You are on page 1of 5

GRADE 6 School: ALAMINOS CENTRAL SCHOOL Grade Level: VI

DAILY Teacher: Rojel Jan O. Galzote Learning Area: ARALING PANLIPUNAN


LESSON LOG March 21, 2024 / 1:00-1:40
Teaching Dates and Time: Quarter: 3
pm

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng
Pangnilalaman mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan.
Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribosyon ng mga nagpunyaging mga Pilipino sa
B. Pamantayan sa Pagganap
pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.
Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang
C. Mga Kasanayan sa interes;
1.1 nailalahad ang mga pagpupunyagi ng mga Pilipino sa pagtaguyod sa
Pagkatuto (Isulat ang code
pambansang interes;
ng bawat kasanayan)
1.2 naipagmalalaki ang mga Pilipino sa kanilang mga kontribusyon upang
makamit ang ganap na kalayaan.
II. NILALAMAN Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng K-12 MELC and Curriculum Guide in Araling Panlipunan 6
Guro
2. Mga pahina sa Gabay ng Araling Panlipunan
Pang-mag-aaral Ikatlong Markahan – Modyul 3
Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes

3. Mga pahina Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource.
B. Iba pang Kagamitang Slide decks, mga larawan
pangturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik–Aral sa nakaraang Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, atin munang balikan ang
aralin at/o pagsisimula ng pinag-aralan natin noong nakaraang araw.
bagong aralin
Ano-ano ang mga Karapatan ng Pilipinas Bilang Isang Bansang
Malaya?

1. Karapatang makapagsarili
2. Karapatan sa pantay na pagkilala
3. Karapatang mamahala
4. Karapatang mag angkin ng ari-arian
5. Karapatang makipag-ugnayan sa ibang bansa
6. Karapatang ipagtanggol at panatilihin ang Kalayaan

B. Paghahabi ng layunin ng Bilang panimula, ating pag aralan ang mga larawan at kilalanin ang bawat isa.
aralin at paglalahat. Pamilyar ba kayo sa mga ito?
C.Pag-uugnay ng mga Ano ang tawag ninyo sa mga larawan ?
halimbawa sa bagong aralin.
Ano ang ibig sabihin ng mga simbolo na matatagpuan sa logo?

Ano kaya ang


kahalagahan nito sa
pagkamit natin ng
ating kalayaan?
Ano kaya ang
kahalagahan nito sa
pagkamit natin ng
ating kalayaan?
Ano kaya ang
kahalagahan nito sa
pagkamit natin ng
ating kalayaan?
Ano kaya ang kahalagahan nito sa pagkamit natin ng ating Kalayaan?
D. Pagtalakay ng bagong Nang lubusang lumaya ang ating bansa at naitatag ang Ikatlong Republika
konsepto at paglalahad ng noong 1946, nagkaroon ito ng soberanya upang itaguyod ang Pambansang
Interes ng ating bansa.
bagong kasanayan # 1
Ang soberanya ng bawat estado ay napangangalagaan kung ang kalayaan at
teritoryo ng bansa ay patuloy na ipinagtatanggol ng pamahalaan at mga
mamamayan nito. Bagamat makapangyarihan ang estado, kailangan pa rin
nito ng proteksiyon ng kanyang mamamayan.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo II, Seksiyon 4

“Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan


ang sambayanan. Maaaring tawagan ng pamahalaan ang sambayanan upang
ipagtanggol ang estado, at sa ikatutupad niyon, ang lahat ng mga mamamayan
ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyo militar o sibil, sa
ilalim ng kondisyong itinakda ng batas”

Paano natin mapapanatili ang pagiging malaya at seguridad ng ating bansa?


Tungkulin at pananagutan ng ating pamahalaan at ng sambayanang Pilipino
ang pagtatanggol sa ating estado. Iba’t ibang kagawaran at mga ahensiya ng
pamahalaan ang nangangalaga sa katahimikan, kaayusan, at kalayaan ng
ating estado.

E. Pagtalakay ng bagong Ang Kagawaran ng Tanggulang Bansa o Department of National Defense at


konsepto at paglalahad ng ang pangunahing kalapkip kawanihan nito, ang Hukbong Sandatahan ng
Pilipinas o Armed Forces of the Philippines, ay may tungkuling pangalagaan
bagong kasanayan # 2
ang ating teritoryo at estado, magpanatili ng kapayapaan at kaayusan, at
magtaguyod ng umunlad na ekonomiya.

Ang Misyon ng Department of National Defense ay “maglaan at magpanatili ng


seguridad, estabilidad, kapayapaan at kaayusang naaangkop sa pag-unlad ng
ekonomiya at pambansang kaunlaran”.

Ang Pagtatanggol sa Kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.

1. Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines


(AFP)

Ang AFP o Armed Forces of the Philippines ay naatasang mangalaga sa


soberanya, sumuporta sa Saligang Batas, at magtanggol sa teritoryo ng
Republika ng Pilipinas laban sa lahat ng mga kaaway, banyaga man o lokal;
magtaguyod at magsulong ng mga pambansang layunin; at magplano, mag-
organisa, magpanatili, maglinang at magtalaga ng mga regular at sibilyang
reserbang puwersa para sa pambansang seguridad.

