You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN 6

Ikatlong
Markahan
Ikawalong Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning
Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of
non-profit, for educational use and constitutes fair use. All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Marilyn S. Megarbio Evaluator/s: Marites P. Alzate, EdD;


Illustrator Jocelyn M. Basaca
Layout Artist:
Learning Area EPS:
PSDS/DIC: Elizabeth N. Gardones, PhD Analiza G. Doloricon, EdD

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae N. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur Balilahan,


Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates Facebook
Messenger: Learning Resource Concerns
Pamantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang pagtatanggol
ng mga Pilipino sa pambansang interes.

Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, inaasahan na magagawa


mo ang sumusunod:
o natutukoy ang mga ahensyang nangunguna sa pagtatanggol sa
pambansang interes;
o nakagagawa ng balangkas tungkol sa mga tungkulin ng iba’t
ibang sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang
mapangalagaan ang teritoryo ng bansa; at
o nakibabahagi sa pagpapahalaga sa mga serbisyo at sakripisyo ng
mga tagapagtanggol sa ating pambansang interes.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

ANG PAGTATANGGOL SA KALAYAAN AT TERITORYO NG BANSA

Ano ang pambansang interes? Ang pambansang interes ay tumutukoy sa


karaniwang interes ng mga tao at ng buong bansa. Isa sa pambansang
interes ay may kinalaman sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa. Ang
pagtatanggol sa ating teritoryo o bansa at sa kalayaan nito ay
napakahalagang tungkulin sa pamahalaaan at ng sambayanan.
Ayon sa Artikulo II, ng Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, “Ang
pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang
sambayanan. Maaaring tawagin ng pamahalaan ang sambayanan upang
ipagtanggol ang estado at sa ikatutupad niyon, ang lahat ng mga
mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyong
militar o sibil sa ilalim ng mga kondisyong itinakda ng batas.”

May dalawang uri ng panganib na dapat maipagtanggol ang bansa:

1. Panloob na panganib

Tumutukoy sa iba’t ibang uri ng krimen, rebelyon, at iba pang uri ng


paghihimagsik na nangyayari sa loob ng teritoryo ng bansa. Halimbawa nito ang
mga isinagawang kudeta at ang suliranin tungkol sa Abu Sayyaf, Moro Islamic
Liberation Front o MILF at New People’s Army o NPA. Kabilang din
ang pagnanakaw, kidnapping, pagbebenta at paggamit ng bawal na gamot
at pagpaslang.

1
2. Panlabas na panganib

Tumutukoy sa pagsakop at pagsalakay ng ibang bansa sa ating bansa.


Halimbawa naman nito sa kasalukuyan ay mga teroristang nagpapasabog sa
mga eroplano, kotse, gusali, at iba pang establisiyemento, at nangingidnap
ng mga tao at turista sa lugar upang magkalat ng takot at pangamba.

Ang isa sa mga hindi malilimutang paglusob ng mga terorista ay ang


pagsabog noong Setyembre 11, 2001 sa World Trade Center, New York na
ikinabigla at ikinatakot ng buong mundo.

Upang higit na maipagtanggol ang bansa sa mga


panganib, lalong pinalakas ang Hukbong Sandatahang
Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP)
Isinasaad sa Artikulo II, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng
1987 na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang
tagapangalaga ng sambayanan at estado.
https://www.army.mil.ph/ Pangunahing layunin nito ang tiyakin ang ganap na
kapangyarihan ng estado at integridad ng pambansang
teritoryo. Tungkulin naman ng mga kasapi nito na panatilihing malaya ang bansa
sa panloob at panlabas na panganib.

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay binubuo ng iba't-ibang sangay:

a) Hukbong Katihan o Philippine Army

Sila ang responsable sa mga labanang panlupa. Ang


mga kasapi nito ay tagapagtanggol ng bansa sa
digmaan o anumang rebelyon o paghihimagsik na may
layuning pabagsakin ang pamahalaan. Sila rin ang
nagpoprotekta sa bansa at mamamayan laban sa mga
dayuhang
https://www.army.mil.ph/ mananakop.

b) Hukbong Dagat o Philippine Navy

Ito ay nangangalaga at nagbabantay sa


ating katubigan at tinatawag ding bantay-dagat.
Trabaho nila ang magpatrolya sa ating mga karagatan
araw at gabii upang matiyak na walang ilegal na
dayuhang makapasok sa bansa. Sila rin ang nanghuhuli
ng mga produktong walang buwis o tinatawag na
smuggled products.
https://www.faceebook. com/philippinenavy/

2
c) Hukbong Himpapawid o Philippine Air Force

Sila naman ang ating tanod sa himpapawid.


