You are on page 1of 5

Talaan ng Ispisipikasyon

Ikatlong Lagumang Pagsusulit

ARALING PANLIPUNAN VI

Blg. Ng
Mga Layunin Nilalaman aytem Kinalalagyan Bahagdan

1. Nailalarawan ang mga Katangian ng bansang 5 1-5 12.5


katangian ng isang Malaya at may
bansang malaya at may soberanya
soberanya
2. Nabibigyang-halaga Karapatang Tinamo ng 2 6-7 5
ang mga karapatang Bansa
tinamo ng bansa nang
ito ay magkaroon ng
ganap na kalayaan
3. Nabibigyang-katwiran Pagtatanggol ng mga 1 8 2.5
kung bakit kailangang mamamayan sa
ipagtanggol ng mga kalayaan at hangganan
mamamayan ang ng teritoryo ng bansa
kalayaan at hangganan
ng teritoryo ng bansa
4. Natutukoy ang mga Mga Ginawa ng mga 10 9-18 25
ginawa ng mga Makabayang Pilipino sa
makabayang Pilipino sa Pagkakamit ng kalayaan
pagkakamit nmg
kalayaan.
5. Natutukoy ang mga Mga Ginawa ng mga 4 19-22 10
mahalagang ginawa ng naging Pangulo ng
mga naging pangulo ng Bansa
bansa.
6. Nasusuri ang mga batas Mga batas sa 3 23-25 7.5
sa paghahanda ng mga Paghahanda sa sariling
Pilipino para sa sariling Pamamahala
pamamahala
7. Nabibigyang-halaga Mga misyon sa 2 26-27 5
ang mga misyong Pagkamit ng Kalayaan
Pilipino sa pagkakamit
ng kalayaan
8. Natutukoy ang Kahalagahan ng 7 28-34 17.5
kahalagahan ng Pakikipag-ugnayan ng
pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang Bansa
Pilipinas sa ibang bansa
9. Nabibigyang-halaga Kabutihang Dulot sa 6 35-40 15
ang kabutihang dulot sa Pilipinas sa mga
Pilipinas sa pagsapi sa Samahang panrehiyon at
mga samahang Pandaigdig
panrehiyon at
pandaigdig
KABUUAN 40 100 %

Inihanda ni:

