You are on page 1of 3

TALAAN NG ESPISIPIKASYON

IKATATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN V
Bilang
Layunin ng Porsyento Kinalalagyan
Aytem
1. Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa 2 5 1-2
panahon ng Español (ei pagkakaroon ng organisadong
poblasyon, uri ng tahanan, nagkaroon ng mga sentrong
pangpamayanan at iba pa)
2. Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa
lipunan bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng
Kolonyalismo
2.1 Napaghahambing ang mga tradisyunal at 5 12.5 3-7
ditradisyunal na papel ng babae sa lipunan ng
sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo
2.2 Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapa-buti ng 1 2.5 8
katayuan ng mga babae
3. Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa
Panahon ng Espanyol
3.1 Naipaliliwanag ang impluwensya ng kulturang 2 5 9-10
Espanyol sa kulturang Pilipino
3.2 Natatalakay ang bahaging ginagampanan ng 2 5 11-12
Kristianismo sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino
3.3 Nasusuri ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino 3 7.5 13-15
sa kulturang ipinakilala ng Espanyol
4. Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya
na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan
4.1 Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang 4 10 16-19
kolonyal sa uri pamamahala ng mga sinaunang Pilipino
4.2 Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga
sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo 2 5 20-24
4.3 Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa
pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang
Pilipino 4 10 25-28
5. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging 1 2.5 29
epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino
6. Naipaliliwanag ang di matagumpay na pananakop sa mga
katutubong pangkat ng kolonyalismong Espanyol
6.1 Nasusuri ang mga paraang armado ng pananakop ng 3 7.5 30-32
mga Espanyol
6.2 Natalakay ang iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong 3 7.5 33-35
pangkat sa armadong pananakop
6.3 Natatalakay ang mga isinagawang rebelyon ng mga 2 5 36-37
katutubong pangkat
6.4 Natataya ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba 2 5 38-41
pang reaksiyon ng mga katutubong Pilipino sa
kolonyalismo
6.5 Nakakabuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di 4 10 42-45
matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol
sa ilang piling katutubong pangkat
7. Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa 5 12.5 46-50
pagkabansa at pagkakakilanlan ng mga Pilipino
50 100% 50
Inihanda ni:

ARLENE Y. HERNANDEZ
Guro
Nabatid:
FEBELYN D. BALBUENA
Punungguro IV
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN V
PANGALAN:_______________________________________ MARKA:____________________
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ______ ay sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong Filipino sa mga kabayanan.
A. Polo y servicio B. Reduccion C. Bandala D. Encomienda
2. Isang uri ng tirahan na malaki at matibay na naging simbolo ng antas ng pamumuhay ng isang pamilya ay _______.
A. Bahay na bakal B. Bahay na bato C. Bahay na kahoy D. kubo
Panuto: Tradisyunal o Di-Tradisyunal.Isulat sa sagutang papel ang titik T kung Tradisyunal ang tinutukoy na
bahaging ginampanan ng kababaihan sa lipunan at DT kung hindi.
3. Hindi sila pinahintulutang makilahok sa mga gawaing panlipunan, ekonomiko, at pampolitika.
4. Hindi sila pinahihintulutang makihalubilo sa mga lalaki, lalo na sa mga gawaing pampamayanan.
5. Nakipaglaban upang isulong ang kalayaan ng bansa.
6. Nagtangan sila ng mahalagang gampanin sa tahanan at lipunan.
7. Maaari silang magmana ng ari-arian, makipagkalakalan at maging pinuno ng barangay kapag walang lalaking papalit.
8. Ayon sa ______________ nabigyan ang mga kababaihan ng karapatan sa edukasyon
A. Educational Decree of 1865 C. Educational Decree of 1898
B. Educational Decree of 1863 D. Educational Decree of 1835
9. Binago ng mga Espanyol ang pangalan ng mga pook, pueblo at alcladia na hango sa pangalan ng mga patron at santo.
A. tama B. mali C. di-tiyak D. walang katotohanan
10. Ang dinalang sayaw ng mga Espanyol na ______ ay nagkaroon ng magkakaibang bersiyon ng iba’t ibang rehiyon ng bansa.
A. Itik-itik B. fandango C. jota D. tinikling
11. Unang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng mga dasal na isinalin sa wikang Tagalog.
A. Bibliya B. Korido C. Doctrina Christiana D. Kristiyano
12. Ang kauna-unahang paaralang pamparokya ay itinatag ng mga misyonerong Augustinian sa Maynila.
A. Tama B. Mali C. di-tiyak D. walang katotohanan
13. Ito ay isang ticket na nagbigay-karapatan sa mga mangangalakal na makilahok sa kalakalang galyon.
A. Promissory note B. falla C. boleta D. cedula personal
14. Pinakamataas na pinuno ng kolonya.
A. Pangulo ng Audiencia B. Hari ng Spain C. Gobernadorcillo D. Alcalde Mayor
15. Pamahalaang nahahati sa panlalawigan, panlungsod, pambayan, at pambarangay.
A. Pamahalaang Sentral B. Pamahalaang Lokal C. Pamahalaang Pambayan D. Pamahalaang Panlungsod
Isulat ang titik lamang.
____ 16. Nagmula sa salitang balanghay o balanghai na tawag sa mga A. Pamahalaang Lokal
sasakyang-pandagat ng mga Malay.
____ 17. Ikalawang antas ng pamamahala ng mga Español sa Pilipinas. B. Pamahalaang Barangay
Ito ang pamahalaang umusbong mula sa sistemang encomienda
na unang ginamit ng mga dayuhan.
____ 18. Pamahalaang dinala ng mga Muslim sa ating bansa. C. Pamahalaang Sultanato
Itinatatag ito ni Shariff Abu Bakr.
____ 19. Maihahalintulad sa ehekutibong sangay ng pamahalaan sa D. Pamahalaang Sentral
kasalukuyan. Ang itinatag ng mga Español ang may kapangyarihang
mamahala sa buong kolonya. Ito ang nagsilbing kapalit ng iba’t-ibang
barangay na kanilang inabutan sa Pilipinas.
Isulat ang mga titik na KSP sa patlang kung ito ay tumutukoy sa sistema ng kalakalan ng sinaunang Pilipino at KKE
naman kung tumutukoy ito sa kalakalan sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
_______20.Ang sistema ng kanilang pangangalakal ay barter o palitan, kung saan ang dalawang mangangalakal ay
magpapalitan lamang ng kani-kanilang mga kalakal.
_______21. Ang mga kalakal tulad ng seda mula sa China at mga pampalasa ay inilululan sa galyon. Pagdating nito sa
Acapulco ipinagbibili ang mga ito sa higit na mataas na halaga.
_______22.Sa huling bahagi ng panahon ng bato, naging masigla ang dayuhang kalakalan dahil sa higit na mainam ang
transportasyong pandagat. Bunga nito, napayaman ang kulturang Pilipino dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga
dayuhan.
_ _______23. Ito ay tinuring na higit na nakasama at hindi nakabuti sa kalagayang pangkabuhayan ng bansa.
_______ 24. Ang kalakalang ito ang naging daan ng pagpapalitan ng kulturang Kanluran at Silangan.
25. Pinakamataas na pinuno ng kolonya.
A. Pangulo ng Audiencia B. Hari ng Spain C. Gobernadorcillo D. Alcalde Mayor
26. Pamahalaang nahahati sa panlalawigan, panlungsod, pambayan, at pambarangay.
A. PAmahalaang Sentral B. Pamahalaang Lokal C. Pamahalaang Pambayan D. Pamahalaang Panlungsod
27. Lisensiyang pribilehiyo ng alcalde mayor na makalahok sa komersiyo at kalakalan.
A. cumplase B. reduccion C. indulto de comercio D. encomienda
28. Ito ay isang ticket na nagbigay-karapatan sa mga mangangalakal na makilahok sa kalakalang galyon.
A. Promissory note B. falla C. boleta D. cedula personal
Isulat ang titik A kung tama at B naman kung ito ay mali.
_____ 29. Bago dumating ang mga Espanyol, ang ganap na kapangyarihang mamuno sa isang pamayanan ay hawak ng datu.
_____ 30. Naging mapang-abuso ang mga opisyal na Espanyol at hindi naging pantay ang pagtrato sa mga katutubo.
_____ 31. Ang mga Filipino ay naging tagasunod lamang sa sariling lupain na pinamumunuan ng mga banyaga.
_____ 32. Ang tributo ay isang Sistema o paraan ng pagbabayad ng mga produkto ng mga Pilipino kaysa sa halagang salapi.
_____ 33. Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo at mga patakaran tulad ng reduccion, encomienda, polo y servicio, at
tributo upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang Pilipinas.
_____ 34. Ipinatupad ng mga Igorot ang divide and rule policy upang pagwatak-watakin ang mga katutubo upang hindi sila
magkaisa laban sa Espanyol.
_____ 35. Ang commandancia ang pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang maging mapayapa ang
partikular na teritoryo at sumunod sa mga Espanyol ang mga taong nakatira dito
_____ 36. Ang mga Muslim ay lumaban sa puwersa ng mga Espanyol na sumalakay sa Mindanao sa serye ng labanang tinawag
na Digmaang Moro.
_____ 37. Anim na digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at mga Espanyol.
Basahing mabuti ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A. Pagsuway ng mga Igorot sa Patakarang Espanyol C. Pakikidigma ng mga Muslim
B. Pangagayaw ng mga Igorot D. Paglagda ng Kasunduan ng mga Muslim