Pinangangalagaan nila ang katahimikan sa ating
papawirin. Sinisiguro nilang walang dayuhan o kaaway na
maaaring maging banta sa kapayapaan ng bansang
daraan sa himpapawid na sakop ng teritoryo ng bansa.
https://www.paf.mil.ph/

IBA PANG AHENSYA

1. Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o


Department of Interior and Local Government (DILG)

Nasa ilalim nito ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas


(PNP) na siyang nangangalaga sa kaayusan at
kapayapaan ng bansa. Nasa pamamahala ng DILG ang
Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail
Managment and Penology (BJMP), at ang Philippine Public
https://dilg.gov.ph/ Safety College. Sila ang sumusugpo sa
mga kidnaper, magnanakaw, holdaper, mga
nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at iba
pang kriminal. Kabilang din sa kanilang gawain ang
tumulong sa panahon ng mga kalamidad gaya ng
bagyo, sunog, pagputok ng bulkan, at
iba pa.

2. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas o Department of


Foreign Affairs (DFA)
Source:
https://dfa.gov.ph/ Ang nakikipag-ugnayan sa ibang estado para
masiguro ang kaligtasan ng ating teritoryo gayundin ang
kapangyarihan at karapatang pambansa.

3. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o


Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Ito ang nangangalaga sa ating mga likas na yaman.


Tungkulin nitong pangangalagaan ang ating mga
https://www.denr.g kagubatan, magpatupad ng mga programa para sa
ov.ph//
pangangalaga sa kapaligiran, pangasiwaan ang industriya ng
pagmimina, pag- iingat sa mga isda at yamang-dagat, at
maging ang pag-

3
iingat o pangangalaga sa mga hayop na maaari nang maubos (endangered
species).

Ang pangangalaga sa teritoryo ng bansa ay may dalawang paraan.

1. Pagtatanggol sa bansa sa pamamagitan ng armas o pakikipagdigma.

Ngunit sa kasalukuyan ay iniiwasan na ang mga ganitong uri ng


pakikipaglaban upang hindi na muling maulit ang malagim na
pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

2. Paggamit ng diplomasya o usapang pangkapayapaan ng mga


kinatawan ng bansa upang pag-usapan at ayusin ang mga suliraning
pandaigdig.

Gawain 1

Panuto: Ipares sa Hanay B ang mga salitang inilalarawan sa Hanay A. Titik


lamang ang isulat sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

a. Nakikipag-ugnayan sa
1. Kagawaran ng Interyor ibang estado para
at Pamahalaang Lokal masiguro ang kaligtasan
2. Kagawaran ng ng teritoryo.
Kapaligiran at Likas na b. Tungkulin nitong
Yaman pangalagaan ang mga likas
3. Kagawaran ng na yaman ng bansa.
Ugnayang Panlabas c. Nangangalaga sa kaayusan
4. Pambansang Pulisya at kapayapaan ng bansa.
ng Pilipinas d. Nasa ilalim ng kapangyarihan
5. Hukbong nito ang PNP, BJMP, BFP at
Sandatahang Lakas PPSC.
ng Pilipinas e. Tagapangalaga ng

4
Gawain 2

Panuto: Sa pamamagitan ng Thinking Map Eridium Scale, isulat ang tungkulin


ng iba’t ibang sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang
mapangalagaan ang teritoryo ng bansa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

H
Hukbong
Hukbo Katihan
ng

Hukbong Himpapawid

Hukbong Dagat

Gawain 3

Panuto: Iguhit ang hugis puso ( ) kung ang sumusunod na sitwasyon


ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtatanggol sa teritoryo ng
bansa at hugis ( ) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang lahat ng mga kabataan sa barangay ay sumunod sa itinakdang


curfew na ipinatupad ng mga alagad ng batas.