Mga sangay ng Sandatang Lakas ng Pilipinas

Hukbong Panlupa o Hukbong Katihan (Philippine Army)


 Ipagtanggol ang teritoryo at tanod ng ating bansa laban sa sinumang
dayuhang nagnanais na sakupin ito.
 Ipagtanggol ang ating bansa sa panahon ng digmaan.
 Mag-organisa, magsanay at magbigay ng gamit sa mga puwersa ng
hukbo para sa mabilis at tuluy-tuloy na pakikipaglaban sa lupa.
 Ihanda ang mga yunit na kakailanganin para sa epektibong
pagpapatupad ng mga plano at programang may kaugnayan sa
pambansang pagtatanggol at sa misyon ng Hukbong Sandatahan,
kabilang na ang pagpapalawig ng pangkapayapaang sandatahan o
peacetime army para sa pagtugon sa anumang emerhensiya.
 Linangin, alinsunod sa iba pang pangunahing serbisyo, ang mga
taktika, teknik at kagamitang nasa interes ng Hukbo sa mga operasyon
nito.
 Magsanay, mag-organisa at magbigay kagamitan sa lahat ng mga
reserbang yunit ng Hukbo.
 Gampanan ang iba pang mga tungkuling ipag-uutos ng mga nakatataas
na awtoridad.

Hukbong Himpapawid (Philippine Air Force)


 Ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ay isa sa tatlong pangunahing
serbisyo ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Tagabantay ito ng
teritoryo ng ating bansa. Nangangalaga ito ng katahimikan ng ating
himpapawid.

Hukbong Dagat (Philippine Navy)


 Ipagtanggol ang teritoryo at tanod ng ating bansa laban sa sinumang
dayuhang nagnanais na sakupin ang ating bansa.
 Ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga kaaway na maaaring
dumaan sa mga iba’t ibang anyong tubig sa ating bansa sa panahon ng
digmaan.
 Nagpapatrol sila sa ating karagatan at dagat upang matiyak na walang
makakapasok na dayuhan sa teritoryo ng ating bansa. Binabantayan
din nito ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa

Pambansang Pulisya ng Pilipinas o (Philippine National Police o PNP)

 Ipatupad lahat ng batas at ordinansang may kaugnayan sa


pagtatanggol ng buhay at ari-arian.
 Panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at gawin lahat ng hakbang
upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.
 Imbestigahan at hadlangan ang mga krimen, arestuhin ang mga
kriminal at tumulong sa kanilang paglilitis.
 Gamitin ang kapangyarihan mag-aresto, maghalughog at magkumpiska
ayon sa itinakda ng Konstitusyon at ng iba pang mahahalagang batas.
 Gampanan ang iba pang mga tungkuling itinakda ng batas.

Ang tanod Baybayin ng Pilipinas o (Philippine Coast Guard o PCG)

 Sa kasalukuyan, ang Philippine Coast Guard ay isang ahensiyang


pandagat na nagbibigay proteksiyon sa teritoryong pandagat ng ating
bansa laban sa mga naninira nito, nangangalaga ito sa mga yamang-
dagat, at nagtataguyod ng kaligtasan ng buhay at ari-arian sa
karagatan. Ang sakop ng responsibilidad ng PCG ay binubuo ng
2,795,962 sq.km. na katubigan at 35,000 km. na baybayin. Higit sa
isang milyong sasakyang pandagat ang dumadaan sa mga karagatan
ng Pilipinas taon-taon, habang 98 porsiyento ng lokal na kalakalan ang
nakasalalay sa kalakalang pandagat.

F. Paglinang sa kabihasaan Pagsasanay


(Tungo sa Formative
Assessment) I. Tama o Mali. Isulat ang T kung tama at M kung mali.

1. Ang Philippine Coast Guard ay isang ahensiyang pandagat na nagbibigay


proteksiyon sa teritoryong pandagat ng ating bansa laban sa mga naninira nito,
nangangalaga ito sa mga yamang-dagat, at nagtataguyod ng kaligtasan ng
buhay at ari-arian sa karagatan

2. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo II, Seksiyon 4. Ang


pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang
sambayanan.

3. Ang pagpapalakas ng militar ng bansa ay isa sa mga paraan upang


mapanatili
ang integridad ng teritoryo.

4. Ang Philippine Army ay hindi responsable sa pagpapatupad ng seguridad ng


bansa, pangangalaga sa kapayapaan, at pagsasagawa ng mga operasyong
militar.

5. Ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ay tagabantay ito ng teritoryo ng

ibang bansa at nangangalaga ito ng katahimikan ng ating himpapawid.

Pagwawasto sa pagsasanay:

1. T
2. T
3. T
4. M
5. M

G. Paglalapat ng aralin sa Sa kasalukuyang panahon, tuluyan na nga ba nating nakamit ang Kalayaan?
pang-araw araw na buhay
Kailangan ang mga Mamamayan sa Pagtatanggol sa Teritoryo ng Bansa
(Aplikasyon)
Kailangang ipagtanggol ang teritoryo ng ating bansa. Ito ay upang hindi tayo
masakop ng ibang bansa at manatiling malaya. Tulad ng ating sariling tirahan,
ito ay dapat nating pangalagaan. Dapat ipagtanggol ang teritoryo ng ating
bansa upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino at ang
kayaman nito.

Bilang mamamayan paano mo mapahahalagahan ang teritoryo ng bansa?

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang inyong natutunan ngayong araw?

Ano- ano ang mga sangay ng sandatahang lakas ng Pilipinas?

Ano ang kahalagahan ng pagtatanggol sa kalayaan at teritoryo ng bansa?

I. Pagtataya ng aralin. Sa inyong kwaderno sagutan ang mga pahayag sa ibaba batay sa iyong
(Malayang Pagsasanay) pagtataya ng iyong natutuhan sa araling ito.

Ipaglalaban ko ang Pambansang Interes ng Pilipinas kapag


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________

Makatutulong tayo sa pagpapanatili ng kapayaan at kalayaan ng ating


bansa kung
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________
J. Karagdagang Gawain para
sa takdang aralin at
remediation

Prepared by:

NAME
Rojel Jan O. Galzote
Student-Tacher
Great Plebeian College Checked and Reviewed by:

NIKKI J. VALENZUELA
Cooperating-Teacher

You might also like