ARLENE Y.
HERNANDEZ
Guro
Nabatid:
FEBELYN D. BALBUENA
Punungguro IV
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN VI
Pangalan:__________________________________ Marka:_______
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang titik ng may tamang sagot.
1. Ang Pilipinas ay isang bansang malaya at may demokrasya. Ang kapangyarihan nito ay nasa ___________.
A. batas B. mamamayan C. pinuno D. tagapayo
2. Ang kapangyarihang mamahala sa mga nasasakupan ng Pilipinas ay tumutukoy sa taglay nitong _________
A. Kalayaan at kasarinlan B. Kapangyarihang pampulitika C. soberanyang panlabas D. soberanyang panloob
3. Anong uri ng soberanya ang pakikipagkasundo ng Pilipinas sa Amerika sa pagsugpo ng terorismo?
A. Pakikipag-ugnayan B. Soberanya C.soberanyang panlabas D. soberanyang panloob
4. Ang soberanya ay katangian ng isang bansang ___________.
A. nagsasarili B. malaya C. maunlad D. Masaya
5. Ang Pilipinas ay isang bansang malaya. Hindi na ito_________________________
A. Dumaranas ng kaguluhan C. Nasasakop ng ibang bansa
B.Nagkakaroon ng mga suliraning panloob at panlabas D.Umaasa sa tulong ng military ng ibang bansa
6. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang dinanas ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol. Maraming pag-aalsa o rebelyon ang isinagawa upang makamit ang kalayaan. Alin ang HINDI kabilang
sa mga dahilan ng kanilang mga pag-aalsa?
A. Kagipitan sa relihiyon C. paniningil ng labis-labis na buwis
B.Pag-aasawa ng mga kababaihan sa mga Espanyol D. sapilitang paggawa
7. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang paraan ng pakikipaglaban na ginawa ng mga bayaning Pilipino?
A. Pag-aalsa B. Pagsasawalang-kibo C. pakikipagkapatiran D. pakikipagkasundo
8. Sa anong pangunahing pamamaraan ipinamalas ng mga Katipunero ang paglaban sa mga Espanyol?
A. Isinakatuparan ang himagsikan C. Nagmanman sa gawain ng mga Espanyol
B. Humimok ng mga sibilyan para sumali sa labanan D. Nagpuslit ng mga armas mula sa sundalong Espanyol
9. Ibat-ibang paraan ang ginamit ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan. Si Jose Palma ay isa sa
tumulong sa pagkamit nito. Alin sa mga sumusunod ang ipinakita niyang pagtulong sa bansa?
A. Lumikha ng isang makabayang talumpati
B. Naglapat ng titik ng ating pambansang awit
C. Nagpahayag ng pagtutol sa pamamagitan ng matalinhagang pagtula
D. Nanguna sa maalab na pakikisagupa sa mga kaaway
10. Sa paanong paraan isinagawa ng mga Katipunero ang pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. sa mapayapang paraan
B. sa paggamit ng malalakas na armas
C. sa pamamagitan ng pangangaral at kampanya laban sa Espanyol
D. pagkakaisa sa ilalim ng isang matibay na hukbo at paglaban para sa kalayaan sa pamamagitan ng
rebolusyon
11. Isa sa mga paraang ginawa ni Dr. Jose Rizal upang makamit ang kalayaan ng bansa sa pananakop ng mga
Espanyol ay isinulat niya ang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ano ang naging
epekto nito sa mga Pilipino?
A. Naging hudyat ng pakikipaglaban ng mga Pilipino
B. Naging simula ng pagkagising ng nasyonalismong Pilipino
C..Naging simula labanan sa iba’t- ibang bahagi ng bansa
D. Gumising sa damdaming pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa at naging daan ng himagsikan noong 1896.
12. Ano ang ginawa ng mga Pilipino upang labanan ang hindi mabuting pamamahala ng mga Espanyol?
A. Nakipagsabwatan sa mg pinunong Espanyol
B. Nagsagawa ng mga pag-aalsa laban sa mga Espanyol
C. Nagsawalang-kibo na lamang sa mga nangyayari
D. Tumangging magbayad nang tamang buwis na itinakda ng pamahalaang Espanyol.
13. Ano ang ginampanan ni Tandang Sora sa pagiging Ina ng Katipunan?
A. Naging tagapayo siya ni Andres Bonifacio C. Nagkalinga siya sa mga Katipunerong tinutugis ng mga Espanyol
B. Nanguna siya sa pakikipaglaban sa mga Espanyol D. Tumulong siya upang mabuo ang Katipunan
14. Si Marcelo H. del Pilar na kilala sa tawag na Plaridel ay nakipaglaban din sa mga Espanyol upang makamit
natin ang kalayaan. Paano niya ito isinagawa? Sa pamamagitan ng ___________________.
A. armadong pakikipaglaban C. pamamahayag
B. pakikipagdayalogo sa mg Espanyol D. pagsasadula sa buhay ng mga Espanyol
15. Malaki ang naging kontribusyon ng Radyo Veritas at iba pang istasyon ng radio noong EDSA Revolution. Sa
paanong paraan ipinakita ng nasabing himpilan ng radio ang kanilang suporta?
A. Binatikos ang plataporma de gobyerno ng kalabang himpilan.
B. Nakiusap sa mga radio listeners na magbigay ng mga pagkain para sa mga bilanggo
