ay may mga batas na ipinatutupad para sa kaayusan at kapayaan , sa ating bansa ito ay nakasaad sa saligang
Batas ng Pilipinas , na ayon sa Articulo II Seksyon 4,ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglilingkuran at pangalagaan ang
sambayanan at mamamayan.Ngunit may pagkakataon na kailangan tulungan ng mamamayan ang estado upang ipagtanggol ito
laban sa mga kaaway ng bansa na naaayon sa batas.
May mga batas na nagtatakda ng lawak ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas, at ito ay ang sumusunod:
• Eksklusibong Sonang Ekonomiko ay ang bahagi ng karagatan na itinatadhana ng United Nations Convention on the Law of the
Sea (UNCLOS).
• Batas ng Pangulo– nakatakda sa batas na ito ang baseline o hangganan ng teritoryong nasasakop ng Pilipinas kabilang ang
extended continental shelf o maliliit na mga pulo na nakausbong at nakalubog sa katubigan na sakop ng 200 milyang layo sa
baybayin ayon sa itinakda ng UNCLOS.
• Doktrinang Pangkapuluan – ay isang doktrinang teritoryo sa dagat o karagatan na naglalayong protektahan ang pamumuhay at
seguridad ng mga mamamayan na nakatira sa mga lugar malapit dito.

May mga dahilan kung bakit dapat ipagtanggol ang kalayaan at teritoryo ng bansa.
1. Mapangalagaan ang kanyang mamamayan na naninirahan sa teritoryo ng Pilipinas.
2. Lupang Sinilangan kung saan tayo namulat kung sino tayo kung ano ang ating salinlahi at iba pa.
3. Maraming pakinabang ang mga Pilipino sa teritoryong sakop ng Pilipinas na maaarinating matatamasa bilang mga Pilipino.
4. Marami tayong magagandang mga tanawin na dinarayo ng mga turista at sagana sa likas na yaman ang Pilipinas .

 Mga serbisyong Armed Forces of the Philippines (AFP) ang misyon nito ay ang pagsasagawa ng mabilis na prompt at tuloy-tuloy
na operasyon ng panlupa.
 Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Airforce (PA) nangangalaga ito sa katahimikan ng ating himapapawid.
 Philippine National Police (PNP) – ilan sa kanilang tungkulin ay ipatupad ang lahat ng mga batas at ordinansang may kaugnayan
sa pagtatanggol ng buhay at ari-arian, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at masiguro ang kaligtasan ng publiko,
imbestigahan at hadlangan ang mga krimen, arestuhin ang mga Kriminal at tumutulongsakanilangpaglilitis.
 Hukbong Pandagat (Philippine Navy) – ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga kaaway namaaari ng dumaan sa mga iba’t
ibang anyong tubig sa ating bansa sa panahon ng digmaan, nagpapatrol sila sa ating dagat at karagatan.

Gawain 1: Isulat ang T kung tama, M kung mali ang sitwasyong nais inasaad sa patatanggol ng mga mamamayan sa kalayaan at
hangganan ng teritoryo ng bansa.
___1. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan para sa sambayanan ay nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo II Seksiyon
4.
___2. May mga ahensiya ng pamahalaan na tumutugon sa pangangailangan upang ipagtanggol ang kalayaan at hangganan ng
teritoryo ng bansa.
___3. Walang karapatan ang mga Pilipino na galugarin at gamitin ang yamang dagat ng bansang Pilipinas.
___4. May mga batas na nagtatakda ng lawak ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
___5. Kailangang ipagtanggol ng mamamayan o estado ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.

Gawain 2: Mula sa seleksyon, itala sa kahon ang ahensiya na nagtatanggol sa kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.
Tungkulin Ahensiya ng Pamahalaan
1. Imbestigahan at hadlangan ang mga krimen,arestuhin ang mga kriminal. _______________________________________
2. Nagpapatrol sa ating dagat at karagatan. _______________________________________
3. Nagsasagawa ng mabilis na prompt at tuloy-tuloy na operasyong panlupa. _______________________________________
4. Nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa himpapawid. _______________________________________
5. Nagpapatupad ng lahat ng mga batas at ordinansang may kaugnayan sa ______________________________________
pagtatanggol ng buhay at ari-arian.