2. Sumali sa mga makakaliwang grupo tulad ng NPA at MILF sina Amando


at Roso na inayawan naman ng kanilang mga kaibigan.

5
3. Nagpapatrolya ang Hukbong Dagat sa mga karagatan araw at gabi
upang matiyak na walang ilegal na dayuhang makapasok sa bansa.

4. Isinumbong ng mga Pilipinong mangingisda sa kinauukulan na may mga


dayuhang mangingisda na nakapasok sa karagatang sakop ng bansa.

5.Bukod sa mga alagad ng batas ay may mga karaniwang mamamayan


din na maaring tumulong upang ipagtanggol ang ating bansa.

Pagsusulit

Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang ahensya ng ating pamahalaan na nangangalaga sa ating mga likas
na yaman.
A. Hukbong Dagat
B. Hukbong Katihan
C. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
D. Kagawaran ng Kapaligirian at Likas na Yaman

2. Ito ang sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na responsable


sa pagtatanggol ng bansa sa mga labanang panlupa.
A. Hukbong Dagat
B. Hukbong Katihan
C. Hukbong Himpapawid
D. Pambansang Pulisya ng Pilipinas

3. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita na mahalaga ang


pagtatanggol sa teritoryo ng bansa maliban sa isa, alin dito?
A. Mahalaga ang pagtatanggol ng teitoryo bansa upang hindi tayo
masakop ng mga dayuhan.
B. Mahalaga ang pagtatanggol ng teritoryo bansa upang magagamit
natin ang ating mga likas na yaman.
C.Mahalaga ang pagtatanggol ng teritoryo ng bansa upang mapanatili
ang kaayusan at kapayapaan ng bansa.
D. Mahalaga ang pagtatanggol ng teritoryo ng bansa upang madali
tayong makahawak ng armas na magamit sa pakikipaglaban.

6
4. Dapat ba nating igalang ang mga alagad ng batas? Bakit?
A. Oo, dahil handa silang magbuwis ng kanilang buhay sa pakikipaglaban.
B. Oo, dahil nag-aral silang mabuti upang maging alagad ng batas na
mataas ang sahod.
C. Hindi, dahil hindi sila maaasahan at wala silang alam kung paano
gampanan ang kanilang tungkulin.
D. Hindi, dahil ginagampanan lamang nila ang kanilang tungkulin kapag
may opisyal na nagbabantay sa kanila.

5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng


kalayaan at pangangalaga sa mga teritoryo ng ating bansa?
A. Tutulungan ko ang mga pulis na magbantay sa paligid.
B. Lalambingin ko ang aking mga magulang na
hayaan muna akong maglingkod sa bayan.
C. Sasawayin ko ang mga batang naglalaro sa mga lansangan na
siyang dahilan ng maraming krimen
D.Igagalang ko ang watawat ng Pilipinas, hindi ako makikipag-
away, pagbutihin ko ang aking pag-aaral at idalangin kong makapag-
aral sa Philippine Military Academy upang mapagsilbihan ko ang
aking lupang sinilangan.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1:

1. d
2. b
3. a
4. c
5. e

7
Gawain 2

Sila ang responsable


Hukbong sa mga labanang _
Kaatihan panlupa. Nagpopro-
H
tekta sa bansa.

Sila naman ang nagbabantay


sa himpapawid .Pinanganga-_
lagaan nito ang katahimikan
Hukbong ng ating papawirin.
Himpapawid

Ito ay nangangalaga at nagbabantay


sa ating katubigan at tinatawag ding
bantay-dagat. Nagpapatrolya sila araw _
at gabi upang matiyak na walang ilegal
Hukbong na makapasok sa bansa.
Dagat

Gawain 3
1. 2. 3. 4. 5.

Mga Sanggunian

Baisa-Julian Arlene G., Lontoc, Nestor S. Bagong Laklbay ng Lahing Pilipino 6 p.


201-206, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Internet Resource:

https://www.army.mil.ph/home/index.php/featured-stories/518-acoatofarms-
ahero-s-identity.
https://www.denr.gov.ph.
https://dilg.gov.ph/.
https://www.youtube.com/watch?v=1Jj3RbVsmto.
https://www.paf.mil.ph/.
https://www.facebook.com/philippinenavy/.

8
https://dfa.gov.ph/.

You might also like