C. Nanawagan at humingi ng tulong sa mga taong nakikinig sa kanilang himpilan
D. Sumuporta sa mga sundalong nakikinig sa kanilang palatuntunan
16. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Graciano Lopez-Jaena upang makatulong na makamit ang kalayaan ng
mga Pilipino? Siya ay nagtatag ng ______________________________.
A. Katipunan B. Kilusang Propaganda C. La Liga Filipina D. La Solidaridad
17. Ano ang paraang ginawa ni Lapu-lapu matapos itong tumanggi na mapasailalim sa kapangyarihan ng mga
Espanyol?
A. Itinaboy niya ang pangkat ng mga Espanyol sa pamamagitan ng isang labanan sa Mactan
B. Nakipagkasundo siya sa mga Espanyol
C. Nilason niya ang mga Espanyol
D. Napasuko niya ang mga Espanyol
18. Sa paanong paraan ipinakita ng tatlong paring martir o GOMBURZA ang kanilang kabayanihan sa bansa?
A. Hinarap ang masakit na parusang kamatayan mula sa mga Espanyol
B. Hinimok ang ibang tao na labanan ang mga Espanyol
C. Humingi ng kapatawaran sa mga naglilitis sa kanila
D. Inamin ang mga maling paratang ng mga Espanyol
19. Si Manuel A. Roxas ang nahalal na pangulo ng Republika pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa
panahong ito, maraming nawasak na imprastuktura at bagsak ang ekonomiya ng bansa. Ano ang binigyang-
pansin ng kanyang administrasyon?
A. Katarungang panlipunan para sa nakararaming Pilipino
B. Pagtitipid ng mga mamamayan
C. Rekonstruksyon at rehabilitasyon ng Pilipinas para umunlad ito
D. Reporma sa Lupa para sa mga magsasaka
20. Si Elpidio Quirino ang humalili kay Pangulong Roxas bilang pangulo ng bansa noong 1948. Ano ang
binigyang-diin sa kanyang administrasyon?
A. Pagkakaroon ng maayos na pamumuhay C. Pagpapanumbalik ng tiwala ng sambayanan sa pamahalaan
B. Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa D. Pagsasaayos ng kabuhayan ng bansa
21. Sinong pangulo ng bansa ang itinuring na makamasa at naniwalang ang makabubuti sa karaniwang tao ay
makabubuti sa buong bansa?
A. Carlos P. Garcia B. Elpidio R. Quirino C. Manuel A. Roxas D. Ramon F. Magsaysay
22. Bakit mahalaga ang patakarang “Pilipino Muna” ng administrasyon ni Pangulong Carlos P. Garcia?
A. Itinaguyod nito ang pagtutulungan sa pamayanan
B. Pinalaganap nito ang nasyonalismo sa mga mamamayan
C. Pumasok ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan dahilan dito
D. Tinangkilik nito ang mga produktong dayuhan
23. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Manuel A. Roxas pinagtibay ang Batas Bell na nagtadhana ng
“Parity Rights” sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino. Ano ang isinasaad nito?
A. Pagbibigay ng karapatang tumira sa Pilipinas ang mga Amerikano hangga’t nais nila
B. Pagkakaloob ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerika sa paglinang ng likas na yaman ng bansa
C.Pagkakaroon ng parehong karapatan na bumoto at maihalal sa anumang puwesto sa gobyerno
D. Paninirahan ng mga Pilipino sa Amerika nang walang takdang panahon
24. Kilala rin sa tawag na Batas Cooper ang __________________________________.
A.Batas Jones B. Batas Laurel-Langley C. Batas Pilipinas ng 1902 D. Batas Tydings Mc-Duffie
25. Ang batas na nagtatakda ng pangangasiwa ng Pamahalaang Sibil sa Pilipinas ay tinawag na ________.
A. Batas Cooper B. Batas Jones C. Batas Schurman D. Batas Tydings Mc-Duffie
26. Dahil sa patakarang Pilipinisasyon ang mga Pilipino ay ____________________________.
A. nabigyan ng sariling lupa C. naging pinuno ng kanilang pamayanan
B. nagkaroon ng tunay na kalayaan D. nakalahok sa mga gawaing pampamahalaan
27. Iniulat ng Komisyon Schurman sa pangulo ng Estados Unidos na ______________________.
A. mahirap pakibagayan ang mga Pilipino
B. dapat nang bigyan ng kasarinlan ang Pilipinas
C. kailangan pang gumawa ng marahas na hakbang ang mga Amerikano
D. hindi pa handang magsarili ang mga Pilipino
28. Alin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang maunlad tulad ng Estados Unidos?
A. Dumami ang mga Pilipinong nakapagtrabaho sa Amerika
B. Nagtulungan ang dalawang bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Pasipiko
C. Naibigan ng mga Amerikano na manirahan sa Pilipinas
D. Natuto ang mga Amerikano sa kulturang Pilipino
29. Ano ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa?
A. Naging tanyag ang mga pinuno ng bansa C. Nagkaroon ng palitan ng kalakal ang mga bansa
B. Nagkaroon ng kompetisyon sa paggamit ng teknolohiya D. Napaunlad ng bansa ang aspektong pangkultura