Gawain 3: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Anong batas umiiral ang lapad na 200 milyang hangganan ng Pilipinas mula sa dalampasigan?
A. Eksklusibong Sonang Ekonomiko B. Doktrinanag Pangkapuluan C. Atas ng Pangulo D. Batas ng Bansa
____2. Anong hukbo ang nangangalaga ng katahimikan ng ating himpapawid?
A. Philippine National Police B. Philippine Army C. Philippine Navy D. Philippine Airforce
____3. Bakit nararapat na ipagtanggol ng mamamayan ang kalayaan at teritoryo ng bansa?
A. Upang mapangalagaan ang mamamayan na siyang bumubuo sa isang bansa at ito ang ating teritoryo.
B. Upang may mgamamamayan ang Pilipinas na tumatangkilik sa produkto ng ibang bansa.
C. Upang ito ay mapangalagaan para sakapakanan ng mga dayuhan.
D. Upangsakalaunanmasakop ang Pilipinas sa ibang bansa.
____4.Anong batas ang itinadhana ng UNCLOS?
A. Eksklusibong Sonang Ekonomiko B. Doktrinang pangkapuluan C. Kasunduan sa Paris D. Batas ng Bansa
____5. Ano ang nakasaad sa Saligang Batas ng PilipinasArtikulo II, Seksiyon 4?
A. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
B. Bahagi ng karagatan na itinatadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea
C.Nakatakdasabatasnaito ang baseline o hangganan ng teritoryo ngPilipinas
D. Isang doktrina ng teritoryo ng dagat o karagatan
Pakinabang ng mga Mamamayan saTeritoryo at Kung Paano Ito Maipagtanggol ng Bansa
Mga ahensiya ng Pilipinas na nagtatanggol ng bansa
1. Department of Foreign Affairs (DFA) ay ang nakikipag-ugnayan sa ibang estado ng bansa para masiguro ang kaligtasan ng ating
teritoryo gayun din ang ating kapangyarihan at karapatang pambansa.
2. Department of Environment and Natural Resources (DENR)o Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ay ang nangangalaga sa
teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng pangangasiwa,pangangalaga, at pag-ingat sa ating likasyaman.
3. Department of Interior and Local Government (DILG) o Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ay ang namamahala sa
pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan at pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan. Nasa ilalim ng kagawarang ito ang
Philippine National Police (PNP) o Pambansang Pulisya ng Pilipinas na siyang nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa ating
bansa. Sila ay sumusugpo sa mga kidnaper, magnanakaw, holdaper, drug addict o mga taong sugapa sa droga, at iba pang kriminal.
Kabilang din sa kanilang gawain ang tumulong sa panahon ng mga kalamidad gaya ng bagyo, sunog, pagputok ng bulkan, at iba pa.
Nasa pamamahala ng DILG ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ang Kolehiyo
ng Pampublikong Seguridad ng Pilipinas (Philippine Public Safety College o PPSC) na nagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng
pagliligtas sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.
4. Department of National Defense (DND)-ay maglaan at magpanatili ng seguridad, estabilidad, kapayapaan, at kaayusang naaangko
sa pag-unlad ng ekonomiya at pambansang kaunlaran.

Kahalagahan sa Pagtatanggol sa teritoryo ng bansa


• Kailangan nating ipagtanggol ang teritoryo ng ating bansa dahil pag-aari natin ang mga ito.
• Ipagtatanggol ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng maganda at mabuti sa ating bansa.
• Pangangalagaan ko ang teritoryong sakop ng ating bansa pagtaguyod sa kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.
• Upang mapanatiling ligtas sa panganib.

Gawain 4: Piliin ang sagot na nagpapakita ng pagtatanggol ng ating bansa. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Department of Interior and Local Government (DILG) o Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
B. Department of Environment and Natural Resources (DENR) o Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
C. Department of Foreign Affairs (DFA)
D. Department of National Defense (DND)
E. Philippine National Police(PNP) o Pambansang Pulisya ng Pilipinas
F. ROTC (Reserved Officer Training Course)
_____1. Nangangalaga para sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan at pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan.
_____2. Nakikipag-ugnayan sa ibang estado ng bansa para masiguro ang kaligtasan ng ating teritoryo gayundin ang ating
kapangyarihan at karapatang pambansa.
_____3. Nangangalaga sa teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng pangangasiwa, pangangalaga, at pag-ingat sa ating likasyaman.
_____4. Maglaan at magpanatili ng seguridad, estabilidad, kapayapaan, at kaayusang naaangkop sa pag-unlad ng ekonomiya at
pambansang kaunlaran.
_____5. Nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.

PAGSUSULIT
A. Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad sa pangungusap sa pagtatanggol ng teritoryo ng ating bansa, Mali kung
hindi.Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
______1.Magpatupad ng mga programa para sa pangangalaga sa ating kapaligiran.
______2. Pagsagawa ng mga programa para sa kaunlaran at kapayapaan.
______3. Magpatrolya sa ating karagatan araw at gabi.
______4. Ang mga teritoryong sakop ng Pilipinas ay nakapagbibigay sa atin ng pagkakataon na makapagtrabaho at
makapaghanapbuhay.
______5. Kailangan nating ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas dahil atin ito.
B. Punan ng wastong sagot.
(1)_____________ahensiya ng Pilipinas na nakikipag-ugnayan sa ibang estado ng bansa para masiguro ang kaligtasan ng ating
teritoryo gayun din ang ating kapangyarihan at karapatang pambansa.
Departmentof Environment and Natural Resources (DENR) o (2)_____________________ay nangangalagasateritoryo ng bansa sa
pamamagitan ng pangangasiwa,pangangalaga, at pag-ingat sa ating likas na yaman.
Department of Interior and Local Government (DILG) o Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal nangangalaga para sa
pagpapaigting ng (3)_________ at (4)___________at pagpapanatili ng (5)__________________.

PERFORMANCE OUTPUT
Itala sa Concept Map ang kahalagahan sa pangangalaga ng teritoryo sa ating bansa. (Content = 4, Presentation = 3)

You might also like