_____ 38. Inilunsad ang anim na Moro War sa pagitan ng ika-16 at ika-19 na siglo.
_____ 39. Napilitang lumagda sa kasunduan ang mga Muslim dulot ng panggigipitni Gobernador-Heneral Juan Antonio de
Urbiztondo.
_____ 40. Hindi pagsunod ng mga Igorot sa mga patakaran ng monopolyo ng tabako.
_____ 41. Ang reaksiyon nilang ito ay tinatawag ding headhunting na isang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma at
pagpugot sa kaaway.
_____ 42. Ito ay tawag sa banal na digmaan ng mga Muslim.
A. Moro B. Jihad C. Salat D. Islam
_____ 43. Ito ay isang tradisyon ng pakikidigma at pamumugot ng mga katutubong Igorot.
A. Salat B. Moro War C. Headhunting D. Jihad
_____ 44. Ipinakita ng mga Muslim ang kanilang pagtanggi sa kolonyalismong espanyol sa anim na digmaang tinawag na ___.
A. Moro B. Jihad C. Salat D. Islam
_____ 45. Si ________ ang sultan na unang naglunsad ng banal na digmaan laban sa mga Espanyol.
A. Jose Basco B. Rajah Sulayman C. Sultan Kudarat D. Miguel Lopez de Legazpi
Piliin sa ibaba ang mga tamang kasagutan.
Gunitain ang Kapangankan ni Hesus pagsalu-salo
Pag-alala sa kapanganakan o pagkamatay ng santo Magalang
Sambahin ang Panginoong Hesus

46. Isa sa layunin ng pagdiriwang ng pasko ay __________________.


47. Ang pagiging _______________________ sa matatanda ay isang kaugalian na itinuro sa atin ng mga Kastila na hanggang
sa kasalukuyan ay ating isinasagawa.
48. Ang ginampanan ng Kristiyanismo sa kultura ng Pilipino sa pista ay _________________.
49. Isa sa ginampanan ng Kristiyanismo sa tradisyon at kultura ng mga Pilipino ay ang __________ng pamilya tuwing may
okasyon.
50. Ang pagdarasal ay isa sa mga kultura na itinuro ng Kristiyanismo na layunin nito ay ________________.

You might also like