30. Bakit mahalaga ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mauunlad na bansa? Upang __________
A. makakuha ng malaking tulong kapag may kalamidad C. mapalawak ang kaalaman sa pagnenegosyo
B. makapasok ang mga produkto sa bansa na walang buwis D. mapaunlad ang ekonomiya at kultura
31. Ang ugnayang namagitan sa Pilipinas at bansang Arabe ay nagbigay-daan upang magkaroon ng hanapbuhay
ang mga walang trabaho sa bansa. Ano ang magandang naidulot nito sa bansa?
A. Nasugpo ng tuluyan ang kahirapan ng bansa C. Nakalutas ito sa suliraning pangkalakalan ng Pilipinas
B. Nakatulong ito sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa D. Pantay ang kabuhayan ng mayayaman at mahihirap
32. Mahalaga ang pag-uugnayan ng Pilipinas at ng bansang Hapon sapagkat ______________.
A. nadagdagan ang kakamping bansa
B. nagkakaroon tayo ng aangkatan ng mga bagong kalakal
C. napag-aaralan natin ang kanilang wika
D. napapalawak ang ating kultura at ang pakikipagkapatiran ng Pilipinas sa ibang bansa
33. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging epekto ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa?
A. Nagpahalaga sa kapayapaan, kalayaan at katarungan C. Nakipagtulungan sa mga karatig-bansa
B. Nagpairal at sumunod sa batas pandaigdig D. Naranasan ang lahat ng nabanggit
34. Paano nakatulong ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa mga panahon ng kalamidad?
A. Nagbibigay ng libreng pag-aaral para sa mga batang nakaligtas sa kalamidad
B. Nagbibigay ng pondong salapi ang mga dayuhang bansa upang ipagawa muli ang mga nasirang gusali
C. Nagpapadala ang dayuhang bansa ng tulong pinansyal, pagkain, gamot, at iba pamng pangangailangan na
kaya nilang ibigay
D. Nakikipag-ugnayan nang tuwiran ang mga dayuhan sa mga Pilipinong naging biktima ng kalamidad
35. Ang Pilipinas ay kasapi ng samahang ASEAN. Ano ang kahalagahan sa pagsapi ng samahang ito?
A. Naipatupad ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa paglinang ng teknolohiya.
B. Nalinang ang pag-aaral sa kultura ng mga bansang kasapi.
C. Nagkaroon ng palitan ng mga pangunahing kalakal at ispesyalisasyon sa paggawa.
D. Lahat ng nabanggit.
36. Ano ang kabutihang dulot ng pagsapi ng Pilipinas sa mga samahang panrehiyon at pandaigdig?
A. Naging tanyag ang mga Pilipinong OFW sa ibang bansa.
B. Nasugpo ng Pilipino ang katiwalian sa pamahalaan.
C. Natuto ang Pilipinas ng makabagong kaalaman tungo sa pag-unlad.
D. Nabigyang-halaga ang kultura ng ibang bansa.
37. Ang Pilipinas ay naging kasapi ng mga pandaigdigang organisasyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan nito sa iba’t-ibang bansa?
A. Nagkakaroon ng pagkakataong sumali sa pandaigdigang kompetisyon sa isports.
B. Nakahihiram ng malaking halaga ng salapi sa mga bansang kasapi na walang kaakibat na interes.
C. Nakatutulong ito sa paglutas ng mga suliranin tungo sa kaunlaran at kapayapaan.
D. Nakapagpapadala ng mga manggagawa sa mga umuunlad na bansa.
38. Isang bagay na tinatamasa ng bansa sa pagsapi sa pangrehiyong samahan ay ang pakikipagkalakalan sa mga
bansang mauunlad. Ano ang pinakamalaking pakinabang ng bansa sa ganitong pakikipagkalakan?
A. Mapapaunlad ang pagsasaka sa bansa.
B. Mag-aaral ang maraming iskolar sa ibang bansa.
C. Magkakaroon ng sapat na edukasyon ang mga Pilipino.
D. Maipagbibili natin sa ibang bansa ang mga produktong yari sa atin.
39. Ano ang epekto ng pagsapi ng Pilipinas sa mga samahang pangrehiyon?
A. Naging sanhi ng pagkabahala ng ibang sector sa lipunan.
B. Nagkaroon ng pagkakataong makipagpalitan ng kaalamang panteknolohiya.
C. Nagdulot ng kahirapan sa pananalapi ng bansa.
D. Nagkaloob ng insentibo sa mga negosyante.

40. Walang bansang makapag-iisa. Ito ang paniniwala ng mga bansa, kung kaya’t nagtatag sila ng ibang samahan na
ang ilan ay sinalihan ng Pilipinas. Ano ang kahalagahan ng pagsali dito ng Pilipinas?
A. Maihanda ng pamahalaan ang bansa sa anumang kaguluhan.
B. Maaaring tulungan ng mga bansang kasapi ang Pilipinas kapag nangailangan ng tulong.
C. Magiging ligtas ang bansa sa anumang kaguluhan.
D. Maisasaayos ang kabuhayan ng bansa.
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT
AP VI

SUSI NG PAGWAWASTO

1. B 21. D 41. C
2. D 22. B 42. A
3. D 23. B 43. B
4. D 24. C 44. B
5. C 25. A 45. B
6. B 26. D 46. C
7. A 27. D 47. B
8. C 28. B 48. B
9. B 29. C 49. C
10.D 30. D 50.
11.D 31. B
12.B 32. D
13.C 33. D
14.C 34. C
15.C 35. D
16.D 36. C
17.A 37. B
18.A 38. D
19.C 39. B
20.C 40. B

You might also like